A Book and an Obsession

THE SIREN (Completed)
INT. VERANDA - DAY

Ignacio is reading the book : Paradiso con Fuego. Lena
appears from one side carrying a water spray.

DON IGNACIO
O Lena, ang aga mo na naman.

LENA
Eh Daddy Iggy, medyo hindi ho ako
madapuan ng antok.

DON IGNACIO
Hanggang ngayon pa rin ba, hirap ka
pa rin sa pagtulog?

LENA
Minsan po...

DON IGNACIO
Nanunumbalik na ba ang iba mo pang
mga alaala?

LENA
Paunti-unti ho. Kanina hong umaga
ko lamang naalala na gusto ko pala
ng kapeng malamig.

DON IGNACIO
Ha ha ha, nakakatuwa kang bata ka.

LENA
Sige po, Daddy Iggy...didiligan ko
lang tong mga tanim ni Mommy Conching.

Don Ignacio returns to his book. Lena is looking at him fondly.

LENA
Napakasarap ho palang magbasa dito
sa veranda, mahangin, tahimik....

DON IGNACIO
Mahilig ka bang magbasa, Lena?

LENA
Hindi po masyado. Mas mahilig po
ako sa TV.

DON IGNACIO
Ganoon ba? Ang apo ko kasing si
Lorenzo, napakahilig nung magbasa.

LENA
Talaga po?

DON IGNACIO
Sa katunayan, ito ang kanyang
pinakapaboritong libro. Eto o,
basahin mo.

LENA
Paradiso con Fuego...mukhang
mahirap basahin nyan Daddy.

DON IGNACIO
Hindi,iha. Hindi mo pa nga
nabubuksan. Don’t judge the book
by it’s cover ika nga, in this case,
by it’s title.

LENA
Constancio Madrid, tunog bandila.
Taga-ibang bansa pa ang sumulat
niyan, di mas lalong di ko
maintindihan yan lolo. Baka
makatulog lang ako diyan.

DON IGNACIO
Alam mo Lena ang libro ay isang
experience. Bawat bukas mo ng mga
pahina nito, bawat linyang nababasa
mo, ay isang panibagong experience
palagi. Ito ang kagandahan ng
pagbabasa iha. Sabi ko nga kay Enzo
noon na ang libro ay parang mga
babae yan, very unpredictable ang
emosyon na maihuhugot mo mula dito,
lalo na habang lumalalim ang inyong
relasyon.

LENA
Naks,ganoon ho ba? Matanong ko
lang po Lolo, matalinhaga ho ba
kayo magsalita lagi?

DON IGNACIO
Hindi naman sa lahat ng panahon iha,
siguro dala lang ito ng aking hilig.

LENA
Ano po iyon?

DON IGNACIO
Hindi mo man naitatanong, ako’y
isang makata.

LENA
Ganoon po ba? Marami na ho ba
kayong nalathalang mga obra?

DON IGNACIO
Hindi naman ako ganoon kagaling iha.
Ang akin ay hobby lamang. O eto
yung libro ni Enzo, basahin mo.
Limang beses ko nang nabasa yan.

LENA
Sikat ho ba itong aklat na ito?

DON IGNACIO
Sabi sa akin ni Enzo, napaka
misteryoso daw ng manunulat na iyan.
Yang si Constancio Madrid ay isang
Pilipino at ito ang kanyang obra
maestra.

LENA
Sige po, susubukan ko pong basahin.
Ang kapal naman nito. Tungkol po
saan ito? Maganda po ba?

DON IGNACIO
Naku iha, ayokong magbigay sa iyo
ng aking opinyon tungkol diyan.
Gusto ko makabuo ka muna ng iyong
sariling opinyon tungkol sa nabasa
mo. Pag tapos mo na yan, pagusapan
natin ang librong yan.

LENA
Sige po, Daddy Iggy.

INT. MALL - MANILA - MORNING

JANNA and LIZ are shopping for swimsuits. PACO and ENZO are
patiently waiting for the girls to emerge from the dressing
room.

PACO
Remind me again why we have to be
here, pare? I’m so freakin’ bored.

ENZO
Ha ha, pare. Relax. Hindi ka pa
nasanay kay Lizzie?

PACO
Times like these pare, I’d rather
have my nails pulled out rather
than to sit here through all these
. This is a freaking bikini
store, and here we are looking dumb.

ENZO
Imaginine mo na lang how Lizzie
will look like in that perfect
bikini, pare.

PACO
Yup, that I’ll do.
(thinks)
Pero, I remember ang saya ng
vacation natin last year pare no?

ENZO
What? You mean the one with Eunice
and Anabel? That was a disaster!

PACO
Yun nga ang masaya dun pare.
Looking back, we had lots of fun
with those two.

ENZO
By fun you mean,paglaruan sila?

PACO
Hindi naman, game naman sila eh.

ENZO
Yeah! Because they were so dumb.

PACO
Malay ko ba they turned out to be
real bimbos.

ENZO
That’s why I won’t go out anymore
with anybody you recommend.

PACO
Pero pare, we really did good this
year. I think these two are the
best so far.

ENZO
I agree to that, pare.

JANNA and LIZ peeks out from the dressing room.

LIZ
Boys, can you take a look at what
we are wearing?

JANNA
We need your approval.

ENZO and PACO look at each other naughtily.

PACO
Hell, yeah!

Both boys raced to the dressing room.

INT. ISLAND MANSION - ENZO’S ROOM

Tinay is busy straightening Enzo’s room. She is dusting the
shelves when a picture of Enzo catches her attention.

TINAY
(to Enzo’s picture)
Haaay, ba’t ba ang gwapo-gwapo mo?
Kailan kaya kita makikita muli? Ha?
Malapit na? Sige aantayin kita ha?
Promise, hindi na ako yung Tinay na
kilala mong uhugin, magpapaganda
ako ng husto! Ano ulit? Mahal mo
na rin ako? Talaga? Ang bilis mo
naman? Pero, sige...tayo na!

Tinay kisses Enzo’s picture just in time for LENA to open
the door, catching her in this awkward position.

LENA
Andito ka lang pala....Tinay ano
yang ginagawa mo?

TINAY
Ah wala to. Picture lang ni Enzo,
nililinis ko lang.

LENA
Ba’t mo hinahalikan?

TINAY
Isara mo yang pinto, may sasabihin
ako sa iyo.

LENA
Hmmm...crush mo siya ano? Patingin
nga ng picture!

Tinay hands her the picture.

LENA
May itsura naman pala siya.
Kahawig niya si Lolo. Kamukhang
kamukha niya siguro si Lolo nung
bata pa siya. Kaya lang
mukhang...babaero. Kita mo sa ngiti.

TINAY
Naku, si Enzo? Hindi ah, mabait
siya. Si senyorito ang pinakamabait
na lalake na makikilala mo.
(pauses)
Na in-love ka na ba Lena?

They both sit on the bed.

LENA
Sa totoo lang. Hindi pa! Overprotective
kasi ang Kuya ko. Isa pa,
maaga akong napasok sa trabaho.
Marami ring sumubok manligaw, kaya
lang walang nakapasa kay Kuya.

TINAY
Kawawa ka naman pala. Salbahe pala
ang Kuya mo.

LENA
Hindi ah, biro ko lang yung sa Kuya
ko. Sa totoo lang wala pa talaga
akong napupusuan at saka nawalan
rin ako ng oras para sa pagbo-boyfriend-
boyfriend.

TINAY
Ganon? Basta ako, in love na ata
ako. Mali pala...mula noon pa man,
in love na pala ako sa kanya...

LENA
Kanino? Kay Enzong yan?

TINAY
Oo, kaya lang may problema.

LENA
Sabi ko na nga ba meron eh. Sige,
ano naman yun?

TINAY
Hindi ata siya in love sa akin.

LENA
Ay, malaking problema nga yun!

TINAY
Kasi naman, halos sabay na kami
lumaki nyan. Feeling ko,
nakakabatang kapatid lang ang
tingin niyan sa akin.

LENA
Mukhang mas matanda naman siya di
hamak sa iyo, di ba?

TINAY
Hindi naman, 22 na siya. Eh ako, 16
na. In two years time siguro hindi
na ganoon kasagwang tingnan kung
maging kami.

LENA
Hay naku, Tinay. Sinasabi ko sa iyo,
problema lang yang iniisip mong yan.

TINAY
Basta promise mo, huwag mo sabihin
kay nanay ang nakita mo kanina ha?
Baka kasi kung ano ang isipin.
Pati na rin tong usapan natin,
sekreto lang natin to ha?

LENA
Oo naman. Pero kaya mo bang isekreto
yang nararamdaman mo? Alam
mo hindi basta basta narerendahan
ang puso ng tao.

TINAY
Kakayanin ko to. Iipunin ko ang
powers ko para magtimpi. Pero
siyempre, hopeful pa rin ako na
baka mag-iba ang pagtingin niya sa
akin.

LENA
Naku, may pagka Timang factor na
yan ha. Medyo over na yan. Hinay
hinay ka lang, baka mag-mukha kang
ilusyonada niyan.

TINAY
Hindi pa ba? Ha ha ha.

LENA
Konting-konti na lang siguro.

TINAY
Alam mo kung ano ang mas "over?"

LENA
Ano yun...

Tinay pulls Lena towards Enzo’s closet.

TINAY
Eto, amuyin mo yang t-shirt
niya...ang bango-bango. Kahit
pawis niya ang bango.

LENA
Uy Tinay, kadiri ka. Nakakatakot na
iyang ginagawa mo, ha?

TINAY
Pati nga tong briefs niya, ako
talaga ang nag-vovolunteer na maglaba
nito. Kung minsan inaamoy ko
din...

LENA
(grimacing, covering
her ears)
Ayyy yaks ka talaga! Kadiri na!!!!

TINAY
Love na love ko talaga siya...

LENA
Alam mo merong manipis na guhit na
naghihiwalay sa pag-ibig at
obsession. Mukhang natawid mo na
ang guhit na yun Tinay, promise.

TINAY
Ganoon ba? Basta secret natin to
ha. Promise, hindi ko na uulitin
yung mga kagagahang ginagawa ko.

LENA
Promise?

TINAY
Yes po. Pero, last amoy na lang...

Tinay quickly grabs Enzo’s shirt ang smelled it.

LENA
Ayoko na. Walk-out na ko.

TINAY
Ang bango talaga, promise. Eto
amuyin mo!

Lena leaves the room in protest.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat