All about Madrid

THE SIREN (Completed)
EXT. MACABRE ISLAND - CONTINUOUS

Paco noticing that the other two girls are in no means joining them,
decided to leave Liz, Janna, and Enzo.

PACO
Oy, guys punta muna ako dun. Pagod
na ko, kain muna ako.

LIZ
Okay, but save us some sandwiches.

Paco heads towards the shade and sits beside Lena and Tinay.

PACO
Can I join you, girls?

TINAY
Oo naman, no.

PACO
O anong ginagawa niyo dito? Ba’t
hindi kayo mag-swim? Ang sarap ng
tubig.

LENA
Saka na lang, sobrang init, eh.

PACO
O ikaw Kristina, bakit ayaw mo?

TINAY
Alam mo Paco, 16 years na ako sa
mga islang ito. Dito na ako
pinanganak, sa tubig na ako lumaki,
nakakapaglangoy na ako bago pa man ako
nakakalakad, do you think nae-excite
pa ako ng mga pagtatatampisaw-pisaw sa
beach? Hay naku, pag nag-snow pa
siguro...

LENA
Ha ha ha. Tinay, masyado kang hyper.

PACO
Oo nga. Nagtatanong lang ah?

TINAY
Ba’t ka ba nandito? Tingnan mo iyang girlfriend mo, di mapakali.

PACO
Wala lang, gusto ko lang kayong
maka-kwentuhan.

TINAY
Owwss?

PACO
Pwera biro. Pakipasa nga ng
barbeque Kristina!

Enzo and the other two girls decided to join in. They sat by the large beach mat and began rummaging their remaining food.

LIZ
Saan na yung sandwich ko?

PACO
Sandali lang mahal.

JANNA
Hi Lena, hi Tinay! Ba’t di kayo
lumangoy?

TINAY
Eh kasi...

LENA
(purposely cutting
off Tinay)
Medyo mainit kasi, mamayang konti
na lang siguro.

ENZO
Siguraduhin niyo lang na
makakalangoy pa kayo later. Kasi,
sabi ni Mang Jose, babalikan niya
tayo dito ng bandang alas-kwatro.

LENA
Ah okay lang yun kung hindi,
magbabasa na lang ako dito.

TINAY
(naughtily)
Ako, papanoorin ko na lang kayo.

PACO
Hindi ko alam na mahilig ka palang
magbasa, Lena. Anong libro ba
iyang binabasa mo?

LENA
Wala lang, pinapabasa sa akin ni
Lolo. Maganda daw...

LIZ
Hindi ba, Paradiso con Fuego yan?

LENA
Oo.

PACO
Maganda iyan, Lena.

LENA
Anong ibig sabihin ng title?

JANNA
Paradiso means paradise, fuego is
fire. Kaya Paradise and Fire.

ENZO
"Con" is "with" in Spanish, kaya Paradise with
Fire ang tamang translation niyan.

PACO
Ganun ba?

ENZO
Yan ang sabi ni Propesor Escola.

PACO
Alam mo Lena, favorite kong author
yan. Pinabasa sa akin ni Enzo ang
mga una niyang gawa, at naging fan
niya ako mula noon, sobra.
Magaling na magaling na manunulat iyan.

LIZ
Ako din, naging favorite ko na din
siya pagkatapos pinabasa sa akin ni
Paco ang mga libro niya.

LENA
Madami na pala siyang gawa?

JANNA
Nakakatuwa ka naman, Lena! Where
have you been these last few years?
Laman siya ng mga balita sa TV at
radyo, hindi mo ba talaga siya kilala?

TINAY
Ako din naman, ah. Di ko siya masyadong kilala.

LENA
Maaring kilala ko na siya dati pa,
kaya lang di ba may amnesia ako?
Di ba di ko maalala ang iba kong
mga nakaraan...

JANNA
Yeah, oo nga pala. I always forget
that.

ENZO
Hayaan na natin si Lena. Wala
namang masama kung hindi niya
kilala si Madrid.

LIZ
Alam mo Lena, isa siyang sikat na
manunulat sa buong mundo. Ang alam
lang ng lahat ay Pilipino siya. Yun
lang.

PACO
Maliban dun, wala nang nakakaalam
kung sino itong misteryosong
manunulat na to.

LENA
So, ibig niyong sabihin maaring
hindi lalaki itong si Madrid, may
posibilidad na babae siya?

ENZO
Hindi no? Lalaki yang si Madrid,
that I’m sure.

LENA
Bakit? Wala namang may nakakaalam
ng pagkatao niya, di ba?

JANNA
Alam mo may point ka, Lena. Oo nga
naman, that person could be anybody.

PACO
Hindi ko naisip ang ganoong
posibilidad, ah. Pero ang alam ko,
wala pa talagang may nakakaalam ng
pagkatao niya.

TINAY
Ba’t kaya hindi na lang siya
hanapin ng gobyerno mismo, kung
talagang pinapahanap siya ng taong
bayan? I-search na lang kaya nila
sa google kung sino itong si Madrid,
o kaya sa census.

LIZ
Tinay, ang pangalan ng author ay
pseudonym lang. They tried
searching for him, kaya lang
mahirap talaga siyang hanapin dahil
wala siyang iniiwanang clues.

TINAY
Sudo...anong sudonim?

PACO
Pseudonym ang tawag sa hindi totoong pangalan
ng isang manunulat. Isang alias kumbaga.

LENA
Ba’t kaya kailangan pa niyang
magtago sa pangalan ng iba?

JANNA
Kasi nga, baka gusto niyang
protektahan ang kanyang identity.
Hindi talaga natin alam for sure
kung bakit, tanging siya lang
talaga ang makakasagot niyan.

ENZO
Pero hindi ba may lumitaw na
umanong tao na umakong siya si
Constancio Madrid?

TINAY
Yun ba, hindi daw totoo yun!
Napanood ko sa TV nung isang linggo.
Nahuling nagsisinungaling lang
iyong tao. Malaki kasi ang pabuya!

LENA
Pabuya?

PACO
Dahil nga sa walang makakatukoy sa
kinalalagyan nitong si Madrid, nagoffer
ang publishing company ng
limang milyong pisong pabuya sa
kung sino mang makakapagturo sa
kinalalagyan ni Constancio Madrid.

LENA
Limang milyon? Ganoon kalaki?

LIZ
Wala pa iyan sa katiting nang pera
na makukuha ni Madrid. Ang
projected sales ng mga libro niya
plus pa iyong halaga ng mga
magiging endorsements and royalties
niya, siguradong siya na ang
magiging pinakamayamang manunulat
sa history ng Pilipinas. Worldwide
best seller kasi ang mga libro niya
at ilang linggo ding nanatili sa
New York Times Best Sellers list.
Tanging siya lamang ang Pilipinong
nakakagawa nun.

PACO
Hindi lang iyon, once mabunyag na
kung sino itong si Madrid, diyan pa
lang papasok ang limpak limpak na
salapi niya. Tinatayang higitkumulang
50 million pesos na ang
total earnings niya nung isang taon.
Noong isang taon pa iyon. Eh
kakalabas pa lang nito lang ng
pang-anim niyang aklat!

Lena’s heart is thumping from all the figures in her head.
It is her swindler’s instinct kicking in and her mind is racing.

LENA
Bakit hindi na lang siya magpakita
at kunin ang pera?

JANNA
Yan ang tanong ng lahat, Lena!

LENA
Kung hindi siya nagpapakita, paano
niya nai-publish ang mga libro niya?

LIZ
Apparently, nakakatanggap na lamang
ang publishing house ng mga parcel
ng mga buong libro niya. Walang
return address, walang anomang
detalye. Pina-fingerprint test pa
nila ang mga ito, pero sadyang
madulas itong si Madrid!

LENA
Talaga? Napaka-interesting naman
pala nitong manunulat na to. Fame
and fortune na, inayawan pa!

ENZO
Hindi kasi lahat ng tao, Lena,pera
ang habol. Baka mas mahalaga sa
kanya ang tahimik na buhay. Pero
hindi pa rin natin alam talaga kung
bakit. Malay natin, naghahanap
lang pala siya ng tamang panahon.

TINAY
Alam mo naisip ko, siguro may
kapansanan siya kaya ayaw niyang
magpakita. Hindi kaya bulag siya, o
kaya may ketong o kaya may malaking
nunal sa mukha kaya ayaw niyang
magpakita?

PACO
Alam mo, Tinay, sa perang makukuha
ni Madrid sa mga publishers...kahit
ano pang hitsura niya, pwedeng pwede
niyang ibahin ito...Face lift
lang ang katapat nun...Pwedeng-pwede
niyang sabihing, "Doc Manny
and Doc Vicky, mag-tag team kayo...
gusto ko maging kamukha ni Piolo
Pascual..."

JANNA
You’re too funny...

PACO
Well, pwede niyang gawin yun. Sa
pera bang makukuha niya eh.

LENA
Hindi lang pala itong Paradiso ang
sinulat niya?

LIZ
Lima na so far ang libro niya, Lena.

ENZO
Hindi, anim!

LIZ
Ay oo nga pala, anim na ang books
niya, Lena.

PACO
Yung mga unang books niya ay
tungkol sa mga iba’t ibang social
injustices dito sa mundo. Iyang
binabasa mo ay ang pangatlong
lumabas. Yan ang kauna-unahang love
story na ginawa niya.

ENZO
Yan daw ang sinasabi nilang pinakapaborito
niyang sinulat.

JANNA
Sabi ng mga critics, kahalintulad
daw ng Wuthering Heights o kaya War
and Peace ang appeal ng Paradiso
con Fuego. Nagandahan ka ba sa mga
nabasa mo, Lena?

LENA
Oo naman. Sana nga mababasa ko rin
ang iba pa niyang mga akda.

ENZO
Pahihiramin kita, meron akong
kumpletong set duon sa mansion.

PACO
Can you imagine what will happen to
that guy kung matatagpuan na siya?

ENZO
I think it will change him forever.
He will be hounded for the rest of
his life.

LIZ
Totoo yan, Enzo. Ngayon pa nga
lang, hounded na siya. Paano na
kaya kung alam na ng lahat kung
sino siya?

TINAY
Hindi kaya yun yung dahilan niya
kung bakit siya nagtatago?

ENZO
Malamang.

PACO
May tanong ako sa inyo...

JANNA
Sige, shoot..

PACO
Halimbawa, nalaman mo na ang
kapitbahay mo ay si Constancio
Madrid, ipagbibigay alam mo ba sa
kinauukulan ang kinalalagyan niya
nang sa ganoon ay makuha mo ang
perang pabuya?

TINAY
Ako siguro, oo. Para yumaman naman
ako. At sabay pa kaming yayaman!
At magpapa-face lift ako, bust lift,
pwet lift...

JANNA
Ako hindi, kasi baka maapektuhan
ang pagsusulat niya. Kung malalaman
na ng lahat kung sino siya, baka
ma-pressure siya at pumangit ang
mga gawa niya. Or he may even quit
if that happens. Gusto ko pa naman
ang mga libro niya...

LIZ
Ako naman "oo." Hindi dahil sa pera
na makukuha ko, kundi para makuha
na rin niya ang recognition na laan
para sa kanya. Kino-consider na
siya ngayon as one of the
Philippine’s greatest writers.
Sayang naman ang talent niya kung
hindi ma-recognize properly.

PACO
Ikaw Enzo?

ENZO
Hindi rin siguro. Kasi kung ayaw
ng taong magpakita, for sure may
malalim siyang dahilan. Sana irespeto
na lang ng lahat ang
kanyang pananahimik at i-enjoy na
lang natin ang mga gawa niya.

PACO
Ako naman, isusumbong ko siya.

LIZ
Bakit?

PACO
Kasi sakim ako. At gusto ko ang
limang milyong piso. At saka hindi lang
si Madrid ang makakatanggap ng
katanyagan, pati ako na rin. I’ll
be known to the whole world as the
man who revealed the identity of
our country’s most famous author!

ENZO
Hindi ba ang bottom line nun pare,
tsimoso ka pa rin. You’ll be
labeled as a snitch.

PACO
Huh?! Pero take note, hindi lang
basta-bastang tsimoso to.
Tsismosong may limang milyong piso.

Everyone had their share of arguments with Paco’s last
statement. Lena meanwhile could not get the thought off her
head.

LENA (V.O.)
(to herself)
Limang milyong piso! Makakapagbagong
buhay na ako sa halagang iyon.

PACO
(cutting off Lena’s daydream)
Ikaw Lena, ano ang gagawin mo?

LENA
Ako? Depende sa pangangailangan ko.
Kapag wala na akong makain at
naghihikahos na ako sa buhay ko,
isusumbong ko siya...Uunahin ko ang
sarili kong mga pangangailangan, kasi
obviously hindi niya naman kailangan ang
pera...

Lena’s answer is the most truthful thing that she has ever
said in a long while.

ENZO
Well said...

Enzo’s face however is a bit crestfallen, and Lena noticed
it. She felt a little bit ashamed of herself.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat