J'adoube

Ahedres
Please log in to read the full chapter

J’adoube – J’adoube o adjust ay tinatawag o hinihiling kapag ang isang player ay gustong ayusin ang ayos ng isang chess piece. Dahil sa rule na touch move, hindi basta basta ang paghawak sa chess piece, kaya may rule na adjust. Nagsisignify ito na gusto mo lang ayusin o iadjust ang pagkakaayos ng isang chess piece at walang balak na imove ito.

 

 

Seulgi’s POV

Kakatapos ko lang maligo at nakapagbihis na rin. Nililinis ko lang yung kwarto ko kasi ang kalat ng kama ko. Wala naman sigurong papasok sa kwarto ko kaya hindi ko na inayos yung table ko. Libro, laptop, papel. Basta magulo. Kung sakali naman na pumasok sila, wala namang makikita rito. Although kabado ako sa bookshelf ko. Maninibago talaga ata sila kapag nakita nila na puro libro itong nandito.

 

Kinakabahan ako though, bababa na ba ako? Hmmm. Pero iniisip ko rin si manang kung nakaalis na at kung kasama ba si Pete. Taga dito lang din si Pete pero boy doon sa isang bahay. Parang si manang din, nagaasikaso ng bahay kasi wala yung mga may-ari. Pinagkaiba lang ay marami sila ron. Gusto ko nga sana kumuwa pa ng kasama sa bahay, kahit ako na magpapasweldo... kaso hindi ko naman kakayanin kasi kailangan ko magipon. Wala kasing kasama madalas si manang. So, ayon. Kapag may kailangan minsan ay sa kaniya kami nalapit. Nililibre ko nalang sa shop minsan kapag napaparami ng favor.

 

Nandito ba sila para awayin ako?

 

*knock knock*

 

May kumakatok na naman. Nakaalis na ata si manang kanina. Sino na naman ‘to. Pababa na rin naman ako pero jusme, hindi makapaghintay. Kalma, ako lang ‘to.

 

“Ate Seul, nandyan ka ba?” sabi nung nasa labas. Si Yeri ‘to panigurado. Ano ginagawa nito rito?

 

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Yeri. May dala siyang paper bag.

 

“Ate Seul!” sigaw niya. Nilagay ko kamay ko sa bunganga niya at pinatahimik. Ang ingay amp.

 

“Shhh. Ang ingay mo,” sabi ko habang hinihila siya pa kwarto. Kingina, baka umakyat sila.

 

Pagkasarado ko ng pinto, tinanggal ni Yeri ang kamay ko, “Ate Seul, professional kidnapper ka pala.”

 

“Gagi. Ang ingay mo kasi,” sabi ko. Si Yeri naman ay napatingin sa paligid ng kwarto ko. Ay syete. Yeri kasi, napaka ingay.

 

”K-kwarto mo ‘to, ate Seul?” takang tanong ni Yeri. Ayan na nga, nagulat na nga.

 

“Oo, bakit? Angal ka?”

“Queen size bed?! Tsaka ang daming books!”

“Oh, bakit nga?”

 

Ibaon niyo nalang ako sa lupa. Gulat na gulat na yung bata, pati ako nahihiya na.

 

“Wala lang, hindi lang bagay. Pangit mo,” sabi ni Yeri. Aba, nakarecover agad. Bastos.

 

“Osya, layas na. Pangit pala ako. Hindi mo na nga ako dinalhan ng yema nung Monday, tapos…” kunwari may paiyak iyak na naman ako, “ang pangit ko pa. Hindi mo na ako mahal, bunso.”

 

“Galit ka ba sa akin?” tanong ni Yeri. Medyo nakasimangot siya. Nakakaguilty naman yung simangot nito.

 

“Hind—”

 

“Dapat lang hindi,” sabi ni Yeri sabay dila. Punyemas naman talaga. Pinaglihi ata ‘to sa apoy ng impyerno eh. Lakas mangasar. Pero bigla niyang inabot yung paper bag.

 

“Ano ‘to?” tanong ko.

 

“Tae ng kambing. 500 lahat, pwedeng bukas na bayad.”

 

“Ano gagawin ko sa tae ng kambing?” tanong ko, kahit feeling ko yema laman nito.

 

“Ikaw na po bahala. Pwedeng i-display o itago.”

 

“Gaga,” sabi ko habang natatawa. Sira ulo talaga eh.

 

“Sige po ate Seul, baba na po ako.”

 

Bago pa lumabas si Yeri, niyakap ko muna siya.

 

“Miss na kita, bunso. Salamat sa pagpunta.”

“S-si ate Seul, parang tanga.”

“Oh, bakit? Masamang sabihin? Miss nga kita. Salamat din sa yema at meringue, pero kapag walang yema rito, layas ka na.”

“Eh tae nga ‘yan ng kambing. Bahala ka diyan.”

 

Kumalas na ako sa yakap namin. Tinignan ko si Yeri pero umiwas siya ng tingin.

 

“Miss na rin po kita, pangit. Baba na ako, kayo rin po. Hinahanap na nila yung pangit.”

 

“Kapal. Hiya ka pa na miss mo ‘ko. Ayiiiee,” pang aasar ko kay Yeri. Pero sinipa niya ako.

 

“Aray ko, mapanakit.”

 

“Ang korni mo eh,” tapos nag make face siya. Hahaha cute.

 

“Heh. Pero sige na, sunod ako sa baba.”

“Sabay na po kaya tayo?”

“Di pa ako tapos magsuklay.”

“’Wag na, pangit ka pa rin naman kahit magsuklay ka.”

“Bastos. Teka lang, hintayin mo ako.”

 

Maya maya pa ay bumaba na kami.

 

*****

Joy: Bakit hindi mo sinabi sa akin?

Moonbyul: Hoi, bakit ka nagp-pretend? Akala ko ba bobo lang tayo rito?

Irene: …

Wendy: Ano favorite subject mo?

Yeri: Ate Seul, magoovernight ako sa ayaw niyo ni ate Joy o hindi.

 

Ang daming tanong, puta. Ang sakit sa tenga. Isa-isa lang. Naghihintay kasi kami ngayon sa mga in-order ko. Kami na rin ang bahala sa pagpeprepare ng mga pagkakainan.

 

“Isa-isa lang guys,” reklamo ko.

 

“Hindi walang isa-isa. Sagutin mo kami agad-agad,” sabi ni Byul.

 

“Puta paano ‘yon?”

“Ewan ko rin. Pero ano nga?”

 

Ang dami kong utang sa kanila pero mas marami kay Joy. Since gusto rin naman ni Yeri magovernight, I guess aayain ko na rin si Joy magovernight. Pero baka gusto rin ng iba, I guess pagbibigyan ko sila. May mga guest rooms naman dito for visitors.

 

“Sino ba gusto magovernight sa inyo?” tanong ko.

 

Nagtaas naman ng kamay si Yeri. Very active naman talaga sa class recitation. Joke.

 

“Si Yeri lang? Ikaw Joy?” tanong ko. Kasi si Joy naman talaga ang dapat mag-overnight dito dahil k-kwentuhan ko siya.

 

“Depende sa mga sagot mo. Kapag nainis ako, uuwi ako” sabi ni Joy.

 

“Ang seryoso mo naman, Joy. Kinakabahan ako sa’yo.”

 

“Seryoso ‘yan ate Seul. Sabi niya sa akin. Pero matutulog ako rito, sa gusto niyo man o hindi” sabi ni Yeri.

 

“Ahm,” biglang may nagsalita sa kaliwa ko. Si Irene ba ‘yon?

 

“Pwede rin ako—” napalingon kaming lahat kay Irene. Seryoso ba ‘to?!

 

“Huh?”

 

“Pwede ba ako?” tanong ni Irene.

 

“Ako dapat nagtatanong niyan sa’yo, Irene. Pwede ka ba?”

 

“Oo nga, pwede ka?” tanong nung isang friend ni Irene. Ano nga pala pangalan nito? Siya ba yung Wendy?

 

“Ay wait, hindi niyo pa ako pinapakilala kay Seulgi. Kaya ako nalang magpapakilala. Hi!” sabi niya.

 

“Ah hello.”

 

“I’m Wendy, Irene’s friend. Nice to meet you,” sabi niya. Para ata akong nakakita ng anghel.

 

“Hi, Wendy. Ahm, Seulgi,” sabi ko at nagabot ng kamay, “Nice to meet you.”

 

Nakipagkamayan naman siya.

 

“I’m sorry pala kasi sumama ako ng hindi pa tayo magkakilala.”

 

“Uy, hindi. Walang problema. Kilala mo naman si Joy and Irene, so it’s fine. Masaya nga ako na ang dami niyo,” sabi ko. It’s true. Kasi first visitors ko pero ang dami nila.

 

“Gusto ko rin sana mag overnight, kaso I have something to do bukas. Maybe, next time if welcome ako.”

“Grabe, oo naman. You’re all welcome here.”

 

Nginitian niya ako, tapos nagsalita si Byul.

 

“Anong you're all welcome? Ilang beses kita pinilit no."

 

"Oh, bakit ka nagagalit?" tanong ko kay Byul.

 

"Ang pangit mo kasi--"

"Anong pan--"

 

Inaaway ako ah, aba.

 

"So ayon, sana all pwede magovernight. Mga walang hiya kayo.”

“Ikaw ba, ayaw mo?”

“Beh, ayaw ko mawalan ng baon. Tirahan pwede pa, kasi kung dito lang din ako titira... then why not?”

 

“Sira ulo,” sabi ko. Grabe nakakamiss pala makipagusap dito kay Byul.

 

Tumahimik ng onti. Pero siguro ako na mamimilit kay Joy.

 

“Joy,” tawag ko. Napalingon naman siya.

 

“Why?”

“Magovernight ka na, k-kwentuhan kita. Lahat ng tanong mo, itanong mo mamaya hanggang bukas. Wala naman kayong pasok bukas no?”

 

“Oo, wala. Sigurado kang sasagutin mo lahat?” tanong niya. Nakakatakot naman. Hotseat ata ako mamaya.

 

“O-oo.”

 

“Kabado ka naman masyado. Pero wala ka

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update