Chess Moves

THE SIREN (Completed)
EXT. MANSION GARDENS - NEXT MORNING

It was a bright and early morning. Lena made her way to the
lawn chairs where Don Ignacio was reading his morning papers.

Dona Consuelo meanwhile was busy t her orchids. Lena
chose to join Don Ignacio.

LENA
Kamusta na po, Lolo?

DON IGNACIO
O, magaling na pala ang batang ire!
Ikaw kamusta ka na, iha?

LENA
Mabuti na po ako...

DON IGNACIO
Sana nagpahinga ka pa, baka mabinat ka.

LENA
Naku po Lolo, parang mas tumatamlay
pa nga ako kung nakaratay lang po
ako sa higaan ko.

DON IGNACIO
Maupo ka muna...

LENA
Lolo, natapos ko na rin ang Paradiso...

DON IGNACIO
O, nagustuhan mo ba?

LENA
Sobra po.

DON IGNACIO
Talaga?

LENA
Promise, ngayong lang po ako umiyak
dahil lang sa isang libro...

DON IGNACIO
Owws? I’m glad na nagustuhan mo. Di
ba, para siyang introspection sa
sarili mo?

LENA
Palagi ko nga po tinatanong ang
sarili ko, kung ako kaya ang sa
kalagayan ni Isabel, ano kaya ang
magiging mga desisyon ko?

DON IGNACIO
Sa palagay mo, sino ang mas naging
karapatdapat para sa bidang si Isabel?

LENA
Mas pipiliin ko na siguro ngayon si
Ivo. Kaya lang napilitan lang
talaga siyang magpakasal kay
Isagani dahil ito na ang naging
mahal niya mula pa nang kabataan niya.

DON IGNACIO
So do you think, justified yung
ginawang pagpapakasal ni Isabel kay
Isagani sapagkat ito ang una niyang
mahal?

LENA
Lolo, hindi ho ba iyon ang tanong
na gustong ibahagi ni Madrid sa atin?

DON IGNACIO
Na love is a choice?

LENA
Hindi ho, Lolo. Opposite ho. We
cannot choose who we love. Kahit
all her life kilala na ni Isabel si
Isagani pero ang tunay niyang mahal
ay si Ivo talaga.

DON IGNACIO
Pero hindi sila nagkatuluyan ni Ivo.

LENA
Yun nga po ang palagay kong gustong
ipahiwatig ni Madrid, gaano man
natin kamahal ang isang tao, di pa
rin natin masisiguro na siya talaga
ang ating makakatuluyan. Si Isabel
po ay binigyan ng choice, life of
love or life of comfort.
Hindi ko po siya masisi kung bakit
yung huli ang pinili niya.

DON IGNACIO
Do you think she will be happy?

LENA
Siguro, sa palagay ko oo. Kahit
mas mahal niya si Ivo, somehow
naging masaya din naman siya sa
piling ni Isagani nung sila pa.
Tapos mahal din naman talaga siya
ni Isagani, kaya nga handa itong
mamatay para sa kay Isabel...

DON IGNACIO
Pero ikaw...despite all that...mas
pipiliin mo pa rin si Ivo?

LENA
Noong una, boto ako kay Isagani, kaya
lang mas na feel ko ang pagmamahal
ni Isabel kay Ivo. Perhaps all her
remaining life, she will always
wonder kung ano kaya ang naging
buhay niya kung nakasama niya si Ivo.
She will be living a life full of
regrets.

DON IGNACIO
Magaling, Lena. Natutuwa ako at
nasiyahan ka sa libro ko. Alam mo
bang, yung iba niyang mga akda ay nasa
library ko. Pahihiramin kita ng
iba pa para naman marami tayong
mapagku-kwentuhan.

LENA
Sige po Lolo. Excited na rin akong
mabasa ang iba niyang books.

DON IGNACIO
Alam mo, gustong-gusto ko itong
kuro-kuro natin...

LENA
Talaga po?

DON IGNACIO
Oo naman, si Consuelo kasi puro
teleserye ang pinapanood at
kinukwento sa akin, di ako maka-relate...

LENA
Ganoon po ba? Gustong-gusto ko rin
po ang makipag-diskusyon sa inyo,
parang ang dami-dami kong
natututunan...

DON IGNACIO
Same here, Lena...

INT. ISLAND MANSION - LIVING ROOM - SAME TIME

The living room is just adjacent to the gardens. Enzo was
looking out the window and was busy watching Lena and his
Lolo. He was debating whether to join them or not. They
seem to be having a lively discussion. But after his
incidental admission to Lena the other day, he does not seem
to know how to act in front of her. He was so embarassed.
But more than that, he was confused of his feelings for her.

EXT. MANSION GARDENS - CONTINUOUS

Enzo decided to come out. He kissed his Lola who was busy
singing to her orchids, as he reached his Lolo and Lena, all
the words that he repeatedly planned to say evaporated! He
totally blanked.

DON IGNACIO
O, Enzo, andiyan ka na pala?

ENZO
Ha eh, oo Lolo...Hi Lena.

LENA
Hi.

DON IGNACIO
Maupo ka muna iho...

ENZO
Bakit po, Lolo.

DON IGNACIO
Wala lang, gusto kong magkwento ka
naman tungkol sa pag-aaral mo.

Enzo sits down beside his Lolo, facing Lena.

ENZO
Okay lang ho Lolo. Ayun nakapasa naman.

DON IGNACIO
Tapos??

ENZO
Ano pa ho ang gusto niyong malaman?

DON IGNACIO
Wala na rin naman. Ikaw Lena? May
gusto kang itanong dito kay Enzo.

LENA
Wala naman ho, Lolo.

ENZO
So, papano ho Lolo, papasok muna
ako sa loob, may aasikasuhin lang
po ako.

DON IGNACIO
Ganoon ba?

Enzo leaves before his Lolo thinks of something else to talk
upon. This leaves the other two baffled.

LENA
May problema ho ba kayong dalawa, Lolo?

DON IGNACIO
Yun nga rin ang itatanong ko sa iyo,
Lena?

LENA
Sa pagkakaalam ko Lolo, wala naman
kaming problema.

DON IGNACIO
Ay kung ganoon, ba’t nagkakaganon yun?

LENA
Baka ho wala sa mood. Baka may L.Q.!

DON IGNACIO
Anong L.Q.?

LENA
Lover’s quarrel ho, Lolo.

DON IGNACIO
Ahhhh....baka nga.

INT. ISLAND MANSION‘S LIVING ROOM - FEW HOURS LATER

Enzo was in the study, he was doing his daily rounds of emails.
From there he saw Lena run up the stairs. Curious,
he looked to see who it was she was running from. On the
foot of the stairs, he saw Rafael.

ENZO
O pare, andito ka pala?

RAFAEL
Magandang araw sa iyo, Enzo.

ENZO
Si Lena ba ang pakay mo?

RAFAEL
Oo, kasi inimbitahan ko siyang
mamasyal.

ENZO
Na naman? Napaka-agresibo mo naman
pare. Hindi na makapag-pahinga ang
tao sa iyo!

RAFAEL
Pare naman! Alam nating pareho na
ang babaeng tulad ni Lena ay hindi
na pinakakawalan.

ENZO
Ang point ko lang pare, galing sa
sakit ang tao.

RAFAEL
(looking at Enzo suspiciously)
Promise, hindi naman siya mapapagod.
Iingatan ko siya siyempre.

ENZO
Saan ba ang lakad niyo?

RAFAEL
Pare naman, masyado ka namang overprotective.
Diyan lang kami pupunta
sa waterfalls.

ENZO
(a tone of defeat)
Ahhh... So, ganoon na pala talaga
ang turing mo sa kanya?

RAFAEL
Pare oo. Tinamaan talaga ako ng
husto sa kanya. Di ba promise
natin na ang mga babaeng espesyal
lang sa atin ang dadalhin natin dun,
special talaga si Lena sa akin, pare.

ENZO
Hindi pa kitang nakikitang
nagkakaganyan sa babae pare.

RAFAEL
Iba to pare, iba si Lena.

Lena suddenly shows up.

LENA
Iba sino?

RAFAEL
Ang sabi ko dito kay Enzo, iba ka
sa mga babaeng kilala ko.

LENA
(while pinching
Rafa’s side)
Sus, bolero ka talaga.

ENZO
Pare, pasok muna ako sa loob. Ingat
kayo.

Enzo leaves without any byword to Lena. It’s a good thing
Rafael did not read anything into the matter, or so Enzo thinks.

EXT. MANSION GARDENS - AFTERNOON

Enzo and Don Ignacio are playing chess.

DON IGNACIO
I really miss playing with you, son.

ENZO
Ako din ho, Lolo.

DON IGNACIO
Sana, we can do this more often.

ENZO
Sana nga lolo. Di bale, I promise
to come here more often.

DON IGNACIO
Saan na pala ang mga kaibigan mo?

ENZO
Nandoon po sa loob, nag-bi-beauty
rest ang mga girls, si Paco, andoon
sa kusina, nagpapaturo kung paano
magluto kay Inay Minda at Tinay.

DON IGNACIO
Ah, ganon ba?

Enzo looks away from his Lolo, he contemplates his next
chess move. Don Ignacio is fondly looking at his grandson.

DON IGNACIO (CONTINUOUSLY)
Anak, may problema ka ba?

ENZO
Wala naman po.

DON IGNACIO
I know you too, well, son. Alam ko
pag may-nagba-bother diyan sa isip mo.

ENZO
Wala po ito, Daddy, it’s just a
thought.

DON IGNACIO
During nang kabataan ko, wala nang
nagbibigay sa akin ng problema
kundi ang mga babae lang.

ENZO
Talaga po, Daddy?

DON IGNACIO
I know you are in the age na you
want to try out everything. GO
ahead, indulge yourself, habang
binata ka pa.

ENZO
More women, Lolo? Hindi na ho.
Isang babae nga lang po, andami
nang problema, yung madami pa kaya?

DON IGNACIO
Women are fascinating creatures!

ENZO
You couldn’t be more true, Lolo.

DON IGNACIO
They mean one thing, ilang minuto
lang ang nakalipas, iba na naman
ang gusto.

ENZO
Madami din bang problemang ibinigay
sa iyo si Lola?

DON IGNACIO
Mahal ko kasi siya, kung mahal mo
ang isang tao, kahit ano pa man ang
kanyang kapintasan, natatanggap mo
siya ng bukal sa puso mo,yung
walang pag-aalinlangan.

ENZO
Paano niyo nga po pala napasagot si
Lola, hindi niyo pa iyon naikukwento
sa akin.

DON IGNACIO
Simple lang ang kwento namin, anak
siya ng propesor, ako naman
ordinaryong magsasaka lamang. Ayaw
ng mga magulang niya sa akin.
Ngunit isang gabi, naglakas loob
ako, hinarana ko siya. Mula noon,
hindi ko na siya tinantanan.
Nagsipag din ako sa pagsasaka,
nagtayo ng negosyo. Nakita ng tatay
niya na masipag ako, ayun, pumayag
na rin siyang magpakasal kami.

ENZO
Ganoon ho ba? Ang lupit niyo pala,
Lolo.

DON IGNACIO
Oo, harana lang ang katapat nun,
iho. Walang babae ang hindi
napapaibig ng isang harana. Wala
nang mas bibisa pa.

ENZO
I‘ll keep that in mind, Lolo. I
guess, if I’m ready to settle down,
mas gusto ko ang katulad ni Lola na
mahal na mahal kayo!

DON IGNACIO
Mali yang sinabi mo, iho. Hindi mo
minamahal ang isang tao dahil mahal
ka niya. Mahal mo siya dahil mahal
mo siya. Plain and simple.

ENZO
I thought alam ko na ang lahat
tungkol sa pag-ibig.

DON IGNACIO
Hangga’t hindi ka pa nagigising sa
umaga, na may ngiti sa mukha dahil
ang katabi sa pagtulog sa gabi ay
ang babaeng pinakamamahal mo at
nagpapasalamat ka sa Diyos na siya
ang unang mukha na nasilayan mo sa
bukang-liwayway, hindi mo pa
nalalaman ang tunay na pag-ibig. Enzo.

ENZO
Siguro nga po, Lolo. Siguro nga po.

DON IGNACIO
By the way, check mate.

INT. KITCHEN - SAME TIME

Minda, Tinay and Paco are busy preparing for dinner. Minda
is doing all the cooking, Paco and Tinay are on the kitchen
table doing all the prep work.

MINDA
Ganito lang iyan, Paco, pagkatapos
mong gisahin ang bawang at sibuyas,
saka mo idadagdag itong iba pang
mga sahog.

PACO
So palagi pala talagang may gisa.

TINAY
Halos lahat ng pagkain nagsisimula
sa pag-gigisa.

PACO
Ganun pala iyon?

Julio comes in, sweaty. He grabs a glass to drink water.
From the other side of the room, Tinay ang Paco, are talking.

TINAY
Shucks, ang ganda na ng araw ko may
nagbabadyang sumira nito.

PACO
(looking at Julio)
Sino, siya? Si FK mo?

TINAY
FK?

PACO
First Kiss...

TINAY
Hoy! Dahan-dahan ka diyan sa sinabi
mo, baka atakihin si Inay sa puso
pag narinig niya yan.

PACO
Ba’t sobrang bothered ka pag
andiyan siya!

TINAY
Wala lang, naiinis lang ako pag
nakikita ko siya.

PACO
May tanong ako, Tinay...

TINAY
Ano yun?

PACO
How did my kiss compare to his?

TINAY
Gago to!

PACO
Hindi, pwera biro! Kanino ang mas
masarap?

TINAY
Inis ka, ayaw kong sagutin yang tanong mo.

Julio, in the meantime, was aware of the friendly banter
that was going on between the two.

JULIO
Inay Minda, mukhang masarap yang
niluluto mo ah?

MINDA
Eto naman, kelan ba hindi naging
masarap tong luto ko?

JULIO
OO nga po pala, kahit kelan, hindi
pa pala kayo nagmi-mintis.

MINDA
Tama ka diyan, iho! Musta naman
ang trabaho mo sa labas?

JULIO
(still eyeing Tinay
and Paco)
Okay lang po...

MINDA
Ikaw kasi ang bagal mo...

JULIO
Ano po?

MINDA
Wala, ang sabi ko, baka mabasag
yang baso sa hawak mo. Ang higpit
ng hawak mo, o?

JULIO
Sorry po. Aling Minda, balik na po
ako sa labas.

Julio leaves. Minda turns to Paco and Tinay.

MINDA
Hoy Paco, ano pang ginagawa mo
diyan, eto na, idadagdag ko na ang
karne...

PACO
Ay opo, eto na po...

MINDA
Ikaw naman Tinay, ayusin mo na ang
mesa sa labas, dali!

INT. JANNA’S BEDROOM - SAME TIME

Janna and Liz are busy chit-chatting.

JANNA
Alam mo, meron talagang baho yang
babaeng yan. Malalaman at malalaman
ko din yan.

LIZ
Aren’t you just overreacting?

JANNA
Sis, naman. Nobody is that perfect!
Didn’t you notice how she avoids
questions about her past?

LIZ
Praning ka na rin ata. Siyempre
ayaw na nang taong pag-usapan yung
nakaraan niya no? She lived a hard
life before all of this. She
admitted that, di ba? Besides, Lolo
and Lola doesn’t care. Enzo
doesn’t seem to care either.

JANNA
Yun na nga. Dati mahirap siya and
now she is living a "great" and
comfortable life. Very convenient
para sa kanya. Ayaw ko lang yung
thought na baka niloloko niya sina
Lolo at Lola. She could be a
freeloader for all we care.

LIZ
Is that what it is? Ayaw mo lang
maloko sina Lolo at Lola?

JANNA
Yeah!

LIZ
And you tell me that this has
nothing to do with Enzo? Yung so
called "pang-lalamig" niya sa iyo?

JANNA
That too.

LIZ
Sis, as a sane and sober person.
Sinasabi ko sa iyo, you are over
reacting.

JANNA
There is something between them na
hindi ko mai-connect. And it’s
bothering me like crazy. Para bang
meron silang nai-share na hindi ko
alam, na hindi alam nang lahat.
Kung ngumiti sila sa isa’t isa
parang may meaning.

LIZ
That is what you call nga as
"overreacting."

JANNA
Hindi sis. Something is going on
and I am going to find out. Hindi
manlalamig sa akin si Enzo nang
ganito kung walang dahilan.

LIZ
Why don’t you just force him to go
back to Manila with you?

JANNA
Knowing Enzo, he doesn’t want to be
forced to do something, he does not
want to be backed into a corner...

LIZ
Grabe sis, ikaw na rin nagbibigay
sa sarili mo nang problema.
Tingnan mo ako, si Paco,
pinababayaan ko na lang iyan.
Nature talaga kasi ng mga boys ang
kumerengkeng sa mga babae sa tabitabi.
Men by nature are flirts.

JANNA
But, I don’t want Enzo to end up
with a girl sa tabi-tabi.

LIZ
Basta ang importante, at the end of
the day, ikaw pa rin ang tinatawag
niyang mahal, okay na iyon. Itali
mo man sila sa poste, maghahanap pa
rin ang mga iyan ng mga pwedeng
ikerengkeng.

JANNA
Ikerenkeng talaga ha?

LIZ
Ah basta, ako sa iyo, para may
peace of mind ka...pabayaan mo lang
iyan si Enzo, he will always crawl
back to you, anyway.

JANNA
Gusto ko kasi, Liz, ako’t ako lang
talaga.

LIZ
Anong era ka ba ipinanganak? 1920’s?
Wala nang Maria Clara ngayon. Enzo
for sure doesn’t expect you to be
one either. Grow up!

JANNA
Ah basta...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat