Queen

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Queen – Ang Queen piece sa chess ay kinokonsider na pinakamalakas sa lahat. Ginagamit ito sa iba’t-ibang play sa isang laro. Pwedeng pang defense or offense. Pero sa early game, maaari itong gamitin sa kahit anumang brutal na pag-atake. Sa isang chess board, naka pwesto ang Queen sa d1 (light piece) at d8 (dark piece). Tig-isa lamang ng Queen ang bawat manlalaro. Para hindi malito ang isang manlalaro, inaalala dapat na kung ano ang kulay ng mismong Queen chess piece, dahil ayon din ang kulay ng square na pagppwestuhan niya. Kung ikaw ang nasa light side, ang Queen mo dapat ay nasa puting square (vice versa).

 

 

Seulgi’s POV

Naghihintay kami ngayon sa order ni Joy. Nandito pa rin kami sa apartment niya at kasama na rin namin dito si Irene. Si Joy ay naliligo, si Irene naman ay nagbabasa lang ng libro, kaming dalawa ni Byul… ito, nakatunganga. Ang tahimik, nakakaantok. Malapit na mag 6:00 pm, pwede na sana umuwi kaso traffic kasi sa ganitong oras. Paano ba naman, kapag uuwi ako ng 5:00 pm ay hindi ako makakasakay agad dahil sa rami ng pasahero. Kapag 6:00 pm naman ay sobrang traffic kaya inaabot ako ng 2hrs sa byahe. Kaya mas mabuti pang 8:00 pm nauwi, kasi 20-30 mins lang byahe ko.

 

Ang traffic kasi sa Pilipinas. Tapos sasabihin nila na sign daw ‘yon na mayaman ang Pilipinas kasi maraming nagmamay-ari ng kotse. Puta, sige. Pero saka niyo sabihin na mayaman tayo kapag maayos na yung mga kalsada.

 

Anyways, inaantok nga ako. Gusto ko tuloy matulog. Hindi kasi kami makabwelo ni Byul para makausap itong si Irene. Naurong mga dila namin kasi ang sungit niya. Sana dumating na si Joy or yung pizza. Pero mga 6:15 pm pa raw ang dating eh. Sana lang din ay magkaroon ng himala kahit 30mins naman talaga ang delivery time.

 

Kinuwa ko nalang yung cellphone ko sa bag at nakitang may sinend sa GC ng batch. Mga class reminders lang at video. Ano kaya ‘tong video? Binuksan ko ito at…

 

*ungol*

 

“Ay hala, putangina!” sigaw ko. . Sino na naman ang siraulong nag resend nito? Halos naka max volume ako kasi nag m-music kami ni Byul kanina habang nag e-ML. Tangina lang. Tinignan ko paligid ko at nakita ko si Irene na nakatingin ng masama sa akin.

 

Nakakahiya huhuhuhu.

 

“Seul, ano ba ‘yan? Walang delikadesa. Talagang dito ka pa nanonood.”

 

“Kingina mo Byul, niresend nitong hinayupak sa GC yung sikat na sikat na ungol. Nilagyan lang ng ibang mukha,” giit ko. Totoo naman kasi. Sana maniwala kayo.

 

“Hindi ka pa ba nasasanay sa GC na ‘yan. 50% class announcements, 50% katarantaduhan.”

 

“Aba, malay mo may mga bagong labas na chismis” sabi ko. Malay natin, baka ako na pinagcchismisan. Need natin maging mapagmatyag.

 

“Chismosa ka talaga.”

“Need natin magpakamarites kung gusto natin maging successful journalist.”

 

“Psychology kinukuwa mo, tanga” sabi ni Byul. Oo nga. Sabi ko nga. Ito naman, hindi mabiro.

 

Ay shemay. Nakalimutan kong nandito pala si Irene. Bumalik ang tingin ko sa kanya pero nagbabasa na ulit siya. Sensya ka na sa amin lods, ganito lang talaga kami.

 

Maya-maya pa ay lumabas na si Joy sa cr. Naol nakaligo na. Pero teka, ano nga bang ginagawa ni Irene dito? Nakalimutan ko na magkacourse nga pala sila, pero hindi ko akalain na magkaklase sila. Ang alam ko kasi ay nasa 6-7 sections ang course nila. Tumayo ako para hatakin si Joy pakwarto niya.

 

“Joy, Joy. Anong ginagawa ni mareng Irene dito?” tanong ko.

 

“May pairings kasi, magpartner kami. Need na raw namin tapusin yung paper and file para more time sa ibang activities. Sipag no?” naol masipag. Pero bakit magkasama pa talaga? Close ba sila?

 

“Kailangan dito talaga? Hindi ba pwedeng online online nalang?”

 

“Mas madali kasi kapag tatapusin ng magkasama. Tsaka pinayagan naman siya ng magulang niya, so why not?” usap-usapan dito ay strict din parents nito at hindi pinapayagan kung saan-saan. So bakit pinayagan kay Joy? Well, mabait naman talaga ‘to…

 

“Close ba kayo?”

 

“Medyo. Nakakausap ko naman siya sa classroom. Feeling ko nga, beside sa akin tsaka sa top 1 namin eh ako lang nakausap diyan. Pero mabait ‘yan,” weh? Ang sama nga ng titig sa amin kanina. Feeling ko tinutusok katawan ko.

 

“Luh?” ‘di talaga ako makapaniwala, pero galing na kasi kay Joy.

 

“’Wag mo sabihin na naniniwala ka sa usap-usapan?”

 

“Medyo. Kanina pa nga lang eh, feeling ko sasampalin ako. Tagal mo kaya,” reklamo ko.

 

“Hoi,” may tumawag sa akin. Si Byul pala. Naiwanan ko nga pala itong gaga na ‘to. “Bakit mo naman ako iniwanan? Feeling ko nasa kulungan ako kasama ng isang lion.”

 

“Buti buhay ka pa?” patawa kong sabi.

 

“Heh, ewan ko sa’yo” sabay irap ni Byul. “Pero, ano ba pinaguusapan niyo?”

 

“Si…” nguso ko sa kung nasaan si Irene.

 

“Ahh.”

“Mabait naman ‘yan. Grabe kayo kay Irene.”

 

“Kung mabait talaga, pakilala mo naman ako” sabi ko. Kahit joke lang talaga.

 

“Sige. Halika…” sabi ni Joy.

 

"Joke lan—"

“...para mamaya, sampal abot mo ron.”

 

LUH.

 

“Sandali, akala ko ba mabait?” this is confusement. Ay charot, confusing pala.

 

“Mabait, kung matino ka. Nakalimutan kong sabihin.”

“Buoin mo sa susunod, Joy. Katawan ko yung hindi buo rito kapag umuwi na ako. Baka mamaya kapag naaksidente akong mahawakan kamay niya, baka bali-bali na buto ko sa mga daliri ko.”

 

“Aksidente nga lang ba? Wala kang maloloko rito beh,” laban ni Byul. Ebarg naman kayo sa akin. Hindi naman ako tulad ng iniisip niyo. Slight lang.

 

*ding dong*

 

“Ayan na ata yung pizza,” sabi ni Joy. “Kunin niyo muna, kuha lang ako pambayad sa kwarto.”

“Sige, sige.”

 

 

*****

Pauwi na ako dahil hinahanap na ako ni manang. Wala kasi siya kasama sa bahay kaya need ko talaga umuwi. Pero hindi naman ako nagaalala na isusumbong ako. Simula grade 4 kasi, siya na nagaalaga sa akin. Ayon kasi yung panahon na nags-start na mawalan ng atensyon yung magulang ko sa akin. Tapos nung 3rd year high school ako, umalis na sila ng bansa for good. Dati, si dad lang yung nasa ibang bansa. Tapos ayon, sumabay na si mommy at si kuya. Doon nag college si kuya sa Europe, kaya naiwanan ako rito.

 

Nakikinig ako ng music habang nakaupo sa jeep. Buti nalang ay hinatid ako ni Byul pa terminal, para hindi na ako gagastos ng pamasahe. Kahit 8 pesos lang, pero sayang. Need ko na rin magpahinga ng maaga-aga at may work pa ako tomorrow. Malapit lang naman sa amin yung shop, pero dalawa lang kami sa shift na yon kaya need ko mapaaga.

 

Napabuntong hininga na rin ako, kasi naalala ko na naman yung kanina. Para kasing timang si Byul, kinausap si Irene. Nabulunan tuloy ako sa kinakain kong slice. Tapo

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update