The Secret Hideaway

THE SIREN (Completed)
INT. LIVING ROOM - ISLAND MANSION - MORNING

Dona Consuelo is busy watching a localized Mexican soap
opera on TV while Don Ignacio is busy reading the papers.

DON IGNACIO
Tsk, tsk, tsk. Ganoon na lang ang
obsesyon nilang makita itong taong
ito. Limang milyong pisong pabuya?
Eh sa kung ayaw magpakita ng tao,
eh ano ang magagawa nila?

DONA CONSUELO
Tungkol ba saan iyang binabasa mo?

DON IGNACIO
Wala, balita lang. Naghahanap lang
ako ng balita tungkol dun sa
lumubog na barko.

DONA CONSUELO
O ano na ang nangyari, nagka-kaso
na ba laban sa may-ari ng barko?

DON IGNACIO
Wala pa naman. Sa palagay mo ba
dapat nating i-report sa awtoridad
na nasa kamay natin si Lena?

DONA CONSUELO
Para ano pa? Patay na rin yung
kuya niya di ba? Mas makakabuti
siguro na huwag na nating ipagbigay-alam.
Tutal wala na rin naman
siyang ibang pamilya kamo na
naghahanap sa kanya.

DON IGNACIO
Siguro nga. Pero kailangan na rin
nating sabihin sa kanya ang tungkol
sa barkong lumubog.

DONA CONSUELO
Sa mga susunod na araw na lang
siguro. Masyado pang maaga, baka
lalo lang siyang malungkot at magisip
tungkol sa Kuya niya.

A knock is head from the main door.

RAFAEL
Magandang umaga ho, Daddy Iggy at
Mommy Conching.

DONA CONSUELO
O iho, kamusta na! Pasok ka.

RAFAEL
Napadaan lang po ako dito, para
bisitahin kayo.

DONA CONSUELO
Anak naman, tatlumpong minutong
pagbabangka ang kailangan mo para
makarating dito sa amin, tapos
napadaan ka lang?

RAFAEL
Mommy naman, ang aga aga pa ho
barado na kaagad ako sa inyo. Kayo
ho talaga ang sadya ko.
Nangangamusta lang ho.
(changing the subject)
Si Enzo ho, kailan ang luwas niya dito?

DON IGNACIO
Sa katapusan ng buwan andito na
iyon. Kasama niya ang iba pa
niyang mga kaibigan. Pati yung
bagong girlfriend.

RAFAEL
Si Enzo talaga, hindi talaga
nagpapahuli basta sa mga babae.

DON IGNACIO
Siyempre, manang mana sa lolo.
Speaking of babae, kami ba talaga
ang sadya mo dito, iho? O si...

RAFAEL
Ang talas pa rin ho ng pang-amoy
niyo Lolo.

DON IGNACIO
Oo naman. Sandali tatawagin ko
siya...Lena! Lena!

Lena emerges from the kitchen with Tinay.

LENA
Andiyan na po, Lolo....
(pauses as she sees Rafael)
O Rafael, napadalaw ka?

RAFAEL
Buti naman at naaalala mo pa ang
pangalan ko. Yayayain kita sanang
magpasyal dito sa isla, Lena. Alam
ko kasi na hindi ka pa masyado
nakapag-labas-labas dito.

LENA
Sa katunayan nga ay mamamasyal nga
rin kami ni Tinay ngayon.

TINAY
Ngayon ba yun...

Lena pinches her on the side.

TINAY
Ay oo nga, sa katunayan nga paalis
na kami.

RAFAEL
Pwede bang samahan ko na lang kayo.
Matagal na rin akong hindi
nakapaglibot-libot dito sa inyo.

LENA
Naku, sabi ni Tinay, malayo at
masukal yung pupuntahan namin.
Baka mapagod ka lang.

RAFAEL
Ako pa? Kabisadong kabisado ko na
ang lugar na to. Nung maliit kami
ni Enzo, halos maubos na naming
malibot itong isla sa kakalaro.

LENA
Ganoon ba? Bahala ka kung gusto
mong sumama.

TINAY
Okay lang, at least may tagabantay
naman kami...

Lena pinches her once more on the side.

TINAY
Aray ha. Nakakarami ka na...

Lena smiles wryly at Tinay then to Rafael.

EXT. ISLAND - FOREST AREA - MORNING

Lena is trailing both Tinay and Rafael as they surge ahead
of the trail.

RAFAEL
Naalala mo pa ba ang daan dito Tinay?

TINAY
Oo naman...kabisadong kabisado ko.
Si senyorito nga mismo ang nagturo
sa akin ng shortcut na to.

LENA
Saan ba kasi ang punta natin?
Malayo pa ba?

RAFAEL
Malapit na...nahihirapan ka ba Lena?
Akin na yang dala-dala mo.

Lena hands Rafael a basket filled with snacks and the book
Lolo Ignacio gave her.

TINAY
Konti na lang Lena, at nandoon na
tayo. Promise, mage-enjoy ka.

LENA
Talaga lang ha?

They continue to walk on.

RAFAEL
Ayan, andito na tayo.

EXT. ISLAND - WATERFALL - CONTINUOUS

The moment Lena saw the place, she was mesmerized. It was
like from a dreamy fairy tale. The water gently falling from
the rocks into the greenest basin-like lagoon she has ever
seen was like a page taken out of a mystical novel. The
sun’s rays gently shining on the water’s surface creates a
rainbow of colors onto the rocks and on the gentle mist
formed by the waterfall as it splashes gently onto the rocks.

RAFAEL
Eto ang aming secret hideout nina Enzo.

TINAY
Ang ganda di ba?

Lena was dumbfounded. She has never seen anything this
beautiful her entire life.

RAFAEL
Na-discover namin ito siguro ng mga
10 years old kami. May hinahabol
kasi kaming usa noon. Dito kami
napadpad. Naging secret hideout
namin ito, ever since.

TINAY
Kaya lang, minsan nasundan ko sila.
Tapos yun pala dito pala sila
lumalangoy na dalawa. Wala silang
nagawa kundi isama na rin ako sa
secret spot nila.

RAFAEL
Ang galing mo nga Tinay eh. Hindi
nga namin akalain na may
makakadiskubre pa nito, maliban sa
aming dalawa. Kita mo yang maliit
na kubo na iyan sa bandang itaas,
yung malapit sa puno...

They venture down near the water’s edge towards the
makeshift wooden tree house.

LENA
Anong meron diyan?

RAFAEL
Yan yung fortress namin. Maraming
battles ang nabuo namin diyaan.
Alam mo naman si Enzo masyadong
makulay ang imahinasyon nun. Gagawa
ng kwento yun, tapos kami ang bida...

TINAY
Oo nga. At alam mo Lena, ako
palagi ang prinsesa.

RAFAEL
Those were the days nga naman.
Alam mo bang nasalakay na kami ng
mga dragon, ng mga taong buwaya,
mga hunyango, kung ano-ano...tapos
siyempre kami ang mga feeling na
mga artista...

TINAY
Si Enzo lagi ang direktor at
scriptwriter. Loko nga yun palagi
akong pinapatay sa mga kwento niya.

RAFAEL
Oo nga, tapos iyak ka ng iyak.

LENA
(with a hint of jealousy)
Ang saya niyo naman.

RAFAEL
Ganyan ang mga laro namin dito
noong araw. Pero habang lumalaon,
nakutento na lang kaming lumangoylangoy
dito.

TINAY
Halika, langoy na tayo, dali.

LENA
Sige.

RAFAEL
Unahan tayo!!!

All three disrobed almost immediately and jumped into the
water. Rafael gave Lena an appreciative glance as she
slipped out into her bikini before diving into the water.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat