End game

Ahedres
Please log in to read the full chapter

End game – Ang end game ay ang pinakahuling phase ng laro, na kung saan halos lahat ng chess piece ay paubos na. Sa mga matataas na ranggo ng laro, may mga pagkakataon na hindi naabot ang mga manlalaro sa phase na ito dahil nagreresign na sa kalagitnaan o kaya naman ay may mga early checkmate sa opening phase. Kapag umabot ang laro sa huling phase na ito, kinakailangan ng manlalaro ng matinding kakayahan upang manalo – dahilan ay ang pagluwag ng board kung saan pwedeng umikot ang mga opisyal, pati na rin ang bilang ng pawn ay binibigyan importansya. Sa phase na ito, tinitignan kung sino ang mas matimbang pagdating sa materials, pawn structure, officials positioning, at yung kalagayan ng King. Mas maganda kung maalam ang manlalaro ng mga iba't-ibang paraan sa pagccheck mate gamit lamang ang mga limitadong piraso sa loob ng board, tulad ng King-Queen combi, Bishop-Knight combi, Rook-Queen combi, etc.

 

 

Haneul's POV

Saturday, 7:25am.

 

It's been 3 days since I arrived here in the Philippines. Fortunately, I have a place to stay for a while before I proceed to my surprise appearance.

 

Taon na since I last saw my sister.

 

Grabe. To see her play chess out in the open, really brought me to tears. Hindi lang halata nung araw na 'yon, pero I'm really happy and proud to see her play with others.

 

I just hope hindi kami napansin nung kasama niya - si Irene. Sabi kasi ni Dan ay napatingin siya sa direksyon namin nung umalis kami.

 

But oh well, I owe her a lot. Might as well help her as per Dan's information.

 

We can have a few chess lessons before the competition. I was told na malapit lapit na rin eh.

 

To be honest, I did say kay Dan na I'm starting to lose my excitement sa chess. Dati, chess was my favorite thing to do kasi I tend to bond with my sister, uncles, lolo, and some cousins. I didn't know na ayon din ang dahilan kung bakit maghihiwalay kami ng landas ng kapatid ko.

 

My mother and my grandfather started to feed me words about winning chess, making name in the chess world, and even told me na I'll have the best life if I win matches internationally.

 

This family love to be recognized.

 

Nung una, okay pa. I know that I wanted to provide for my sister. It's unfair to know that they are all willing to support me if it means they'll leave someone behind.

 

Hindi pwede.

 

And you know what? I know that our father wanted to look after Seulgi. Siguro sa kanya ako nagmana. Pero he's afraid of my mother's family.

 

Ang kwento kasi diyan, he married my mother's family kasi grandpa thought he is super smart. Wealth, katamtaman lang nung time na magkasintahan palang sila ni mommy. Grandpa picks his in-laws by brain. He's so blinded by his dreams na ipapasa niya pa sa mga apo niya yung gusto niyang mangyari.

 

Doctor ang father namin ni Seulgi, that's why hindi niya maipaglaban yung rights ni Seulgi dahil halos lagi siyang wala sa bahay. Ang masama pa nito, his money is controlled by them.

 

Ayon ang alam nila.

 

I know a lot. I've invested my time planning this - separation sa mother side namin.

 

Ang alam ni Seulgi, ako lang ang nagtatabi ng savings.

 

There are times na pinapadalhan ko siya ng extra money niya. She's a growing teen and hindi naman nagkakalayo ang age namin. My needs is her needs too. Well, in some aspects. Not all.

 

That's why, me and my father have been saving money in secret. Ayaw niya na rin sa ways ng family ni mommy. Also, binibigyan ako ni papa ng allowance and he's saying na I can share kay Seulgi if I want to.

 

But I know deep inside na he's telling me to give my sister some allowance kasi nga saktuhan lang ako ipinapadala sa kanya sa Pilipinas.

 

Anyway, this chess thing is so forced upon us. Sa aming magpipinsan, siguro lalo na sa akin. Lolo ko lang naman nangarap na makilala sa chess. I don't know why my mother is so into his dream.

 

Wealth?

Mana?

Recognition?

 

Oh right, I have 5 uncles and 2 aunties. Si Mama ay middle child - 4th child.

 

Literal na middle child, and a woman on top of that. ist ata lolo namin. That's why she's investing on all good things to be on her father's good side.

 

Sabi nga ni papa na he doesn't even know if our mother truly loves him. Nung nag-aaral naman daw kasi sila noon, hindi naman daw ganyan si mommy.

 

She's not as menace as she is. Oo, maattitude daw. Pero tipong strong independent woman na masungit. That's what he finds attractive. Masungit pero mukhang independent.

 

As for me, I prefer someone who's approachable.

 

Sa surname namin - We are Kangs, just because they want us, his grandkids, to take their surname kasi nga naman if we are recognized eh kasama na ang apilyido. If you're a disgrace, madali lang para sa kanila na itanggi ka.

 

I don't know. This family is effed up.

 

I also heard kung bakit ayaw ni lolo kay Seulgi and sa iba pa naming pinsan.

 

Una, babae siya. Babae sila.

 

Pangalawa, Seulgi is a quiet kid and growing up they thought na she has some disability kasi she only started to talk around 3 years old. Nainis lolo ko and thought na she's a disgrace.

 

Nung naglaro sila ng chess, natalo si lolo at imbis na matuwa ay nainis siya just because he lost to a young girl. That's the third one.

 

Fourth is very ironic. Despite being a "mute" until 3, Seulgi seemed to be very articulate or let's say well-spoken kahit na she's only 5 years old. Ang bright na bata, and to be honest, nainggit ako sa kanya dati. She's a bright kid with a very high emotional quotient.

 

She can still feel your emotions, she can symphatize, she knows how to soothe your nervousness.

 

But, that's not really the reason why.

 

My lolo hated the way she speaks and the way she asks random questions. He hated how she's almost "perfect". Naaalala raw ni lolo yung kapatid niyang panganay na babae.

 

"Ang laging magaling sa pamilya," he sarcastically says every time.

 

That's why, nung nagstart na yung unfair treatment sa amin, hindi ko lubos maisip na as someone as smart as Seul eh iniiwanan lang nila.

 

Just because of some stupid mindset.

 

My lolo did realize na his dreams can be fulfilled much faster if it's Seulgi who's gonna represent our family. But his pride is taking over. He is aware pero ayaw niya dahil namali na raw siya and hindi siya mag b-backdown sa desisyon niya.

 

Nalaman ko 'tong lahat nung nasa ibang bansa na kami, at doon na nga ako nagsimulang magplano ng magiging future namin ng kapatid ko and ng father ko.

 

Gusto na namin kumalas.

 

Chess will always be here, pero narealize ko rin na I want to study other things. Hindi pa rin ako napasok sa college.

 

Yes, hindi pa. They wanted me to focus on chess, that's why all I do all day is to watch, play, and study chess. No time to study any academic lessons, or at least I have time pero chess is still the main objective of my everyday routine.

 

Ang boring.

 

Once na nakaalis na kami, I'll take up accountancy siguro and study law. Or maybe, susunod ako sa yapak ng father namin.

 

"Kuya Haneul, you've been drinking your coffee for like 20 minutes while looking outside. Ano po iniisip niyo?"

"That long? Haha, I guess... I'm just excited to see Seulgi and manang."

 

Oh right, we're going to surprise them. I almost forgot.

 

Thinking about this family agenda really is tiring. Parang forever na akong nag-iisip patungkol sa kanila.

 

"Kumpleto na po gamit niyo? Yung chess board niyo?"

"I got it."

 

Actually nagkwento rin sa akin si Dan tungkol sa pang-aabala niya sa bahay namin. Buti naman pala ay may nakakapunta na ron. Pati rin kaibigan ni Seulgi ay nadatnan niya ron.

 

Kahit papaano, hindi ako nagaalala sa kalagayan nila ron lalo na si manang. Kinaltukan nga raw ni manang si Seulgi nung inaway niya si Dan.

 

Gusto ko na tuloy sila makita agad.

 

Tinignan ko si Dan pero parang busy siya sa cp niya. Kanina pa ata 'to tawag nang tawag. Sabi ko 'wag tawagan si Seulgi pero hindi raw si Seul tinatawagan niya. Kaso hindi pa rin siya sinasagot ng tinatawagan niya.

 

"Anyway, what time tayo aalis? You said mga 7:45 but it's 7:51 already."

 

"Ah... ahm," sagot niya pero para siyang balisa. Sino ba tinatawagan nito?

 

"Bahala na," sabi ni Dan.

 

"Huh?"

"Ah, hindi po sa inyo yung bahala na. I mean yung tinatawagan ko po kasi hehe. Alis na po tayo ng 8. May aayusin lang po ako."

 

Double check ko nalang din pala yung mga dala ko. I'll stay sa house until umalis ako papuntang NZ. Para hindi na rin ako makaabala kay Dan kasi may pasok siya. At least sa bahay namin eh nandoon si manang.

 

"Tara na, Kuya Haneul."

 

See you, Seul.

 

 

Seulgi's POV

Gaga, late na ako sa work. Ilang beses na ako nagskip ng weekend work tapos malelate pa ako? Naur!

 

Laki pa naman ng kita kapag ganitong araw.

 

Actually, dapat pupunta ako kanila Irene pero sabi niya ay busy siya this weekend. Ayaw sabihin sa akin kung anong gagawin niya.

 

Edi don't!

 

Hindi, joke lang.

 

Hindi naman ako jowa 'no? 'Wag kang demanding, self.

 

Mas mabuti na rin 'to at para makapahinga siya at makapag work ako. Wala na akong nahuhulog sa ipon ko, tapos kumupit pa ako sa dapat ihuhulog ko sa alkansya ko. Kahit si Irene lahat gumastos nung huling lakad namin nung nakaraan, eh may mga ginastos pa rin ako.

 

Pinadalhan ko si tita ng pasalubong. Hehe dagdag pogi points ako.

Binilhan ko rin si Irene ng small gratitude gift.

Tapos binilhan ko si manang ng pasalubong.

 

Pati nga si Joy, Yeri, at Byul ay binilhan ko ng kung anek-anek.

 

Tapos nung mga nakaraan din, puro kain kami ni Byul. I felt bad for keeping things from them. Kaya bumabawi ako. Kaso, need ko na ulit magtipid.

 

"Ay, syet" sambit ko habang nangangapa sa mga bulsa ko.

 

BEH, nakalimutan ko phone ko sa bahay! Ic-check ko sana kung anong oras na. Shuta, malapit na ako sa gate palabas. Pero sige, takbuhin ko nalang papuntang work para sigurado hindi ako late. Wala rin namang magtetext sa akin siguro kasi wala akong jow--- I mean, Saturday ngayon. Bahala sila, busy ako. Ganern.

 

At ayon nga, dumating ako at may 2mins pa ako bago mag opening.

 

Hinga muna ako.

 

Pero ano, grabe yung lakad namin ni Irene. Narealize ko na masaya pala makipaglaro sa mga oldies. Ang pangit kasi ng memories ko sa pakikipaglaro sa mga matatanda eh. Tapos to be able to play outside? Yung maraming tao, yung pwedeng may manood sa'yo, yung hindi ka nagtatago sa room? Yung alam mong walang mata ng bruha ang nakatutok sa'yo? Ang saya.

 

Sobrang saya.

 

Kapag ba umalis kami ni kuya sa puder ng mga magulang namin eh free na ako maglaro ng chess?

 

Maybe it's not so bad to play.

 

Pagkauwi ko nga after ng lakad na 'yon eh napaka motivated ko. Natapos ko basahin yung isang libro ng chess in one night. Ayon, bangag ako kinabukasan tapos 40% lang ata naretain sa utak ko. Pero it's fine. Pagaaralan ko ulit mamaya pagkauwi.

 

Oo nga pala, starting Monday eh ako na ang makikipaglaro sa org nila Irene. Nalaman kasi nila coach na okay lang naman din talaga na may naglalaro beside sa mga members ng org, tulad ni Daniel na hindi naman member ng Hana U chess varsity team.

 

Participating members lang naman yung talagang tinitignan nila sa interschool competitions.

 

Puro notes and advice lang kasi ako. Iba pa rin kasi kapag game ko, namin, yung mabibigyan ko ng advice. Hindi naman ako expert or what pero at least nakakatulong naman daw.

 

Promise ko rin 'to kay Irene.

 

I mean, sa sarili ko para sa kanya. I want her to win this competition. Siguro ay thankful din talaga ako sa nangyari dati, yung panahon na natrigger ako.

 

Siguro kapag nagkita ulit kami ng kuya ko eh ako pa magaaya na maglaro kami. Kasi alam mo 'yon, parang...

 

Parang...

 

Parang..

 

Parang.

 

PARANG SI KUYA 'YON!

 

POTAENA, KAPATID KO BA 'YON?

 

Lord naman, nagjjoke lang ako na aayain ko magchess si kuya. Bakit naman ang bilis niyo tumupad?

 

God moves in mysterious ways???

 

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update