The Inquisitive Kin

THE SIREN (Completed)
INT. LIVING ROOM - NEXT MORNING

Enzo is seen heading down the stairs. When he reaches the
living room he is surprised to see Don Ignacio, Dona
Consuelo, Lena and Rafael; but most especially, his
childhood friend, whom he has not seen for quite some time.

ENZO
Rafa?

RAFAEL
O pare, nakarating ka na pala?

ENZO
Oo kahapon lang, kamusta na?

RAFAEL
Eto, ayos naman. Finally,
nakatapos na rin.

ENZO
Buti naman at nagkita tayo this
time, it’s been years, di ba?

RAFAEL
Oo nga, last time natin nagkita,
was three years ago, di ba?

ENZO
Tagal na pala nun, ano? Teka, ba’t
napakaaga naman ng bisita mo? Ano
ang atin?

RAFAEL
Ha eh...

Rafael appears flustered.

DON IGNACIO
Alam mo naman iyang si Rafa, umpisa
dumating yang si Lena dito, halos
araw na iyang nandito.

LENA
Hindi naman ho, Lolo.

RAFAEL
Hindi nga naman ho araw-araw Lola.

DONA CONSUELO
Every other day lang naman pala.

RAFAEL
Paano kasi tong si Lena, gusto daw
magpa-tour nitong buong island.
Kailangan daw niya ng expert tour
guide.

LENA
Hindi kaya, alam mo ikaw talaga
napaka-sinungaling mo, ang sabihin
mo, ikaw itong mapilit...

Lena playfully punches Rafael on his arm. Enzo’s face
reveals a bit of jealousy towards Lena’s sudden affection to
Rafael.

DON IGNACIO
Alam mo kasi Lena, itong si Rafael
ay katulad iyang nitong si Enzo.
Sobrang matinik ang mga iyan sa mga
chicks, pagnakakita yan ng mga
nagustuhan nilang babae, nako hindi
nila tinatanan ang mga iyan.

ENZO
Paano naman ako napasok sa usapan niyo?

RAFAEL
Oo nga naman, Lolo. Magkaiba ho
kami ng style ni Enzo sa panliligaw.

LENA
Sinong pong nanliligaw kanino? Ikaw
Rafa? Sa akin? Nanliligaw ka ba?

ENZO
Wow pare, nakahanap ka na ng
katapat mo kay Lena!

RAFAEL
Eto naman, o. Para nang hindi
mabiro. Hindi pa ba obvious ang
pabalik-balik ko dito araw-araw?

LENA
Hindi, kasi ang mga alam kong
nanliligaw eh sa gabi dumadalaw.

RAFAEL
Lahing intsik kasi kami.

ENZO
Pasensya ka na Lena sa kaibigan
kong ito, kulang kasi iyan sa
training.

LENA
Training nino?

ENZO
Training ko.

DONA CONSUELO
Hay naku ang mga batang ito, oo.
Yan Ignacio, kasi kung ano-ano ang
mga tinuturo mo sa mga iyan nang
maliliit pa ang mga iyan. Tingnan
mo at ang tingin sa mga babae ay
mga laruan.

DON IGNACIO
Hala! At sa akin naman binuntong
ang sisi!

LENA
Hay naku po, Lola. Ang mga lalake
mabuti lang sa simula. Di ho nila
ako maloloko.

ENZO
Talaga lang ha? Naku pare,
nakasalalay sa iyo ang reputasyon
natin.

RAFAEL
Hindi bibiguin, pare. Tara na nga
Lena, nang makarami tayo.

ENZO
(absentmindedly)
Makarami saan?

RAFAEL
Ah, inimbitahan ko kasi si Lenang
mag-fishing.

ENZO
Talaga? Saan?

RAFAEL
Sa dating gawi.

ENZO
Ah okay...sarap sanang sumama kaya
lang baka maka-distorbo ako sa inyo.

Lena blushes profusely at the way Enzo is looking at her.

DON IGNACIO
Breakfast muna kayo, Iho?

LENA
Hindi na ho, Lolo. Sabi ni Rafa,
may dala ho siyang pagkain.

DONA CONSUELO
O siya Lena, lumakad na kayo at
baka tanghaliin pa kayo ni Rafael.

DONA CONSUELO
Mag-ingat kayo, ha?

RAFAEL
Opo, ihahatid ko po si Lena pabalik
dito mamaya.

DONA CONSUELO
Buti naman kung ganon.

DON IGNACIO
Teka Enzo, ang mga kaibigan mo
tulog pa ba?

ENZO
Tulog pa ho, Lolo.

DON IGNACIO
Ah ganun ba?

RAFAEL
O paano, tol! Kita kita nalang tayo
sa ibang araw.

ENZO
Sige at nang maipakilala na rin
kita sa mga kaibigan ko.

RAFAEL
Oo ba. Rinig ko ang ganda ng
girlfriend natin, ah.

ENZO
Ayun, tulog pa. Napuyat kagabi eh.

Lena remembering the scene she chanced upon yesterday
evening decided that she does not want to hear any of it
anymore.

LENA
Sige po Lolo, Lola.
(pulls Rafael away)
Halika na nga, sabi mo kanina
nagmamadali ka?

RAFAEL
Yes dear, andiyan na. Sige pare.

Lena and Rafa leaves. This leaves Don Ignacio and Dona
Consuelo looking very happy but Enzo remains grim, to
reasons he wasn’t clear of...yet.

INT. BREAKFAST TABLE - SEVERAL MINUTES LATER
Enzo, his grandparents are joined at the breakfast table by
Liz, Paco and Janna.

DONA CONSUELO
O, kamusta ang mga naging tulog ninyo?

LIZ
Okay naman po Lola.

PACO
Napaka-sariwa po pala ng hangin
dito sa inyo Lola, sobrang narecharge
po ako.

DON IGNACIO
Mabuti kung ganon.

A bit of silence ensues. Janna remains tense.

JANNA
Lolo, Lola, I’d like to take to
this opportunity to say sorry about
dun sa nangyari kagabi.

DON IGNACIO
Naku iha, wala sa amin yun,

ENZO
Everything’s over and done with na,
sweetie.

JANNA
No, was out of line, talaga.

DONA CONSUELO
Iha, we know everyone was a bit tired
last night. Masyado lang
kayong naapektuhan ng pagod.

JANNA
Siguro nga po. I was a bit insensitive
po kay Lena. I wish I could make
it up to her.

LIZ
Maybe we could invite her to come
with us today mag island hopping.

DON IGNACIO
Ay naku wala siya dito. Pumunta dun
sa kabilang isla, dinaanan kaninang
umaga ng inaanak naming si Rafael.

ENZO
Palagi ho ba silang lumalabas?

Tinay appears out of nowhere, bringing in more of the fresh
fruit juice.

DONA CONSUELO
Naku halos araw-araw, nagkakaigihan
na siguro yang dalawang yan.

ENZO
Di ba kakakilala lang nilang dalawa?

DON IGNACIO
Nagtataka ka pa’t matinik yan sa
chicks si Rafael. Kung sabagay
botong-boto ako diyan sa batang
iyan. Akalain mo mayaman na,
mabait pa, magandang lalake...

TINAY
Ay naku, Lolo. Si Lena na mismo
ang nagsabi na hindi niya type si
Rafael.

ENZO
Ganun? Hindi ganun ang nakita ko
sa kanila kanina, eh.

JANNA
(sarcastic)
Bakit ano ba ang nakita mo sa
kanila kanina?

PACO
Oo nga, may naamoy ka bang kakaiba?

ENZO
Wala, napansin ko lang...

LIZ
She is so mysterious, though. I
really like to know her better.

PACO
Bakit hindi kaya na bukas na lang
tayo mag-island hopping instead of
today? Isama na rin lang natin si
Lena...si Rafael kung gusto niya at
ikaw na rin Tinay... kung gusto mo rin.

TINAY
Ako? Sige! Game ako diyan!

JANNA
What do we do today, though?

ENZO
We can just lounge dito sa bahay.
I still have a bit of jet lag. I
think I’d stay here muna and read.

PACO
Pare naman, we’re here to enjoy.
Kakatapos lang natin ng isang
school year and the first thing na
gagawin mo is magbasa?

ENZO
I’m just a bit tired, you guys can
go ahead without me, dito na muna
ako, I’ll catch up kina Lolo at Lola.

JANNA
If you won’t go then I won’t go too, sweetie.

ENZO
Seriously, okay lang ako. Dito na
muna ako.

LIZ
You’re such a K.J.

Ignacio and Consuelo looks at each other, then at Enzo.

ENZO
No, I think I’ll stay in.

PACO
Okay, the man has spoken. Sige na nga. Let him be.

JANNA
I’m going to wear my skimpy bikini
if somebody will make a pass at me,
ikaw ang may kasalanan.

ENZO
Kasalanan? Di ba ikaw naman ang
magsusuot non. Kung ayaw mong
manyakin, di wag mong isuot! Don’t
be such a brat!

JANNA
Me a brat? Hey look! Kung ayaw
mong magpapilit, e di huwag...

DON IGNACIO
Umayos nga kayong dalawa, huwag
kayong mag-away sa harap ng pagkain.

JANNA
Sorry po Lolo, si Enzo kasi!

DONA CONSUELO
Huwag nyo na kasing pilitin. Si
Enzo, stubborn yan. Once he made up
his mind, yun na yun.

ENZO
Look, I’m tired. Sorry if I can’t
go. That’s it, no use fighting for
this. You have all the beach to enjoy.

The three guests remain quiet as their obstinate host
continue to eat without speaking to anybody.

INT. FAMILY ROOM - ALMOST MIDNIGHT

Lena tiptoed her way into the house. She did not notice that
the study’s door is ajar. Enzo is inside busy with the
computer. He stands up as he sees Lena.

ENZO
Lena, wait!

LENA
Ay pusa! Naku, ginulat mo naman
ako, Enzo.

ENZO
What time is it? Buti naman at
naisipan mo pang umuwi.

LENA
Ha eh...Sorry...kasi...

ENZO
Kung ganito rin naman ang uwi mo,
sana doon ka na lang natulog!

LENA
Pasensya na at nawala sa isip namin
ang oras.

ENZO
At ano naman ang pinag-gagagawa
ninyo ni Rafael at nawala sa isip
nyo ang oras?

LENA
Ha? Kung ano man yun wala ka nang
pakialam!

ENZO
Hindi kita kilala Lena, pero
sabihin mo nga sa akin, uwi ba ito
ng matinong babae?!

LENA
Yun na nga, eh, Hindi mo pa nga ako
kilala, iba-iba na kaagad ang
iniisip mo!

ENZO
I don’t want you causing any
problems in this house.

LENA
Sa pagkakaalam ko wala namang
problema dahil nagpaalam naman ako
ng maayos!

ENZO
Pero hindi para umuwi ng dis-oras
ng gabi! Eh kung may mangyari sa
iyo? Sagutin ko pa!

LENA
Eh ano namang pakialam mo?

ENZO
Bahay ko to, kargo pa kita pag may
nangyari sa iyo!

LENA
Eh ano naman ngayon kung may
mangyari sa akin? Hindi naman kita
kaano-ano para mag-alala ka ng ganyan!

Enzo moves in closer.

ENZO
Boyfriend mo na ba si Rafael?

LENA
Ano?

ENZO
Ang sabi ko, may relasyon na ba
kayo ni Rafael?

LENA
Eh ano naman ngayon ang masama dun?

ENZO
Kilala ko si Rafael. Eventhough he
is my friend, alam ko ang ugali
niya. Gusto kitang balaan...

LENA
Kung may kailangan mang dapat
pangambahang tao, ikaw yun! Kasi
masama kang mag-isip.

ENZO
Ang akin lang ay ayaw kitang mapahamak.

LENA
Mapahamak? Ako?

ENZO
Sasaktan ka lang niya, naintindihan
mo ba?

LENA
Ang hindi ko maintindihan eh kung
ano ba ang pinagpuputok niyang
butse mo.

ENZO
Masasaktan ka lang.sa kanya...

LENA
Kayang-kaya ko ang sarili ko!

ENZO
Look, I am worried about you, okay!

LENA
Ha? Anong sinabi mo?

ENZO
I mean, sina Lolo at Lola, nagalala
ng sobra sa iyo kanina...

Lena realizes her wrongdoing.

LENA
Talaga? Oh my God...

ENZO
Don’t ever do this again, Lena.
People here care for you.

LENA
Hayaan mo hindi na mauulit. Babawi
na lang ako sa kanila.

ENZO
Lena, you know how much Lola and
Lolo cares about you, right? I
don’t want to see their feelings
hurt. They took you in with open
arms, the least you can do is be
responsible.

LENA
OO na, Kuya!

ENZO
I am not joking!

LENA
Bakit nagbibiro ba ako?

ENZO
Alam mo masyado kang "obstinate"!

LENA
Ano yun?

ENZO
Matigas ang ulo! Palasabat!

LENA
Ah ganon. Eh ikaw, masyado kang
malisyoso, pakialamero at higit sa
lahat, high blood! Ingles yan ha!
Siguro naman naintindihan mo yan.

Enzo could not hide his amusement.

LENA
Ngayon patawa-tawa ka. Kainis ka.

ENZO
Goodnight Lena! Sweet Dreams!

LENA
Bwiset!

ENZO
I can kiss you goodnight in behalf
of Rafael! That is if you want it!

LENA
Bastos!

Lena stomps her way up the stairs. When she reaches midway,
she looks back.

LENA
Hindi ko pa boyfriend si Rafael!

A look of triumph is on Enzo’s face.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat