Recovered

THE SIREN (Completed)
EXT. ALVAREZ’ WELL TO DO GARDEN - MANILA -PRESENT DAY
(ESTABLISHING)
Enzo is seen studying on a patio table, refreshments are on
a cart beside him. A well dressed girl of 21 appears on the
background, her name is Janna. She comes in from behind and
puts her hands over on Enzo’s eyes.

JANNA
Guess who?

ENZO
Hey, I don’t have to guess, I know
it’s you...

Janna plants a kiss on Enzo’s cheek.

JANNA
Did you miss me?

ENZO
Of course naman, frankly, I’d
rather study you than these...
(pointing to a stack
of books)

JANNA
Good answer, kung hindi, magtatampo
na ako ng sobra sa iyo. Can you
imagine 16 straight hours na wala
man lang text o tawag sa iyo.
Loner mode ka na naman.

ENZO
Gosh what have I created?
(laughs)
Sorry na, sweetie. Masyado ka
namang madamdamin, joke lang iyon.
But didn’t I mention that I needed
some serious time studying?

JANNA
You are so asar! Okay, I understand
that you needed studying, ang akin
lang naman, drop me a note kung
nasaan ka, malay ko iba na pala ang
pinagkakaabalahan mo.

ENZO
Okay, okay, my bad. Sige next time,
masyado namang possessive tong
sweetie kong ito. Pero pag ako ang
bumagsak, ikaw na ang magpapakain
sa akin all your life!

Janna sits on Enzo‘s lap.

JANNA
I know hindi mangyayari yun kasi
sobrang magaling tong sweetie ko.
Here o, I brought you Banoffee pie,
favorite mo di ba?

ENZO
Wow, thanks but you didn’t have to!
By the way, pinayagan ka ba ng
parents mo na mag-summer sa amin sa
San Nicholas?

JANNA
Mom and Dad are going to be in
Europe in the summer, they couldn’t
care less. Of course I’m going.
I’m so excited to meet your Lolo
and Lola. Do you think they will
like me?

ENZO
For sure, magugustuhan ka nila.
You’ll really like it there too.
Nature at it’s best. I grew up
spending my summers there, pero
hanggang ngayon, feeling ko hindi
ko pa fully nadidiscover yung buong
island.

JANNA
I’m so excited, I’ll bring my whole
bikini line. Do you think I’ll be
the most beautiful person there?

ENZO
Without a doubt! Kaya lang hinayhinay
lang sa mga suot, di kasi
sanay ang mga tao dun sa maiikling
damit, baka marami ang aatakihin sa
puso sa iyo.

JANNA
Okay, I’ll leave you here to study.
I’ll go shopping muna, I’ll have to
prepare for our trip di ba? Don’t
forget to call me later, okay?

ENZO
Promise!

Janna plants another kiss on Enzo’s cheek before leaving.
Enzo lets out a big sigh of relief.

INT. ISLAND MANSION - KITCHEN - EARLY MORNING

Minda has just woken up, and is surprised to see Lena
preparing breakfast.

MINDA
O Lena, ang aga mo! Ako na ang
gagawa niyan.

LENA
Ay ako na po, kayang-kaya ko na po
ito. Magkape na lang po kayo muna.
Sanay na rin po kasi akong magising
ng maaga.

MINDA
Ikaw talagang bata ka. Nakakatuwa
ka, ang sipag-sipag mo.

LENA
Si aling Minda naman, parang itlog
lang itong hinahanda ko...

MINDA
Kahit na. Pero alam mo ineng, nagalala
ang dalawang matanda sa iyo
nitong mga nagdaang araw. Okay ka
na ba talaga?

LENA
Okay na po ako. Ipinagsa-Diyos ko
na lang po ang mga nangyari.

MINDA
Natutuwa ako at napalagay na ang
iyong loob.

Tinay suddenly bursts in.

TINAY
Inay naman, ba’t niyo pinagluluto
si Lena. Bisita natin yan.

LENA
Ay okay lang ako, Tinay.

MINDA
Itong batang ito, masyadong madrama.
Nag-volunteer ang tao.
Pagdating ko, luto na ang ulam.

TINAY
Lena, okay ka na ba?

LENA
Okay na ako. Nalulungkot pa rin
minsan, pero naisip ko, hindi
matutuwa si Kuya pag patuloy akong
mag-mumukmok.

TINAY
Tama. At dahil tapos na ang pasukan
at ngayon ay bakasyon na, ipapasyal
kita mamaya nang sa ganoon ay matour
mo na rin tong isla namin.

LENA
Oo ba.

MINDA
Oy kayong dalawa, wag kayong
magpakalayo, at ingat kayo nang sa
hindi kayo ma-nuno.

TINAY
Ang nanay talaga masyadong mapamahiin.

MINDA
At huwag na huwag mo akong iiyakan
pag yang ano mo ay mamaga dahil
kung saan saan ka umihi, ha?

TINAY
Tandang Sora, ikaw ba yan?

INT. DINING ROOM - BREAKFAST

Lena is serving food to Dona Consuelo and Don Ignacio.

LENA
Don Ignacio, Dona Consuelo, ako po
nagluto niyan.

DONA CONSUELO
Iha naman, di ba sabi namin sa iyo,
pag andito ka sa bahay, Lolo at
Lola na lang ang tawag mo sa amin.
Di kaya, Mommy Conching at Daddy
Iggy na lang, tulad ng tawag nina
Enzo sa amin.

DON IGNACIO
Oo nga naman iha. Nagmumukha tuloy
kaming sobrang tanda na. Di pa
naman kami ganoon kaugod-ugod para
tawaging Lolo at Lola, kaya Daddy
at Mommy na lang.

LENA
Sige po.

DONA CONSUELO
Anong hindi pa matanda? Hoy Ignacio,
pito na ang apo mo, kinasal na yung
dalawa, anong hindi ka pa matanda?

DON IGNACIO
Hindi naman kita sa mukha ko di ba,
Lena?

LENA
Opo Daddy Iggy, para hong
kakatuntong niyo pa lang ng forty.

DON IGNACIO
O kita mo na Consuelo.

DONA CONSUELO
Kumain ka na nga lang, gutom lang yan.

LENA
Masarap ho ba, Mommy?

DONA CONSUELO
Ay oo naman iha, pero ipaubaya mo
na sa susunod kina Minda ang
pagluluto nang sa ganoon hindi ka
mapagod. Baka kasi mabinat ka.

LENA
Ay okay na po iyon, para naman may
mapag-kakaabalahan ako.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat