Tragedy at Sea

THE SIREN (Completed)
INT. AVERAGE FILIPINO HOME-NIGHT

Camera focuses on a television set. It flickers. A hand is
seen adjusting the dials then banging the top of the TV.
Reception improves, focuses on a young and beautiful
newscaster with a commanding presence, KRYSTAL MARTIN.

KRYSTAL MARTIN
Magandang gabi, Pilipinas! Sa ulo
ng mga balita. Isang trahedya sa
dagat ang nangyari kani-kanina
lamang sa pagitan ng karagatan ng
Mindoro at Romblon. Napabalitang
sumabog ang barkong M/V Sea Angel
lulan ang mahigit kumulang 500
katao. Ayon sa mga nakaligtas at
nakasaksi sa mga pangyayari, isang
malaking pagsabog ang naganap sa
unahang bahagi ng barko kung saan
nakatalagak ang main navigational
equipment ng barko. Narito si Sonia
Aragon lulan ng Coast Guard para sa
mga karagdagang balita. Magandang
gabi sa iyo, Sonia.

SPLIT SCREEN:

EXT. DECK OF A SEA VESSEL - NIGHT

A news reporter, SONIA ARAGON, is standing on a deck of a
boat wearing a news reporter’s vest holding a microphone.
From the background, a small patch of the sea surface is
blazing, evidence of the location where the ship has sunk.

SONIA
Salamat, Krystal. Ang buong bayan
po ay kasalukuyang nagdadalamhati
sa trahedyang kumitil sa buhay ng
mahigit kumulang 500 nating mga
kababayan. Karamihan po ng lulan
ng barkong M/V Sea Angel ay
pinaniniwalaang nasawi kasabay ang
pagsabog at paglubog ng barko. Ang
mga mangilan-ngilang tao na
nakaligtas ay kasalukuyang lulan ng
coast guard at ngayon ay idinadala
na sa pinakamalapit na pagamutan.
Ayon sa huling bilang ay 21 lamang
ang natuluyang mailigtas ng
pinagsanib na pwersa ng Philippine
Navy at Coast Guard.

SONIA (CONT’D)
Ang karamihan ay pinangangambahang
nasawi na sa nasabing insidente.

KRYSTAL
Sonia, napag-alaman na ba ng mga
autoridad kung ano ang naging sanhi
ng pagsabog?

SONIA
Yun ang kasulukuyang iniimbestigahan
ng mga autoridad, Krystal. Sa
ngayon ay wala pang ulat sa kung
ano man ang naging sanhi ng
pagsabog. Ngunit ayon sa mga
nakasaksi, pinaghihinalaang ito ay
gawa ng teroristang grupo, sapagkat
nakatanggap diumano ang kumpanya ng
barko ng isang threat ilang linggo
lamang ang nakalipas.

KRYSTAL
Hanggang kailan ang plano ng coast
guard na maghanap pa ng mga survivors?

SONIA
Patuloy pa rin ang search and
rescue operation ng ating coast
guard at Philippine navy. Pero
napakaliit na daw ng tsansang may
makikita pa silang survivors dahil
ang lugar na ito ay kilala sa
pagkakaroon ng napakalakas na
undercurrent at pinagpupugadan ng
malalaking pating at iba pang mga
hayop dagat.

KRYSTAL
Babalikan ka namin mamayang konti,
Sonia, sa mga karagdagang mga updates.

SONIA
Salamat Krystal.

Camera slowly pans out. Slowly fading out.

KRYSTAL
Sa iba pang mga balita, patuloy pa
rin ang paghahanap ng La Plaridel
publishing sa tunay na pagkatao ng
batikang manunulat na si Constancio
Madrid...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat