Evening Prelude

THE SIREN (Completed)
INT. ISLAND MANSION - EARLY EVENING

Lolo Ignacio and Lola Consuelo are watching the evening news.

The guests are still asleep. Camera focuses on the TV.

CUT TO:

INT. NEWS ROOM - EARLY EVENING

Krystal Martin looks calm and focused in delivering the news.

Lights are focused on her.

KRYSTAL MARTIN
Magandang gabi mga kaibigan, sa ulo
ng mga balita. Naniniwala na ang
mga kawani ng La Plaridel publishing
Company na natagpuan na ang
kinaroroonan ng world-reknowned
author na si Constancio Madrid.
Ayon sa isang source, itatakda na
nilang ipakikilala siya bukas sa
isang press conference...Hindi
lamang nai-confirm kung ang limang
milyong pisong pabuya na siyang ibibigay
ng kumpanya sa sinomang
makapagtuturo ng lokasyon ng
manunulat ay naibigay na...

She switches view to the camera on her left.

KRYSTAL MARTIN
Samantala, isang malaking balita
ang tumambad dito sa newsroom kanikanina
lang. Isang survivor diumano
ang lumitaw at inaasahang magbibigay
linaw sa malagim na sinapit ng
yateng Lady of the Sea. Kung inyong
matatandaan mga kaibigan na
pinaniwalaang lumubog ang naturang
yate na pag-aari ng ex-Philippine
army general na si General Wilson
Go noong kasagsagan ng bagyong Isko
limang linggo na ang nakalipas.
Narito ngayon si Sonia Aragon sa
mga karagdagang updates

CUT TO:

EXT. MANILA HOSPITAL - SAME TIME

Sonia Aragon is standing in front of the hospital. The
neon lights of the Hospital provide the background.

SONIA
Tama ka Krystal. Kasulukuyan
ngayong sinusuri ang only survivor
ng trahedyang sinapit ni general Go
at kanyang pamilya’t mga bisita.
Isang lalaking nagngangalang Eliseo
Toribio ang natagpuan sa kanlurang
bahagi ng Masbate. Pagkatapos daw
na matiyak ang kalagayan ng binata,
sinabi ng NBI na saka lamang magbibigay
ng statement ang survivor sa kung ano talaga ang
sinapit ng naturang yate at iyan po
ang ating pakaabangan dito lang sa
Balitang Bayan. Balik muna sa iyo
Krystal.

CUT TO:

INT. ISLAND MANSION - EVENING

Lolo Ignacio remains glued to the TV. Lola Consuelo in the
meantime switched the channel to a movie channel.

DON IGNACIO
O, bakit mo nilipat? Gusto kong
malaman kung totoo yung balita...

DONA CONSUELO
nang alin? Yung nalunod na yate?

DON IGNACIO
Hindi, dun kay Madrid?

DONA CONSUELO
Alam naman nating pareho na hindi totoo yun.

DON IGNACIO
Oo nga, pero gusto ko pa ring mapanood kung sino.

DONA CONSUELO
Huwag na! Iba na lang panoorin
natin, nakaka-depress namang mga
news na iyan...

DON IGNACIO
Hay naku...ngayon, iiyak-iyak
ka sa mga dramang iyan, tapos eto
complain ka ng complain na nade-depress
ka sa mga balita...tsk, tsk,
tsk.

DONA CONSUELO
Ay pabayaan mo na nga ako, dun ka
sa kwarto manood, may TV din naman
dun...

Lena is seen on the background rushing up the stairs...

DON IGNACIO
Uuy, si Lena yun ah. Ba't nagmamadali
yun?

DONA CONSUELO
Hay naku, pabayaan mo na ang
bata,siguro naiihi lang yun.

DON IGNACIO
Baka nga. Gusto mo gisingin ko na ang
ibang mga bata para makapag-dinner na tayo.

DONA CONSUELO
Mamayang konti, wala pa naman si
Enzo. Pagbalik na lang niya, para
na rin makapagpahinga sila ng mabuti.

DON IGNACIO
Ang sabihin mo, ayaw mong maistorbo
habang nanood ka niyang teleserye mo...

Dona Consuelo doesn’t comment back but she gives him the
"look." He decides to shuts up.

INT. LENA’S BEDROOM - CONTINUOUS

Lena had her back on the door. Her chest is heaving from
the running. At first, her face casts this look of worry
then she slowly smiles...

LENA (V.O.)
Bakit napakabilis ng tibok ng puso
ko? Siya pala si Enzo...Bakit ka
kasi tumakbo, Lena? Ano naman kaya ang iisipin nun? Diyos ko,
paano ko kaya siya mahaharap muli?

She lunges to the bed and buries her head on the pillows.
She then surfaces up looking up at the ceiling with a big
smile on her face.

LENA (V.O.)
Huwag kang mag-isip ng ganyan Lena.
Siya si Enzo ni Tinay! Pero....ang
gwapo-gwapo niya! Behave ka, Lena!
Behave...

Scenes from waterfalls replay endlessly on her mind.

INT. PACO’S ROOM - SAME TIME

Enzo enters Paco’s room and rushes to Paco’s bed. He
excitedly nudges Paco much to the other’s consternation.

ENZO
Paco...gising, man! Gising na....

PACO
Ano ba? Sarap ng tulog ng tao, eh?

ENZO
Gising ka na kasi...may ibabalita
ako sa iyo.

PACO
Teka, why are you grinning like a
schoolgirl? Teka, alam ko na...

ENZO
Ha?

PACO
Alam ko na, may nakilala kang babae
ano? Magandang babae ano?

ENZO
Yes pare! Yes to both questions!
Pero wait, you got that just by
looking at me?

PACO
Pare naman, after all these years!
I know how girls can get you giddy
and kilig like that.

ENZO
I do not!

PACO
Pare naman, obvious ba? Ayan ang
mirror, tingnan mo ang sarili mo
diyan and let me go back to sleep.

Paco collapses back to his bed.

ENZO
Come on, man. Listen to me! This
girl is different! She is the most
beautful girl I’ve ever seen and you and I have seen a lot! God!
I wish I got her name!

Paco rises up, looking a bit interested.

PACO
Talaga pare? Champion ba pati katawan? Where did you meet her, pare?

ENZO
Dun sa falls!

PACO
Ba’t di mo nakuha ang pangalan niya?

ENZO
I think I frightened her away!

PACO
Bullsh*t! Ikaw? May babaeng
nakalampas sa iyo?

ENZO
Ewan ko ba pare. Bigla na lang
siyang nawala...

PACO
Hindi kaya may pagka-engkanto yung
nakita mo?

ENZO
Yun nga ang una kong naisip, kaya
lang nahawakan ko siya pare...

PACO
Saan?

ENZO
Gago! Malisyoso ka talaga. Basta
pare, kailangan makita ko siyang muli.

PACO
Anong plano mo?

ENZO
Hahanapin ko siya. Napakaliit naman
ng isla na to para hindi ko siya
mahanap.

PACO
Bro, you’re pathetic.

ENZO
Bakit?

PACO
Duh, there’s a catch...

ENZO
Ano naman iyon?

PACO
Your freakin girlfriend?!!!...Hello?
She’s sleeping on the other room?!!!

ENZO
! That is a snag...

PACO
Snag? You’re calling it a snag?
Pare naman, nangangamoy disaster to,
disaster...of epic proportions!

ENZO
Well, she won’t know about it! Kasi,
hindi mo siya sasabihan...

PACO
Keep it cool, man. I don’t want to
get involved in this. Girls like
Janna, you don’t mess with, pare.
She can scratch your eyeballs out, pare
and serve it on a plate...huwag mo
nang gawin ang balak mong gawin.

ENZO
I’m not going to do anything
foolish naman pare. Gusto ko lang
siyang makilala.

PACO
Yeah, right! I’ve seen this happen
to you a lot of times. Advice ko
for you, my friend. Take a cold
shower...and cool down. Init lang
sa katawan yan...

Enzo is dumbfounded. Paco pats his back and buried himself back to his
bed to sleep, leaving Enzo deep in his thoughts.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat