Adjournment

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Adjournment – Ang adjournment ay isang term na ginagamit sa chess na kung saan ang mga manlalaro ay inaabot na ng lima o anim na oras ng paglalaro. Itinutuloy nalang 'to kinabukasan. Sa opisyal na laro, ang player na susunod na titira ay isusulat ang kanyang susunod na move sa isang papel at isisilyado naman ito ng tagapamahala ng laro para kinabukasan ay iyon ay susunod na galaw sa board.

Mas mapapahalagahan ang adjournment sa mga high rank competitions na may matagalang time limit dahil ang mga opisyal na chess competitions ay posible talagang umabot ng oras bago matapos. Nandito na napasok yung pagod ng isang manlalaro na pwedeng makaapekto sa kakayahan nitong mag-isip. Sa pagtagal ng laro, mas lalong naglalabasan ang mga blunders.

Dito, posible na humingi ng tulong or advice ang parehong manlalaro sa kanilang mentors, mga kaibigan, at computer-supported engines upang mapag-aralan ang mga posibleng galaw ng kalaban.

 

 

Seulgi's POV

Nagising ako sa kwarto ko. Beh, ang pangit ng panaginip ko. Anong trip ni Da Vinci at pinadaan ako sa 1/3 ng rings. Bastusan amp.

 

Paano, may 3 dreams ako. Dalawang unrealistic tapos isang flashback.

 

Una, nakita ko raw si kuya habang nagwwork ako. O diba? Hibang yung panaginip ko. Bakit naman uuwi kapatid ko eh next month pa raw siya.

 

Pangalawa, flashback nung time na nasa kwarto ako at pababa na dahil kakabalik lang nila kuya mula sa competition niya. Kaso paalis na pala sila pa Europa. Hindi na ako nakagalaw nung panahon na 'yon tapos ang late reaction ko pa kaya nakaalis na sila nung hinabol ko sila palabas ng subdivision tapos sumakay nalang ako taxi.

 

Pangatlo, si Irene daw laging kasama ni kuya.

 

Alam mo 'yon? Ang sama sama ng tulog ko amp. Sa sobrang pagod ko kahapon, hindi ko na maalala yung nangyari.

 

Ano nga bang nangyari?

 

Huh? Naiwanan ko bang bukas yung table lamp ko? Hala ka beh, pag 'yan nasira e wala akong pambili. Tipid era ako.

 

...

 

May...

 

May gumagalaw sa likod ko.

 

Kinakabahan ako.

 

...

 

Lumalapit sa akin.

 

Put--

 

Napapikit ako. Ramdam ko yung pagtitig sa akin. Hindi pa ba tapos itong mga bangungot ko?! Sobrang realistic naman nitong feeling.

 

Gumising ka!

 

Gumising ka!!

 

"Seul?"

 

Nagsalita si-- huh? Kaboses ni Irene.

 

Mama. Kaboses ni Irene yung multo. Tantanan mo ako. Ayaw ko dumilat. Ayaw ko. Baka pagdilat ko, walang muka yung makikita ko.

 

Shuta, natatakot na ako.

 

"Seulgi?" nagsalita ulit siya, pero nagaalala na yung pagkatono ng boses niya.

 

Hindi mo ako mahuhuli sa paganyan mo. Isa kang bangungot. Isa kang multo---

 

Hinaplos ng likuran ng kanyang daliri ang sentido ko pababa sa cheeks.

 

Ayaw ko dumilat!

 

Ayaw ko dumilat!!

 

"Seul? Binabangungot ka ba?" narinig ko yung palakas niyang boses na nag-aalala.

 

Umalis siya sa tabi ko dahil ramdam ko yung pagka gaan ng space sa gilid ng kama ko. At naramdaman ko rin yung biglang pag bukas ng ilaw.

 

Gising na ako? Minulat ko mga mata ko at nakita ko si Irene sa harapan ko.

 

Hello po? Nasa langit na ba ako? Kanina lang binabangungot ako. Bakit nasa harapan ko na si Irene.

 

Irene?!

 

"Seulgi? Wait, kuwanan kita tubig" sabi niya.

 

Pinagmasdan ko siya habang kinukuwa niya yung baso na may tubig sa may study table ko. Nung lumapit na siya ay binaba niya naman ito sa mini table ko at niyakap ako para paupuin.

 

Tunay na ba 'to?

 

"Uminom ka muna. Okay ka lang ba?"

 

Tinignan ko ng maigi yung mukha niya. Siya nga. Si Irene nga ito?

 

TEKA?

 

Bigla kong hinampas yung kamay ko para icheck kung gising na ba ako. At OO! GISING NA GISING. Syet.

 

"Seul--" tawag niya sa akin sabay hawak sa wrist ko na para bang sinasabing ’huwag mo saktan sarili mo’. 

 

"A-anong ginagawa mo rito?"

"Hindi mo maalala?"

 

Hello??? Na comatose na ba ako?

 

"I... I don't know? Parang ang alam ko on the way ako sa work. Hindi ba 'to panaginip?"

"No, Seul. Nahimatay ka."

 

Ako? Ako nahimatay? Hah! Lol.

 

"April fools?"

"Hay nako. Seulgi, I was told na hindi nabagok ulo mo. Bakit parang mas malala pa nangyari sa'yo?"

 

Ouch ah?

 

"But anyway, are you hungry? 2:30 am na."

 

2:30? Ng? Sunday? Saturday?

 

"Sunday, Seulgi. Alam kong naguguluhan ka. But linggo na at nahimatay ka kahapon. Nandito rin si Joy, kaso nandoon siya sa baba natulog at tinatamad na siya umakyat kanina."

 

Nila? Sinong sila? Sino pa bukod kay Joy? 

 

"Anyway, can you walk? Ayaw sana kitang iwanan eh dahil ikukuwa sana kita ng food. Pero sa baba ka nalang kumain."

"Irene, tell me what happened? Naguguluhan ako? Bakit nandito si Joy? Bakit nandito ka?"

 

"Eat first," sabi niya in a serious tone.

 

Opo, ito na po.

 

****

 

Inexplain niya sa akin lahat ng nalalaman niya. So, totoo nga yung una kong panaginip? Nandito na si Kuya.

 

Na gguilty ako. Gusto ko siyang batiin. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko mag hello sa kanya. Hindi ko man lang nagawa ng matino after 3yrs na nagkita ulit kami.

 

Nakaka disappoint ah.

 

Samantalang sa panaginip ko, he's so excited to see me. Ay, hindi nga pala panaginip 'yon.

 

Siguro napuno ako kakaisip ng gagawin. Kakaisip ng consequences. Why am I so afraid? Alam ko namang hindi niya katulad sila mommy. Pero, siya nalang yung mabait sa akin tapos pinagsisinungalingan ko pa.

 

"Kain ka pa, palakas ka."

 

Tinignan ko ulit si Irene. Oo, napansin kong parang magkaka eyebags na siya. Binantayan niya ba ako?

 

"Irene?"

"Hmm?"

"Thank you ah."

 

Ngumiti lang siya inabutan niya pa ako nung ulam na inihanda ni manang kanina.

 

Sinigang.

 

"Humigop ka ng sabaw."

"Opo."

 

Ang weirdo ah. Bakit ako lang kumakain? Required ba na tititigan ako habang kumakain?

 

Edi tinitigan ko rin siya.

 

Pero imbis na iiwas niya, napangiti ang kanyang mga mata.

 

Good mood?

 

Hindi ko alam, pero parang bumagal yung paligid. Hindi tulad nung nangyari kagabi ah. Pero...

 

Parang dahan dahan sa paningin ko yung pag mulat at pagpikit niya ng mga mata. Yung pagngiti niya.

 

Is this love?

 

But how can I love someone kung hindi pa ako sigurado sa sarili ko?

 

Ayaw ko. Ayaw kong sumabak.

 

Iniiwas ko ang aking tingin. Sa pagkakataong ito, talunan ako.

 

"Anyway, Seulgi. I hope you're okay now."

"Okay naman na ako."

 

"Can you face your brother?" tanong niya sa akin habang ang mata niya'y nagaalala.

 

"I think, oo?"

"Tomorrow, maybe we can all talk? Tatabihan kita."

 

Hello po? Is this what you call a green flag? 

 

"Yes, you are. I mean, sige."

"Good. Don't sleep muna pagkatapos mo kumain. Samahan nalang kita sa kwarto mo."

 

Nung natapos ako, siya na rin naghugas ng pinagkainan ko. Nakakahiya pero she insisted kasi raw tulog na ang mga tao at walang magbubuhat sa akin kapag nahimatay ulit ako.

 

Ang OA naman bhie, I'm good naman na.

 

"Irene, you should sleep."

"No, walang magbabantay sa'yo."

"Nothing's gonna happen to me."

"Eh binabangungot ka nga?"

 

Ay, actually nauna lang takot ko kanina.

 

"Hindi. I swear. Tsaka tignan mo, natutulog ka na nga ata kanina. Ginambala lang kita."

 

Tinignan niya lang ako na parang may sasabihin. Pero siguro nag give up nalang siya kasi almost 3 na tapos hindi pa siya natutulog.

 

"Akyat na tayo."

 

At ayon nga, tulog agad si anteh pagkahiga niya sa kama.

 

Kinuwa ko na yung libro na binasa ko nung Wednesday. Need ko lang ng pampaantok.

 

Kaso, hindi ako inantok. Inabot ko ng alas singko dahil sa libro na 'to. Mygad. Pero okay lang. Dami kong natutunan. Yung dating 40% na retain ko, 25% nalang. CHAR! Mga 75% na yata. Onti pa. Baka basahin ko ulit. Kasi naman hindi naman ganito kakapal yung libro.

 

Onti pa.

 

****

 

May gumising sa akin, ingay sa labas na para bang may party. Ngayon nalang ulit na ganito kaingay sa second floor ah?

 

Tumingin ako sa wall clock at nakita kong mag aalas onse na. Syet, may pasok ako dapat kanila Hwasa. Wala man lang akong pasabi, nakakahiya tuloy. Napapabayaan ko na work ko.

 

Napabuntong hininga nalang ako at pinakinggang mabuti yung ingay. Hindi nga ako nagkakamali, sa kabilang kwarto lang yung ingay. Sa kwarto ng kapatid ko. Kailangan ko pala sabihin kay kuya kung bakit hapon na ako umuwi kahapon, at kailangan ko rin magsorry sa nangyari.  

 

Habang nagpapalit ako ng damit, nakita ko yung kabilang side ng kama ko. Nandoon si Irene kanina. Malinis tignan yung mga unan at yung kumot naman ay nakatupi na.

 

Deserve ko ba siya?

 

Este...

 

Umuwi na ba siya?

 

Pagkatapos ko mag-ayos dito sa kwarto ay binuksan ko ang pinto ko at nakitang nakabukas yung pinto. Sinilip ko ito at nakita si kuya Haneul na busy sa pag-aayos ng mga damit niya. Nandito rin nanggagaling yung malakas na ingay kasi nagpapatugtog siya at naka speaker pa.

 

Kumatok ako. Lumingon naman agad siya at nakita kong napangiti siya. Napangiti rin ako.

 

"Uy, Seul. Kanina ka pa diyan?"

"Lakas ng tugtog mo, kuya. Susumbong kita kay manang."

 

Napatingin siya sa pinto niya tapos sa speaker naman.

 

"Ay, oo nga pala. Binuksan ko muna pinto ko kasi nagpagpag ako ng mga lumang gamit ko sa cabinet. Maalikabok kasi."

 

"Nililinis ni manang kwarto niyo ah?" sabi ko.

 

"May parte ako rito sa cabinet na hindi ko pinapagalaw. Tignan mo 'to," sagot niya naman sabay pumunta kami sa study table niya.

 

Tinignan ko ang mga nakapatong doon na mukhang nagmula sa box sa upuan. Nakita yung mga lumang litrato namin nung maliit pa kami, meron din yung mga una-una niyang laruan noon. Bihira kasi siya makatanggap ng laruan na hindi chess kaya tuwang-tuwa siya kapag nakakatanggap ng mga ganito.

 

Habang may hinahanap si kuya sa table, pinulot ko yung mga litrato na magkakapatong. Inisa isa ko ito, at nakita ko yung itsura namin. Ang saya-saya namin.

 

Bukod pa pala sa childhood pics namin ay may mga pictures din siya kapag nakikipaglaban siya sa chess competitions.

 

Isa na rito...

 

Yung litrato nila ni Irene. Pero ang weird nung lugar. Hindi ito sa competition. Parang nasa fast food chain sila, may chess board sa table, may fries at soft drinks sa kabilang table. Nakatingin si Irene sa camera habang si kuya naman ay seryosong nakatingin sa board.

 

Small world talaga.

 

Siguro... siguro kung pakielamera ako ay malalaman kong magkakilala sila. Malalaman ko na siya yung kalaban ni kuya. Magiging kaibigan ko siya noon pa.

 

Magiging matalik na magkaibigan kami.

 

Natuldukan na siguro ron.

 

"Kuya, why do you have this picture?"

 

Lumapit siya.

 

"Ah, that! Ayan yung hinahanap ko. I'm gonna give it to you para ipakita mo kanila Irene mamaya. You can have it."

 

"Mamaya? What if now na?" tanong ko. Mamaya raw eh dami kong gusto itanong. Tatawagin ko nalang siya, nasa baba kaya sila?

 

"Nah, actually they are at your workplace."

 

?

 

Hala.

 

HALA!?

 

"Kala mo hindi ko nalaman, 'no? Dan told me pagkadating namin dito. Maaga kami nagpunta, thinking na baka late ka nagigising eh issurprise sana kita pagkagising mo. But you're nowhere to be found yesterday morning. Ikaw pala yung tinatawagan niya before kami umalis pero hindi ka raw nasagot. Maybe to inform or warn you? So, yah. Manang also confessed to me and told us na nagw-work ka nga."

 

Hindi naman siya mukhang galit pero iniwas ko muna tingin ko kasi para akong nagguilty.

 

"Hey, hey. No need to look away. I'm not angry, Seul. I know we're both keeping secrets from each other. Wala akong karapatang magalit sa'yo."

 

What does he mean?

 

"We'll talk later about this. But let me just inform you na your friends are working on your behalf. It's their choice. Gusto ko sanang mag step in but it's true na manpower ang kailangan nila. So, for now ay kumain ka muna sa baba. If you want, you can join me here after, though patapos na ako. We can catch up habang wala pa sila."

 

Mamaya na nga ako mag-iisip. Sige, kakain muna ako. I don't really feel hungry pero malay natin eh masarap ang ulam. 

 

Pagkababa ko, nakita ko si Daniel sa salas habang nakataas ang paa at nanonood ng TV. Feel at home ah? Nandito nga rin pala siya. Naaalala ko yung mukha niya pagkapasok ko sa pintuan kahapon.

 

"Hoi, pangit na multo. Bahay mo?" sabi ko tapos dumiretso sa sofa.

 

"Makapangit ka naman. Ganda ka?"

 

Ay wow, nanlalaban?!

 

"Oo, bakit" sabi ko.

 

"Yuck, over confident. Mas cute pa rin ako."

 

Alam mo, sisipain ko na 'to sa mukha eh. Siya nga yung mas over over?! Syempre tinaasan ko muna siya ng kilay sabay punta sa kusina. Hehe, nasaan kaya si manang? Akala mo walang nangyari sa akin kahapon eh 'no?

 

"Manang?" tawag ko rito. Nung nakita niya ako ay niyakap niya ako at sinabing maupo na ako. Sinandukan na rin niya ako ng pagkain.

 

Hays. People, I am doing fineee.

 

Puntahan ko kaya sila sa shop mamaya? Ang alam ko nandoon din si Hwasa eh. Hindi kaya siya magagalit?

 

Habang kumakain ako, naalala kong hindi ko pa rin nahahawakan yung cellphone ko simula kahapon. Eh tinatamad akong umakyat. 

 

Hmm... babalik kaya si Irene? Tsaka din ba si Joy?

 

"Seul, gusto mo daanan natin sila sa shop?" biglang dating ni kuya. Jusko.

 

Akala ko kung sino, si kuya lang pala. Buti wala akong nginunguya or hindi ako nainom.

 

"Marunong ako magdrive, so ako na bahala. Sabihin mo nalang kung gusto mo pumunta. Marunong ka rin daw pero ako na para hindi ka mapagod."

 

Alam niya na kung saan? Hindi ko masabi tuloy na nakita ko sila kahapon pero nagtago lang ako.

 

"Sige po. Need ko rin po kasi kausapin si Hwasa."

"Ah, yung pinsan ni Daesung? Kaibigan ko nung HS."

"You know her?"

"No, only by her relationship with my friend. I already met her earlier sa shop."

 

Teka lang. Ang daming nangyayari.

 

"I'm already done na sa kwarto ko. Do you want to talk here or--"

 

"Wait wait wait, stop!" sabi ko. OA diba? Pero sandali kasi.

 

"Kuya, first of all. Explain."

 

Napangisi siya. Anong nakakatawa?!

 

"Okay, hmmm” nag-isip siya.

 

Well, siya na nga yung nagsasabi na mag-usap kami pero ang demanding ko sa pa first-of-all-explain ko.

 

“How about we take this step by step? I'll start with how I was able to go here. Then we'll visit your friends. Then itutuloy natin doon o

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update