Gambit

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Gambit – Ang gambit ay ang pag s-sacrifice ng isang chess piece, usually pawn at knight, para magkaroon ng advantage sa early to mid game. Maraming iba’t-ibang gambits sa chess tulad ng king’s gambit, queen’s gambit, stafford gambit, at marami pang iba.

 

 

Irene’s POV

I woke up feeling refreshed. Nakakapagod mag-isip kagabi pero I felt so much alive. I don’t want to admit it pero I never won against Seulgi yesterday. She is annoyingly good. Puro siya sacrifice to the point na need ko mas maging ma-vision sa whole board kasi if not, then she will keep on attacking. I kept on diverting my attention sa wrong areas, tapos if nakalimutan ko na fully eh bigla bigla siyang aatake. Also, her blunders are not really blunders, they are traps. Hindi siya offensive lang, she’s also defensive. Minsan may gusto akong move pero naisip niya na agad at na defend na yung dapat idefend. Napaka layo niya sa textbook-type player kasi she’s so random and aggressive. That’s her style, and now I understand kung bakit ganon nalang yung gameplay ng kapatid niya.

 

With this level, feeling ko tuloy ay napaka amateur ko. Tinuruan niya rin ako ng ibang bagay bagay like variations and openings na alam niya. I’m shocked to know na she still remembers Bogum’s gameplay back in HS pero hindi lahat. Naaalala niya lang yung ibang galaw ni Bogum. Mapapa “Hey, this one’s a blunder. Same blunder kayo ni Bogum,” or “This is how Bogum usually starts with his bishop. Be careful, his forte is to checkmate with queen and bishop” nalang siya during study namin ng after every game.

 

Seulgi felt different in a way na hindi siya yung usual self niya nung nakilala ko siya. Is it because mag-isa nalang siya kasi Byul is not with her? She’s somewhat serious when we’re talking.

 

Anyway, we played until 2 o’clock in the morning. Hindi raw siya papasok today and tomorrow kaya okay lang daw na maglaro kami until morning. I asked her many times to go to class kasi we need to focus on our studies din, pero she’s so stubborn at sa Monday nalang daw. Babawi naman daw siya. I’ll let her, kasi hindi naman kami super close para ipush ko siya sa mga bagay bagay. Also, I wanted to ask her sana about her talk with Joy pero ang chismosa ko ata kapag ganon, kaya hindi na ako nagtanong.

 

Speaking of Joy, umalis na ba sila?

 

“Anong oras na ba?” tanong ko sa sarili ko. Feeling ko kasi ang late na rin. First time kong makatulog ng ganito. I feel at ease, kahit na nasa ibang bahay ako. Siguro dahil sa laro kahapon. I felt happy playing chess ulit pero nakaka drain ng energy kasi ilang games din ‘yon tapos ang dami kong natutunan.

 

“9:08…” mahina kong sabi… 9:08?! A-ang late naman? Napatayo ako bigla at inayos ang higaan. Nakakahiya naman gumising ng ganitong oras sa ibang bahay.

 

*knock knock*

 

Oh my god, hindi pa ako nakakapagsuklay. Bahala na. Ayusin ko nalang yung buhok ko gamit kamay.

 

Binuksan ko agad yung pinto at nakita ko na nakatayo si Joy. Oh, si Joy. Kinabahan ako ng onti. Pero mukhang paalis na siya at mukhang galing na sa dorm niya kasi nakabihis siya pang physical activity.  Sabi niya kasi kahapon na ihahatid niya sa school si Yeri, eh 8:00 am ang klase nila.

 

“Late mo ata nagising ngayon. Kayo ah, anong ginawa niyo ni Seul at parang pagod ka?” tanong ni Joy.

 

“W-we just played chess. Hala, ano naiisip mo? Tsaka--”

“I’m just kidding, ito naman. Napaka defensive ah. Pero I gotta go, Irene. If that’s okay with you?”

 

What? She’s leaving? What about me? I mean…

 

“Byul’s outside and sasabay na ako pa-univ. May practice pala kami sa team. Malapit na intrams so we have to practice a lot. Hay nako, buti hindi ako sa varsity sumali. Intrams lang ‘to pero stressed na department natin.”

 

“Paano ako?” I asked. Kasi kung maiiwan ako rito… nakakahiya.

 

“Ihahatid ka nalang daw ni Seul anytime. Anyway, see you tomorrow” sabi ni Joy sabay nag gesture siya na parang paalis.

 

Why did she leave me here? First time ko rito and hindi ako sanay na hindi ko pa masyadong ka-close yung tutulugan ko. And for the record, bahay niya lang at bahay ni Wendy ang napupuntahan ko. Sapilitan pa yung kanila Wendy kasi high school pa kami noon.

 

Pero wala na akong magagawa. Baka mag-ayos nalang din ako ng gamit at—

 

“Hi, Irene. Good morning.”

 

Lumingon ako at nakita ko si Seulgi. Nagsisisi ako na hindi agad ako pumasok sa kwarto at naglock ng pinto. Nakakahiya na makita ako ni Seulgi na ganito.

 

“Nakaalis na yung sasakyan ni Byul. Sorry, kasi hindi na kita ginising kanina nung nag-aayos sila Yeri at Joy. Anyway, kain na tayo ng breakfast tapos sabihan mo nalang ako kung gusto mo na umuwi.”

 

So gising na rin siya kanina? Morning person ba siya? Speaking of, nalaman ko rin kahapon na nag p-part time siya somewhere pero hindi niya sinabi sa amin kung saan specifically. Basta malapit lang daw sa labas ng subdivision nila. Mukhang masipag nga ata talaga siya?

 

“Seulgi, hindi ka pa nakain?”

“Hindi pa, na-late ako ng gising kanina at hindi nakapag jogging on time. Kaya halos kakauwi ko lang kaninang 8:30 am, tapos naligo ako.”

 

“What time do you usually jog ba?” curious lang.

 

“6 in the morning. Pero depende ‘yon. Ang dami ko lang kasi nakain kahapon kaya gustong-gusto ko mag jogging agad. 7:30 na ako naka start kanina.”

 

Ah. She did order a lot of food yesterday.

 

“Ahh, okay. Buti ka pa, nakaligo na” sabi ko. Kasi this is really late na rin sa clock ko.

 

I tend to sleep before 12mn tapos gigising ng 7am or 8am kapag walang pasok. My parents always told me na before mag 9, dapat may na accomplish na at nakaligo na. This is really weird for me pero since naka tulog ako kahapon before kami maglaro, hindi ako inantok. It’s the opposite talaga. Playing chess with her is somewhat fun kahit na natatalo ako nang natatalo. Bakit ba kasi nabobored siya sa chess? Or bored pa nga rin ba siya? Mukha naman siyang nag enjoy kahapon.

 

“Haha, ligo ka na rin. Hintayin kita sa baba. Pero may gusto ka bang kainin? Baka makaluto si manang sa baba ng food.”

“No, I’m good Seul.”

 

 

Wait, did I just say Seul? , feeling close ko naman.

 

“I mean, Seulgi. Yes. I’m good with any food, basta hindi manok or anything sweet kasi maaga pa.”

“Ah okay, tocino and egg drop soup ang food. I hope that’s okay with you.”

“That’s good naman. So wait, ligo lang ako. I’ll be fast para makakain ka na rin.”

 

Good, hindi naman siya nagreact.

 

I was about to go back pero… “Irene, you can call me Seul anytime. No problem, besides… we might get to know each other the soonest. So, I hope you can get comfortable with me.”

 

 

Seulgi’s POV

I went down to ask manang na tulungan ako sa pag-prepare ng food. Actually, naubos na ata yung tocino kaya magluluto nalang ulit. Pinabaon kasi kay Yeri yung niluto kanina na tocino tsaka langgonisa, at egg drop na nga lang ang natira. Hindi ako tinirahan ng langgonisa, eh paborito ko ‘yon. Luh.

 

After ko sabihin kay Irene na it’s okay if she’s going to call me Seul, pero hindi na siya nagreply kaya bumaba nalang ako. Infairness, I had fun sa chess kahapon. Siguro, I grew up from my boredness sa chess dahil din matagal na akong hindi nakapaglaro? Or I’m just entertained kasi kapag nakunot yung noo niya, natutuwa ako kasi ang cute niya mainis.

 

“Well, anywaysssssss” sabi ko sa sarili ko. Hindi ako marunong magluto masyado. I mean, I can cook basic foods like frying eggs, hotdogs, noodles, pancake, pero hindi talaga ako mahilig tumambay sa kusina. Kaya sa part time ko, inayawan ko yung chef or cook position kasi hindi ako pwede sa kusina. Hindi naman ako clumsy pero hindi lang talaga ako nasanay sa kusina. Maybe it’s time to improve my cooking skills na rin dahil nga baka malapit na kami humiwalay ni kuya sa family namin. I can be independent sa ibang bagay, except lang talaga sa pagluluto.

 

“Manang,” tawag ko kay manang na naglilinis ng kwarto na ginamit ni Joy. Humiwalay nga si Joy kahapon kasi ang ingay ni Yeri. Tumama hula ko.

 

“Yes, bunso?”

“Luto nalang po ulit tayo ng tocino. Nakalimutan ko po sabihin kanina bago ako mag jogging. Naliligo pa naman po si Irene.”

“Ay, walang problema bunso. Nakaluto na ako, nakatago lang sa tabletop sa kusina. Kakatapos ko lang halos lutuin habang naliligo ka.”

 

“Talaga po? The best talaga kayo, manang” sabi ko sabay yakap ng mahigpit kay manang. Hehe, alam na alam na talaga. Sabagay, sanay na naman si manang dahil busy dito sa bahay dati dahil sa pagbisita lagi ng relatives namin.

 

“Nako, mambobola ka talaga eh no.”

“Luh, hindi naman po.”

 

Totoo naman po. Luh. Umalis na ako sa pagkayakap ko at may naalala ako.

 

“Manang, labas tayo bukas?”

“Para saan?”

“Date lang po tayo, ganon. Dalhin ko kayo sa mall hehe.”

“Walang magbabantay ng bahay, bunso.”

 

“Eh naalis din naman po kayo kapag mamalengke kayo tapos nasa univ ako. Ayaw niyo po ata akong kasama,” sabi ko. Kunwari nagtatampo para pumayag na hehe.

 

“Nako, ito talagang batang ‘to. Ang cute cute kapag nagtatampo. Sige na nga, pero wala akong maayos na damit.”

“Wushu, ayan lang po ata dahilan kung bakit ayaw niyo umalis. Bilhan ko po kayo damit mamaya kapag ihahatid ko na si Irene sa kanila.”

“Ay, joke lang ‘yon bunso. ‘Wag na.”

“I insist po. Minsan ko lang po kayo i-treat. I should take this opportunity to bond with you properly po, so let me.”

 

Napatitig si manang sa akin ng sandali sabay niyakap niya ako. Ang warm sa pakiramdam. Miss ko na ‘to, yung bonding namin ni manang. Pero bakit? Bakit ako niyakap bigla ni manang?

 

“Manang? Bakit po?”

 

“Ini-english mo na ako bunso,” panimula ni manang. Ay, mukhang...

 

“Nabalik na yung Seulgi na kilala ko. Yung sweet at mapilit na bata. Yung ini-english ako bigla. Yung masiyahin na tampururot kapag hindi pinapansin.”

 

Ang bilis naman mawala ng binuild up kong facade.

 

“Gusto ko na agad mga kaibigan mo. Seulgi, ‘wag ka na magtago nang magtago sa kwarto mo kapag may problema ka. ‘Wag ka tumahimik kapag may gusto kang sabihin. Tulad ng dati, sabihin mo sa akin ha? Okay lang na ma-frustrate ka ha?”

 

Wala pang isang linggo pero parang nawawala na agad yung disguise ko. Well, ang hirap naman kasi talaga magpanggap ng hindi ikaw.

 

“Bunso, ayaw ko ibalik yung mga ala-ala na ito sa’yo, pero tanda mo ba na kapag ako ang naattend ng recognition mo? Namiss ko na yung iyakin na bata na naiinis kasi hindi siya sinulpot ng magulang niya. Seulgi ha, ‘wag mo kalimutan yung sarili mo.”

 

I’m speechless pero tama nga naman si manang. Hindi ko dapat kinalimutan yung sarili ko. Pero the damage has been done and I can’t go back. Kahit ano nga naman ang gagawin ko, wala pa ring mangyayari pero mas pinili ko lang sirain yung pagkakataon na mag improve ako for me, for myself. It should’ve been that way naman talaga. Why would I bother getting the attention of my parents kung alam ko na hindi na siguro magbabago ang lahat. Kung sana tinuon ko nalang sarili ko sa self love, edi sana hindi ako nagkaganito?

 

Being young is not an excuse pero kasi I’m still young and immature to make those decisions in the past. Pinangunahan ako ng pagod, takot, emosyon, lahat na. Nasaktan lang siguro talaga ako nung iniwan na nila ako ng tuluyan. But now, I came to realize na hindi nalang sana ako nag focus sa family ko. There are people around me na mas nakakaintindi pa sa kanila, and sana sa kanila ko nalang tinuon yung sarili ko. Hay nako. Napaka sama naman talaga ng desisyon ko kung iisipin. Ang hirap masampal ng katotohanan.

 

As much as I want to cry kasi naooverwhelm talaga ako sa lahat lahat ng nangyayari ngayon, I can’t. Nangingibabaw yung feeling na gusto ko sila pasalamatan. Gusto ko bumawi.

 

“Manang, don’t worry na po. I will go back na rin sa dati but let me take my time,” sabi ko. Kasi it might take some time.

 

“Alam mo bunso, pwede ka maging mixture ng dati at ngayon. Hindi naman masama na playful ka at pilosopo like now. Siguro ang kailangan mo lang ibalik ay yung kasipagan mo sa pag-aaral. Doon ka lang naman pumalya, pero yung yung Seulgi na masipag sa kahit na anong bagay, nandyan pa rin.”

 

Nakakatouch naman talaga. Pero, I guess she’s right. Change is not really bad at some point. Change is constant ika nga, and changes are risks. It can be good, but it can be bad too. We just need to find the appropriate change to have a positive result. As for me, yung change na pinili ko ay negative.

 

“Okay po, manang. Love you hihi.”

“Love you, love you ka diyan. Next time talaga, isusumbong na kita nang malala kay Sir Haneul.”

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update