The Godson / Pipo's Fate

THE SIREN (Completed)
EXT. LARGE STONE HOUSE - MORNING -ESTABLISHING

A large stone house is situated via a large patch of open
land. Trees surround the area. One side of the house is now
a converted clinic. Plastic white chairs line the shady
portion outside of the clinic. Several people are lined up,
most with sickly family members.

INT. CLINIC LOBBY - MORNING

The inside of the clinic is clean and modestly decorated.
Seated in the only couch in the room are Ignacio, Consuelo
and Lena. Patients are to and about alluding to the busy
nature of the clinic.

DONA CONSUELO
O, Lena. Hintayin na lang natin si
Duktor Martinez. Magaling yun!

DON IGNACIO
Magaling talaga si Kumpareng Manuel.
Napagaling nga niya si Enzo,
minsang itong magkasakit ng tigdas.

A tall, handsome figure of 21 appears at door. He is RAFAEL, the couple’s godson.

RAFAEL
Daddy Iggie, Mommy Conching?!!!
Kamusta na po kayo? Mano po.

DON IGNACIO
Rafael? Naku, napakalaki mo nang
bata ka!

DONA CONSUELO
(ruffles his hair)
At napaka-gwapo pa kamo! Kamusta ka
na? Kamusta ang pag-aaral?

RAFAEL
Mabuti, mabuti naman. Eto, patapos
na din po sa school. Boards na lang
po ang kulang.
(noticing Lena)
May kasama po pala kayo?

DONA CONSUELO
Ay oo nga pala. Lena, ito pala si
Rafael. Inaanak namin kay Doc
Manuel. Kababata ni Enzo. Future
architect ng San Jose.

Rafael’s eye are sparkling with delight as Lena extends her
hand. She shyly avoided the warm once over he gave her.

DON IGNACIO
Eto pala si Lena. Bisita namin siya
sa bahay. Dinala namin siya dito
para ipasuri kay Doktor.

RAFAEL
Ganoon ba? Ikinagagalak kitang
makilala, Lena. Sasabihin ko kay
Daddy na nandito kayo para sa ganon
matingnan niya kaagad si Lena.

DON IGNACIO
Salamat naman iho.

RAFAEL
Hindi po dapat pinaghihintay ang
mga kasing-ganda ni Lena.

LENA (VO)
Presko naman nito...hmmph! Gwapo
sana, pero signal no. 3 ang hangin.

DONA CONSUELO
Uy iho. Baka magalit yung
girlfriend mo ha?

RAFAEL
Si Sylvie? Wala na po kami nun.
Single na po ako ulit.

DON IGNACIO
Kung ganon, pwedeng-pwede.

LENA
Pwede sa ano po?

Rafael blushes. Lena too blushes by the candid candor of the elders.

RAFAEL
Daddy Iggie naman. Nahiya tuloy si
Lena.

LENA (VO)
At ako pa daw ang nahiya...kapal!

RAFAEL
Mommy Conching, darating po ba si
Enzo ngayong bakasyon?

DONA CONSUELO
Hindi pa namin alam anak. Alam mo
na. First year na sa medisina, baka
busy na sa pag-aaral. Sana
makarating siya.

RAFAEL
Sana nga po. Nami-miss ko na ring
pumunta dun sa inyo.

DON IGNACIO
Pwede ka naman doong pumunta kahit
wala siya ah. Nandoon naman kami,
at si Lena na rin, para ilibang ka.

Rafael looks uncomfortably at Lena for some signs of interest.

LENA (VO)
Ano ba tong connivance na to?

Lena smiles back, with a hint of annoyance as to where the
conversation is heading.

RAFAEL
Ganoon po ba? Makakaasa po kayo
bibisita po ako sa inyo one of
these days. Sandali lang po,
titingnan ko po si Daddy kung okay
na siya?

Lena lets out a sigh.

DONA CONSUELO
Alam mo Lena, mabait yang si Rafael.
Kababata ni Enzo yan. Halos sa amin
na rin lumaki yan. Pag summer dito,
hindi mo mapaghihiwalay yang
dalawang yan. Close friends talaga
sila.

LENA (VO)
Close? Hindi kaya may relasyon na
yang dalawang yan? Ang sama mo
mag-isip Lena.

LENA
Ganon po ba?
(smiles)

INT. CLINIC - MORNING

Dr. Manuel is examining Lena. He is a chubby but kind
looking man in his early 50’s.

DOCTOR MANUEL
O, iha? May nararamdaman ka bang
kakaiba tulad nang paninilim ng
paningin, pagsusuka o kaya
pananakit ng ulo?

LENA
Dok, wala naman po. Yung sugat po
kumikirot kung minsan, pero maliban
dun, wala na.

DON IGNACIO
Kamusta naman tong si Lena,
kumapare? Milagro ngang nakaligtas
siya na ganyan lang ang sugat niya.

DOCTOR MANUEL
So far okay naman ang tests niya.
Gusto ko sana i-refer siya sa isang
espesyalista para ma-CT scan o kaya
MRI ang ulo niya. Para lang
makasigurado.

LENA
Baka hindi na ho kailangan, dok.
Okay naman ho ang nararamdaman ko.

DONA CONSUELO
Paano naman yung amnesia mo iha?

DOCTOR MANUEL
Yun pa nga ang gusto kong patingnan
sana, kumare. Kaya lang nasa
siyudad na siguro ang may pinakamalapit
na facility para diyan.

DONA CONSUELO
Ganoon po ba, dok? Hindi ba kusang
babalik yun?

DOCTOR MANUEL
Let’s just hope, mare. Kasi sa
tingin ko naman hindi naman malala
ang sugat ni Lena sa noo. Hindi
naman siguro nabagok ang ulo niya.
Wala naman akong nakitang signs ng
severe trauma.

DON IGNACIO
Di ba dok, maraming klase ng amnesia?

DOCTOR MANUEL
Tama ka diyan, kumpare. Meron yung
naaalala niya ay iyung mga events
bago yung trauma, pero hirap siyang
mag-retain ng bagong memory. Meron
naman yung hindi niya maalala yung
buo nyang nakalipas. Pero
karamihan sa mga ito ay temporary
lamang. Confident naman ako na
babalik din yang alaala ni Lena.

LENA
Salamat naman kung ganoon, dok!

DOCTOR MANUEL
Pahinga ka lang iha. Reresetahan
kita ng antibiotiko para di
maimpeksiyon yang sugat mo. Baka
kasi masyado ka lang na-dtress dun
sa nangyari sa iyo kaya yung utak
mo na mismo ang gumagawa ng paraan
para makalimot.

DON IGNACIO
Di ba sabi ko sa iyo Consuelo, yun
nga ang nangyayari kay Lena?

DONA CONSUELO
Oo na, utak duktor ka na!

Everyone went on cheerily.

EXT. SEASIDE MANSION GARDENS - LATE AFTERNOON

As Lena and the couple are coming in from their trip, they
are met by Kapitana Juana and Tinay at the garden. Tinay is
openly weeping.

DONA CONSUELO
Kapitana, napadalaw po kayo?

LENA
May nasagap na po ba kayong balita
sa kuya ko?

KAPITANA JUANA:
Lena, sa palagay ko kailangan mong
malaman ito. May natagpuang damit
ang mga mangingisda sa laot kanina.
Eto ba suot ng kuya mo?

Kapitana shows the piece of clothing to Lena. She
immediately recognizes the tattered jacket belonging to Pipo.

Tears immediately fall from her eyes. Tinay instantly
hugs her from behind.

LENA
Iyan po ang suot niya nung gabing
iyon. Nakita rin ba ang katawan niya?

KAPITANA JUANA
Hindi iha. Tatapatin na kita,
mukhang malabo na nating makita pa
ang katawan niya. Base sa sirasirang
damit niya, hindi malayo na
nilapa na siya ng mga pating.

DONA CONSUELO
Diyos ko pong mahabagin.

Lena cries silently over the retrieved article. She is
slowly nodding her head, resolute and resigned over her Kuya Pipo’s fate.

LENA
Salamat po, Kapitana. Papasok lang
po ako sa loob.

TINAY
Lena, sandali lang.

DON IGNACIO
Pabayaan na natin siya. Kailangan
niyang mapag-isa.

DONA CONSUELO
Magpapa-misa na lang tayo sa Linggo
kay Padre, Kapitana.

KAPITANA JUANA:
Mabuti pa ho, Dona Consuelo.
Kakausapin ko si Padre Jose.

INT. LARGE BEDROOM - CONTINUOUS
Lena immediately goes in one of the Mansion’s bedrooms. Here she cries openly. Her body is shivering from the revelation.

She drops the piece of clothing on the floor. She sits by
the bed looking out the window.

LENA
(to herself)
Madaya ka, Kuya! Kala ko ba walang
iwanan. Sabi mo sabay tayong
magbabagong buhay...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat