Space

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Space - Ang space sa chess ay nagrerefer sa chess possitions na nagbibigay daan para sa mga chess pieces. The more na may space ka sa board, the more na mas makakagalaw ng matino yung mga chess piece mo compared sa kalaban mo. More spaces, more freedom, more chances of victory.

 

 

Seulgi’s POV

Hayup, pagod na ako. Hindi naman ako aware na holiday pala ngayon. Ang dami tuloy customer, hindi ako prepared.

 

“Seul, pakidala nga ‘to sa taas. Naka blue na damit yung umorder niyan,” sabi ng kasama ko sa shift. Aakyat na naman ako, hays. Sabagay, kesa magluto at maghalo ng teas and coffee. Bahala na siya diyan.

 

“Blue shirt,” bulong ko sa sarili ko habang hawak ang order nila. Bakit kasi dalawa lang kami? Holiday naman pala, sana may sumama sa shift. Langya.

 

“Ayon,” kita ko na sila. Ay mag jowa? Pangit naman kabonding nitong mga ‘to.

 

“Ito na po order niyo. Complete na po?” tanong ko. Um-oo kayo. Kasi ayaw ko na umakyat.

 

“Opo, salamat po.”

“Enjoy!”

 

Pagkababa ko, may customer na naman. Anubayan. Ako na nga ang nasa cashier, ako pa rin ang server. Sana sila nalang kumuwa ng orders nila kapag nasa taas sila.

 

“Hello, good afternoon. What’s your order po?”

“Isa nga pong tropa size fries, nachos overload, club sandwich, atsaka flatwhite.”

 

Ang daming order ah, isa ka lang ssob. Grabe namern. Joke, judgerist.

 

“Anong flavor po ng fries?”

“Ah, sourcream.”

“Sauce on the side po ba or—”

“Ah yes.”

“Okay po, that will be 480 po.”

 

Nagabot siya ng 500. Mukhang galing pang bangko ah? Malutong. Ito yung masarap lukutin bago ipambayad eh.

 

“Your change is 20 pesos po.”

“Keep the change.”

 

Uy tip na naman. Kaya gusto ko maging cashier eh HAHAHAH. Char, ihahati ko syempre kay shift buddy ko.

 

“Thank you po. I will be serving your order po once na complete na ito.”

“Okay, I’ll be upstairs. Thank you.”

 

Ito yung masarap pagbentahan kasi mabait. Hindi katulad ng mga maaattitude. Kung ako lang may ari nung shop, ipapaban ko yung mga ganong customers eh. Sarap kutusan.

 

Habang naghihintay ako ng order na iseserve, biglang dumating yung anak nung may ari nung shop. Magsshift ba siya? Sana. Nakakapagod mag take ng order, tapos ikaw pa magsserve. Busy kasi talaga ngayon. Hindi naman ganito kapag normal weekend.

 

“Hi ate Seul, busy yung shop ah.”

“Oo nga eh, mag sshift ka ba?”

“Yes po, napadaan kasi sila papa sa labas ng shop kanina. Napansin ata na maraming customer. Sakto naman na holiday kaya wala kaming pasok.”

“Ayiee, namiss kita makasama sa shift. Bakit kasi may klase ka tuwing sabado? Tapos busy ka ng Sunday gawa ng ROTC niyo.”

 

“Ganon po talaga. Every Tuesday and Thursday po ako nag sshift, tapos minsan Friday din kapag hindi masyadong busy sa school” sabi niya pa.

 

“Eh bukas ba?” sana nandito ka rin.

 

“Baka po mag work din ako. Wala po kaming ROTC.”

 

Nice.

 

“O siya, magma-mop na ako maya-maya. Ikaw na ba rito sa counter?”

“Yes po. Tutulong na rin ako sa kusina kapag wala pang naorder.”

“Ah sige. Kanina pa nagluluto at naghahalo si Jim eh.”

 

“Feel ko na agad yung pagod niya, ate” tapos tumawa siya. Buti nandito na si Hwasa.

 

 

*****

Grabe yung pagod ko ron. Tapos na shift ko at hindi naman ako pwedeng umaga hanggang gabi. May gusto rin naman akong gawin today. 8:00 am to 4:00 pm lang ang shift ko, pero pwede akong magstay hanggang 9:00 pm. Hindi naman ganon kaliit ang sweldo tulad ng iniisip ng iba. Kasi itong business na ‘to ay hindi naman talaga nila main business. Parang way lang ng parents ni Hwasa para matuto siyang maghirap para sa sarili niyang baon. Tatamad tamad daw kasi ‘yan dati, asa nalang palagi. Party person din nung high school, pero hindi naman wild party. Ano lang, parang may weekly inuman sila ng friends niya tapos nagrerenta sila ng private resort.

 

Kaya ayon, may fixed salary kami na 3,500 per month. Pero may additional yon depende sa percentage mo sa kinita ng shop during shift. Maganda system nila sa mga nabebenta kasi may program na nagcocompute agad ng makukuwa mo. So, in a day, bago ka umuwi ay may pera ka na. Unless nalang kung gusto mong ipunin for a week or in a month. Hindi naman masasamang business owners ang magulang ni Hwasa kaya mapagkakatiwalaan talaga. But the thing is, need nila ng ID, address, university name, tsaka dapat may respect. Mas prefer din nila na almost same age ng anak nila para kahit na nagttrabaho anak nila ay hindi siya napapagiwanan sa social life.

 

This term since weekends lang ako nagttrabaho, siguro nasa 3,500 monthly plus 500 to 1,500 a week ang sweldo ko, pero depende kapag sobrang blooming dahil pwede ako makapag-uwi ng 2,300 in a week. Minimum ng 5,500 per month tapos maximum ng 9,500-10,500. Laki no? Pero minsan lang ako maka lagpas ng 8k kasi hindi naman palagi malakas ang kita. Average ko ay 7k per month at sobrang okay na ‘yon kasi weekends nga lang ako nagttrabaho. Sa aming lahat sa shop, walang nagt-trabaho ng more than three times a week. Kasi lahat kami ay students. Kaya normal sa amin yung ganyang kita. Mahirap nga lang minsan kasi 2-3 lang kami during shift, tapos kami na rin naglilinis ng buong shop after. Tapos by schedule yung mga nagluluto kasi tulad ko, hindi ako pwede sa kusina. Ang kulang lang sa shop ay yung mga high-tech gadgets para alam ng customers kung okay na order nila. Since wala kami non, kami talaga nag s-serve sa kanila. So, by 8:30 pm ay napunta yung shop owners para sila ang magccheck ng inventory. Kapag naman ay wala sila para magbigay ng sweldo, kami-kami nalang ang nakuwa. Fortunately, wala pang naffire dahil nagnakaw. Kasi lagi kaming balance at the end of the day. Ay nakalimutan ko pala na may tips din minsan. Naabot ng 50 to 300 yung tips namin, each ‘yon.

 

Grabe, the best yung parents non. Mag-iisang taon na ako nagttrabaho rito, simula nung nagsembreak noon nung freshmen palang ako. Kasi nabawasan yung baon ko noon, tapos narealize ko na kukulangin ako. Kasi hindi naman nagpapadala sila mommy ng extra. Ako nagbabayad sa

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update