Connivance

THE SIREN (Completed)
EXT. MANSION’S GARDENS - NEXT MORNING

The sun is already well on its way up before Enzo finally
decided to wake up. He got out to the garden immediately to
get some fresh air. Outside, he was squinting at the morning
rays having woken up with a splitting headache and a hangover.

He then saw Lena by the corner, watering some plants. Enzo
quickly decided to join her.

ENZO
Lena, kamusta na?

LENA
Okay lang...

Enzo was wishing she would catch on and ease him into a
conversation, but she didn’t.

ENZO
Ang aga niyong natulog kagabi...

LENA
Oo, antok na kasi ako.

Long silence.

ENZO
Si Rafael?

LENA
Umuwi na, maaga pa daw ang lakad niya.

ENZO
Saan?

LENA
Ewan.

ENZO
Ewan?

LENA
Anong ewan?

ENZO
Hindi niya sinabi sa iyo kung saan?

LENA
Bakit naman niya kailangan idetalye
sa akin ang lahat ng lakad
niya?

ENZO
Siyempre, girlfriend ka niya.
That’s what girlfriends do.

LENA
Ibahin mo ako sa girlfriend mo.
Hindi ako ganoon ka-possessive.

ENZO
You know yan ang gusto ko sa mga
babae...yung hindi possessive...

Lena immediately stopped her water and faced him straight in
the face, looking incredulously at him.

ENZO
What? What did I do?

LENA
(sarcastic)
So ibig mong sabihin, dahil hindi
ako possessive, gusto mo na ako?

ENZO
Ikaw nag-sabi niyan...pero yeah,
something like that.

LENA
So, sinasabi mo may gusto ka sa
akin? Parang ganon?

ENZO
Bakit masama ba?

All of a sudden, Lena turns the water on him. The waterhose
blasted him with a steady dose of fresh, cold water making
him scream.

ENZO
Aaaaarggghh...Stop it! What?! Anong
ginawa ko?!

LENA
Bumili ka ng kausap mo!

ENZO
Ano bang ikinagagalit mo?

Lena turns the water on, this time, Enzo was a bit prepared.
He was able to dodge it but Lena hit him eventually.

LENA
Para naman mahimasmasan ka! Gagong to!

ENZO
Ang lamig ng tubig, Lena! Ba’t mo
naman ako binasa?! Anong kasalanan ko?!

LENA
Eh, Tanga ka ba?! Ba’t mo ako
dinidiskartehan, ha?! Ayan ang
girlfriend mo sa loob ng bahay,
tapos andito ka sa labas,
dumidiskarte sa akin?! Anong akala
mo sa akin?!

ENZO
Lena naman...I’m just making kwento...

Lena turns on the hose on him again.

ENZO
IT was a compliment, anong masama dun?

LENA
Lokohin mo sarili mo...bastos!

Lena walks away disgusted. Enzo was left standing, confused
and wet!

ENZO
Women...hindi ko kayo maintindihan!

Dona Consuelo walks by the garden. Seeing Enzo, she walks
over to him.

DONA CONSUELO
Apo, ba’t dito ka naligo sa labas?

ENZO
Wala ho to. Nabiktima lang ho ako,
Lola!

DONA CONSUELO
Biktima ng ano?

ENZO
P.M.S. ho !

Enzo walks away too, leaving Dona Consuelo shaking her head.

INT. DINING ROOM - BREAKFAST

The whole gang is on the mix at the breakfast table. There
is still tension between Enzo and Lena. Janna is still in a
bad mood.

DON IGNACIO
Saan ang plano niyo ngayon, iho?

ENZO
Daddy, sasamahan namin ang mga
girls mag-shopping sa city. Doon
na rin siguro kami mag-oover-night.

DONA CONSUELO
Ganoon ba, iho? Ba’t hindi na lang
kayo dito matulog at tumulak uli bukas?

ENZO
Nakakapagod po iyon, Lola. Isang
gabi lang naman kami doon. Itotour
ko lang ang mga girls sa city.

DONA CONSUELO
Well, kung yun ang gusto niyo...

DON IGNACIO
Ikaw naman, Lena? Saan ang lakad
niyo ng boyfriend mo?

LENA
Wala ho si Rafael. May pinapagawa
si Doc daddy sa kanya. Wala ho
akong lakad, dito lang ho ako sa bahay.

DON IGNACIO
Ba’t hindi ka na lang sumama sa kanila?

LENA
Ay, siguro dito na lang po ako.
Kahapon po, pumunta din naman kami
doon ni Lola.

DON IGNACIO
Ah ganon ba?

Tinay was serving everyone cold water.

ENZO
Tinay, dahan-dahan lang sa pagbuhos
ng tubig, mahirap nang mabasa.

TINAY
Dahan dahan naman po ako.

ENZO
Basta mag-ingat ka, malamig pa
naman yang hawak mo.

TINAY
Bakit po ba? Hindi ko kayo
maintindihan, Kuya. Promise!

JANNA
Ano ba Enzo, what are you talking
about?

PACO
Dude, what’s up?

ENZO
Nothing...

JANNA
Doesn’t sound like nothing to me...

Enzo just smiled, grinning naughtily especially to Lena, leaving Janna terribly
annoyed.

DONA CONSUELO
Girls, don’t forget to buy your
party dresses for the fiesta. Enzo,
dalhin mo sila sa doon sa mall.

ENZO
Opo, Mommy.

LIZ
Wala nga po kaming dalang pangformal
parties. Buti na lang may
siyudad na malapit. I’m looking
forward to shopping.

PACO
Yey! At may kasama pang pasyal!

JANNA
I’ll make sure I’ll be the
prettiest in the party.

ENZO
You will, even without trying.

PACO
You can’t outshine the Maria Elena...

JANNA
Sorry, oo nga pala. Sige, I’ll
temper my clothes down for Lena.

PACO
Now, that remains to be seen...

ENZO
(taking a glimpse at Lena before facing Janna)
No worry, dearie, you will still be
the prettiest in my eyes.

JANNA
Talaga? Ang sweet naman nitong
sweetie pie ko.

Lena rolled her eyes as if to gag. Fortunately, nobody
noticed it.

PACO
Guys, get a room!

LIZ
Paco, ano ka ba?! Sina Lolo at Lola?
Nakikinig?!

DON IGNACIO
(to Dona Consuelo)
Ano daw sabi?

PACO
Sorry po, wala po iyon, Lolo.

INT. KITCHEN - AFTERNOON

Lena is engaging Tinay in a conversation

TINAY
So, walang pansinan mode na naman kayo?

LENA
Ewan ko ba, di ko nga maintindihan
ang lalakeng yan. Di ko alam kung
anong gusto niyang mangyari.

TINAY
Ba’t mo kasi binasa ng tubig yung
tao, siyempre magagalit yun.

LENA
Kakainis kasi siya, eh!

TINAY
Ano ba, sis! Simple lang yan, kung
gusto niyo ang isa’t isa, go!

LENA
Sana nga ganon lang kasimple yun.
Kasi naman, itong mokong na to,
hindi niya alam kung anong gusto
niya. Minsan feel ko, may gusto
siya sa akin, tapos next minute,
galit na naman siya sa akin.

TINAY
Ano ba, normal lang yan sa lalake.
Ganon talaga ang mga iyan, walang ka-clue-clue
na ang mga gusto pala nila ay
nasa harap lang nila. Ayun, hangga’t
hindi sila mauntog, hindi nila
napapansin.

LENA
So hihintayin ko na lang na mauntog sila
at mapansin ako?

TINAY
Alam mo Lena, para sa isang
napakagandang babae napaka bobo mo
sa mga lalake! Ayaw ng mga iyan
ng sobrang gusto mo sila, gusto
nila inaaway away mo ng konti para
daw may challenge. Yan ang tamang flirtation.

LENA
Ganon ba iyon?

TINAY
Hay naku, ganon ang mga iyan.

LENA
Kasi itong si mokong tisoy, kung
may gusto naman siya sa akin, ba’t
hindi pa niya hiwalayan yang si
epal? Anong gusto niyang gawin sa
akin, kerida?

TINAY
Hay, naku day, mas exciting nga
iyan. Parang may affair kayo niyan.
Exciting talaga yan! Magtatago kayo,
magtatakas, maglalambingan sa
damuhan sa gabi...hay naku
pampelikula ang dating!

LENA
Loka loka ka talaga. Mas gusto ko
pa rin ako’t ako lang. Kung may
gusto siya sa akin, then dapat ako
lang!

TINAY
May point ka diyan sis, pero sa
mundo ngayon, uso na ang mutual
benefits...

LENA
Ano iyon?

TINAY
Hangga’t pareho kayong
nasasarapan...sandali lang,
masyadong censored, hangga’t pareho
kayong may nakukuhang benepisyo sa
inyong relasyon, quits lang. PAtas
kayo! Pag wala ng benefits, quits
na rin! Wala na kayo.

LENA
Ayaw ko kaya ng ganyan, kahit
ganito ako, traditional pa rin
naman ang values ko.

TINAY
Ako din naman ah...very conservative
ang aking upbringing...

Little did they know that Aling Minda has been listening in into
their conversation.

MINDA
Dapat lang! Kasi kung karengkeng
ka rin tulad ng tatay mong pataygutom,
hindi lang kita
lulumpuhin...tutusukin ko yang mata
at tenga mo nang sa ganoon hindi ka
na makapag-tsismis!

Minda playfully pinches her daughter in the inner thigh.

TINAY
Inay naman!

LENA
Andiyan pala kayo, aling Minda.
Napagkatuwaan lang ho naming magkwento
ni Tinay.

MINDA
Hay naku, Lena. Alam ko na kung
sino ang tinutukoy mong mokong!

Lena blushes.

LENA
Nakupo! Aling minda, biro lang po
namin ni Tinay yun.

MINDA
Hay naku, huwag nang mag-deny!
Rinig na rinig ko kaya!

TINAY
Hay naku, kamusta naman tong nanay
ko! Kinukutya ang pagiging tsimosa
ko, eh ganon din pala! Magtaka ka
pa, Lena, kung saan ako nagmana?

MINDA
(to Tinay)
Tumigil ka! Pasaway tong batang to!
(then facing Lena)
Alam mo Lena, wala nang mas
nakakakilala kay Enzo kundi ako lang!

TINAY
Nay, wala hong banggitan ng pangalan.

MINDA
Ay oo nga pala! Lena, alam mo bang
simula apat na taong gulang yang
si...Mokong, dito na yan
nagbabakasyon sa amin. Dito na
lumaki yan halos. Ako pa ang
nagpupunas ng puwet niyan nung araw!

LENA
Owwwsss?

MINDA
Kilalang kilala ko na ang batang
iyan! Alam ko kung ano ang
nagpapatakbo sa utak niyan!

LENA
Talaga po?!

MINDA
Kung gusto mong makuha ang
atensiyon ni Enzo...

TINAY
Nay naman, sabi ngang wala pangalan,
eh...

MINDA
...ni Mokong pala, isang bagay lang
ang makakakuha ng atensiyon nun!

LENA
Ano yun?

MINDA
Ano pa eh di pagkain! Lahat ng
lalake nakukuha sa pagkain.

LENA
Talaga po?

TINAY
Hay naku, Lena. Iba ang luto ni
nanay, may halong pampaibig! Kaya
nga nain-love ang tatay ko diyan eh!
Ginayuma sa pagkain!

MINDA
Anong ginayuma ang pinagsasabi mo?
Kaya na-in-love ang tatay mo sa
akin, walang ibang dahil kundi
dahil sa alindog ko, no?

Both girls laughed.

LENA
Ano ho ba ang paborito niyang
pagkain...ni Mokong po?

MINDA
Lika ituturo ko sa iyo! Tinago-tago
ko ang recipe niyan.

TINAY
Itong nanay ko talaga, ang hilig
magpa-suspense!

MINDA
Isa pa, Tinay! Yang bunganga mo
masyadong atribida. May sarili ng
buhay ata yan.

TINAY
Kamusta naman yun! Bigyan ko kaya
ng pangalan tong bunganga ko,
siguro maganda, Belinda!
(Minda gives her the "look")
Oo na, shut up na ko.

They proceed to the kitchen table to discuss the recipe.

MINDA
Ganito ang paggawa nun, Lena.

LENA
Hindi ho ako masyadong marunong
mag-luto.

MINDA
Simple lang to...

TINAY
Go Nanay! Ibuhos niyo ang powers niyo!

DISSOLVE TO:

INT. ISLAND MANSION - STUDY - EVENING

Lena tiptoed her way into the old patron’s study room.
Almost everyone else is in their rooms now, ready go to
sleep. Lena slowly the small desk lamp and headed
straight to one of the shelves.

Lena slowly perused the different titles on the shelf. From
Ibong Adarna down to Florante at Laura, Don Ignacio has it.
She also saw hard bound versions of American classics and
even Noli Mi Tangere.

Once she reached the shelf that holds the Madrid collection,
she slowly inspected the covers of each of them. Somehow,
each one has the same enblem as with Alvarez’ book.

LENA
Bakit kaya meron nitong simbolong
ito ang mga libro ni Madrid?

Lena slowly returns the books except for one. She chose the
book, El Crepusculo, which is book six of the Madrid collection.

As she was heading out, she saw the old man’s desk. She
remembers Lola Consuelo telling her that it holds Don
Ignacio’s valuables...she contemplates investigating what it
holds. She slowly heads over to it...

CUT TO:

INT. ISLAND MANSION - STAIRS - SAME TIME

Don Ignacio has gone down the stairs to grab something to
drink. On the way up, he noticed that the study’s lights are on.

Slowly, he heads over there to check...

CUT TO:

INT. ISLAND MANSION - STUDY - SAME TIME

Lena slowly heads to the side of the desk. She has her hand
over the drawer handle when...

DON IGNACIO
Lena, anong ginagawa mo dito?!

Lena, very startled, recoils her hand and drops the book
she was carrying. She gave out a light yelp!

LENA
Lolo, kayo pala!

DON IGNACIO
Ba’t gising ka pa Lena? Gabi na!

LENA
Hindi po ako makatulog, kumuha lang
ho ako ng babasahin!

DON IGNACIO
Ah, ganon ba? O sige, pagkatapos
mo diyan, patayin mo na lang ang ilaw?

LENA
Opo Lolo.

DON IGNACIO
Good night!

Don Ignacio leaves. Only then did Lena let out a big sigh of
relief.

LENA (VOICE OVER)
Muntik na yun, Lena! Konting ingat
naman diyan! Huwag kang padalos-dalos.

Lena picked up her fallen book and turned off the desk lamp
enveloping the entire room in darkness.

CUT TO:

INT. ISLAND MANSION - OLD COUPLE’S BEDROOM

Don Ignacio entered the room. Dona Consuelo is in her side
of the bed, waiting for her glass of water.

DONA CONSUELO
Anong nangyari sa baba? May narinig
akong ingay...

DON IGNACIO
Wala yun, si Lena yun. Nagulat ang bata
nang tinawag ko siya.

DONA CONSUELO
Ah ganon ba?

Don Ignacio slides into the bed with her.

DON IGNACIO
Matanong nga kita! May nakita ka
bang kakaiba sa kilos ni Lena?

DONA CONSUELO
Yun nga rin ang itatanong ko sana
sa iyo!

DON IGNACIO
Oo nga, parang may kakaibang
kinikilos yang batang yan.

DONA CONSUELO
Oo nga, parang ang lalim ng iniisip
niyan lagi!

Long pause.

DON IGNACIO
Iniisip mo rin ba ang iniisip ko?

DONA CONSUELO
Hindi kaya nagkakaganun yang batang
iyan ay dahil kay...

DON IGNACIO
Sa palagay ko nga...Hindi kaya may nararamdaman
na ang mga iyan sa isa't isa?

DONA CONSUELO
Nakakatuwa ang mga iyan, akalain mo!
Dito pa magkakaibigan ang mga iyan...

DON IGNACIO
MAy pag-ibig na kayang namamagitan
sa kanila?

DONA CONSUELO
Sa palagay ko meron na, umuusbong
ng paunti-unti, kahit hindi pa nila
nare-realize na yun na nga yun,
feeling ko talaga mahal na mahal
nila ang isa’t isa.

DON IGNACIO
Alam ko ang itsura ni Enzo pag
nain-love ng todo. Palaging may
ngiti yan sa mukha.

DONA CONSUELO
Si Lena naman palaging tulala...

DON IGNACIO
Naaalala ko ang panahon ng tayo ay
nagliligawan pa lang...

DONA CONSUELO
Nakikita ko ang sarili ko kay Lena,
tahimik, pero palaban!

DON IGNACIO
At ako naman, kay Enzo. He is me
when I was younger! Impressionable,
confident...

DONA CONSUELO
At alam mo na kung ano ang nangyari
sa atin!

DON IGNACIO
Could we have another "us" on our
hands?

DONA CONSUELO
Hindi malayo yun Ignacio. Kung
magkakaroon ng relasyon yang dalawa,
wala nang mas matutuwa pa kundi ako!

DON IGNACIO
At ako din!
(pause)
Sa palagay mo ba
maging hadlang ang naninirahan sila
sa isang bahay...

DONA CONSUELO
As long as they know their limits,
wala akong problema dun!

DON IGNACIO
Paano na lang ang "sagabal"?

DONA CONSUELO
Do you think tatagal pa iyan dito?

DON IGNACIO
Maaring hindi...kinakabahan lang
ako sa maari nitong gawin pag
nalaman niya ang katotohanan...

DONA CONSUELO
Sa palagay ko may idea na rin yan! Kita
mo palaging masungit at nagiging
over-possessive. It’ll just be a
matter of time...she will to learn
to accept it.

DON IGNACIO
Oo nga. Sana nga...

DONA CONSUELO
Ang sarap umibig...ang sarap ng
nakakakita ng mga batang
umiibig...it makes you feel young
again!

DON IGNACIO
It could not have happened to a
better guy, Enzo deserves it. He
is a good boy.

DONA CONSUELO
And Lena too. Mabait silang pareho.
Kaya nga we have a match in our hands.

DON IGNACIO
Ever since, sinasabi ko na kay Enzo
na sana makakakita siya ng
mapapangasawa na tulad mo.

DONA CONSUELO
Awwww...ang sweet naman nitong
asawa ko.

DON IGNACIO
Kaya nga love mo ko di ba? Di ba "baby"?!

DONA CONSUELO
Kadiri to! Tama na nga to, matulog
na tayo!

DON IGNACIO
Asan na ang halik ko? Alam mo, dati
di ba hindi ako makakatulog nang
hindi nakakahalik sa iyo!

DONA CONSUELO
Yun ba? Sandali lang, ibabalik ko
lang tong pustiso ko!

DON IGNACIO
Ha ha ha. Nakakatawa ka...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat