Vague Recollections

THE SIREN (Completed)
INT. LARGE LIVING ROOM - NEXT MORNING

Kapitana is with Don Ignacio and Dona Consuelo. Tinay is
serving them drinks.

DON IGNACIO
Ganon po ba, Kapitana?

KAPITANA JUANA
Opo Don Ignacio. Naibalita po
kagabi sa telebisyon.

DONA CONSUELO
Kawawang bata talaga si Lena.

KAPITANA JUANA
Yung barko pung lumubog nung isang
araw ang maaring barkong nasakyan
ni Lena. Ilang daang tao din po
ang napinsala. Dalawampu’t isang
tao lang po ang nakaligtas.
Karamihan mga babae at mga bata,
mangilan-ngilan lang po ang lalake.

DONA CONSUELO
Mga babae at mga bata, kamo? Naku
kung sa ganon, malamang wala sa
kanila ang kuya ni Lena....maaaring
masama ang sinapit nito...

DON IGNACIO
Kawawang bata...

TINAY
Sa bandang Romblon po ba lumubog
ang barko? Ang layo-layo pa nun
dito, ah. Milagro talagang
nakaligtas si Lena.
(Interrupts
conversation by
haphazardly serving
Kapitana’s juice,
distracting everybody)

KAPITANA JUANA
Oo nga, milagro...
(makes a sign of a
cross, then turns to Tinay)
Salamat, iha...

QUICK CUT:

Camera focuses to a pair of dainty but bare feet descending
the stairs, gingerly. They would slowly tiptoe their way
towards the foot of the stairs, halting carefully as if to
listen in into the conversation.

QUICK CUT:

INT: LIVING ROOM

DONA CONSUELO
Kristina, dahan dahan lang sa juice
ni Kapitana. Ang batang ito
talaga...ang hilig sa tsismis.
(to Kapitana)
Pero, Oo nga Kapitana, swerte
talaga’t nakaligtas itong si Lena.
Tanging milagro lamang ang
nakapagdala sa kanya dito sa ating
lugar. Kawawa talaga siya. Sana
naman wala siyang ibang pamilya na
napinsala pa sa barko maliban sa
kuya niya. Mukhang napakabait pa
naman ng bata.

KAPITANA JUANA
Sa dami hong taong namatay, malaki
ang posibilidad na ang pamilya ni
Lena ay maaring nakasama sa mga
nasalanta.

DON IGNACIO
Kaya nga, mas nakakabuti siguro sa
kanya na huwag muna nating
banggitin ang tungkol sa mga balibalita
sa barkong lumubog. Baka
lalong ma-stress lang yung bata.

KAPITANA JUANA
Tama ho kayo, Don Ignacio. Magaabang
na lang ho kami ng balita sa
radyo at telebisyon tungkol sa
anumang impormasyon sa pamilya’t
kamag-anak ni Lena.

DONA CONSUELO
Samantala, dito na muna yung bata.
Dadalhin namin siya sa duktor sa
bayan sa makalawa.

KAPITANA JUANA
Okay lang ho ba talagang dito na
muna manatili ang bata sa inyo?

DON IGNACIO
Walang problema sa amin iyan
Kapitana. Naaawa nga ako sa
kalagayan ni Lena, siguro nagaalala
na ang mga magulang nito. Magabang
na rin po kayo tungkol sa
balita sa kanyang kapatid.

KAPITANA JUANA
Sasabihin ko po sa mga mangingisda
ang tungkol dito. Makakaasa po kayo.

DONA CONSUELO
Alam mo naman kapitana na wala
akong anak o apong babae. Ako ang
unang matutuwa sa pag-alaga kay Lena...

Something crashes from the background. Tinay screams loudly.

As they turn to see who it was. Lena is standing at the foot of the ornate staircase, broken pieces of glass scatter near her feet.

TINAY
Lena, ikaw pala. Naku, nasugatan ka ba?

LENA
Hindi po, okay lang po ako.
Pasensya na po, nanlabo po kasi ang
paningin ko. Nakabig ko po ang vase.
(picks up the shards
of glass near her feet)

TINAY
Ako na bahala diyan...huwag kang
mag-alala hindi antique yan. Yung
mga sa kanto,iyun yung antique. Yun
ang dapat ingatan...

DONA CONSUELO
Iha, kamusta naman ang tulog mo?
Yung sugat mo?

LENA
Okay naman po, di na po kumikirot
itong sugat ko. Mahimbing na po ang
tulog ko. Maraming salamat po sa
pag-aalala.

DON IGNACIO
Mabuti naman kung ganun. Nandito
pala si Kapitana,Lena. Napag-usapan
namin ang kalagayan mo. Sabi namin
sa kanya huwag na siyang magalala
at aalagaan ka namin.

LENA
Nakakahiya naman po sa inyo, Don
Ignacio. May balita na ho ba sa
kuya ko?

KAPITANA JUANA:
Ay wala pa iha, marami kasi ang
nasalanta sa barko...

LENA
Ano hong barko?

DONA CONSUELO
Ay wala, iha. Ang ibig sabihin ni
Kapitana, marami kasing barko ang
nasasalanta sa mga baybaying
ngayong mabagyo, pero tuloy pa rin
ang paghahanap sa kuya mo.

LENA
Sana po mahanap na po siya. Kaming
dalawa na lang po kasi ang natitira
sa aming pamilya...

DON IGNACIO
Lena, may naalala ka na sa pamilya mo?

LENA
Bumalik na po ang alala ko. Kagabi
nagising na lamang ako at buo na
ang aking alaala. Lena Ortega po
ang pangalan ko. Dalawa ho kaming
magkapatid. Maaga hong namatay ang
ama namin. Si nanay po ang
nagtaguyod sa amin ng kuya Pipo ko.
(starts to cry, her
voice cracks)
Nung isang taon po... namatay na
rin po ang inay namin.

DONA CONSUELO
Por Diyos por Santo, kawawa naman
ang batang ito. Bakit namatay ang
iyong ina?

LENA
TB ho. Naubusan po kami ng perang
pampagamot.

DON IGNACIO
Kawawa ka naman iha. Ulilang lubos
ka na pala. Ke-bata-bata mo pa.
Wala na ba kayong ibang kamag-anak?

LENA
Wala na poooo....
(crying exagerates)
Nag-iisang anak ang tatay ko. Yung
nanay ko po may kapatid na Madre,
pero di ko po alam kung nasaan na
po siya.

TINAY
Naku, kawawa ka naman.

KAPITANA JUANA:
Paano kayo nabubuhay ng kuya mo sa
Manila?

LENA
Trabaho po kung saan saan. Raket
dito, raket doon. Yung huli ko
pong trabaho, waitress sa isang
fast food chain, nang sa ganoon may
pang tustos sa pag-aaral.

DONA CONSUELO
Ganoon ba? Kawawa ka naman. Saan
kayo nakatira? Anong trabaho ng
kuya mo?

DON IGNACIO
Dahan-dahan lang sa mga tanong
Consuelo. Napapagod na ang bata.

LENA
Ha eh. Medyo masakit nga po ang ulo
ko. Pasensya na po. Pwede pong
humingi ng juice?

DONA CONSUELO
Ay pasensya ka na rin iha, ha?
Tinay, ikuha mo si Lena ng juice.
Naku iha, dadalhin ka namin sa
duktor bukas, para matingnan ang
kalagayan mo,

LENA
Duktor?
(severely alarmed)
Ay huwag na po kayong mag-alala
Dona Consuelo. Mabuti na po ang
kalagayan ko, konting pahinga lang
po siguro, okay na rin po ang sugat
ko, gasgas lang.

DON IGNACIO
We insist iha. Ipapatingnan ka
namin kay Doktor Martinez bukas,
mabuti na yung nakakasiguro.

LENA
Ha eh, kayo po ang bahala.

KAPITANA JUANA:
Napakabait talagang bata.

DONA CONSUELO
Kung hindi mo masasamain iha.
Gusto sana naming mag-asawa alagaan
ka habang ika’y nagpapagaling.

LENA
Ay huwag na po, kaya ko na po
sarili ko. Sa makalawa pwede na ho
ako sigurong lumuwas para hanapin
si Kuya.

DONA CONSUELO
Hindi ka pa magaling, iha! Yang
sugat mo sa ulo, di pa natitingnan.
Baka magka-impeksiyon pa iyan...at
saka baka mabinat ka.

DON IGNACIO
Iha, ika’y welcome sa aming bahay
hangga’t kelan mo gusto manatili
dito. Magaan ang loob naming magasawa
sa iyo.

LENA
Nakakahiya po talaga sa inyo.

DONA CONSUELO
Wala iyon...Alam mo iha wala akong
anak o apong babae. Sana naman
pagbigyan mo ang aming hiling, nang
sa ganoon ay masiguro namin na
magaling ka na talaga. At saka,
wala ka na ring babalikan pa sa
Maynila di ba.

LENA
Wala na po, papunta kami sana ni
Kuya Pipo sa Davao kasi nalipat
siya ng trabaho. Kaya lang biglang
nangyari ang....

DON IGNACIO
Ano ka ba Consuelo, ayan at naiyak
na naman itong si Lena. Tahan na
iha. Dito ka muna sa amin, ha?

LENA
Salamat po...maraming, maraming
salamat po.

TINAY
Eto, magpalamig ka muna.

Lena sips her juice gingerly. The two patrons look at her
joyfully. She turns her back slightly at them looking
slightly guilty.

DISSOLVE TO:

INT. WELL-TO-DO KITCHEN

Tinay enters, bringing in the snack tray into the kitchen.
She is met by Minda, a 40-year-old homely figure with a kind face.

MINDA
O, kamusta na ang bisita?

TINAY
Mukhang okay na po siya inay. Ayun
po siya sa sala, kausap nina
Kapitana, Inay Consuelo at Tatay
Ignacio.

MINDA
Mabuti naman kung ganon. O, hala
maghanda ka na at papasok ka pa sa
paaralan.

TINAY
Hindi ho ba pwedeng mag-absent inay?
Miminsan lang kasing magkaroon ng
ganitong ka-exciting na mga
pangyayari dito sa bahay.

MINDA
Ano ka bang bata ka. Basta tsismis
hindi ka nagpapahuli. Inaantay ka
na ni Julio.

TINAY
Inay naman, malaki na ho yang si
Julio. Kaya na niyang pumasok mag-isa.

Julio suddenly shows up at the door. Julio is a lanky and
dark-skinned lad of 17. He is modestly dressed in a handme-
down but clean, white uniform.

JULIO
Magandang umaga ho, Inay Minda. O,
Tinay ba’t hindi ka pa handa?

TINAY
Hay naku, eto pa’t dumating pa ang
isang kontrabida sa buhay ko.
Sandali lang at ako’y bibihis na.
Teka, Inay Minda? Kelan mo ba
naging nanay ang nanay ko?
Julio blushes profusely.

MINDA
Hoy bata ka talaga, puputulin ko
yang dila mo sa pagsasagot-sagot mo
ng pabalang, ha?

TINAY
Sorry na...ang puso mo, inay.

Tinay leaves.

MINDA
Julio, magkape ka muna.

JULIO
Hindi na ho, Aling Minda.
Nakakahiya po sa inyo.

MINDA
Eto namang batang ito, kelan ka pa
natutong mahiya?

JULIO
Ngayong araw lang po.

MINDA
Loko ka talaga. Mukhang maayos ang
tubo ng mga halaman sa hardin, ah?

JULIO
Salamat po. Talagang pinagbubutihan
ko po ang trabaho ko, nang sa gayon
ay matuwa ang Don Ignacio at Dona
Consuelo. Sayang din ang perang
kinikita ko dito.

MINDA
Yan ang gusto ko sa mga batang
tulad mo, yung responsable.

JULIO
Gayun po ba? Ibig bang sabihin
boto po kayo sa akin at pwede ko na
hong ligawan si Tinay?

MINDA
Huwag kang magbiro ng ganyan, bata
ka. Ako pa nama’y may hawak na
kutsilyo. Baka maibalibag ko ito
sa yo.

JULIO
(nervously)
Joke lang po.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat