Rook

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Rook – Tulad ng bishop at knight, may dalawang rook din sa simula ng laro ang dalawang player. Ang rook ay tinuturing na pangalawa sa pinakamalakas na chess piece, sumunod sa queen. Madalas itong gamitin sa pag checkmate, dahil ito ang pinakamadaling kapartner ng queen. Ang galaw nito ay padiretso lang, mapaharap, likod, o gilid. Basta diretso lang ang direksyon.

 

 

Seulgi’s POV

Nandito na kami sa Univ nila Bogum, kaso napaaga ata kami kasi nag-aayos palang yung ibang stalls, tapos sarado pa talaga yung booths. Tapos sila Irene ay papunta palang. Pinagiisipan niya pa raw kung magpapaiwan ba siya or sasama siya pabalik ng school. Syempre dedemonyohin namin siya mamaya, kaya for now ay mag-iikot ikot muna kami.

 

Nakapasok naman kami sa Univ kahit na medyo mahigpit yung security dito. Prestigious pa rin naman ‘to kahit papaano, kaya kahit may events sila na ganito ay hindi sila basta-basta nagpapapasok. Tinawagan ko pa si Daniel kanina para lang makapasok kami, at sakto naman na excempted siya sa klase at nag-aayos lang para sa parade nila bukas. Third day kasi ng festival sa kanila, kaya most students ay nagsisibalikan na sa klase pero for them na nasa parade committee ay excused.

 

“Seulgi, ang aga niyo naman. Excited? Until what time ba kayo rito?” tanong ni Daniel na kasama ko ngayon sa parang student lobby ng main building nila.

 

“Akala kasi namin ay may booths and stalls na ngayon. Lagpas 9:00 am na kaya ‘no, kaya malay ba namin” sabi ko. Sa amin kasi ay 8:00 am palang ay nag-aayos na at may mga open stalls na ng alas nuwebe.

 

“Maaga kami kahapon, kaso mas busy ata ngayon kasi may parade bukas. Kaya yung mga students na naghahandle ng booths ay wala pa. Yung mga small shops naman for stalls ay 10 pa ang bukas nila. Depende, sa kanila pero karamihan ay 10 pa ata magbubukas. Pahinga ba, ganon.”

 

“Tuhruy, ano ba ‘yang parade parade na ‘yan?” tanong ko kay Daniel.

 

Si Joy pala at si Byul ay iniikot ni Bogum sa building ng department nila, pati na rin ata sa field kung saan may concert mamaya. Hindi ako sumama kasi ayaw ko mapagod. Papunta ata kami sa area na kung saan ay nagccreate sila ng props. Balak ata ako nitong pagawin ng kung anu-ano eh, kupo.

 

“Per department ay may muse at kami, tapos pagandahan lang kami ng set up. Mamayang hapon ay yung kotse na yung aayusin namin.”

 

“May pa kotse kayo?!” gulat kong tanong. Grabe namang parade ‘to. Akala ko naman lakad lakad lang.

 

“Oo, hindi lahat ng department. Pero syempre malaki kasi budget ng Archi dept. Transfer ka na kaya rito tapos shift ka archi, then sali ka chess team.”

 

Aba, loko ‘to ah.

 

“Akala mo naman talaga madali mag transfer. Wapakels ako sa pagpasok sa chess team at kung sakali man na malaman nila edi go, plus sikat ang chess org niyo diba? Pero ang mahal ng gagastusin ko sa Arki ‘no.”

 

“Yep, reigning champ ang chess team namin dati. But 2-3 years ago eh walang nangyari dahil sa wala masyadong pumasok sa chess team. Pero lumaki na ulit yung member count last year, then this year, Bogum joined” sabi ni Daniel. Bakit nga ba late pumasok si Bogum sa chess team?

 

“Bakit ba late pumasok si Bogum sa chess team? Late ba? Pero according sa news last competition eh hindi naman kayo yung nag champion. Tsaka ngayon lang ata nagkita si Irene eh tsaka Bogum.”

“Oh, Irene. You know her?”

 

Huh, bakit? Napapagusapan ba nila si Irene? Sabagay, ang ganda niya eh. Hindi malabong i-topic siya ni Bogum tsaka ng ibang chess member nila.

 

“Yes, why? Sagutin mo muna tanong ko. Aba.”

 

“Ah, kasali na si Bogum dati but he’s inactive. Busy sa plates and stuffs noon masyado, hirap na hirap noon. That’s why he doesn’t go to their practices that time, ako kinakalaro niya. This term, he finally chose to give attention sa chess competition. He already adjusted sa acads,” sagot niya. Ah kaya, sabagay. Hirap naman talaga mag draft.

 

“Ah, okay.”

 

“So, Irene huh...” panimula niya. Ano meron kay Irene?

 

“What’s with Irene?” curious kong tanong.


“Well, she’s kind of interesting. She made name last univ to univ competition, kaya gusto ko lang sana makipaglaro sa kanya. Too bad na hindi sila nag champion, and you guys won’t be one in the next few years.”

“Ay, wow. Yabang ah?”

“Oh, bakit? We have Bogum and may first years kami na magaling. They solely attended this univ for the chess competition. Nalaman kasi nila nandito ako.”

“Ay, wow. Sikat ka pri? Pero sino ba ‘yang mga ‘yan? Baka kilala ko.”

“Taemin. He’s a first-year student, BS accounting. Tapos yung ibang magagaling, basta marami sila. But Taemin is like our second rank. Ibang klase memory nung first year na ‘yon.”

 

Are they a powerhouse now? Kapag ito ay sumali pa, ewan ko nalang.

 

“Hmm, sana all. Sa amin, not to belittle the team... si Irene lang matino. But some of them are improving and hindi mahirap tanungin. Hindi ko sasabihin pero may isa rin kaming magaling mag blitz. Too bad, walang blitz sa competition.”

“Oh really? But I can tell na kulang kayo sa matitinong players base sa... ay joke.”

“Nadulas ka. Nakikiusyoso ka rin ata sa team eh.”

 

Gusto ko nalang tumahimik kasi kahit na I’m aware of their weaknesses but hearing it from other people is a bit too much for me. I want to see them grow kahit papaano.

 

“Well, I’m thinking of joining next term. It depends.”

 

Oh, he’s thinking of joining competition like this? Ang tanong, papayagan ba siya? Of course, the family will think na competitions like these are small compared sa regional.

 

“What’s your turning point para ifinalize na sasali ka talaga?”

 

“There’s three,” panimula niya. Tumango naman ako.

 

“First is I need to convince father first. Alam mo naman sila...”

 

“Bingo,” sabi ko sa sarili ko.

 

“They think competitions like these are worthless. Chess competition is not really that popular if we compare it to other sports we have in university inter-competitions.”

 

Tumigil siya ng slight para tignan yung blueprint na hawak-hawak niya, tapos bumalik na siya sa topic namin. Feeling ko eh isasama ako nito sa props making nila, jusko po. Gusto ko mag-ikot, please.

 

“I knew that you will probably consider them in your reason.”

“You know our family well, Seulgi. Ganon talaga kapag mga feeling influential.”

 

“Sira ulo ka, Daniel” tawa kong sabi sa kanya.

 

“So, ayon. Second reason is kung papayagan ako na sumali. Not considering myself as a biggie in chess world—”

 

“Ay wow, pahumble. Magyabang ka na, ako lang ‘to,” paloko kong sabi.

 

“Ito naman, minsan na nga lang maging humble kapag ikaw kausap ko. Pero yeah, they already know me as someone who competes in regional bracket, and soon sa national. So me, playing here will be a bit too much.”

“That’s true, kaya nga hindi ako nagtaka kung nalaman ko na wala ka sa chess team. So, what’s the last reason?”

“To be honest, Irene’s the reason why I’m interested in school competitions. You may not know this, but I’m aware that she’s the opponent of your brother bago sila umalis sa Pilipinas. Tanda mo ba yung regional competition for teens three years ago?”

 

Ah, kaya pala. Kunwari nagulat ako.

 

“Ay talaga? Bakit nasa school namin siya? Ay sabagay, IE kasi siya and baka mas focus niya yung studies kesa competition” sabi ko. Nasabi ni Irene ‘to sa akin nung nagstay siya sa amin. Syempre, nag usap kami ng slight sa ibang bagay.

 

“Gulat ka ba? How close are you with her by the way?”

“Hmm, halos kakasimula lang namin magusap kaya hindi naman kami close or what. Bakit?”

“Ah, I thought you’re super close. Sasabihin ko sana na maglaban kami. Pupunta sila rito ngayon diba?”

“Yup.”

“Is that why you guys are here?”

“Medyo. Pero hindi ba inimbitahan niyo ko? Grabe ka naman sa akin, parang hindi mo ko pinilit na puntahan ka rito ah.”

“OA mo naman sa pinilit? Ililibre sana kita. May concert kami mamayang gabi, free naman pero may food stalls around.”

 

Sabi niya nga na may concert sila this Wednesday. Bands from different departments daw, then sa Friday na yung mga local bands. Battle of the bands sana ang event pero since biglaan daw sa suggestion ‘to nung nagaayos sila last month, eh hindi na nabigyan ng oras yung mga gustong sumali. Plus, yung budget and prizes ay hindi na naasikaso ng maayos dahil yung sponsors nila ay nakatuon sa big concert ng Friday d-day nila. Kaya hindi nila tinuloy yung competition.

 

Still, may mga sumali kasi music can still be your passion kahit iba course mo, diba?

 

“Speaking of that concert, I don’t know if until night kami pero I’ll try to stay. Basta hindi sumakit tyan ko, g ako.”

“Gagu haha. May dorm naman ako malapit, so if you guys need a place to dump then doon kayo.”

“Gago ka rin eh.”

“Nag-alay na nga ng toilet. ‘Wag ka na nga ron, ayaw ko magsuffer yung toilet bowl ko with two -holes.”

“Aba, bastos. Tinawag akong , eh mas mukha kang butas ng pwet.”

 

Nagtuloy tuloy yung asaran namin hanggang sa dumating na nga si Joy at Byul.

 

“Oy, grabe. Nag s-set up sila ng stage sa field. Until gabi ako rito, Seul. Baka may chicks, hehe” palokong sabi ni Byul. Kupow, ito na nga ba ang sinasabi. Ito ang pakay nito rito kaya sumama.

 

“Hay nako Byul, walang magkaka interest sa’yo rito. Uwi ka na maaga, baka hanapin ka pa nila tita.”

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update