Development

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Development – Ang development ay ang paggalaw ng isang chess piece mula sa orihinal na posisyon nito.

 

 

Irene’s POV

Nagising ako kasi gusto kong mag cr bigla. Nauuhaw na rin ako. Hindi pala ako nakainom bago matulog kanina. Galing na akong cr kaya pababa na ako para uminom ng tubig. Iniisip kong sumali sa swimming nila pero pagod talaga ako kanina. Ang aga ko rin kasi nagising dahil medyo excited ako na ewan.

 

Nagkita kita kasi kami ng 10 o’clock kanina sa univ, pero alas sais palang ay gising na ako. Late din ako natulog kahapon dahil inaaral ko yung regional game vids ko. Hindi lang pala akin yung nandon, pati yung ibang manlalaro. Pero wala akong nakita kay Haneul kung hindi yung championship game namin.

 

“Hello, ineng” bati ni manang.

 

“Hello po, good evening.”

“Good evening din. Bakit hindi ka kasama kanila Seulgi?”

“Inaantok po ako kanina pagkaalis nila Moonbyul at Wendy. Pero tignan ko po kung makakasali na ako, kaso medyo inaantok pa rin po kasi ako.”

“Mag a-alas syete palang ineng ah, pero sige. May kailangan ka ba?”

“Wala naman po, iinom lang tapos baka lumabas po ako ng saglit.”

“Ah sige, kausapin mo lang ako o si Seulgi kung may kailangan ka ah.”

“Opo, salamat po.”

 

Pagkatapos namin magusap ni manang ay uminom ako at lumabas, ic-check ko lang sila at baka maisipan ko magswimming. Nakita ko si Seul at si Joy na magkatabi at mukhang may seryoso na pinaguusapan. Si Yeri naman ay swimming lang nang swimming.

 

“I am,” sabi ni Joy. Hindi ko masyadong marinig kasi papalapit palang ako.

 

“Why?”

“Eh, gusto kasi kita eh.”

 

Napatigil ako sa sinabi ni Joy. Hindi ko alam kung bakit mas pinili kong tumigil kesa magpatuloy. Pero siguro dahil hindi ito oras para lumapit? Kasi naguusap sila ng masinsinan. Akyat nalang muna ako.

 

“Luh,” sabi ni Seulgi. Ito na yung huling rinig ko sa usapan nila kasi bumalik na ako sa loob ng bahay.

 

Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Pero matutulog nalang ako, inaantok kasi talaga ako.

 

 

Seulgi’s POV

“Luh. Anong gusto mo ako. Wala kang maloloko rito” sabi ko. Kasi naman itong si Joy, joke time. Gusto ko lang naman malaman kung bakit siya mags-stay kahit na niloloko ko siya, matagal na.

 

“Seryoso nga, Seul. Ang tigas talaga ng bumbunan mo eh no? Pero dati ‘yon,” sabi naman ni Joy. Weh? Seryoso nga? Kailan tsaka bakit hindi ko alam?

 

“Ganito kasi ‘yan, Seul” panimula ni Joy. Tapos nagsip siya ng juice.

 

“Ang manhid mo kasi, pero past is past.”

“Hala, ayon na ‘yon? Kailan ba? Sorry na.”

 

“Anong sorry, sorry. King-i-na mo,” sabi ni Joy. Talagang inisa-isa niya pa yung syllables.

 

“Galit na ‘yan. Wala na.”

“Joke lang. Pero hindi naman nagtagal. Mga 3 years lang naman. Gago ka.”

 

Tatlong taon? Ganon katagal? Ramdam mo yung diin sa mura. Aray ko beh.

 

“3rd year high school hanggang last year. Wala na ngayon kasi pagod na ako sa’yo. May iba na akong gusto kaya chupi chupi ka na.”

“Talaga ba?”

“Oo. Nawala nalang bigla. Paggising ko, gulat nalang ako na wala akong pake kung ganyan ka.”

 

Wala akong masabi.

 

“Heh, ‘wag mo ako kaawaan. Buti na rin na hindi ako nagsabi sa’yo. Ayaw ko sa family mo. Kuya mo nalang hahabulin ko.”

“Gaga, usapan natin na walang lalapit sa kuya ko.”

“Joke nga lang. Tsaka may iba na nga.”

“Sino ba?”

“Secret. Bakit ko sasabihin? Eh ang tagal mong tinago yung sikreto mo sa akin. Don ka nga, hindi kita bati.”

 

Oo nga naman. Bakit pa ako aangal. Hihintayin ko nalang na sabihin niya sa akin.

 

“Joke. Next time nalang if sure na. Pero, Seul. Bakit hindi mo ako pansin noon,” tanong niya.

 

“Siguro, dahil busy pa ako sa buhay ko. Tsaka bakit third year pa? Hindi nalang first year. Joke.”

“May crush ako kay Bogum nung first year diba? Then second year, wala lang. Doon ata nag start pero mas napansin ko nung third year. Kasalanan mo talaga 'to. Straight kasi talaga ako tapos ganyan ka?”

 

Ang awkward naman na ganito usapan namin, but I need to ask the question again to be sure.

 

“Hey, is this really the reason kung bakit hindi ka pa naalis kahit na tagong tago ako sa’yo?”

 

“Oo? Siguro. Pero not really. I just value you as my friend. Tandaan mo na kaibigan kita bago kita magustuhan,” sabi niya. And to be honest, nakahinga ako ng malalim sa sinabi niya. "So, half-half sa una kong sagot, pero what really made me stay is your genuineness. Alam kong may parte ka lang na tinatago pero hindi lahat. Nagpakatotoo ka naman, hindi ba?"

 

“Of course, and you may leave if you think I'm not. But you know Joy? I’m lucky to have a friend like you, thank you. Also, sorry for everyting din. I owe you a lot, to be honest” sabi ko. Kasi I’m really thankful to her.

 

“Took you long to appreciate me, Seul. Pero thank you for opening up to me.”

 

“What do you mean? I always appreciate you kaya,” laban ko.

 

“Pero hindi ka nagopen up. I thought you don’t trust me. Sometimes you need to trust people to show them your appreciation ‘no. Pero joke lang ulit. I know naman na you appreciate me. Edi sana hindi ka sumama sa akin sa university na ‘to.”

 

To be honest, sa ibang university talaga dapat ako pupunta. Magpapakalayo layo lang. Pero Joy asked me to go with her, and that is the most correct decision I made nung nags-struggle ako sa decision making ko nung 4th year high school. But the thing is, mali ako sa course ko. Pero okay na ‘yan, kailangan ko nalang panindigan.

 

“Thank you ulit, Joy. I’m happy na I joined you sa university natin.”

“Ang weird mo, Seul. Hindi na ako sanay.”

“OA mo naman. I’m really mean it. Tsaka ganito naman talaga ako dati ah?”

“I know, pero ang weirdo kasi. Ganyan ka naman talaga dati pero nasanay ako sa bardagulan mode mo gawa niyo ni Byul.”

 

Natawa nalang ako. Tapos nag swimming na kami at sinamahan namin si Yeri.

 

*****

Hindi ko namalayan na malapit na mag 9:00 pm, gigisingin ko nga pala dapat si Irene ng alas otso. Dapat kasi gigisingin ko rin siya para sabay sabay kami kakain pero dinalhan kami ni manang ng pagkain sa pool. Hindi ba siya magagalit sa akin kung gigisingin ko siya?

 

Anyway, kakadala ko lang kanila Joy at Yeri sa isa pang guest room. Sama na raw sila sa room sabi ni Joy, pero feeling ko maya-maya lang ay mag dedemand si Joy na maghiwalay ng room kasi ang ingay ni Yeri. May 4 na guest rooms sa bahay namin. Dalawa sa baba, dalawa sa taas. Nasa baba sila ngayon kasi ayaw daw umakyat baba ni Yeri. Gagawa raw ng school works si Joy at Yeri, para may free time daw bukas. They're not so sure though, kasi baka umuwi na rin si Irene and baka may gagawin daw sa univ si Joy, as for Yeri... may klase siya. Hindi pa rin daw sila nakakapunta ng room ko. Hays, ang hyper naman talaga ni Yeri tapos si Joy naman ay sama lang nang sama.

 

Si Byul pala ay nagcchat din. Iniinggit ko nga at pinapadalhan ko ng pictures nila Joy sa swimming pool. Mukhang gusto niya mag overnight dito. Bibisitahin niya raw ako bigla-bigla eh, surprise visit ganon. Hay nako.

 

“Bunso, ikaw na rito at magpapahinga na ako. Kapag may gusto kayo kainin, mag-init ka nalang,” sabi ni manang.

 

“Sige po, ako na po bahala. Good night po.”

“Good night, bunso. Mukhang masaya ka ngayon ah.”

“Sobra po, sana kayo rin.”

“Basta masaya ka, masaya na rin ako. Lagi mo kasi silang papuntahin dito para naman may iba akong pinagkakaabalahan.”

“Nako po, manang, baka mapagod kayo niyan.”

“Walang pagod pagod dito. Mga kaibigan mo naman sila, tsaka para maingay sa bahay. Tahimik natin eh.”

“Opo. Sige po manang, pahinga na po kayo. Maraming salamat po today, gustong-gusto nila luto niyo.”

 

Onting usap lang ay umalis na rin si manang. Since nakaligo na naman ako, puntahan ko na si Irene. Hindi ko alam kung matutuwa ba siya na ganitong oras ko siya gigisingin, pero kailangan niya kumain bago matapos ang araw.

 

Pagkaakyat ko ay pinuntahan ko agad yung guest room kung nasaan siya. Kumatok ako sa pintuan pero mukhang tulog talaga siya. Binuksan ko ang pintuan since hindi naman ‘to naka-lock.

 

“Excuse me, papasok lang po” bulong ko. Lumapit naman ako sa kama para gisingin si Irene, pero napatigil ako.

 

“Ang ganda niya,” sabi ko sa sarili ko… Ay . Ano ba ‘tong pinagiisip ko.

 

Lumuhod ako para tignan kung mahahalata ba ako kung magtatago ako sa gilid ng kama. Balak ko kasi kalabitin tapos magtatago, tapos gugulatin. Matagal ko na gustong gawin pero wala akong ma-prank.

 

Kakalabitin ko na sana siya pero parang mas ginusto ko nalang titigan siya. Ang tangos ng ilong, ang ganda ng hugis ng kilay… ang kinis ng balat niya. Ako ba ‘to o naaamoy ko yung shampoo niya? Bigla akong napatingin sa labi niya. Parang ang lam… bot.

 

“Hoi, Seulgi. Umayos ka. Tulog yung tao, ‘wag kang ano” sabi ko sa sarili ko. Sinampal ko rin ng malumanay mukha ko kasi kung anu-ano naiisip ko. Ano ba, umayos ka self.

 

Pumikit muna ako ng sandali para kunwari magdadasal ako. Hindi ko kaya ang hamon ng buhay. Hingi muna ako ng lakas at hihinga ng slight.

 

“Anong ginagawa mo?”

 

Ay gagu, nagulat ako. Gising na siya?! Hindi pa ako nakakapag prank. ‘Yan kasi, inuna kabaklaan.

 

“A.. Ah eh… ano.”

“Ano?”

 

Ayan na naman, ang taray niya na naman. Sorry na po. Sorry na agad.

 

“N-nag iipon ng lakas… tama… oo tama,” tungunu, hindi ko na alam.

 

“Para?”

“Ano, ipprank kasi sana kita.”

 

“Ah. Ok,” sabi niya. Ang cold naman?!

 

Kinuwa niya yung phone niya para tignan ata yung oras.

 

“9?!” natatakot na ako para sa sarili ko. Sorry kasi late na.

 

“Mag n-nine na? Oh my god. Wait, babangon ako.”

“H-hindi ka galit?”

“Why? Hindi naman ako nag alarm. Magrereklamo pa ba ako?”

“Okay lang naman na ngayon ang gising mo ah?”

“I thought we’re playing chess?”

“Oo nga—”

“Hindi ba tayo magtatagal?”

 

Ah, wait. So, nagaalala siya na magtatagal kami at late na ako matutulog? Ganon?

 

“Magtatagal, depende. I can stay up late naman. Don’t worry.”

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update