The Miseducation of Lena Ramirez

THE SIREN (Completed)
INT. SMALL SHANTY IN TONDO - FLASHBACK TO 7 YEARS AGO

Twelve year old Lena is being clutched by her older brother
PIPO who is 17. Lena is crying over her mother’s wooden casket.

YOUNG LENA
Kuya, paano na tayo ngayon? Wala na
nga ang Tatay, ngayon wala na rin
ang nanay...

YOUNG PIPO
Wag kang mag-alala Lena. Andito ang
Kuya. Aalagaan kita.Di kita pababayaan.

YOUNG LENA
Kuya, natatakot ako.

YOUNG PIPO
Kakayanin natin to, Lena. Basta,
tayong dalawa, walang iwanan.

YOUNG LENA
Tutulong ako, Kuya. Titigil na ko
sa pag-aaral. Ikaw na lang magturo
sa akin, Kuya.

YOUNG PIPO
Hindi, Lena. Matalino ka.
Igagapang ko ang pag-aaral mo.

Pipo hugs Lena once more as she breaks down again.

INT. LARGE MALL BY THE LOTTERY STAND - 4 YEARS LATER / MORNING

Lena is buying a ticket.

YOUNG LENA
Miss, eto ho ba ang lumabas kagabi?
Sigurado ho kayo?
she copies off the same numbers from yesterday’s results
into her own ticket.

SALESLADY
Oo, bibili ka ba ng ticket o hindi?
Ilang taon ka na ba?

YOUNG LENA
Para sa nanay ko to. Nautusan lang.
Ang sungit mo naman, miss.

LENA (VO)
Tinupad ni Kuya ang pangako niya.
Pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral
at nakatapos ako ng high school.
Ngunit naging masinop rin akong
estudyante sa trabahong pinasok
niya. Ito ang edukasyon ng tunay na
buhay.
Lena hastily grabs the lotto ticket from the attendant and
meets up with Pipo in a corner.

YOUNG PIPO
O, Lena. Nakuha mo na? Itinaya mo
uli ang numerong lumabas kagabi?

YOUNG LENA
Oo, tulad ng sinabi mo. Anong
gagawin natin ngayon dito kuya?

YOUNG PIPO
Burahin mo ng kaunti ang date
ngayon at yung huling dalawang
numerong nakalagay, para hindi
diskompiyadong ngayon araw lang
natin tong ibinili. Basta sundin
mo lang ang ibinilin kong gagawin
mo, ha?

INT. MALL - CONTINUOUS
Pipo passes by Lena who is sitting on some seats provided by
the mall. She is sitting beside a middle-aged man and his
wife. As Pipo passes by, he drops the lotto ticket making
sure that the man sees him doing it.

YOUNG LENA
Uy, may nalaglag ang mama.

LALAKE SA MALL
Ay sus, nasaan na yung mama?

YOUNG LENA
Biglang lumiko eh. Mukhang
nagmamadali. Hindi ko na nakita.
Ano kaya tong nalaglag niya?

Lena picks up the piece of paper and hands it to the wife.

BABAE SA MALL
Mukhang lotto ticket to, ah.

LALAKE SA MALL
Akin na patingin? Ay oo nga.

YOUNG LENA
Talaga? Panalo naman kaya yan? Baka
hinulog nya yang sadya kasi talo.

LALAKE SA MALL
Nabura kasi ang huling dalawang
numero. Pero eto may dyaryo ako,
tingnan natin kung panalo.

YOUNG LENA
Sige, tingnan natin.

LALAKE SA MALL
Tingnan mo nga naman pag sineswerte.
Ayan o, 12, 23, 29, 35 ...panalo
tong ticket na to!

YOUNG LENA
Talaga, magkano naman ang panalo?

LALAKE SA MALL
Naku iha, mababa na ang isang libo
dito. Pag nagkataon, mahigit pa.
Kaya lang burado na ibang numero,
i-verify muna natin sa lotto stand,
may serial number naman kasi tong
ticket.

YOUNG LENA
Ganon ba? Ay sige po, sa inyo na
po iyan. Nagmamadali po kasi ako eh.

BABAE SA MALL
Ay naku iha. Ikaw naman ang
nakapulot diyan, sa iyo yan.

LALAKE SA MALL
(nudges her wife)
Ano ka ba? Hindi niya make-claim
yan kasi menor de edad yan.

YOUNG LENA
Okey lang po iyon. Isang libo lang
naman. Kayo naman kasi ang nakadiscover
na panalo yan. Kung wala
kayo, itatapon ko din yan.

BABAE SA MALL
Hindi ako makakapayag, halika
samahan mo kami sa lotto stand at
hatiin na lang natin ang panalo,
malay mo limang numero o kaya
jackpot pala ang panalo natin.

YOUNG LENA
Ay hindi na po. Nagmamadali talaga
ako, hinihintay kasi ako ng Kuya ko
sa baba.

BABAE SA MALL
Eto na lang, bigyan na lang kita ng
500 para sa ticket. Kami na lang
ang kukuha sa lotto dealer ng
panalo natin. At least hati tayo.

YOUNG LENA
Magandang ideya po yun.

Wife asks his husband to cough up some money. He hands Lena
a 500 peso bill. Lena gladly gets the money and turns away.

YOUNG LENA
Salamat po dito. Goodluck sa inyo.

BABAE SA MALL
Salamat din sa iyo iha. Hulog ka
ng langit. May sakit pa naman ang
anak ko ngayon.

Camera follows Lena. A guilty tear drops from her face as
she walks away.

LENA (VO)
Matapos kong gawin iyon, iba ang
aking naramdaman. Saya, kaba, takot.
Kakaibang sense of accomplishment.
Pero, inuusig pa rin ako ng aking
konsensya.

INT. MALL FOODCOURT - CONTINUOUS

Lena meets up with her Kuya Pipo after the mini heist. She
hands her the money.

YOUNG PIPO
Magaling, Lena. Ang galing mo nang
umarte.

YOUNG LENA
Nagui-guilty pa rin ako, Kuya!

YOUNG PIPO
Tigasan mo lang ang iyong puso Lena.
Tingnan mo, instant money. Wala ka
man lang masyadong effort.

YOUNG LENA
Pero mukhang mas kawawa pa sa atin
ang ninakawan natin, Kuya.

YOUNG PIPO
Practice lang to Lena. Maliit na
isda lang to. Konti pa, malalaking
raket na ang gagawin natin.
Darating rin ang araw na malalaking
isda din ang madadale natin. At
least yun, hindi ka na magui-guilty
kasi mayaman na ang kinukunan natin
ng pera.

YOUNG LENA
Promise? Kakayanin ko pa kaya iyon,
Kuya?

YOUNG PIPO
Oo naman. Si Kuya ata nagturo sa
iyo. Walang sablay pag ako nagplano.
Huwag kang mag-alala Lena,
di ka pababayaan ng Kuya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat