Pawn

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Pawn – Ang bawat manlalaro ay may walong pawn sa simula ng laro. Kinoconsider sila na pinakamahina sa chess dahil ang tanging galaw na pwede nilang gawin ay paharap. Saka lamang ito pwedeng gumalaw ng diagonal kapag ito ay magka-capture ng piece ng kalaban. Kapag manggagaling sila sa pinaka starting position nila, pwede silang humakbang ng 2 tiles. Pero kapag nakalagpas na sila ron, isang tile paharap nalang ang pwede nilang igalaw. Habang patagal nang patagal ang laban, mas lalong tumataas ang value o score ng isang pawn. 

 

 

Seulgi’s POV

Nandito na naman kami sa apartment ni Joy. Maaga raw uuwi si Joy hindi katulad nung last time. Hindi naman kasi talaga late ang uwian ni Joy sa Friday. Last time kasi ay may inasikaso lang siya dahil sa mga pinapapasa sa kanila. Ngayon ay makakasama namin siya ni Byul, kaya nag absent na naman kami. Okay lang naman na umabsent kasi hindi raw ata papasok yung prof. Tapos may kasama raw si Joy, pero ayaw niyang sabihin kung sino. Baka si Irene? Lol. Ang labo naman kasi hindi naman ata sasama ‘yon ng walang project. Last time na kausap ko si Joy, puro activity lang eh.

 

“Hoi, Byul. Bakit ka nakabihis pambahay? Hindi ka man lang nagsabi,” sabi ko kay Byul. Ang duga naman kasi. Naka jeans ako tapos siya ay napaka comportableng naka pajama? Sa susunod ay magd-drop off ako ng damit ko rito.

 

“Eh alam mo naman na time natin ‘to kapag Friday. Napaaga lang ulit tayo ng 1.5 hours kasi hindi tayo pumasok na naman.”

“Feeling ko talaga, singko na naman tayo.”

“Ulol, anong na naman? Wala ka pa atang binabagsak. Puro ka nga lang tres.”

“Ganon talaga, crush ako ng profs natin. Cute ko kasi.”

“Geh, paglaban mo ‘yan. Pero mas amazing na consistent tres ka kesa sa may singko ka. Paano mo nagagawa ‘yon?”

“I’m not even trying. Kapag bobo, bobo talaga. Wala akong maibibigay na advice.”

 

*knock knock*

 

Uy, sila Joy na ba ‘yon? Or si Yeri? Kakaunin na naman ng magulang niya ‘yon eh. Hindi na namin makasama during Fridays. Swerte ni Byul kasi nakakasama niyo si tyanak sa umaga. Every Wednesday and Friday morning kasi ay si Byul ang nagsusundo rito gawa ng walang morning class si Joy so hindi siya napunta sa school. 9:00am to 12:00nn lang ata class niya today.

 

“Ate Seul!” nakita ako ni tyanak tapos niyakap ako. Akala mo nga naman sobrang bait.

 

“Kumusta ka, Yeri?”

“Okay lang po. Mas maganda pa rin sa’yo.”

 

“Oh, start na naman kayo sa bardagulan niyo” biglang lapit ni Byul. Inaaway ako Byul pagtanggol mo ako.

 

“Kukunin ko lang po iba kong gamit tapos babalik na me sa baba.”

 

“Uuwi ka na agad? Tsaka ang aga ng uwian niyo?” tanong ko. Ang bilis naman. Hindi ko man lang nakasama ng matagal.

 

“Kalma, ate Seul. Ako lang ‘to. Miss mo naman agad ko?” biro niya. Oo, slight.

 

“Hindi, bakit kita ma-mimiss? Makakita lang ako ng tyanak pic, pawi na lahat ng kakulangan mo eh.”

“Nahiya ka pa umamin ate. Hehe, dalhan kita isang box ng yema tsaka meringue sa Monday.”

“Ayown. Kaya lahams kita eh.”

“120 each box, pwedeng installment ang bayad.”

 

“Gaga, sa’yo na. No thanks,” walang hiyang bata ‘to. Tinawanan lang ako. Akala ko naman.

 

Maya maya pa ay umalis na nga si Yeri. Kami nalang ulit ni Byul dito. Pero hindi rin nagtagal at dumating na rin si Joy. Wala siyang kasama.

 

“Hello,” bati ni Joy.

 

“Hi, akala ko may kasama ka? Pinakaba mo naman kami,” pabiro kong sabi.

 

“Meron nga. Mamaya maya pa dadating kasi may ginagawa lang.”

 

“Ahh,” sabi ni Byul. Ano? Target lock ka?

 

“Sino ba yung kasama mo?” tanong ko. Para prepared kami kung lalandiin namin o hindi. Kapag lalaki, auto pass kami ni Byul. Pero malabong lalaki, kasi hindi pwede rito.

 

“Secret. No clue,” reply ni Joy. Pangit kabonding amp.

 

“Oo nga pala, Joy. May kakainin na ba tayo for later?” tanong ni Byul.

 

“Wala pa. I’m still thinking about it. Pero basta hindi heavy sa tyan. You’re not staying overnight naman eh.”

 

“Anong hindi heavy, lunch na kaya” sabi ko. Gutom na kaya ako.

 

“Sabi ko, for later. Iba yung lunch,” sabi ni Byul. Apparently, nag text-an na pala itong dalawa na nag-order si Joy ng lunch namin. So tinutukoy niya pala talaga ay snacks for later.

 

“Naol textmates. Okay lang. Parang hindi niyo ako kaibigan,” kunwaring pagdadrama ko.

 

“Gaga, ayaw mo kasi magpaload.”

“Eh, nagtitipid kasi ako.”

 

“Pero…” simula ni Byul. “Ano ba gagawin nung bisita mo rito?”

 

Oo nga. Wala naman silang project. Sino ba yung bisita niya bukod sa amin?

 

“Ewan ko rin. Inimbitahan ko lang tapos tinanong kung kailan. Ayon, ganon.”

“Ganon lang?”

“Oo. Gulat nga ako eh.”

 

“Ay wait, around the corner na raw yung order. Kunin ko muna. Tapos papunta na rin ata ‘yon. Hintayin ko nalang sa baba. Linis muna kayo diyan.”

“Need help sa order?”

“Hindi na, parating na naman yung isa.”

“Sige.”

 

 

Irene’s POV

Kakaalis ko lang sa university kasi nagpaalam ako kay coach na uuwi ako ng maaga. Wala rin naman masyadong gagawin sa org room. Sawa na ako sa gamestyles nila at kabisado ko na rin galawan nila. Wala rin si Wendy kasi umuwi na rin siya kanina dahil nga may lakad sila ng family niya. I can go home naman na kasi I haven’t finished watching my old chess games and hindi ko pa rin ginagalaw yung videos during regional competition. What peaked my interest is yung subtle reaction ni Seulgi. It might be a bluff lang pero I need to check for myself. Kaya ito ako ngayon, papunta kanila Joy kasi nandon daw sila. Pipilitin kong maglaro si Seulgi.

 

“Irene!” sigaw ni Joy habang palabas ng apartment. Napabilis dating ko kasi nag tricycle nalang ako. Mainit kasi dahil tanghaling tapat.

 

“Hi, Joy.”

“Kumakain ka ba ng chicken? Nag-order kasi ako ng food. Parating na.”

 

Ay, no. I don’t eat chicken.

 

“Ahm, I don’t…”

“Oh.”

“But, don’t worry. I can buy food then I’ll just go to your apartment after. No need to wait for me.”

“Nah, I’ll join you. Saan ka ba bibili? Or do you want to order nalang din?”

“It’ll take some time, so I can just buy nalang sa karinderya.”

“You eat karinderya foods?”

“Huh? Of course.”

“Girl. I thought you’re picky.”

“Wendy brought me to a lot of eateries nung high school kami. I adapted well naman because of Wendy.”

“Super close kayo, ‘no?”

“Yes, we are.”

 

Sinamahan nalang ako ni Joy na bumili ng food after dumating nung order. Bumili na rin ako ng iba pang ulam kasi baka gusto nila Seulgi at Byul. They are both interesting kasi and they’re Joy’s friends so I can try to befriend them atleast.

 

*****

“Ayaw ko nga maglaro,” sabi ni Seulgi. Hindi pala ako ang magpapapilit dito kung hindi si Moonbyul at Joy. Sabi kasi ni J

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update