The Siren Awakens

THE SIREN (Completed)
INT. LARGE OPULENT BEDROOM - EARLY MORNING

Lena slowly opens her eyes. She takes a moment to take in
the marvelous view. The large bedroom surprises her. She
wakes up sitting in a four-post bed, clad in a silk night
gown, the kind that flows on her skin at the slightest
movement. The large glass windows reveal an overgrowth of
trees and the envious sea far away. The sight is so breathtaking that Lena closes her eyes and inhales deeply the fresh breeze that comes rushing by. She feels a slight pain on her temple. She raises her hand yo feel a bandage over it.
Little did she notice that three set of eyes are happily
watching her.

TINAY
Ayan senyora gising na siya...

Lena, wide-eyed in shock, shifts to where the voice came
from. To her delight, three kind faces greet her. KRISTINA,
fondly called by everyone as TINAY, is a little bit younger than her. She
is dressed simply, instantly revealing her modest status.
DONA CONSUELO and DON IGNACIO, still regal in their late
60’s, slowly come in and sit at her bedside. TINAY follows suit.

DON IGNACIO
Kamusta ang iyong pakiramdam, iha?

LENA
Ma...mabuti na po...Nasaan po ako?
Ano po ang nangyari sa akin?

DONA CONSUELO
Huwag mo munang alalahanin iyan,
iha. Magpahinga ka muna.

LENA
Sino po kayo? Paano po ako napadpad
dito?

DON IGNACIO
Hindi rin namin alam, iha. Ako pala
si Ignacio at ito ang aking
butihing maybahay na si Consuelo.
Natagpuan ka sa dalampasigan ng
aming munting isla, ilang araw na
ang nakalipas. Dinala ka ng mga
mangingisda dito sa aming bahay
para makapagpahinga ka...

LENA
Isla...dalampasigan...?

DONA CONSUELO
Wala ka bang naalala iha? Anong
pangalan mo?

LENA
Lena...Lena po ang pangalan ko. Yun
ang naalala kong tawag nila sa
akin...teka ba’t wala akong
maalala...
(starts to panic and cry)

DON IGNACIO
Naku Consuelo, ayan na-i-stress
tuloy yung bata. Naku huwag mo
piliting makaalala iha, babalik din
lahat yan sa iyo.

DONA CONSUELO
Kawawa naman ang batang nire...

LENA
Teka po...may naalala po ako
...barko...may barko. Maraming tao.
Tumatakbo ako...may bagyo...

EXT. BOAT GALLEY, NIGHT - FLASHBACK TO THREE DAYS AGO

Stormy night.

Lena is running away from a group of people.
A man is holding her hand, urging her to run faster. People
are getting closer. Both Lena and the guy are running
towards the boat’s edge. The guy holding her hand is her
brother, PIPO.

PIPO
Talon, Lena, talon!

LENA
Natatakot ako kuya...kuya!!!

PIPO
Huwag kang bibitaw sa kamay ko...

Then they jump. Before they reach the water, the large boat
explodes.

CUT BACK TO:

INT. LARGE OPULENT BEDROOM

LENA
Kuya ko! Nasaan ang kuya ko?
(crying)

DONA CONSUELO
(makes a sign of the cross)
Naku iha, huwag mo muna alalahanin
ang kuya mo. Siguro naman nasa
mabuti din siyang kalagayan.

DON IGNACIO
Pasensya na iha kung ika’y aming
naabala. Kami lamang ay nagtataka
kung paano ka napadpad sa aming isla.

LENA
Isla?

TINAY
Oo..nasa isla ka...ISLA San Nicholas...

DONA CONSUELO
May naaalala ka pa ba tungkol sa
pamilya mo, iha? Nang sa ganoon ay
makapaghanap tayo ng tulong upang
makabalik ka kaagad sa mga magulang
mo. Siguradong nag-aalala na ang
mga iyon..

LENA
Wala na akong maalala. Alam ko
lang Lena ang pangalan ko.

TINAY
Naku...meron kang...am..amnesia!

DONA CONSUELO
Tumigil ka nga sa mga pinagsasabi
mo, Tinay! Iha, talaga bang wala
ka na ba talagang maalala?

LENA
Wala po talaga. Yung lang pong
nangyari sa barko.

DON IGNACIO
Di mo naitatanong iha, isa sa aking
mga anak ay doktor. Ngunit nasa
ibang bansa siya ngayon. Ako man
ay may kaunting nalalaman sa medisina.

DONA CONSUELO
Tumigil ka nga diyan Ignacio.
Huwag mo nang ipagyabang yang
kakarampot na nalalaman mo.

DON IGNACIO
Ang sa akin lang ay kung minsan,
ang isip ng tao mismo ay siyang
pumipigil sa sarili nitong maalala
ang ibang detalye ng kayang
nakaraan. Maaring mga memoryang
ito ay lubhang masakit na mismo ang
utak ng tao ang gumagawa ng paraan
upang makalimutan ito.

TINAY
Amnesia nga po iyon, Don Ignacio.
Malimit ko pong naririnig yan sa
mga drama sa radyo at telebisyon.

DONA CONSUELO
Pagpasensyahan mo na sila, iha.
Talagang mapaglaro ang mga isip ng
mga tao dito. Mas mabuti pa
magpahinga ka muna. Huwag mo nang
alalahanin ang mga bagay-bagay. Ang
importante ay ligtas ka.

LENA
Isa lang po ang inaalala ko...ang
kuya ko.

DON IGNACIO
Di bale iha. Ipapahanap ko siya sa
mga mangisngisda. Baka may mapulot
silang balita o ebidensya sa dagat
o sa mga karatig isla.

LENA
Salamat po.

DON IGNACIO
Magpahinga ka na iha. Si Kristina
na muna ang bahala sa iyo.

Lena nods as the couple leaves. Kristina instantly sits
beside her.

LENA
Kristina?

TINAY
Ano ka ba? Tinay na lang, di ako
sanay. Anak ako ng mayordoma dito.
Dito na ako lumaki sa malaking bahay.

LENA
Tinay...gaano ba ako kalayo sa Maynila?

TINAY
Ay naku...malayong-malayo. Saan ka
ba banda sa Maynila. Nandoon kasi
nag-aaral si EN...Senyorito ENZO,
maaring matulungan ka niya.

LENA
Hindi ko ata maalala, Tinay...

TINAY
Di bale, babalik din iyan sa iyo.
Magpahinga ka na lang muna. Pero
siguro mayaman ka dati, noh? Kasi
ang ganda-ganda mo, at ang kinis
ng balat mo...

LENA
Salamat, pero di ko pa rin talaga
maalala kung saan ako nanggaling at
kahit man lang kung sino ang mga
magulang ko.

TINAY
Naku pasensya na ha, masyado akong
madada. Hahayaan na kitang
magpahinga. Kung may kailangan
ka...I-tunog mo lang yang "bell" na
iyan.

LENA
Salamat, Tinay.

Kristina leaves the room. Lena throws herself to the bed
almost immediately. She grins widely, still not believing
the good fortune that fell upon her.

LENA (VO)
Ito na yung pangarap natin, Kuya.
Alam kong nakikinig ka.
Salamat....Ito’y bagong simula
Elena Ramirez, bagong simula...

She immediately dozes off smiling.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat