Revelation of Sorts

THE SIREN (Completed)
INT. BAHAY KUBO - MIDNIGHT

The second burst of the storm is severly lashing everything
in its path. The inhabitants of the bahay kubo were too
drunk to care. Lena, however, have more things bothering
her than the rain....her dreams.

INT. SHABBY MOTEL - FLASHBACK TO THREE YEARS AGO

Lena is in the room with her Kuya Pipo. They had just
finished a "job." On the table is a stack of cash.

PIPO
Lena, nakita mo na ang galing ng
Kuya mo?

LENA
Idol kita talaga, Kuya!

PIPO
Alam mo sa ganitong hanap-buhay
Lena, kailangan marunong kang magisip.
Kung hindi, mahuhuli ang
diskarte mo!

LENA
Saan mo ba nakukuha ang mga ideas
mo Kuya?

PIPO
Kailangan original yung idea mo
Lena, kung hindi mahuhuli ka.

LENA
Kailan mo ba ako isasali sa mga
lakad mo, Kuya?

PIPO
Huwag muna ngayon Lena, di pa panahon.

LENA
Hindi kuya, kaya ko na.

PIPO
Alam mo Lena, marami akong
patakaran sa aking hanap-buhay.
Gusto ko bago kang magsimula, kailangan
mong isapuso ang mga rules na ito.

LENA
Rules?

PIPO
OO Lena, may mga personal akong
pamantayan na palaging sinusunod.

LENA
Anong mga yun, Kuya?

PIPO
Una, hindi tayo magnanakaw.
Manlinlang man tayo ng maraming marami, ang
importante hindi tayo magnanakaw?

LENA
May pagkakaiba ba iyon sa ginagawa
natin?

PIPO
Malaki Lena. Ang mga magnanakaw ay
nangunguha sa pamamaraang marahas,
tayo ang tao mismo ang nagbibigay
ng kusa sa atin...

LENA
Ganon pala yun?

PIPO
Pangalawang rule. Hindi tayo
pwedeng magkaroon ng personal na
ugnayan sa mga taong ating
ginagancho. Mahirap Lena pag may
emosyong nadadamay sa trabaho.

LENA
Sige Kuya.

PIPO
Kung seryoso kang pasukin ang trabaho ko,
hetong tandaan mo Lena, kapag may
nanligaw man sa iyo, na alam ko
hindi malabong mangyari, sana
isaisip mo ang klase ng hanap buhay
natin. Malamang walang
makakaintindi sa ating trabaho.
Mahirap ang umibig sa ganitong
hanap-buhay. Napakaraming
sikretong kailangang itago.

LENA
Okay lang iyon, hindi muna ako iibig, Kuya.
Kailangang guminhawa tayo
bago ko man lang iisipin ang pag-ibig na iyan.
Di ba, pangako natin yun kina inay
at itay na ilagay sa mabuti ang ating mga buhay?

PIPO
Inaasahan ko ang mga sinabi mo Lena.
At ang huling pamantayan...

LENA
Ano yun, Kuya?

PIPO
Yung pangatlong pamantayan ay napakahalaga, Lena.
Hindi natin pwedeng biktimahin ang
sinumang tumulong o naging mabuti sa atin. Hangga't maari,
hindi tayo mangbibiktima ng mga mabubuting tao, Lena.
Hangga't maari...

LENA
Naiintindihan ko yun, Kuya.

PIPO
Kahit ganito ang trabaho natin Lena,
dapat marunong tayong tumanaw ng
utang na loob sa mga mabubuting tao.

LENA
Sige Kuya....isasapuso ko ang lahat
ng mga sinabi mo.

PIPO
Lena ang mga pamantayang ito ang
mag-sesepara sa atin sa mga ibang
magnanakaw at mga mangagancho. Kung
hindi natin to susundin, magiging
ordinaryong magnanakaw na lang tayo,
at ginagarantiya ko sa iyo Lena,
yun na ang magiging katapusan natin...

LENA
Naiintindahan ko, Kuya.

INT. BOAT GALLEY - FLASHBACK TO NIGHT OF INCIDENT

Lena and Pipo are casually talking on the deck.

LENA
Kuya, kinakabahan ako sa gagawin natin.

PIPO
Bakit Lena?

LENA
First time kasi nating mag-break in,
Kuya. Ngayon lang natin gagawin ito!

PIPO
Isipin mo na lang na katulad ito ng
mga iba nating raket...

LENA
Naalala ko ang mga pamantayan natin
Kuya...nilabag natin ang ating
sariling pamantayan. Magiging
magnanakaw na tayo.

PIPO
Mula ngayon Lena, ibura mo na ang
mga pamantayang iyon sa isip mo.
Kailangan nating mag-evolve Lena,
kung hindi, hindi tayo makakaalis
sa ganitong buhay.

LENA
Oo Kuya, gagawin ko.

PIPO
Huling trabaho na natin to, Lena?
Once makuha na natin ang kwintas na
iyon, pwede na tayong magbagong
buhay sa Davao, Lena.

LENA
Promise yun, Kuya?

PIPO
Promise...

Then, the boat explodes...

INT. BAHAY KUBO - MIDNIGHT

The vividness of her dreams shakes up Lena. It made her sit
up and cry. The image of her Kuya Pipo was as clear as ever.

LENA
Kuya, kuya ko...

Little did Lena know that Enzo was awake too. He was
watching her intently. He feels the need to reach out to her.

ENZO
Lena, okay ka lang?

LENA
Enzo?

ENZO
Narinig kitang umiiyak.

He moves in closer to Lena. From the meager light he sees
that she was sweating rather heavily. Instinctively, he
feels her forehead.

ENZO
May lagnat ka...

LENA
Wala to, sinat lang.

ENZO
Nabasa ka kasi ng ulan kanina.
Ikuha kita ng tubig.

He pours her water in a glass.

ENZO
Damihan mo ang inom na tubig.

LENA
Okay na ako.

ENZO
Basa ka ng pawis. Kailangan mong
magpalit...

LENA
Basa pa yung damit ko kanina.

Enzo takes off his t-shirt.

ENZO
Eto, isuot mo muna. Akin na yang tshirt
mo, isampay natin para matuyo.

Lena was following Enzo’s instructions like it was second
nature to her. Normally, she would detest people ordering
her around. When she was done changing she settled back to
her place by the hard floor. Enzo moves in closer.

ENZO
Ba’t ka umiiyak, Lena?

LENA
Kasi may naalala lang ako...

ENZO
Gusto mong magkwento?

LENA
Wala to. Tungkol sa Kuya ko.

ENZO
Sorry nga pala, kwinento nina Daddy
Iggy ang nangyari sa Kuya mo...Nami-miss
mo siya?

LENA
Sobra...
(pauses briefly)
Tama na, ayoko nang maalala pa ang
mga nangyari.

ENZO
Mahirap ba ang maging ulilang lubos,
Lena? I’ve never had a time in my
life na sarili ko lang ang
inaasahan ko.

LENA
Mahirap, pero sanay na ako.

ENZO
You know, I envy you sometimes.

LENA
Bakit naman?

ENZO
Kasi nagagawa mo ang gusto mo...

LENA
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon.
Bakit, kala ko ba pag mayaman ka
nagagawa mo na ang lahat?

ENZO
Hindi rin Lena. Kung minsan nga
mas mahirap pa. Kasi ang expectation
sa iyo ng karamihan ay sobrang taas
dahil nga mayaman ka. Alam mo bang pag
mayaman ka, although inaasahan ka
ng marami na mag-succeed, a million
more wants you to fail...

LENA
Talaga?

ENZO
Mahilig sa inggit ang tao, Lena.
Marami sa mga tao ang natutuwa na
makakita ng isang tao na nasa taas
ng society na bumagsak ang
kabuhayan. Sasabihin nila, there
he goes...but the ironic thing is
that they want nothing less but to
be in the same position.

LENA
Alam ko ang ibig mong sabihin.
Pero hindi ganoon mag-isip ang
lahat nang nasa ibaba. Marami sa
aming mga mahihirap ang gustong
yumaman sa sariling pamamaraan.
Yung guminhawa dahil sa sipag at
tiyaga, yung walang inaapakang tao...

ENZO
Sa ideal world lang nangyayari yan,
Lena. Hindi sa tunay na buhay.

LENA
Alam mo may term sa mga taong tulad
mo? English! Nakalimutan ko, eh!

ENZO
Cynic?

LENA
Oo, tama! Yun nga, cynic. Ba’t ka naging ganoon?

ENZO
Realist lang ako Lena. I'm not a dreamer. Hindi ako
yung taong nangangarap at magigising
na lang isang araw na iba na pala
ang mundong ginagalawan ko.

LENA
Bakit nga? Kasi hindi ba ang mga
mayayamang tulad mo ay makakaafford
na maging dreamer? Kaming
mga mahihirap hindi pwedeng
mangarap, dahil pag ganon magigising na lang
kaming dilat ang mga mata sa gutom.

ENZO
Ewan ko ba. Masyado lang siguro
akong maagang namulat sa realidad
ng buhay. When I was younger I
used to be more imaginative, more
creative...

LENA
Ngayon, hindi na?

ENZO
Hindi na siguro. You can’t really
be an artist and a cynic at the
same time.

LENA
Teka, napakalalim naman ng
pinaguusapan natin.

ENZO
Oo nga, umulan lang nang malakas
eh...biglang serious mode na tayo...

LENA
Salamat sa t-shirt. Balik ko sa
iyo bukas kaagad.

ENZO
Okay lang, di naman malamig o kaya
malamok. Saka salamat din.

LENA
Saan?

ENZO
Sa pakikipag-kwentuhan sa akin.

LENA
OA mo naman.

ENZO
Bihira kasi akong makakilala ng
taong nakakausap ko ng ganito.

LENA
Sige na, matulog ka na. Lasing ka
lang ata. Good night!

ENZO
Wait, I got to tell you this...

LENA
Ano yun...

ENZO
It feels like na kilala na kita
nang matagal. It feels like I’ve
known you forever.

LENA
Talaga? Kulang ka lang siguro sa
tulog. Goodnight, Enzo.

ENZO
Good night and thank you ... for
allowing me to know that side of you..

Lena doesn’t answer. She lies down on the floor but sleep
evades her. She begins to ponder upon Enzo’s last statement.

LENA (V.O.)
Kung alam mo lang, Enzo, kung sino
ang tunay na ako...Hindi ako ang
babaeng iniisip mo...

INT. ISLAND MANSION - MIDNIGHT

Don Ignacio and Dona Consuelo are pacing back and forth.
The storm outside has not mellowed one bit.

DONA CONSUELO
Kamusta na kaya sila?

DON IGNACIO
Sana nasa mabuti silang kalagayan.

DONA CONSUELO
Paano na lang pag may mangyari sa kanila?

DON IGNACIO
Nandiyan naman sina Enzo, Lena at
Tinay. Kahit papano ay may tiwala
ako sa kanila sa mga ganitong
klaseng panahon.

DONA CONSUELO
Sana may nasilungan sila duon.

DON IGNACIO
Walang magagawa ang pag-alala natin
Consuelo.

DONA CONSUELO
Mabuti pa, manuod tayo ng balita. Baka
may updates sa bagyo...

Consuelo turns on the TV.

CUT TO:

INT. NEWS ROOM - MIDNIGHT

News anchor Eliza Marquez is getting ready to read the news
coming off from a commercial break.

ELIZA
Tayo po ay nagbabalik dito sa AVS-CVN
newsroom. Kasalukuyan pong
nananalasa ang biglang-sulpot na
tropical depression na si Manoy.
Apektado ngayon ang kabuuuan ng
kabisayaan at ang katimugang
bahagi ng Luzon. Nasa signal no.2
po ang buong Visayas at signal no.1
naman ang Bicol at southern Tagalog.
Inaasahang bukas nang umaga ay
tuluyan nang aalis ang nasabing
bagyo mula sa Philippine Area of
Responsibility...at sa aming
pagbabalik, makakausap po natin ang
kaisa-isahang survivor ng barkong
Lady of the Sea...

INT. ISLAND MANSION - SAME TIME

Don Ignacio joins Consuelo in front of the TV.

DONA CONSUELO
Mabuti naman at paalis na pala ang
bagyo sa bansa.

DON IGNACIO
Bukas nang tanghali, pwede na pala
tayong tumungo doon sa isla.

DONA CONSUELO
Salamat naman. Patayin na natin
tong TV?

DON IGNACIO
Sige. Matulog na tayo.

DONA CONSUELO
Sige...

Dona Consuelo turns the T.V., potentially missing a
revelation that could expose Lena for who she really is.

CUT TO:

INT. NEWS ROOM - CONTINUOUS

The news room is on a standstill. With the host, is a guest
with a revelation the whole nation has been waiting for.
His name is ELISEO TORIBIO - but to Lena and the handful
people who knows him, his name is PIPO RAMIREZ!

ELIZA
Magandang gabi, mga kababayan.
Narito ngayon sa aking harap ang
isa sa mga pinag-usapan
nitong mga nakaraang mga araw.
Kontrobersyal siya sapagkat siya lamang
ang makakapagbahagi sa atin sa kung
ano talaga ang nangyayari nang
gabing lumubog ang yateng Lady of
the Sea. Mga kababayan --- si
Eliseo Toribio.

PIPO
Magandang gabi, sa iyo Eliza.

ELIZA
Magandang gabi rin. Salamat naman
at pinaunlakan mo ang aming paanyaya.

PIPO
Walang anuman.

ELIZA
Unang tanong, bakit nga ba ngayon
ka lang lumabas? Naging mailap ka
nitong mga nakaraang mga araw? Bakit?

PIPO
Eliza, ito ay sapagkat ako ay
nagluluksa. Gusto ko bigyan ang
aking sarili ng pagkakataon na
maka-recover sa aking pinagdaanan.

ELIZA
Nagluluksa?

PIPO
Siguro hindi alam ng lahat...
Kasama lumubog ng barko ang aking
kapatid...

ELIZA
Kapatid?

PIPO
Opo, kasama ko siya nung gabing iyon.

ELIZA
Ang aming pakikiramay sa iyo,
Eliseo. Pasensya na at kami'y nabigla sa
bagong impormasyon iyong binitawan.
Anong pangalan niya?

PIPO
(starts to tear up)
Elena...

ELIZA
Pwede mo bang ibahagi ang nangyari
noong gabing iyon? Simulan natin sa
umpisa...Bakit kayo napasama sa party
ni General Go?

PIPO
Kaibigan ako ng pamilya Go.
Nagbebenta ako ng mga alahas sa
kanila. Inimbitahan ako ng pamilya
niya, especially ni General Go, gusto daw
niyang dumalo kami sa kanyang birthday...

ELIZA
So, kilala mo nang personal si
General Go? Kasi marami ang naging
haka-haka sa katauhan mo. Tanging
mga kaibigan lamang ng pamilya niya ang
naimbitahan sa yateng iyon.

PIPO
Hindi kami gaanong katagalan na
nagkakilala pero naging maging
magkaibigan kami sa maikling
panahong pumupunta ako sa bahay nila.

ELIZA
Mabuti naman at naklaro natin yan.
Pwede mo bang isalaysay sa amin ang
mga naalala mo sa mga gabing iyon?
Saan ka nang sumabog ang barko?

PIPO
Maayos na nagsimula ang party.
Lahat ay nag-eenjoy. Nang sa gitna
na kami ng laot, ang aking lang
naalala ay nagkagulo ang mga tao
bago pa man ang pagsabog...pakiramdam
ko noon ay may masamang mangyayari,
sinabihan ko ang aking kapatid na
tumalon. Hawak kamay kaming
tumalon pero nagkahiwalay kami sa
tubig, tapos nakita ko na lang na
sumabog ang barko. Napakabilis ng
mga pangyayari. Di kalaunan lumubog
din ito.

ELIZA
So ang ibig mong sabihin, nagkagulo
ang mga tao? Alam kaya nila na
sasabog ang barko?

PIPO
Hindi ko po alam kung alam nila,
basta ang alam ko, may kaguluhan,
nagpa-panic na ang lahat kaya sabi
ko sa kapatid ko, tumalon na.

ELIZA
Ganoon? So wala kayong ideyang
sasabog ang barko, basta na lang
kayong tumalon?

PIPO
Oo, ganoon nga po.

ELIZA
Pasensya na, pero para sa akin,
parang malabo ata na basta na lang
kayong tumalon kung nagkagulo lang
ang mga tao, maliban
na lamang na kung may alam kang
sasabog na ang barko...

PIPO
Anong ibig mong sabihin? Na may
kinalaman ako dito?

ELIZA
Hindi ko sinabi yan.

PIPO
Pero hindi ba ganon ang gusto mong
itumbok?

ELIZA
Calm down Mr. Toribio, ang aking
mga tanong ay sa palagay kong
tanong din ng mga kababayan natin,
lalong-lalo na ng mga kaanak ng mga
biktima.

PIPO
Wala akong kinalaman sa pagsabog!
Ba’t ko naman ilalagay ang buhay ko
at ng kapatid ko sa alanganin?

ELIZA
Sorry kung na-offend ka. Huling
tanong na lang Mr. Toribio, ano sa
palagay mo ang naging sanhi ng
pagsabog at paglubog ng barkong
Lady of the Sea, na siyang kumitil sa buhay
ng halos limampu ng ating mga
kababayan?

PIPO
Gaya ninyo, wish ko sana nga may alam ako.
Pero wala. Lumabas ako dito para
kung may nakakita man sa kapatid ko,
kahit sa bangkay niya, sana
maipagbigay alam niyo po sa akin.
Sa mga pamilya ng mga nasawi, ang
aking pakikiramay, ako man ay
nanlulumo sa kanilang sinapit.
Hindi ko nga po alam kung paano pa
ako nabuhay, ilang araw akong
palutang-lutang sa dagat. Siguro
may purpose pa akong kailangan kong
gampanan. Iyon ay siguro, para ilahad sa inyo
ang mga nakita ko ng gabing iyon.
Yun lang po ang aking
masasabi sa ngayon.

ELIZA
Salamat sa iyong panahon, Mr.
Toribio. Kami ay nakikiisa sa
iyong paghahanap sa iyong kapatid o
sa mga labi nito. Mga kababayan,
kami po ay magbabalik...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat