Center

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Center – Ang center ay ang apat na square sa pinakagitna ng board na kung saan ay pinagaagawang kontrolin ng mga manlalaro. Kapag ang nakontrol mo, mas malaki ang advantage nito lalo na kung ang nakaposisyon dito ay bishop o queen. 

Irene’s POV

“Irene,” tawag sa akin ni Wendy. Kakatapos lang ng subject namin and nagbabalak na ako umuwi ngayon. I don’t think I’ll go to the org room and practice kasi need ko rin naman magpahinga.

 

“Yes, why?”

“Do you want to stay sa bahay this weekend? May party kami dahil birthday ng baby sister ko.”

 

Naguusap kami habang nagaayos ng gamit. Palabas na kami ng room at pauwi na rin.

 

“Baby sister? Isn’t she a bit too old to be called like that? What’s her age na ba?”

“Grabe ka naman, of course baby sister ko siya forever. Twelve na siya this Sunday.”

“Ah, okay. Sure, I’ll go. Magpapaalam ako kay mommy mamaya.”

“Yehey! I-surprise natin siya, kasi hinahanap ka na rin noon dahil gusto ka makalaro ng chess.”

“Regular bang naglalaro si Talvi ng chess?”

“You still call her Talvi? Kapag narinig ka n’on eh baka hindi ka pansinin. Pero yup, she’s learning during her free time. Hindi niya nga lang ako ma-aya kasi I’m not that good at chess. Tinatalo ako noon.”

 

Talvi is Wendy’s sister. It’s been months since nung huli naming kita, pero I met her nung maliit palang siya at iyakin pa. Mabilis bugnotin yung batang ‘yon, pero she’s very kind. Siguro if I have to describe her, pinaghalong Seulgi and Wendy. Genius-like tulad ni Seul and yung eagerness sa pag-aaral like Wendy, sobrang bait like Wendy kaso suplada kapag seryoso like Seul, lapitin kasi friendly tulad nung high school pa kami ni Wendy.

 

She’s also matured compared sa age niya. She can easily adapt to her surroundings and hindi naman maarte. Ayon nga lang, kapag tinopak ay talagang ma-aattitude. She hates her nickname na Talvi kasi hindi na raw siya baby pero magagalit naman kapag hindi mo pinansin. Isa pa ‘yon, since bunso siya eh mahingi siya sa atensyon. But anyway, let’s not talk about her. Next time nalang.

 

“Talvi is a cute name, that’s why I will keep on calling her that.”

“I can already imagine na nag-aaway kayo in the future. Kung ayon ay ayaw niya pa rin sa nickname niya na ‘yon.”

 

I don’t mind, kasi malapit na rin naman ako sa kanya. I know naman na marespeto pa rin siya so I don’t mind having small fights dahil sa nickname. I don’t have any siblings kaya makikihati ako kay Wendy ng kapatid.

 

“Anyway, Irene. Kumakalat yung balita about sa inyo ni Seulgi. Alam niya na ba?”

 

Well, the chismis gang is working harder as expected. Alam kong madalas kaming nakikita na Seul na magkasama, pero this time ay nakalat na talaga sa university namin. The delinquent and the mataray kuno.

 

“That’s the thing, I don’ think she knows. Sanay naman sa chismis ‘yon.”

“Well, true. Possible na she doesn’t really care. Pero are you affected in some ways ba?”

“Hindi, pero naiilang ako sa kilos ni Seulgi for the past few days.”

“How?”

 

Hindi naman sa naiilang, pero to be honest hindi ko alam kung ako lang ba ‘to or kung talaga bang nagbabago ng slight yung kilos ni Seulgi. She often asks me about things tulad ng favorite coffee flavor ko, minsan naman ay magtatanong kung gusto ko ba ng something sa canteen, then one time she even paid for my lunch nung nagsabay sabay kaming lahat last Wednesday. Pumunta rin siya sa org last Tuesday to leave the coffee na may flavor na binanggit ko sa kanya. It’s supposed to be me who’s buying stuffs as a thank you, pero siya yung nabili.

 

I can’t say na hindi ko naiintindihan, pero ayaw ko mag-assume. She’s like...

 

“Wala lang,” sagot ko.

 

“Is it because nilibre ka niya ng lunch? Binilhan niya rin ako ng butterscotch, then si Byul at Joy ay binilhan niya ng chocolate.”

 

Okay, I won’t be assuming things too much. I knew that she bought snacks too, pero kasi... what if she’s just buying those para hindi mahalata. Meal ang binayaran niya unlike sa small deserts na— Okay, don’t overthink, Irene.

 

“Let’s not include the meal na nilibre niya last Wed. Pero kasi she asked me about my favorite coffee and kung gusto ko bang uminom, then she went to the org room para iabot yung drink before she went to her class.”

 

Hindi ko napigilang sabihin lahat ng naobserve ko, kaya pagkatingin ko kay Wendy ay nakangiti ito sa akin na parang nangaasar. Oh gosh, this is not the reaction I was aiming for. Bakit kasi ang daldal ko bigla?

 

“I think gusto ka niya. Alam kong iniisip mo rin na ‘yon.”

 

Hindi ako makaimik, kaya binangga bangga niya ako ng shoulder niya. Nung isang linggo, si Joy. Ngayon naman ay si Wendy na ang nangaasar.

 

Malapit na kami sa sakayan kaya naghiwalay na kami. Mas malayo bahay ni Seulgi sa school, kaya noon ay hatid sundo siya ng driver nila. Kaso gusto niya maging independent kasi nga ay 18 na nga naman kami tapos hindi pa siya marunong mag commute.

 

“Ingat ka, Irene.”

“Ingat ka rin.”

 

Sakto rin yung pagbabalak kong overnight kasi exam week na soon, so need talaga namin mag-aral. I’ll take this chance nalang din to study kasi study buddy ko naman talaga si Wendy noon pa.

 

 

Seulgi’s POV

Kakatapos lang ng klase namin kaya inaaya ko si Byul na pumunta ng org room nila Irene. Puro chismis na naman yung nangyayari ngayon at bukang bibig kaming dalawa ni Irene.

 

I don’t mind, pero si Irene eh baka naiilang na. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ako na yung nahihiya sa para sa kanya kasi nadadamay siya sa pangalan ko.

 

Nagmessage na pala ako kanina para tanungin kung nasaan na siya, pero hindi pa siya nagrereply. Hindi ko alam kung gusto niya ba ng kape na inorder ko last time or kung may iba siyang gusto. Sa ngayon, dadaan muna kami sa org room tapos saka ko nalang siya tatungin.

 

“Byul, sure ka na sasama ka?”

 

“Oo,” panimula niya. “May sasabihin ka pa sa akin, ‘wag mo kalimutan. Aba, hindi ako makakatulog niyan kakaisip. May karapatan pa rin namang mag overthink ang mga walang utak.”

 

Ay may sasabihin pa pala ako sa kanya, nakalimutan ko na. Nakiusap kasi ako na samahan niya muna ako sa org room bago kami umuwi, tapos saka ko sasabihin sa kanya yung dapat kong sasabihin.

 

“Sira ulo ka talaga. Pero thank you, hehe.

 

“Ate Seulgi!” biglang sigaw ng isang babae na parang galing sa likuran namin.

 

Napatalikod kami ni Byul sabay kaway kay Aria. Siya pala. Tumakbo na siya papunta sa amin, “Pupunta po kayong org room?” tanong niya habang hinihingal.

 

“Oo, bibisita lang para tanungin kung kumusta kayo.”

“Weh— aray!”

 

Aba, magsasalita pa ‘tong si Byul. Ayan inakbayan ko ng malakas para matahimik.

 

“Nako ate, wala po si ate Irene. Hindi po tumuloy ngayon at magpapahinga raw po muna siya.”

 

“Huh? Hindi naman si irene pinunta ko. Gusto ko kayo makitang lahat” sabi ko. Bastos naman nitong dalawang ‘to. Ganon ba ako kadaling basahin?

 

“Walang maniniwala sa’yo, Seul. Iuwi mo na ‘yan.”

 

Tinatawanan lang ako ni Aria, tapos si Byul naman ay inalis ang akbay ko at siya ang umakbay sa akin habang inaasar ako. Hayup, walang takas sa mga mata ng iba.

 

“Pupunta pa rin po ba kayo? Wala naman po kaming ginagawa masyado. Laro laro lang po ulit, then actually ay nag start po kami mag analyze at manood ng chess vids. Pero most of the time eh dito po kami sa org room nagaaral. Exams na po kasi next week.”

 

Sige na nga, since hindi naman ako kailangan eh hindi nalang muna ako pupunta. Baka sagabal lang ako sa kanila.

 

Joke, wala kasi si Irene. Final answer.  

 

“Hindi na. Sabi mo nga eh wala naman kayong masyadong ginagawa. Tsaka ayon, wala si Irene.”

 

“Ayiee si ate, talagang si ate Irene lang ang pinupuntahan” pangaasar ni Aria, kaso biglang may kasunod eh. “Kayo na po ba?”

 

...

 

“Uy, Seul. Sagot, aba. Itatanong ko rin sana ‘yan eh bago dumating si Aria.”

 

Alam ko naman na wala eh, walang kami. Wala pang kami. Joke. Pero kasi, ewan ko. Ayaw ko sagutin yung tanong nila. Kung titignan talaga ay wala naman talagang kami. Atsaka parang kakameet lang namin last month. So, ano ‘yon? Speed? Tsaka siguro nabalik lang yung interest ko sa chess and you know like I have kalaro... you know. Diba? Tama.

 

“Hindi kami. Anong tanong ‘yan?” tanong ko sabay tawa. Kaso ang awkward naman ata ng tawa ko kanina.

 

“Tara, Seul. Shot puno!”

“Gagu.”

 

Si Aria naman ay nakangiti lang sa amin habang nakatingin sa akin, “Hayaan niyo po yung usap usapan, hindi nila alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Pero boto po ako sa inyo ate, bagay po kayo.”

 

Kinilig ako, slight. Pero dapat hindi ako ngingiti. Kunwari naaasar ng slight kasi nga inaasar kaming dalawa. Kaso puta, bagay daw kami?! Jkodhl kjdfh;saf

 

“Ayiee, keleg keleg ka Seul? Gagi, ‘wag.”

“Edi don’t.”

“Ayieeeeeee. Edi kinilig ka talaga?”

“Ang gago mo, Byul. Hindi na nga. Anong kilig kilig?”

“Pero nakangiting malala. Halata ka na, Seul. Natuluyan ka na.”

 

Nag-usap pa kami ng slight hanggang sa pumunta na si Aria sa org nila at kami ni Byul ay papunta na sa kotse niya. Hindi na ako ulit nagdala ng kotse dahil hindi ko naman kailangan. Excited na rin ako mag work bukas kasi baka maubos na yung mga tinatabi ko. Ayaw ko galawin yung ipon ko, tapos baka maubos din yung pinadala ni kuya Haneul. Malapit na rin umuwi si kuya. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin na nagw-work talaga ako kasi kinukulang yung pinapadala nila mommy dati kaya napilitan ako.

 

Nagbuntong hininga ako dahil sa mga naisip ko. Dapat hindi ko muna pinagiisipan ‘tong mga ‘to kasi nga malapit na exam namin. Tapos may debate pa kami next week.  

 

“Bigat ng feelings natin ah,” sabi ni Byul. Ihahatid niya nalang daw ako pa terminal kaya nandito ako sa kotse niya. Pero hindi pa kami naandar kasi pinapainit niya pa muna yung makina. Automatic kasi ‘to, hindi manual na pwede ka na umalis agad.

 

“Pauwi si kuya eh, pero not sure kung kailan. Sabi niya lang last na usapan namin dati na in 2 months eh. So probably mga 7 weeks nalang? Ganon. Ewan. Wala naming specific date eh, couple of months lang sinabi.”

“Ay, talaga? Ayaw mo n’on, magkikita kayo.”

 

“Stressed ako kasi feel ko na aagawin mo sa akin kuya ko,” pakunwaring disappointed. Gusto ko lang asarin siya Byul. Ay, speaking of landi things...

 

“Gagu, Seul. Wala akong plano maging sister in law ka, tsaka lalaki kapatid mo ‘no? Tsaka alam mo namang may new crush ako. Makapunta kaya sa Hana U para hanapin si ate vocalist.”

 

“Joke lang, dami mo sinabi. Pero alam ko na name ni ateng vocalist”sabi ko. “Accountacy student, 2nd year college, may dorm malapit sa Hana U, and she’s single.”

 

“Gago, sabi mo name. Dapat dineretso mo na. Bakit course, year, at dorm info binigay mo sa akin” pagrereklamo ni Byul pero may kasunod. “But, single? Sure ba ‘yan? Bakla ba ‘yan like me? May chance ba ako? Meron siguro. Tara puntahan na natin.”

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update