Big Time Swing!

THE SIREN (Completed)
INT. LARGE CHINESE RESTAURANT - A FEW MONTHS AGO

PIPO is sitting on a table, dressed shabbily, chumping
heavily on a tableful of goodies. On the table accross her
is Lena, dressed very sophisticatedly in an elegant tiongsam,
sipping wine.

LENA (V.O.)
Hindi naglaon mas naging mas
mapangahas ang ginagawa namin ng Kuya.

A waitress approaches Pipo.

WAITRESS
Sir, masarap ho ba?

PIPO
Da best!

WAITRESS
Kunin ko na po ang bill?

PIPO
Oo ba. Bibigyan pa kita ng tip kasi
maganda ka.

WAITRESS
Talaga?

The waitress comes back with the bill. Pipo hastily searches his wallet. He acts as if he could not find it much to the
consternation of the waitress.

WAITRESS
Ano ba yan, luma na yang style mo!

PIPO
Anong style? Nawawala talaga ang
wallet ko! Saan kaya yun?

Pipo hastily empties out the contents of his bag into the
table scattering junk across the room. This brings out the
manager.

MANAGER
Anong kaguluhan ang meron dito?
Sylvia?

WAITRESS
Ay wala po sir, hindi daw nya
mahanap yung wallet nya.

PIPO
Andito lang yun kanina, naku saan
kaya nalaglag yun?

Manager feels uncomfortable as other clientelle began
looking on.

MANAGER
Tama na yan, wala ka ng mahahanap.
Makakaalis ka na. Huwag ka nang
bumalik dito.

PIPO
Paano ang bayad ko?

MANAGER
Saka ka na magbayad, kung may pera
ka na. Umalis ka lang dito ngayon din.

PIPO
Wala ho akong balak lokohin kayo.
Talaga namang may pera akong pambayad.

WAITRESS
Sir, narinig nyo ho si bossing,
okay na po.

PIPO
Hindi okay sa akin, kasi alam ko
iniisip nyo wala akong pera.
Malapit lang ang bahay ko dito,
kukuha ako ng pambayad, babalikan
ko kayo.

MANAGER
Haay naku, lumang style na yan.
Pipo removes a necklace from his shirt pocket.

PIPO
Heto, kunin mo tong kwintas na to.
Mahal yan, regalo ng lolo ko yan sa
akin, siguradong babalikan ko yan.
Babalik agad ako, kukuha ako ng pera.

MANAGER
Hay naku. Sinong niloko mo,
mukhang peke naman yan.

PIPO
Maniwala ka man o hindi, bahala ka
basta importante sa akin yang
kwintas na yan.

Pipo hands the necklace to the waitress. She keenly
assesses it.

WAITRESS
Boss, mukhang tunay. Ang bigat, eh.

MANAGER
Sige, naniniwala na ako sa iyo.
Iwan mo ang kwintas, bumalik ka na
lang dito kasama ang bayad.

PIPO
Babalik ako kaagad, ingatan nyo
yang kwitas ha? Babalikan ko yan.

Pipo leaves.

MANAGER
Ano ka ba, Sylvia? Mukha na ngang
walang pambayad pinakain mo pa?

WAITRESS
Pasensya na po boss, kala ko kasi
may pambayad sya eh.

MANAGER
Kahit kelan ang tanga-tanga mo talaga.

WAITRESS
Huwag na kayong magalit, nasa inyo
naman ang kwintas ah? Pag di
bumalik e di isanla mo. Mas mahal
kaya yan sa kinain nya.

MANAGER
Buti na lang kamo at may pangcollateral
sya kundi sisante ka na.
Mukhang cheap naman kasi itong
kwintas na to, for sure
fake!...walang kadating-dating.

WAITRESS
Sorry po ulit boss.

MANAGER
Mukhang pang-matrona... Pero,
mabigat sya, in fairness...

WAITRESS
Sana di na sya bumalik.

Lena upon seeing the manager waving the gold necklace,
immediately approaches the two.

LENA
Mawalang galang na po. Pasensya na
po, di ko ho mapigilan ang sarili
kong magtanong.

MANAGER
Ano yun, iha?

LENA
Antique buyer po kasi ako. May-ari
po kasi ako ng isang auction house.

Manager’s face lights up as Lena hands him a fake business card.

MANAGER
Wow, bongga.

LENA
Pwede ho matingnan yang kwintas mo?

MANAGER
Eto ba? Itong basurang ito...

LENA
Oh my God! Oh my God!

WAITRESS
Miss bakit?

LENA
Hindi ko ini-expect na sa tanang
buhay ko ay makakakita ako ng ganito.

She pulls out gloves and a plastic ziplock from her bag, her hands shaking from excitement.

LENA
Ilagay nyo dito.

Suddenly the owner of the restaurant joins in.

MR. TEE
Anong pinagkakaguluhan ninyo dito?

MANAGER
Mr. Tee, kayo pala. May customer
ho na nag-iwan nitong kwintas dito.

MR. TEE
Eh ano ngayon?

LENA
Ako ho pala si Anabelle Lee. Ito
po ang business card ko. Antique
dealer po ako. Hindi nyo ba kilala
kung ano ito?

MR. TEE
Ano nga?

LENA
Ito po ay isang genuine Ming
dynasty na kwintas. Kita mo yung
engravings na yan. Napaka-typical
yan sa mga gawa noong panahong iyon.
Nakita ko ang isang katulad nito sa
isang exhibit. Very rare po ito
kasi iilan lang ang ganito sa mundo.
MR. TEE
Wow! Paano naman napunta sa mama yan?

LENA
Hindi po natin alam. Ngunit ang
alam ko, itong hikaw na to ay isa
sa mga sikretong pinagawa ng
Emperador na si Xianzong para sa
kanyang concubine na si Lady Wan.
Lahat ng mga ito ay may simbolong
ganito sa likod, na ang ibig
sabihin ay "tryst" or sikretong
pagkikita ng mga magsing-irog.

Everyone is engrossed with what Lena has to say.

MANAGER
Talaga? Hindi pala nagsisinungaling
yung lalaking iyon ng sinabi nya na
mamahalin pala to.

WAITRESS
Sabi ko sa inyo, Sir! Akalain mo...

MANAGER
Alam ko naman sa simula‘t simula pa
ay totoo yan. Mas marunong ka pa
sa aking magkilatis ng mga mahal...

MR. TEE
Gaano na ba katanda itong kwintas
na to, Ms. Lee? Genuine article ba ito?

LENA
Opo, genuine po iyan. Hindi ako
nagkakamali. Mga tantiya po ng mga
eksperto eh, ginawa po ang mga iyan
ng mga early 1400’s.

MR. TEE
Talaga?

LENA
Sandali lang po, tatawagan ko po
ang kaibigan kong taga Museo.

Lena pretends to be wildly animated talking on her cellphone.

The others, especially Mr. Tee is very interested.

MANAGER
Boss, mukhang tiba-tiba tayo dito
ah. Malamang hindi rin alam ng
mamang may dala niyan na ganyan
pala kahalaga ang kwintas niya.

MR. TEE
Tama ka, Jason. Huwag lang sana
magkakamali ang babaeng ito na
kunin sa atin ang kwintas na ito.

Lena goes back to the spectators.

LENA
Pasensya na po, hindi ko po macontain
ang excitement ko. Maari
po bang dalhin ang kwintas para
mapasuri at maipa-catalogue po sa
Museum.

MR. TEE
Ay miss, hindi pwede. Sa customer
po namin ito, ibinayad po niya
kapalit ng pagkain niya dito.

LENA
Salamat po sa tulong ninyo. Malaki
ho ang ipapasalamat ng gobyerno po
sa inyong pagkakadiskubre sa
national treasure na iyan.

MR. TEE
national treasure? eh binayad na
sa akin ito, eh di pagaari ko na ito.

WAITRESS
eh di ba, babalikan pa yan ng mama?

MANAGER
Tumahimik ka nga. Dumidiskarte lang
si boss.

WAITRESS
Ahhhh...

LENA
Naku po, para sa ganyang kahalagang
bagay, kailangan po nating isauli
yan sa gobyerno para mapangalagaan
ho ng husto.

MR. TEE
Ay hindi naman ako papayag nyan.

LENA
ha eh...kung gusto niyo, may
contact po akong private collector,
isanla niyo na lang sa akin.

MR. TEE
Magkano ho ba ang value nito miss.

LENA
Kung sa auction po, hindi ho bababa
ang limang daang libong dolyar...

MR. TEE
Haaa?

LENA
Opo. Pero nararapat po na sa
gobyerno po ng Pilipinas mapunta
yan at hindi sa auction kasi po
rare na rare po iyan.

MR. TEE
Ayoko, ako ang may-ari nito,
gagawin ko ang nararapat.

LENA
Sandali lang po. Tatawagan ko ang
kakilala ko.

Lena excuses herself again to talk to the cellphone. She
appears animated and worked up.

LENA
Nakausap ko na po ang boss ko. Sabi
nya bibilhin daw po niya yan sa
halagang limang milyong piso.

MANAGER
Huwaaat?!!!

MR. TEE
Sandali lang, kala ko ba 25 milyong
piso o limang daang libo dolyares
ang halaga nito. Niloloko mo naman
ata ako miss.

LENA
Hindi po. Pero kung iisipin mo,
paano na lang kung madiskubre ng
gobyerno yan, sigurado wala kayong
makukuha ni isang kusing. Kailangan
niyo ng proteksyon ng grupo namin.
Kami na bahalang mag-dispose niyan
sa private collector.

MR. TEE
Ayoko, gusto ko may cut ako sa
magiging benta nito.

LENA
Sige, 15%.

MR. TEE
Gusto ko 25%.

LENA
20% plus one million in cash, bukas
ng maaga.

MR. TEE
Deal!

LENA
Ingatan niyo yan. Babalikan ko yan
bukas dala ko ang cheque.

MR. TEE
Sige.

Lena shakes hand with Mr. Tee and hastily leaves...

WAITRESS
Ay hindi ho siya nagbayad ng kinain
niya!

MR. TEE
Di bale, tiba-tiba naman tayo sa
deal namin. Okay na iyon, masyado
lang siyang naexcite sa nakita niya.

WAITRESS
Ganoon po ba. Paano po kung bumalik
yung mama?

MR. TEE
Ako ang bahala...

INT. LARGE CHINESE RESTAURANT, NIGHTTIME

Pipo, still in shabby clothes, strides into the restaurant.
He has more spright in his demeanor. Other rich patrons
began to look at him.

PIPO
Anong tinitingin-tingin niyo?

He picks up a dinner roll from one of the guests plates.
This time from a chinese girl and her ugly Filipino boyfriend.

PIPO
Salamat miss. Babayaran na lang
kita.
(Speaks chinese:
Huwag ka nang kumain
mawawalan ka lang ng
gana sa mukha ng
boyfriend mo.)

The lady chuckles.

BOYFRIEND
Anong sinabi mo? Love, anong sinabi?

Pipo just heads on straight to the counter where the Manager is seated.

MANAGER
Ay ikaw pala. Salamat sa pag-balik
mo. Napaka-honest mo naman pala.
Halika ka dito sa table. Tatawagin
ko lang ang may-ari ng resto.
Gusto ka niyang makausap.

PIPO
Tungkol ba to sa kwintas? Saan na
ang kwintas ko?

MANAGER
Sandali lang ha. Parating na si Boss.

Mr. Tee instantly emerges. He has with him the necklace in
a ziplock bag.

PIPO
Akin na ho ang kwintas ko. Eto na
ho ang bayad ko sa pagkain ko. Ayan
ha limang daang piso yan. Sa inyo
na yung sukli. Kala niyo wala
akong pera ano?

MR. TEE
Salamat dito. Gusto ko sanang
makausap ka tungkol dito sa kwintas mo?

PIPO
Yan? bakit? Bigay sa akin ng lola
ko yan.

MR. TEE
Ganoon? Alam mo ba ang kwento
tungkol dito sa kwintas na to?

PIPO
Hindi. Ang alam ko, binigay sa
nanay ko yan ng lola kong pure
chinese. Galing pa daw yan sa tsina.

MR. TEE
Tama ang iyong ina. Galing ito sa
Tsina. Alam mo iho, collector ako
ng mga antigong bagay, gusto ko
sanang bilhin ito sa iyo.

PIPO
Ay nako, di ko po binibenta yan!
Mahalaga po sa akin yan. Pamana po
sa akin ng lola ko.

MR. TEE
Willing akong magbayad ng mahal
para sa kwintas na ito. Parte kasi
ito ng koleksyon ko.

PIPO
Ows? Pag-iisipan ko po, babalik na
lang po ako sa ibang araw, akin na
po iyan.

MR. TEE
Sandali...singkwenta mil!

PIPO
Ganun? Akin na po iyan, mahigit pa
siguro dyan yung halaga niyan, alam
ko na ho ang mga style nyo. Kasi
hindi naman kayo magkakainteres
diyan pag di yan mahal.

MR. TEE
Isang daang libong piso.

PIPO
Ay hindi na po. Akin na po sabi.
Hindi ko ho ipinagbibili yan.

Mr. Tee recollects what Lena says of the value of the necklace.

AUDIO FLASHBACK:

MR. TEE (VO)
Magkano ho ba ang value nito miss.

LENA (VO)
Kung sa auction po, hindi ho bababa
ang limang daang libong
dolyar...limang daang libong
dolyar.....limang daang libong
dolyar...

"Limang daang libong dolyar" keeps reverberating into his mind.

MR. TEE
Akin na iyan...bigyan kita 500,000.

PIPO
Ay huwag na, di bale na lang. Cash
ho ba?

MR. TEE
Wala akong cash na ganyan kalaki.

PIPO
Di bale na lang ho.

MR. TEE
Sandali, sandali, issue kita cheque.

PIPO
Hindi po ako tumatanggap ng cheque,
kasi baka tumalbog pa iyan.

MR. TEE
Sandali lang tingnan ko kung
magkano ang laman ng vault ko.

PIPO
Sige.

Mr. Tee comes back with a large duffle bag in his hand.

MR. TEE
Ayan ha, yan lang iyung ready cash
ko. Humigit kumulang 300,000 din
yan. Yan lang ang cash ko.

PIPO
Kala ko ba limang daang libo ang
halaga nito?

MR. TEE
Balikan mo na lang bukas yung
natitira. Bukas ng hapon, ibibigay
ko sa iyo ang 200,000.

PIPO
Sige deal. Ingatan niyo yang
kwintas na yan. Swerte yan sa
pamilya ko.

With that Pipo leaves.

EXT. CAR - PARKED ACROSS THE STREET

Pipo enters a car parked outside, Lena is on the driver’s
seat. They speed up.

PIPO
Easy money Lena. Easy money. Three
hundred thousand!!!!

LENA
Galing mo Kuya. Pang FAMAS ang
acting mo.

PIPO
Ikaw din kaya. Konti pa Lena,
promise magbabagong buhay din tayo.

LENA
Kala nung mama babalik pa tayo dun,
ang tanga-tanga talaga ng mga tao
kung minsan.

PIPO
Magpasalamat na lang tayo at may
nauuto pa tayo kundi gutom ang
aabutin natin. Pero hindi
magtatagal aalis na din tayo sa
buhay na ganito.

LENA
Sige Kuya. Iwanan na natin ang
ganitong buhay. Magkano ba talaga
yung kwintas na yun?

PIPO
Isang libo lang yun sa Divisoria.
Buti kumagat ang loko.

LENA (VO)
Hindi ko kailan man naisip kung
gaano kahirap iwanan ang buhay na
ito. Habang nahahasa ka, mas
gugustuhin mo pang gumaling pa.
(MORE)

LENA (VO; CONT’D)
Madali lang ang manlinlang ng kapwa,
ang mas mahirap ay ang
magpakakatotoo, lalo na sa sarili
mo. Ilang beses ko na ring
nililinlang ang sarili ko na sana
ang hanap-buhay na ganito ay walang
hangganan, ngunit hindi
makapagsisinungaling ang puso ko...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat