Promotion

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Promotion – Sa promotion, ang pawn ang spotlight sa chess term na ito. Kapag ang isang pawn ay nakarating na sa kabilang rank, pwede itong palitan ng kahit na anong official. Karaniwang Queen ang pinopromote ng mga manlalaro dahil sa taglay na lakas ng isang Queen, pero pwede rin namang rook, knight, or bishop.

 

 

Seulgi’s POV

Ang bilis ng oras, hapon na agad. Ang exhausting ng araw na ‘to, kasi nga bumalik na ako sa school tapos puro ako absences, tapos baka ibagsak daw ako. Need ko bumawi sa lectures etcetera kaya no more slacking and kailangan ko na mag-aral.

 

Ang dami rin nagtatanong sa akin kung ano nangyari, pero syempre hindi ko sinabi yung past ko. Mga professors ko lang sinabihan ko and nag promise ako na aayusin ko.

 

“Mygad, stressed” sabi ko sabay bumuntong hininga.

 

“Ayan kasi, sana kaya mo pa” sagot ni Byul habang naka dekwatro sa tabi ko.

 

Nandito kami ngayon sa gazebo malapit sa outdoor gymnasium ng university namin. Hinihintay namin si Joy kasi mag-pplano kami ng lakad namin sa Wednesday. Pupunta kasi si Irene sa Hana Univ dahil sa friendly match nila kuno, eh gusto rin namin pumunta kasi inimbitahan na rin naman ako ni Hwasa nung Saturday, pati ni Daniel at Bogum kahapon. Until 10am lang naman klase namin ni Byul sa Wednesday kasi wala kaming PE, tapos si Joy naman ay nagbabalak mag skip ng class kasi until 4:30 pm ata ulit sila eh gusto niya raw sumama. Si Wendy naman ay, ayon, hindi pwedeng mag skip kasi need daw nila ni Irene ng notes. Napaka sipag naman.

 

“Nasan na raw si Joy?” tanong ko kay Byul. Siya na bahala mag text kay Joy.

 

“Wala pang reply, beh. Kakalabas lang siguro nung mga ‘yon. Tsaka bakit dito pa? Pwede naman natin sila puntahan.”

“Ah, wala lang.”

 

Bakit nga ba? Ah basta.

 

“Ikaw ah, iniiwasan mo si Irene. Kayo ah. May hindi ka siguro kinuwento sa akin. Nako, down bad ka beh.”

“G-gagi?”

 

What? Hindi naman eh. Hindi kaya. Tsaka bakit ko siya iiwasan?

 

“Oh, bakit ganyan ka? May pautal-utal ka pa.”

“Ang gagu mo kasi. Bahala ka diyan.”

 

Sabay labas ko ng cellphone.

 

“Ayie, iwas Irene in personal, iwas Irene as topic.”

“Gagi, chinecheck ko kung may chat si kuya or si Daniel.”

 

“Palusot dot com. Sige lang, bading. Kaya mo ‘yan,” sabi ni Byul. Jusko, sarap bangasan nito eh.

 

Pero wala lang. Hindi ko alam kung bakit dito nga. Siguro baka iniisip ko na may practice si Joy at dito sila mag p-practice? I’m just being considerate to Joy. Although hindi ko alam kung may practice sila.

 

“Oh, ayan na” turo ni Byul sa paparating na kaibigan namin. Kasama sila...

 

“Ayiee, kasama si Irene. I-gi love team.”

 

I-gi ampota. Ang pangit mo naman mag-isip ng love team name, Byul. Dapat ano, ahm... joke lang. Bakit ba ako nag-iisip? Gagi, itigl mo ‘yan Seul.

 

“Pangit mo, Byul.”

“Keleg keleg si Seul.”

 

Hinampas ko braso niya ng mga tatlong beses. Ang kulit eh.

 

“Boks Seulgi, mapanakit,” asar ni Byul.

 

“Sino mas sikat, sino mas angat? Of course, Byul mapagmahal zero four” rebat ko kay Byul.

 

“Ulol.”

“Hehe, labyu.”

“Yuck, hindi bagay.”

 

Nag labyu na nga eh, ayaw mo. Arte mo naman Byul.

 

“Hi, kanina pa kayo? Ang kulit niyong dalawa. Kitang kita namin kayong naghaharutan,” sabi ni Wendy.

 

“Ah, si Seul kasi. Excited na makita si—” hindi ko pinatapos si Byul kasi kung anu-ano sasabihin nito. Tinakpan ko bibig niya. Hindi lang hampas abot nito mamaya.

 

“Mmm... mmm... mmmm”

 

“Sige Byul, naiintindihan ka namin” pang-aasar ko. Pinipilit niyang tanggalin yung kamay ko sa bibig niya. Dapat dito sinali ko pati butas ng ilong eh.

 

“Excited makita sino?” tanong ni Joy.

 

“Kayo. Syempre. Miss ko na kayo haha miss you all” sabi ko nalang. Kingina, isasabit ko ‘tong si Byul sa sampayan namin sa susunod na bisita niya.

 

“Miss mo na kami agad? Sweet mo naman,” sabi ni Joy.

 

Tumango naman ako habang sinasabi ko na “oo miss ko kayo”.

 

“Kunwari may naniwala sa’yo Seul. Pero anyway, ano na balak?”

“Grabe ka naman Joy, totoo ‘yon.”

“Geh, sabi mo eh. Pero tanggalin mo na kamay mo sa bibig ni Seul. Baka hindi na nakakahinga ‘yan. Hindi na nagalaw oh.”

 

Ay gagi, oo nga pala. Pagkatanggal ko ng kamay ko, nilakihan ko ng mata si Byul para indirectly sabihin na quiet nalang siya kung hindi ay tatakpan ko na buong mukha niya ng plastic.

 

“Grabe ka naman boks Seul.”

“Kung anong kagaguhan na naman kasi lalabas sa bibig mo.”

“Joke lang naman, hehe.”

 

Tuwa pa siya eh.

 

“Anyway, guys. Hindi ako makakasama sa Wednesday kasi need ko magstay para sa notes. I prefer my notes, or if hindi ko notes then Irene’s notes. Kung hindi, hindi ako masyadong makakapag-aral. Diff calc din kasi namin ‘yon” sabi ni Wendy. Sayang naman.

 

“Sad. Pero we’ll buy you something. Baka may mga booths sila ron,” sabi ni Joy.

 

“Maybe we can go ulit sa Thursday since wala kayong pasok,” suggestion ko sa kanila pero nakatingin ako kay Wendy.

 

“Ay, may lakad ako sa Thursday. I can’t go.”

“Hoi, Seul. Until gabi ata tayo ng Thursday. Ano walang balak pumasok ulit?”

 

Ay oo nga pala. May lab kami until 7 ng gabi. Ano ba ‘yan.

 

“Char lang. Pero ano ba balak?” tanong ko. Hindi nagsasalita si Irene kasi may tinitignan ata sa phone.

 

“Guys, diretso na akong student lounge. May practice kami” paalam ni Irene. Until what time ba sila mags-stay dito?

 

“Hanggang anong oras kayo, Irene?” tanong ni Wendy.

 

“Ewan ko lang pero mga kinakabahan sila sa friendly match kaya baka abutin kami ng sobrang gabi” sagot naman ni Irene. Hmm.

 

“Sige ingat ka,” paalam ni Wendy.

 

“Good luck, Irene. Galingan mo!” sabi naman ni Joy.

 

“Ingat ingat, break a leg” sabi naman ni Byul.

 

“Bye,” sabi ni Irene. Hindi na ako nakapag sabi ng bye. Ewan ko ba. Naurong dila ko.

 

Nung nakalayo na si Irene, tinignan ako ni Byul sabay bumulong.

 

“Ang hina mo naman, akala ko ba malandi tayo rito? Bakit naurong ka kay Irene?”

 

“Gagi, friends friends lang tayo rito. Bawal manlandi ng kaibigan,” sabi ko nalang habang bumubulong. Ito talagang si Byul eh lakas mangasar minsan.

 

Nakakahiya naman kasi ng slight. Umiyak ako nung nandoon si Irene. Tapos niyakap... niyakap niya ‘ko. Ahhhhh, nakakainis. Ayaw ko isipin, ayaw ko isipin.

 

“Ano iniisip mo?” tanong ni Joy.

 

“Sabi na nga ba eh,” sabi naman ni Byul.

 

“Nag-iisip ako ng plano natin sa Wednesday. Ewan ko sa’yo Byul. Baliw ka na.”

 

“May b-bake ako tomorrow since isang class naman kami bukas. Bigay ko sa umaga ng Wednesday para support kay Irene. Pakibigay nalang sa chess team ng Hana Univ” sabi ni Wendy. Ang bait naman.

 

“Uy speaking of. Wendy, thank you sa cookies nung Friday. Ang sarap grabe” sabi ni Byul. Binigyan siya ng cookies?! Ang duga naman! Luh.

 

“Thank you rin. Buti nagustuhan mo. Isama ko na rin kayo sa pagbibigyan ko kung gusto niyo... pero iniisip ko nga kung lalagyan ko ng laxative yung ib-bake ko for Hana U chess team,” biro ni Wendy. Grabe naman, may iba palang balak.

 

“Joke lang,” pagbabawi ni Wendy.

 

“Ako’y kinakabahan sa’yo bigla Wendy eh,” sabi naman ni Joy. Pati si Byul ay natatawa na rin.

 

“So, ano balak?” tanong ko.

 

*****

 

Matapos namin mag-usap usap ay umalis na si Joy at Wendy, ewan ko kung ano na balak nila. Baka uuwi na, kasi wala naman daw practice si Joy tapos si Wendy eh wala na rin klase. Habang si Byul ay ito, papunta na kami sa parkingan dahil ihahatid niya nalang daw ako sa paterminal na sinasakyan ko pauwi. Pero ewan ko, parang gusto ko muna magpaiwan.

 

“Byul, una ka na kaya. May dadaanan lang ako.”

“Saan naman?”

“Ewan ko. Iniisip kong gumawa ng assignment dito. Para rekta tulog mamaya. Anong oras na naman tayo bukas.”

“Assignment? Saan?”

“Logic? Moral? Ewan para wala na masyadong gagawin.”

“Ang sipag mo naman? Wala raw tayong Moral sa Wednesday kaya next week na ulit pasahan niyan. Sa Logic naman ay sa Fri pa schedule natin. Wala naman tayong assignment sa Comm Arts natin ah? Walang ipapasa bukas, beh.”

“Dami mo naman sinabi. Naks, kabisado lahat ng gagawin. Lodi lodi, pero bahala na.”

“Osya, sige. Una na ako. Ingat ka sa pag-uwi ha.”

“Ikaw din. Ingat.”

 

Pumasok na si Byul sa sasakyan niya at nag start na ng engine.

 

Parang may gusto akong gawin pero hindi ko maisip kung ano ba ‘to. Kaya pagkaalis ni Byul ay papunt

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update