Check

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Check – Ang check sa chess ay ang pagatake sa King ng kalaban. Kinakailangan gumalaw or idefend ang King sa oras na may umatake rito. Sa formal games, hindi mo kinakailangangang sabihin na check kaya mas mabuting maging mapagmatyag sa laro.

 

 

Irene’s POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung friendly match namin with Hana University chess team. Wala naman masyadong nangyari sa organization pagkatapos non, kaso puro activities na naman kami sa subjects namin. Second year palang kami at wala pang major subjects, pero marami kaming math subjects dito sa engineering at may mga minors din na mas maraming pinapagawa kesa sa majors. Halu-halo na yung gawain, pero kinakaya naman. Hindi naman sa pagmamayabang pero kasi, out of 300 plus IE students eh pang top 4 ako overall. Best friend ko naman yung top 1, si Wendy.

 

“Irene, ano lunch mo?”

“Bibili ako ng pagkain sa canteen, hindi kasi ako nahandaan ng kasambahay namin.”

“Ah, sayang. Sana gumawa pa ako ng isa pang pack lunch.”

 

Habang naguusap kami ni Wendy, biglang dumating si Joy. Supposed to be ay may itatanong kami ni Wendy sa kanya, kaso naging busy nga dahil andaming pinapagawa.

 

“Hi guys, sama ako sa lunch niyo.”

 

“Sure,” sabi ni Wendy. Hindi niya ba kasama sila Seulgi?

 

“Saan sila Seulgi?” tanong ko. Ewan ko kung ano meron ngayon but something sparked sa interest ko simula nung nameet ko sila ni Moonbyul sa apartment ni Joy.

 

“Busy sa PE nila. May practical ata sila mamaya kaya nagpapakondisyon ng katawan.”

 

“Ano ba PE nila?” tanong ko.

 

“Sepak Takraw.”

 

Ah, ayaw ko sa PE na ‘yan. Swerte ko lang na hindi ko pa nagiging PE ‘yan. Sana next term, last PE, hindi ayan PE ko.

 

“Athletic naman ata yung dalawa,” sabi ni Wendy. Oo nga, madalas daw sila nakikita ring natakbo sa field for fun.

 

“Oo, pero depende sa sports. Magaling si Byul kasi nag Taekwondo ‘yon, pero si Seul…” tigil ni Joy. Tapos sabay tumawa ng mahina.

 

“Ano meron kay Seulgi?” tanong ni Wendy. Oo nga? Mukha nga siyang basagulera minsan kaya malay natin na magaling makipagsipaan.

 

“Never siya pinasipa ni Byul kasi hindi siya marunong. Isang beses…” natawa na naman si Joy pero nagtakip na siya ng bibig sa sobrang tawa niya.

 

“Na—” na?

 

“Nadulas kasi siya nung sinubukan niyang istrike yung bola,” sabay tawa. Pati si Wendy ay natatawa na rin. Medyo natutuwa na rin ako sa naiimagine ko.

 

“Maaawa sana kami kaso yung mukha niya kasi after nung attempt. Sobrang nakakatawa.”

 

Ahh. Sayang walang video.

 

“So, ayon. Nagpapakondisyon silang dalawa ngayon.”

 

“Eh, hindi naman ata nasipa si Seulgi, bakit need niya pa mag warmup? Ano pala position niya sa game?” tanong ni Wendy

 

May positions sa Sepak?

 

“Alam mo yung rules ng Sepak, Wendy?” tanong ko. Kasi nakaka curious lang.

 

“Ah, oo. Nakanood na kasi ako niyan sa tv tapos nag search ako. Nakakatuwa kaya manood non.”

 

Ang alam ko lang kasi ay parang volleyball na soccer yung sepak. Ayaw ko makuwa ‘to sa PE ko kasi alam kong bababa grades ko dahil hindi ako marunong sumipa.

 

“Feeder si Seul,” sabi ni Joy. Anong feeder?

 

“Ah, make sense” sabi ni Wendy. “So, si Byul yung striker?”

 

“Oo.”

 

“Ano yung feeder?” tanong ko. Kasi hindi ko talaga gets.

 

“Sa start ng game, yung feeder ang naghahagis ng bola sa tekong or yung server. Yung striker naman yung usually nasipa ng bola pabalik sa court ng kalaban. Nood ka ng game ng sepak, masaya tignan.”

“Sige, I’ll look for it later.”

 

Habang naguusap kami ay bumili na rin kami ni Joy ng pagkain namin at naghanap ng mauupuan sa labas ng canteen. May mga gazebo sa paligid. Si Joy nga pala ang isa sa mga nakakausap ko sa school. People find me intimidating daw kasi, pero I don’t blame them. I do get bored easily sa mga tao na hindi ko kilala or walang balak kilalanin, kaya I tend to ignore a lot of things. Pero speaking of tao, I should ask Joy about Seulgi. Curious din kami ni Wendy sa nakita namin last week.

 

“Joy, do you know someone named Bogum Park?”

 

“Bogum? How do you know him?” gulat na tanong ni Joy. Kilala niya siguro?

 

“Nakalaro ko siya sa friendly match last week. Remember nung absent ako for 2 subjects?”

“Ah! Really? I haven’t talked to him for long na kaya hindi ko alam na nandito sila. But I know him, he’s my high school friend.”

 

So magkakilala nga sila ni Seulgi. Interesting.

 

“How is he?”

“Hm?”

“Yung gameplay niya.”

 

Can I be honest? We didn’t really play seriously, and I find it boring.

 

“It was plain. Pero I kind of realized na he’s just playing around and observing. Good thing na I didn’t play seriously din.”

 

Tumango siya. So, he’s been playing din since then. Nothing shocking kasi you have to play for long to get this good. Well, not all. Lalo na if you’re born genius.

 

“Are you going to compete with him in the next competition? Kailan pala annual competition between universities?”

 

Ayaw ko sana mastress sa tanong pero with my current condition and them as opponents, I don’t think I’ll even reach quarter finals. I can’t find someone good sa university na ‘to. I chose to be here kasi topnotch ang IE nila, and I thought I can carry their chess team. Pero I’m so wrong about this.

 

“The competition’s in 7 weeks, and yes. I think he’s one of their frontliners sa competition. He’s rank 1 sa team nila eh.”

“Oh, talaga? Good luck sa competition.”

 

Biglang pumasok sa isip ko si Daniel Kang. May chance na magkakilala rin si Seulgi at Daniel kasi best friend daw ni Bogum si Daniel eh. Baka magpinsan sila?

 

“You know—”

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update