Cramped
AhedresCramped – Ang cramped ay ang kalidad ng posisyon ng isang chess piece na kung saan pinatitigil nito ang malayang pagikot ng mga chess piece. Kapag cramp ang kondisyon ng mga piece ng isang manlalaro, mahihirapan itong paikutin ang bawat piraso sa board. Lack of freedom.
Seulgi’s POV
Dalawang araw na akong hindi napasok. Nag-aalala na si manang sa akin. Hindi ko rin siya kayang makita kasi na g-guilty ako. Kasi ako nalang lagi niyang kasama. Wala akong dinadalang kaibigan. Noon, before pa umalis sila kuya, hindi talaga ako nagyayaya ng friends dito kasi natatakot ako kay mommy na baka kung ano gawin niya or sabihin niya. Ayaw kong maranasan ng kaibigan ko yung mga kahihiyan na nangyayari rito. Kaya natuwa ng onti si manang nung umalis sila kasi akala niya may makikilala na siyang kaibigan ko. Pero wala. Natatakot ako na baka masabi ni mommy na umalis lang sila, nagwalang hiya na ako.
Sinubukan kong galingan lalo nung umalis sila, pero nawalan na ako ng gana nung patapos na yung high school. Para saan pa ba yung efforts ko kung kahit kailangan ay hindi nila makikita yung achievements ko? Naghintay ako ng matagal na panahon, pero punung-puno na ako. Nagloko ako nung malapit na matapos ang 4th year. Wala naman daw may pake kung bumagsak ako o pumasa. No wonder, kahit anong gawin ko… hindi sila napunta sa recognition day ko kasi inuuna nila si kuya. Si manang ang na-attend sa akin simula grade 4. She did so much for me pero all I do is leave her here alone.
Naiiyak na ako.
Tumingin ako sa salamin pero ito ako, namumugto na naman ang mga mata at handa na ulit umiyak. Gusto ko yakapin si manang para humingi ng sorry dahil sa kakulangan ko, pero ayaw ko muna lumabas ng kwarto. Kahapon pa ako rito sa kwarto na wala masyadong ginagawa kung hindi random things. Nagoff ako ng phone 2 days ago. Nakatapos na ako ng isang buong kdrama pero hindi man lang ako kinilig o umiyak. Wala akong maramdamang matino ngayon.
Tumayo ako para pumunta ng kama pero napatingin ako sa bookshelf ko. Malaki yung lagayan ko ng mga libro rito. Naka section pa.
“Chess huh?” sabi ko sa sarili ko.
Nagbago na isip ko. Hindi na ako hihiga. Subukan ko kaya ulit? Kaya bumalik ako sa upuan ko at naghanap ng website kung saan pwede maglaro ng chess.
Starting rate is 600, hindi na masama. Never ko nalaman kung ano rate ko kasi wala naman akong official na laro kung hindi sa kuya ko at kay Daniel. Sa family namin, sila lang ang sinusuportahan sa official games. Alam ni Daniel na naglalaro ako at alam din ni Bogum. Hindi ako kinakabahan sa kanilang dalawa. Pero to think na may makakaalam dahil sa isang interview… ang small world. Pero bakit ba kasi hindi ko man lang nakita yung interview?
On the other hand, who would’ve thought na Irene is my brother’s last opponent dito?
Mag s-start na ang game. I’m playing black. Kinakabahan ako. Yung kaba ko nung nakikipaglaro kay Irene, genuine ‘yon. Kasi, I haven’t really played chess nung umalis na si Kuya. That’s why pinilit ako ni Bogum dati to the point na muntikan na lumabas yung sikreto ko. Pero hindi ako nagpatinag kasi ayaw ko na talaga humawak ng chess piece non. I’m not really into chess naman talaga, una palang pero ang boring kasi kapag hindi naman kagalingan yung kalaro mo. I know na medyo mayabang but that’s what makes the game boring. Walang thrill. Kuya ko lang ang pinaka gusto kong kalaro kasi siya lang ang matino, pero hindi ko pa rin naiiwasan mabored. He blunders a lot especiall kapag offense na. He’s too focused on defense dahil sa attacks ko. Si Daniel naman, sabog pa siya maglaro. Pero last game namin is before 2nd year ata, if I remember correctly.
Probably now, ako yung palaging may blunder compared sa kanilang dalawa. May kalawang na utak ko sa chess.
Opponent: e2 to e4
Seulgi: e7 to e5
Ito yung same opening namin ni Irene. Hinayaan ko siyang i-scholar’s mate ako kasi ayaw ko naman talaga maglaro. Hinayaan ko rin na i-fool’s mate ako kasi para kunwari naka ilang laro kami. I needed to do that para maconvince siya na hindi talaga ako marunong. Ngayon na naisip ko 'to, bakit nga ba parang pinipilit niya ako? Natunugan na ba siya before? Napagtanto niya ba na baka kapatid ko talaga si kuya Haneul? Anyway...
Opponent: Ng1 to Nf3
Seulgi: Nb8 to Nc6
So, my opponent will either go for scotch opening or ruy lopez b5 bishop.
Opponent: d2 to d4
Okay, scotch opening. So, you’re trying to undermine my center control. Nah, I won’t let you.
Seulgi: e5 to xd4
Opponent: Nf3 to Nxd4
Hmmm. Mapapansin niya kaya yung gagawin ko?
Seulgi: Bf8 to Bc5
If you don’t move your bishop, which is the best move… then you’re done.
Opponent: c2 to c3
Anong klaseng galaw ‘yon?
Seulgi: Qd8 to Qf6
Opponent: Nd4 to Nxc6
This is an amateur move. Bakit mo naman tatapatan queen ko? You ate my knight but at what cost?
Seulgi: Qf6 to Qxf2
Checkmate.
“Ang boring talaga,” bulong ko sa sarili ko.
Now, I want some chocolates. Pero I can’t go down or buy it. Syete, baka matuluyan akong mag singko sa grades ko. Ang sakit non sa mata panigurado. Anyway, should I try blitz or bullet? I miss playing aggressively. Blitz nalang. Still unsure sa bullets eh. Atleast blitz is 5 minutes. Bullets takes up only a minute kaya nakaka stress.
I’m playing black again. What’s with this algorithm? Pero it’s fine, I can play aggressively sa black.
Opponent: e2 to e4
Seulgi: e7 to e5
Opponent: Ng1 to Nf3
Seulgi: Nb8 to Nc6
Opponent: Nb1 to Nc3
Oh? Interesting. Going for a four knights game?
Seulgi: Ng8 to Nf6
Opponent: d2 to d3
Seulgi: d7 to d5
Let’s exchange pieces.
Opponent: e4 to xd5
Seulgi: Nf6 to Nxd5
Opponent: Bf1 to Be2
Ay, hindi nakipag exchange. Well…
Seulgi: Bf8 to Bb4
Opponent: Bc1 to Bd2
I’ll castle sa King side since out na lahat ng officials ko sa left side.
Seulgi: O-O
Opponent: Nc3 to Ne4
Ah, you’re putting pressure sa black tile bishop ko? Sige, balik tayo.
Seulgi: Bb4 to Be7
Opponent: O-O
Nag castling na rin siya. I’ll put a pressure na sa right side niya and threaten the knight.
Seulgi: f7 to f5
Opponent: Ne4 to Ng3
Seulgi: g7 to g5
Opponent: Nf3 to Ne1
Oh, bakit ka lumalayo?
Seulgi: Nd5 to Nf4
Opponent: f2 to f3
You stopped my pawn from moving to g4 pero it’s actually a mistake.
Seulgi: Be7 to Bc5
Check. The only move for you is Kg1 to Kh1.
Opponent: Kg1 to Kh1
Seulgi: Rf8 to Rf6
Opponent: c2 to c3
Seulgi: Bc8 to Be6
Opponent: Ne1 to Nc2
Seulgi: Rf6 to Rh6
Pressure on the King now.
Opponent: Bd2 to Be3
Now I will have this opportunity to move my pawn to g4. But I’ll sacrifice my bishop.
Seulgi: g5 to g4
Opponent: Be3 to Bxc5
Seulgi: Qd8 to Qh4
Opponent: Bc5 to Bg1
Seulgi: Qh4 to Qxg3
Opponent: Nc2 to Ne1
Hmm, this opponent is better than I thought. Kakayanin ko ba 'to?
Seulgi: Be6 to Bd5
Opponent: b2 to b4
Hmmm. I’ll make this move and one wrong move, you’re done.
Seulgi: Nf4 to Nh5
Opponent: Bg1 to Bf2
I was kind of expecting the move h2 to xg3 kasi this is a low rank blitz. But this person seemed to understand better.
Seulgi: Qg3 to Qf4
Opponent: f3 to xg4
Blunder!
Seulgi: Qf4 to Qh2
Queen sacrifice.
Opponent: Kh1 to Kxh2
Seulgi: Nh5 to Ng3
Check. Wala ka ng pupuntahan.
Opponent: Kh2 to Kg1
Seulgi: Rh6 to Rh1
Checkmate.
Actually, I can checkmate in three different ways depending on the opponent’s moves. Pero at lea
Comments