Bad bishop

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Bad bishop – Ang bad bishop ay ang term na ginagamit sa chess na kung saan ang bishop ay natakpan or naharangan ng mga pawn, or kahit ng opisyal na mga piece. Dahil dito, maaaring malimitahan ang mga posibleng galaw ng bishop. Tandaan na mas maganda kung mas malayo ang natatanaw ng bishop sa gitna ng board.

 

 

Irene's POV

 

Kinapalan ko na mukha ko at inaya ko na si Seulgi na mag-ikot sa malapit na mall sa school. Wala namang pasok ngayon kasi holiday.

 

Gusto ko lang din kasi magpasalamat sa kanya sa mga tinulong niya sa akin. Ilang linggo palang simula nung nakaroon kami ng contact sa isa't isa pero parang matagal ko na siyang kilala.

 

I think 3 weeks nalang din or less than ay competition na namin. Ayaw ko muna isipin kung kailan.

 

Of course, hindi lang naman Hana University ang kalaban namin sa competition na 'yon pero ineexpext na ng iba na kami-kami ang maglalaban sa finals. Mas nakakadagdag 'yon ng pressure sa amin. Kahit na nakakareceive din ng tips yung team namin kay Seulgi ay syempre hindi sapat 'yon para magkaroon ng dagdag na experience yung karamihan. Need namin mag plano ng new schedule ng magiging practice namin. Hindi man member si Seulgi, hindi naman bawal na manghingi kami ng tulong sa outsider tulad nalang ni Daniel na natulong sa activities ng Hana U.

 

"Sure ka?" tanong ni Seulgi.

 

Nandito kami sa kapehan at kakatapos lang namin maglaro ng chess ni Seulgi. Inabot na kami ng 2 hours dito eh kape lang naman inorder namin, tsaka dalawang pirasong croissant. Nakakahiya magstay ng matagal dito.

 

"Oo," sagot ko.

 

"Ih, nakakahiya. Okay na 'tong pakape mo."

"No, Seulgi. I'm treating you today, kaya mag-sine tayo or what. Kung ano gusto mong gawin today for fun besides sa magtrabaho or mag-aral, gawin mo na."

 

Napangiti siya. Medyo relief din ito sa akin kasi deserve niya talaga magpahinga at magsaya.

 

"You sound like an ate," sabi niya.

 

"Ate lang?"

"Huh?"

"Huh?--"

 

What the hell did I just say? Anong "ate lang?", ano 'yon?

 

"Sige, nanay tsaka lola na rin."

 

Oh, thank god. Is she just a casual person or sinasakyan niya lang talaga joke ko?

 

"You sure about your plan? Kahit anong gusto kong gawin?" tumingin siya sa akin at ngumiti ng hindi mo maintindihan kung manyak ba or ganyan lang siya ngumiti.

 

"Ang sama ata ng naiisip mo?" sabi ko. Well, makulit pa rin siya so hindi na mawawala sa akin yung trust issue ko sa kapilyuhan niya.

 

"Ano? Luh, wala pa nga."

"Bahala ka diyan, bibili na ako ticket pagkalabas natin dito."

"Gusto ko lang naman sana tanungin kung gusto mo ba pumunta sa bowling alley."

 

Ahhhh. Bowling. Okay.

 

"Sige, meron ba rito?"

"Medyo malayo rito, need natin mag taxi... unless gusto mo maglakad."

 

Ang init-init, baka mahampas ko lang sa kanya bag ko kapag nabugnot ako.

 

"Tara, pero ayaw ko maglakad."

 

Tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ako.

 

"Babayaran ko na yung bowling game natin, ikaw na sa pamasahe."

"No, ako magbabayad today."

"Sige, one game pa. Pag natalo kita sa chess, ako magbabayad."

 

Ang kulit naman nito.

 

"That's too much of a condition," pagrereklamo ko. Unfair naman yung gusto niya.

 

"Sige, ano nalang... if nacapture mo queen ko eh ikaw magbabayad."

 

Ayaw ko magrisk. She might be playing chess aggressively by sacrificing her queen too many times in return of a high prize - absolute victory. But I know na even if she's not risking her queen, her offense is still annoying as hell.

 

"No--"

"Sige, ikaw magbabayad muna pero kapag natalo kita sa bowling eh ibabalik ko bayad mo sa entrance and sa pamasahe."

 

Hindi ko naman matatanggihan 'to. Nabanggit ko kasi kasi Seulgi na parang gusto kong mag bowling. Nakapaglaro kasi ako nito nung HS kaya medyo marunong naman ako. Though, siya dapat kinoconsider ko kaso kung gusto niya mag bowling edi sige.

 

...

...

 

 

Ilang oras na ba ang nakakalipas simula nung kanina?

 

It's past lunch. We actually met around 8 o'clock and it's 12:30 noon na.

 

"So, there is something you're not good at. Huh?" medyo arogante kong sinabi kay Seulgi.

 

"Shh, my turn" sabi niya habang pinupunasan yung bola.

 

"Kahit pakintabin mo pa 'yan, hindi ka na makakahabol."

 

Tinignan ko score namin. Pffft, 26-132 in favor of me.

 

"Come on, pangatlong laro na natin 'to. Lagi kang talo."

 

"Shh" sabi niya tapos pumunta na sa Approach Area or kung ano man tawag 'ron.

 

Chineck ko yung area sa google map kung may malapit na kainan para yayain ko naman siyang kumain. Gutom na rin ako.

 

Wala pa atang ilang segundo ay bumalik na siya sa upuan.

 

"Gutter ball" binasa ko sa screen.

 

Gusto ko sanang tumawa kaso kailangan ko pigilan. Baka umiyak 'to tapos magtampo.

 

"Okay lang 'yan, may second chance ka pa sa second na bitaw--"

 

"Second gutter ball ko na this turn," sabi niya. Bumalik ako sa screen at nakitang turn ko na nga.

 

At hindi ko na napigilan at napatawa ako. Nahampas ko pa nga ata siya sa braso.

 

"Saya mo ah?"

"Cute mo kasi."

 

"Alam ko," sabi niya naman.

 

"Anyway, bakit parang marunong ka?" tanong niya.

 

"Parang hindi naman. Tsamba lang."

 

"Sus," sabi niya at kinuwa yung inumin niya. "Baka ito talaga sport mo, pero mas pinili mo chess."

 

"Well, medyo tama ka naman" tumayo ako at namili ng bola.

 

"Huh?"

"Hindi, joke lang. Pero as a hobby, pwede rin. Nakapaglaro na ako nito nung high school. Si Wendy nag introduce sa akin nito, eh para naman makahabol ako sa kanya ay nanonood ako ng mga bowling videos."

 

Pero pang-apat na beses ko palang ulit nakapaglaro simula noon.

 

Tsaka if icocompare mo yung score ko sa maximum attainable score after ng game, wala pa ako sa kalingkingan. 9th round na pero hindi pa rin ako nakakalagpas sa 200.

 

"Si Wendy? Magaling si Wendy dito?" tanong ni Seulgi.

 

"Well, yes. Kung may interschool competition lang, I bet she'll win the championship trophy."

 

Kita ko yung amazement sa mukha ni Seulgi.

 

Same.

 

Before namin tapusin yung game, napagkasunduan namin na kumain nalang sa labas. Since hindi siya nanalo, ako magbabayad.

 

I don't know, but I actually felt good na natalo ko siya. Lakas niya pa makipagpustahan na siya magbabayad kapag nanalo siya. Heh.

 

 

 

Seulgi's POV

 

Ang duga. Hindi ko naman ineexpect na ganon kabigat yung bola. Bearable naman pero nagulat talaga ako. Tsaka medyo tanggap ko naman na hindi ko siya matatalo sa bowling kasi medyo tanga ako sa target games. Pero, I still tried.

 

Ewan ko ba at sa badminton lang ako nag excel sa mga physical games pero sa iba? And don't mention basketball. Hindi naabot tira ko huhu. Akala ng iba napaka sporty ko kasi nagppractice kami ni Byul minsan pero siya talaga yung magaling sa amin sa sports. Takbuhan lang naman nilamang ko sa kanya.

 

Nakakahiya na kay Irene kasi for this whole lakad, siya na gumastos. Kulang nalang pati pang gas ko eh siya magbayad. Buti nalang nag offer ako mag hatid sundo para minus kunsensya. Pero babalik pa kami sa pinagparkingan ko kasi walang parkingan sa pinuntahan namin.

 

Siya na naman magbabayad ng taxi pabalik? For sure. Huhu. Babawi ako sa Monday at aayusin ko kulang nila sa org. Malapit na ang competition eh.

 

Need niya ng bagong kalaban maliban sa akin at sa mga ka-org niya. Hindi naman pwede si Daniel kasi nasa ibang university siya. Para patas, hindi siya pwedeng hingan ng tulong.

 

Hays.

 

Although naopen up ko 'to kay Daniel nung isang araw. Sinabi ko sa kanya yung struggle sa paghahanap ng new opponent for Irene para mapractice, pero ako rin nagsabi na hindi siya pwede. For fairness of both univ. Baka mamaya spy din siya, diba?

 

Isa pa, since hindi ako exposed sa chess eh wala naman akong kakilala maliban sa kuya ko, Daniel, at Bogum.

 

"Excuse po, here's your calamari and chicken katsu for appetizers."

 

May lumapag na dalawang medium plate sa harapan namin.

 

Wait... wait!! Appetizers? Luh. Wala bang kanin at ulam? I mean bakit parang ang gara?

 

"Irene," tawag ko sa babaeng nasa harapan ko. "Parang ang dami mo atang inorder?"

 

"Sabi mo kasi ako na bahala," reply niya.

 

Luh, hindi naman mabiro eh.

 

"Baka sobrang dami naman ng inorder mo. May pa-appetizer appetizers pa."

"I-take out nalang natin pagkatapos."

 

Nginitian niya ako na parang nirereassure niya ako na okay lang ang lahat.

 

"Hmm, kung sabi mo."

"Don't worry. I'm trying to relax too kaya I'm enjoying this trip. I hope ikaw di-"

 

"Oo naman, masaya ako. I mean ano..." luh. Naffeel niya ba na puro ako pag aalala? Hindi na. Oo, promise.

 

Nung dumating na yung mga pagkain, hinandaan ko siya ng mga pagkain sa plato ko at inilipat sa kanya. Natawa pa nga siya nung nag offer ako na magayos ng kakainin niya eh.

 

Eh... hindi ko kasi alam gagawin ko sa ganito. First time ko lang lumabas ng ganito.

 

Date ba 'to?

Ganito ba yung date?

Sana nagresearch man lang ako bago matulog kagabi.

Should I buy something na maiuuwi niya?

Tatanggapin niya ba kapag binilhan ko si tita ng pasalubong? Or is it weird na magbibigay ako?

 

Ahhh!!! Hindi ko na alam.

 

"Seulgi?" tawag sa akin ni Irene.

 

"H-ha?"

"Are you okay?"

 

Tagal ko na siguro nakatunganga kakaisip.

 

"Ah, yes. I'm fine. May iniisip lang."

 

Napataas kilay niya... ganito itsura niya dati nung suplada moments pa siya para sa mga mata namin ni Byul.

 

Ano ginawa ko huhu.

 

"Baka kung sino iniisip mo habang ako kasama mo," mahinang bulong niya.

 

Hindi ko narinig. Kunwari hindi ko narining.

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update