Stubborn Heart

[SOSHI Tales] Soshi Four

 

 

Maaga pa lang ay nasa skwelahan na si Yuri. Dahil hindi siya makatulog kagabi, kaya pumasok nalang siya sa skwelahan. Nang nakauwi na sila ng Seoul ay hindi na niya matanggal sa isip niya si Jessica. Kagabi pa niya ito iniisip. Hindi matanggal sa isip niya ang umiiyak na si Jessica. Masakit sa kanya ang iwan ito, pero pakanan lang ni Jessica ang iniisip niya.

Pumasok si Yuri sa loob ng rooftop. Tumingala siya sa langit at ngumiti. Pinasak niya earphones niya tsaka umupo sa sahig.

 

Naglalaro si Yuri kasama ang apat niyang kaibigan. Tahimik lang naglalaro si Yuri sa tabi ni Hyoyeon.

 

"Haha ano yan Sooyoung? Sheriff Woody?" tumawa ang isa nilang kaibigan.

 

Ngumiti lang si Sooyoung. "Regalo sa akin toh ng lolo ko" pagmamayabang ni Sooyoung.

 

"Hahaha! Ang pangit" sabi ng isa nilang kaibigan.

 

Kumunot ang noo ni Sooyoung at tumayo. Tsaka tinulak ang isa nilang kaibigan. Tumayo din si Taeyeon para awatin si Sooyoung. Habang si Yuri at Hyoyeon naman ay nagulat sa ginawa ni Sooyoung.

 

"Ano sabi mo?!" galit na tanong ni Sooyoung.

 

"Diba mayaman kayo? Bakit Woody lang kinaya ng lolo mo?" tanong ng isa nilang kaibigan.

 

"Bakit may problema ka?" tinulak ulit ni Sooyoung isa nilang kaibigan.

 

"Pangit laruan mo, Soshi Five tayo dapat mga astig tayo" kinuha ng kaibigan niya ang laruan tsaka tinapon ito.

 

Nagsimulang umiyak si Sooyoung. Tumayo na rin si Yuri at Hyoyeon lumapit sila kay Sooyoung.

 

"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo?" galit na tanong ni Hyoyeon.

 

"Maging fare naman kayo, Soshi Five tayo.. Wag kayo maging bias dahil lang siya ang pinaka mayaman sa atin" naglakad ito palayo sa kanilang apat.

 

"Tahan na..." sabi ni Yuri habang hinahagod likod ni Sooyoung.

 

"Yung woody ko" hindi parin tumigil sa pag iyak si Sooyoung.

 

"Tara hanapin natin" sabi ni Taeyeon kay Hyoyeon.

 

"Basurang woody" sabi ng kaibigan nila tsaka tinapakan ito.

 

Tinaas ni Sooyoung ulo niya at tiningnan ng masama kaibigan nila. Pinahid nito luha niya gamit ang braso niya tsaka tumayo ito at sinugod kaibigan nila. Sinapak niya ito at sinakal ng napaka-higpit. Nagulat sila Yuri, Taeyeon at Hyoyeon sa ginawa ni Sooyoung.

 

"Ang sabi ko bigay yan ni Lolo!" sigaw ni Sooyoung habang sinasakal ito.

 

Napansin nilang namumutla na isa nilang kaibigan kaya na alarma silang tatlo habang pinapanuod ang dalawang bata nagaaway. Tumakbo si Taeyeon sa direksyon nila at inawat niya si Sooyoung. Tumakbo narin sila Yuri at Hyoyeon sa direksyon nila. Natakot si Yuri habang pinapanuod ang galit na mukha ni Sooyoung.

 

"Syoo, awat na!" sigaw ni Taeyeon.

 

Pero hindi parin nakinig si Sooyoung.

 

"Syoo, mapapatay mo na siya!" sigaw ni Hyoyeon.

 

Parang bigla itong nagising sa katinu-an at binitawan ang le-eg ng kaibigan nila. Pa-ubo ubo ang isang bata tsaka tumakbo ito papalayo sa apat. Umupo si Sooyoung sa sahig tsaka nagpatuloy itong umiyak. Umupo din mga kaibigan niya tsaka niyakap nila si Sooyoung.

 

Naputol ang pag-muni muni niya ng may pumasok sa Rooftop. Hinintay niya ito pumasok. Maya maya ay lumabas mula sa pintuan si Yoona habang palinga-linga ito sa paligid.

 

"Hoy!" iniba ni Yuri boses niya.

 

Nagulat si Yoona tsaka tumakbo ito palabas ng pintuan. Tumawa ng malakas si Yuri tsaka hinabol ito mula sa hagdanan.

 

"Yoona!" tawag ni Yuri.

 

"Yuri!" sigaw ni Yoona, tsaka umakyat uli ito sa taas. "May ibang tao ba sa taas?" tanong ni Yoona.

 

"Wala" nakangiting sagot ni Yuri.

 

"Ikaw yun?" nakataas kilay ni Yoona.

 

"Oo" tsaka tumawa ng napaka-lakas si Yuri.

 

"Tinakot mo ko!" reklamo ni Yoona tsaka pumasok ito sa rooftop.

 

Nakangiti si Yuri habang pumasok sa Rooftop.

 

"Syoo! Bakit ka umiiyak?" tanong ng batang naka-blonde kay Sooyoung.

 

Napatigil ang apat sa paglalakad at sabay-sabay nilang tiningnan si Jessica.

 

"Girlfriend mo?" papanudyo ni Hyoyeon.

 

"Ang bata mo pa, alam mo na mga girlfriend-girlfriend na yan" saway ng babaeng naka-blonde

 

"Bata ka rin naman ha?" sabi ni Hyoyeon. "Tsaka...Nakikita ko yun sa TV"

 

"Sabi ng mommy at daddy ko.. Ang mga bata ay hindi pa dapat nag gu-girlfriend-girlfriend." sabi ng batang naka-blonde

 

"Hindi purket magka-klase tayo ay magkaibigan na tayo" sabi ni Sooyoung sa batang naka-blonde tsaka nagpatuloy ito sa paglalakad papunta sa mansyon ng mga Choi. Tsaka sumunod rin si Hyoyeon at Taeyeon.

 

"Hi, I'm Jessica Jung" sabi ng batang naka-blonde habang inaabot kamay niya kay Yuri.

 

Tiningnan ni Yuri kamay ni Jessica, hindi niya alam gagawin niya. Nagulat siya ng hawakan ng batang naka-blonde kamay niya at nung tiningnan niya ito ay naka-ngiti ito sa kanya. Dahan-dahan ngumiti si Yuri habang pinagmamasdan niya ang batang blonde ang buhok.

 

"Kwon..Kwon..Yuri..Kwon Yuri" ngumit si Yuri.

 

"Hoy Kwon!" ginising ni Yoona si Yuri sa reyalidad.

 

"Oh bakit?" tiningnan niya si Yoona.

 

"Hindi mo ba ipaglalaban si Jessica??" maingat na tanong ni Yoona.

 

"....." iniwasan niya ng tingin si Yoona.

 

"Yuri..." mahinang tawag ni Yoona tsaka tumabi ito sa kanya.

 

"Baka makita tayo ni Sooyoung, possesive pa naman yun" nakangiting sabi ni Yuri

 

"Hayaan mo siya" sabi ni Yoona. "Sana ipaglaban mo siya?" hindi nagpa-apekto si Yoona.

 

Bumuntong hininga si Yuri. "Para din sa kanya yun Yoona"

 

"Para sa kanya? Pero sinaktan mo siya...." mahinang sabi ni Yoona.

 

"Di na kami pwede" bulong ni Yuri.

 

"Pwede naman...Ikaw lang umayaw" pagtama ni Yoona.

 

"Yoona, ayuko mag-away sila ng magulang niya para sa akin" bulong ni Yuri.

 

"Hindi naman sila pakakasalan mo, si Jessica naman eh" sagot ni Yoona.

 

Bumuntong hininga uli si Yuri. "Ayaw nila sa akin.."

 

"Mas hindi ka nila magugustohan kung patuloy mo parin siyang sasaktan..." sagot agad ni Yoona.

 

Tumahimik si Yuri. May bumubuo na luha mula sa mata niya.

 

"Ipaglaban mo siya Yul.." nakangiting sabi ni Yoona.

 

"Wag mo sira-in relasyon niyo para sa Fix Marriage lang"

 

"Kung sakaling mangyari sa amin yan, ipaglalaban ko parin si Sooyoung.."

 

"Pero kung sasabihin niya sa akin di na niya ako mahal"

 

"Tsaka ko siya titigilan" ngumiti ng mapait si Yoona.

 

"Sundan mo siya Yul, pumunta ka sa USA" hinawakan ni Yoona kamay ni Yuri.

 

Tumingin si Yuri kay Yoona. "Tatanggapin niya pa kaya ako?"

 

"Oo naman" ngumiti si Yoona.

 

Ngumiti si Yuri. "Sige..."

 

"Anong sige?" tanong ni Yoona.

 

"Magpapa-book ako ngayon" tumingin sa kawalan si Yuri.

 

"Yan!!!! Go!!! Hwaiting Yul!!" sigaw ni Yoona habang ginagawa ang fighting style.

 

 


 

 

"Yoona!" tawag ng isang binata.

 

"Yoona!" tawag ulit ng binata.

 

Palinga-linga si Yoona, hinanap niya kung sino tumatawag sa kanya.

 

"Yoona dito!" sigaw ng binata habang kumakaway para makuha atensyon nito.

 

Nagtaas ng kilay si Yoona. Dahil hindi niya ito kilala. Tumakbo naman ang binata palapit sa kanya.

 

"Mmmm.. Magkakilala ba tayo?" tanong ni Yoona sa nakangiting binata.

 

Ngumiti ang lalaki. "Schoolmate mo ko nung highschool. Yung manliligaw mo dati"

 

Kinilatis ni Yoona ang lalaki pero hindi niya talaga ito kilala.

 

"Lee Jonghyun" nagpakilala ang binata.

 

"Jo-Jonghyun?!" dumilat si Yoona.

 

Ngumiti ang binata habang tumatango.

 

"Hindi kita nakilala" sabi ni Yoona. Nung nasa highschool pa kasi sila ay payat pa ito at mahaba ang buhok nito. Kaya hindi niya ito nakilala.

 

"Gumanda ka lalo" sabi ng binata habang nakatitig kay Yoona.

 

"Saan nga pala punta mo Ulzzang Baby?" pabirong tanong ni Yoona.

 

"Sa LSMU magpapa-enroll" sagot ng binata hindi parin inaalis tingin nito kay Yoona.

 

"Taga LSMU ako" ngumiti si Yoona. "Pwede kitang tulungan"

 

"Talaga?" ngumiti ng mas matamis ang binata.

 

 

 

 

Narrator: Uh-Oh......

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
Sooyoung and Yoona holding hands on #GG3rdJPNTOUR *sobbing*

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Lam ko 'to <3 Isa 'to sa pinaka favorite ko sa wattpad na Soona :D
itsmecarylann
#2
Chapter 48: i think there's a reason why she's crying. I will prepare myself for incoming chapters.


Wow update, I miss you
Smilers #3
Chapter 44: Update soon hehe
A_Deewaggie
#4
Chapter 43: It's a short update but it's okay author :)
I hope your condition now it's okay author :)
Update soon :))) But don't forget yourself to rest :)
YoongMae-ssi
#5
Chapter 40: JungLi... Love each other na lang..

Then, YulSic forever!

And of course SooNa, HartHart~~ :3

*sabog confetti para sa 3 couple* hehe
shikshinhot24
#6
Chapter 40: tssss my JungLi ♥ <////3 ang sakit ate lang pala ni sulli crush ni krsytal <////3
YoongMae-ssi
#7
Chapter 39: Sooyoungie!! So sweet, always go to Yoongie's house. :3
YoongMae-ssi
#8
Chapter 39: YulSic!!! Yuri-ah!! Do something!!!
YoongMae-ssi
#9
Chapter 37: hoho! JungLi! Sulli's kinda crazy! XD

I really hope YulSic will get better VERY SOON!!

SooNa! I love you both. Always! The BEST!!! :3
crpdm15
#10
Chapter 37: JungLi moment ftw! Awtsuu my YulSic hearts is hurt. Huhuhu