Unexpected

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

Narrator: Saengil chukhahamnida Jessica ♥

 

 

6:30am pa lang ay naghihintay nanaman sa labas ng skwelahan si Sooyoung dahil nakasanayan na niya ito. Lihim siya nag sta-stalk kay Yoona. Ibang kotse nanaman gamit niya dahil nakita ni Yoona kotse nya kahapon. Hindi siya sanay dahil Manual Car ito. Sanay na talaga siya sa Automatic. Ang malas pa dahil umuulan. Gusto niya sana sunduin si Yoona sa bahay nila. Pero ayaw niya naman maging halata. Kaya hinintay niya nalang ito.

7am na hindi parin dumadating si Yoona. Nagaalala na siya. Madami na pumapasok sa kanya utak. Baka na disgrasya na siya dahil madulas ang daan. Baka na stranded siya sa daan. Baka nilalagnat nanaman siya. Worse, baka hindi siya papasok ngayon araw. Ayaw na ayaw niya mangyari yun. Alam mo na? Yung masaya ka pagnakikita mo siya.

Mula sa kanto nakita niya si Yoona. Nakahelmet at raincoat. Hindi parin sapat yun halatang basang basa siya. Kaya bumaba si Sooyoung sa kotse may kasamang payong. Hinintay niya si Yoona dumaan sa kinatatayuan niya. Nung nasa malapit na siya, tinawag niya ito. Agad lumapit Sooyoung.

Ipinarada ni Yoona ang scooter niya sa tabi at ngumiti kay Sooyoung. Automatic ngumiti din si Sooyoung kay Yoona.

 

"Sumama ka nga sa akin!" sabi ni Sooyoung habang kinaladkad niya si Yoona papunta sa kotse niya.

 

"Teka teka saan ba tayo pupunta?" tanong ni Yoona kay Sooyoung pero hindi siya sumagot.

 

Pinagbuksan niya ng kotse si Yoona. Pero nakatingin lang siya kay Sooyoung. Tila hinuhulaan kung ano binabalak niya o saan sila pupunta.

 

"Tanga ka ba o bobo? Sumakay ka na!" naiinip na sagot ni Sooyoung.

 

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Yoona.

 

"Wag na madami tanong" tinulak ni Sooyoung si Yoona sa loob ng kotse. Tsaka sumakay din siya at umupo sa Driver's seat.

 

Mula sa likod ay may kinukuha si Sooyoung. Nung mahanap niya ay binigay niya agad kay Yoona. Hindi ito tinanggap ni Yoona. Nakatingin lang siya sa makapal at ma-itim na jacket.

 

"Ngayon ka lang ba nakakita ng Jacket?" tanong ni Sooyoung. "Suotin mo yan, wag mo tingnan. Giginawin ka parin kung titingnan mo lang ang jacket"

 

Tahimik na sinuot ni Yoona ang jacket na binigay ni Sooyoung tila wala parin maintindihan sa nangyayari. Nung natapos na siya at titingala na siya ay nagulat si Yoona kung gaano kalapit ang mukha ni Sooyoung sa mukha niya, pero nakatingin naman ito sa baba.

 

"Sooyoung, ako na, marunong naman ako mag seatbelt" nag-init ang pisngi ni Yoona at bumilis nanaman tibok ng puso niya.

 

Nakatitig lang kay Yoona si Sooyoung. Gaano parin kalapit ang mukha nila. Halos maramdaman na niya mainit na hininga ni Sooyoung. Maya maya lumayo siya kay Yoona at nistart ang kotse.

Tahimik lang nagda-drive si Sooyoung. Si Yoona naman at tumahimik na rin dahil hindi naman siya kinakausap ni Sooyoung. Natatakot siya sa kilos nito. Natatakot siya kung saan siya dadalhin nito. Natatakot siya dahil halos 30minutes na siya hindi nagsasalita. Gusto niya sana magtanong ulit kay Sooyoung kung saan siya dadalhin nito. Pero natatakot siya. Baka mainis ito sa kanya.

 

"Sooyoung may pasok pa ako, at ikaw din.." dahan dahan nagsalita si Yoona.

 

"Wala akong paki-alam" sagot ni Sooyoung. Ni hindi man lang siya tiningnan.

 

Simula nun hindi na ulit nagsalita si Yoona.

 

Bakit ba ang cold nanaman niya sa akin?

 

May kasalanan ba ako?

 

May nagawa ba ako?

 

Saan niya ba talaga ako dadalhin?

 

May masama ba siya binabalak sa akin?

 

Hanggang sa makarating sila sa isang malaking gate. Automatic bumakas ang malaking gate at pumasok ang kotse na sinasakyan ni Yoona. Nakita niya ang loob. Hindi siya siguro kung bahay ito o palasyo. May fountain sa harap ng building. Dalawang maliit na kalsada nakapalibot sa fountain. May harden naman sa gilid. Isa isa nagsilabasan ang mga tao may dala itong payong. Pareho pa kulay. May isa naman pinagbuksan ng kotse si Sooyoung. Ngayon nakakasiguro na si Yoona na bahay ito. Bahay ni Sooyoung! Bahay ng mga Choi! Bumaba sa kotse si Sooyoung at nakatayo lang ito sa labas ng kotse. Kinatok niya ang bintana, agad naman binaba ni Yoona ang bintana ng kotse.

 

"Tanga ka ba? Ano ba hinihintay mo dyan? Himala?" tanong ni Sooyoung kay Yoona.

 

Dali dali lumabas si Yoona sa kotse at sumunod kay Sooyoung. Isa isa yumuko ang mga tao nung dumaan si Sooyoung. Naiilang si Yoona dahil wala namang ganito sa kanila. Pag umuwi siya sa bahay nila wala sumasalabong sa kanya. Minsan naman sinasalubong siya ng talak ng mama niya. Minsan pag umuuwi siya ang sumasalubong lang sa kanya ang harutan ng mga magulang niya.

Nang makapasok sila sa loob ng bahay. Sumalubong sa kanya ang napaka laking chandelier at dalawang hagdanan. Sa gitna ng dalawang hagdanan ay nakita niya ang napakalaking sala. Puting tiles ang sahig nito at napaka kintab. Sa gilid ng hagdanan ay may mga litrato dito. Sa tingin ni Yoona family picture nila ito.

Naglakad si Sooyoung papunta sa pagitan ng dalawang hagdanan, nakasunod parin si Yoona. Napansin niya bago sila makarating sa sala ay may hallway dito. Pumasok sila sa napaka laking living room. Nakita niya ang napaka laking TV at may sound system sa baba. May nakita din siya napaka-laking sofa at may center table ito. May nakita din siyang piano malapit sa bintana. May tulikivi sa gilid.

 

"Ahjumma!" mula sa hallway nakita niya si Sooyoung may kausap na babae. "Kumuha ka ng bathrobe, towel at...."

 

Nakita ni Yoona yumuko ang babae sa harap ni Sooyoung at lumapit ito sa kanya. "Miss sumunod ka sa akin" Magalang na sabi ng babae. Kinakabahan si Yoona dahil iniwan siya nito kasama ang babae hindi niya kilala.

 

 


 

 

Wow bahay ba talaga to o Hotel?! May sariling salon at spa sa loob ng bahay. Ano ba talaga binabalak mo Choi Sooyoung? Inis na inis si Yoona dahil hindi naman talaga siya sanay magsuot ng dress at sandals. Mas comfortable siya sa sneakers at pants. Hindi siya komportable sa suot niya ngayon. Lalo pa siya naiinis dahil hindi niya makita ang bakulaw gusto na niya pumasok sa LSMU. Halos half day na siyang absent ngayon. Salamat kay Choi Sooyoung

 

"So, nagustohan mo ba?" nakangiting tanong ni Sooyoung.

 

"Hindi! Nasaan na ba damit ko ha?" inis na tanong ni Yoona.

 

"Pinatapon ko na" sagot na sarkastiko ni Sooyoung.

 

"Ang sama mo talaga sino bang may sabi sayo na bihisan mo ko ha!" nagtaas ng boses si Yoona.

 

"Mas bagay sayo ang ganyan" nakangiting sagot ni Sooyoung. "Pwede bang makipagdate sayo Im Yoona?"

 

"Date mo mukha mo!" binato ni Yoona si Sooyoung ng suot niya na sandals. "Asan na ba kasi damit ko!"

 

"Alam mo bang maganda ka?" seryosong tanong ni Sooyoung.

 

Nang marinig niya sinabi ni Sooyoung, hindi na siya makasagot. Bigla nag-slow motion ang mundo. 5 words lang kaya na siya patahimikin. Hindi niya aakalain maririnig niya ito sa bibig ni Sooyoung. Hindi niya aakalain, ganito ang epekto ni Sooyoung sa kanya. Harsh naman siya, hindi naman siya cheesy magsalita.

 

Hay nako Im Yoona, hindi naman ako nagba-blush pag may pumupuri sa akin. Sanay na ako dun. Mas may cheesy pa nga kaysa dun. Bakit ba ako kinikilig?

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu