King

Ahedres
Please log in to read the full chapter

King – Ang King ay ang pinaka importanteng chess piece. Naikot ang larong ito kung paano mo pprotektahan ang king habang binabantaan ang kabilang kupunan. Ang direksyon ng posibleng galaw nito ay parang sa queen piece - ang pinagkaiba lang ay isang tile lang ang pwede niyang igalaw. Importante man na ito'y protektahan, sa huling phase ng laro ay nagiging malakas na kalaban ito lalo na kung limitado nalang ang mga piece sa loob ng board. Ito lang din ang tanging piraso na hindi kinacapture.

 

 

Irene's POV

Next next week, competition na namin. May 2 days yung event, and if we win our matches sa day 1 ay didiretso kami sa quarter finals, then semi, then finally ay sa finals na gaganapin sa second day.

 

11 days exactly, ayan nalang ang natitira before day 1. Sa dinami raming pwedeng araw, Lunes pa talaga nila inilagay yung competition. Hindi ako makakarelax sa weekend.

 

Tapos ito pa, I think it's been 2 days since Haneul talked to me. He doesn't like it if I call him kuya kasi we're both in chess world naman daw and no need to call him that.

 

Nung Tuesday kasi, nagpunta siya malapit dito sa school at inaya akong kumain ng lunch somewhere. Nalaman niya na may competition kami at gusto niya raw ako tulungan. He gave me notes tulad past games niya, mga nakalaban niya, old games nila ni Daniel, recommended books, pati na rin mga recommended games ng mga sikat na chess players.

 

He is not confident at teaching daw pero if I want ay tutulungan niya raw ako.

 

Ang weird nga na 'wag daw muna ako maingay kay Seulgi at itago ko muna yung notes. Lalo na yung sa games niya internationally.

 

Tapos kahapon, nagsabi siya na pwede raw siya magturo kaso busy ako. Hindi ko naman pwede iwanan si Seulgi sa org, kasi dalawang subject lang siya tapos dumiretso siya after ng PE niya.

 

Sa ngayon, wala akong pasok.

 

"Irene, tawagin mo nalang ako or si manang if you guys need something ah? Nice meeting you, hijo."

"Nice meeting you rin po."

 

Umalis na si mommy pagkalapag niya ng tray.

 

Nandito si Haneul sa bahay ngayon. Nag excuse ako sa org na hindi ako papasok ngayon kasi nga nagpaschedule siya sa akin na makipag meet ngayon. Nahihiya na ako kasi sino ba naman ako para ireject yung soon to be world top player? Pero ang sabi ko ay ipapahinga ko lang utak ko.

 

Kung sakaling walang ganitong schedule, papasok sana ako dahil pwede rin ako mag practice sa org.

 

Nagtext nalang ako kay Seulgi na hindi muna ako papasok. Nag okay naman siya at siya na raw ang bahala muna sa org.

 

"Ah, so may nabasa ka na sa naibigay ko last Tues?" tanong ni Haneul sa akin.

 

Inabot ko sa kanya yung mga nabasa ko na.

 

"Ah, marami rami na rin pala. Pero too much to absorb lahat ng binigay ko. Sorry, I was only able to give it to you nung Tuesday. I had to contact someone nung nalaman kong may laban ka, and nung Monday lang naibigay so medyo late.”

“No, it’s fine. Big help na rin ‘to.”

 

Ang awkward.

 

“Ah, well… do you have any questions muna? I’ll introduce you to my favorite chess players after that.”

 

I think… I want to know him better? I mean, him and Seulgi. Though, nagkwento na siya last Saturday and Sunday… parang I’m still curious about him? I don’t know, parang may iba akong naf-feel about sa kanila ni Seulgi.

 

“Wala naman.”

“Ah, before that pala. I have a question.”

“Ano ‘yon?”

 

“I heard from Daniel na tinutulungan ka ni Seul?” tanong niya. Pansin ko lang, if he’s talking about Seulgi ay parang ang saya-saya niya.

 

“Ah, yes.”

“Ah, I see. Then, are there some key points na naituro niya sa’yo? Kahit highlights lang so may idea ako kung paano natin sisimulan ‘tong training… or what you call this.”

 

I told him about playing sessions namin ni Seulgi and how I was able to broaden up my vision sa board. Sinabi ko rin na nagimprove ako sa preditictions, more on the aggressive style of playing. Dati, nagaalanganin ako sa pag ssacrifice, but I guess I’m improving na in terms of my positioning and sacrificing. Pero kulang pa sa part ng positioning kasi may mga blunders pa rin ako in terms sa defense ko.

 

“I see,” sabi niya at tinignan yung mga inabot kong notes niya na nabasa ko na.

 

May iilan siyang hiniwalay, tapos hiningi niya rin yung iba na hindi ko pa nababasa.

 

“We’ll start here. I’ll introduce you to Petrosian, Karpov, and Capablanca. These are the greatest defense players in my opinion.”

 

Tinignan ko yung notes and parang naeexcite ako.

 

“I know na my sister is the aggressive type ng player, that’s why ang ituturo ko sa’yo ay yung important points ng mga defensive players. I’ll try to teach you kung paano ko tinuruan sarili ko dati. You might not know this yet, but I do have a strong defense. Nasanay akong palakasin yung defense play ko dahil kay Seulgi.”

 

I know this. Binanggit niya ‘to sa interview.

 

“You don’t have to master things agad. It’ll take months or years, pero who knows? You’re Irene. I know you’re capable.”

 

At sinimulan na nga namin yung training.

 

 

Seulgi’s POV

Bakit kaya hindi pumasok si Irene? Puntahan ko kaya sa kanila after ko magturo sa org? Kaso gabing gabi na ‘yon.

 

Anyway, tinext ko si kuya na late ako ulit uuwi pero hindi pa siya nagrereply. Usually, nagrereply agad siya. Hindi niya na ba ako mahal? Charinggg.

 

11 days nalang bago competition ‘no? Lagpas dalawang buwan na pala simula nung magmeet kami ni Irene. Tapos 1 month na ata simula nung naglaro kami. Ewan ko, parang ang bahal kasi ng oras kapag kasama ko siya... sila. I mean, simula nung nalaman nila yung nangyayari sa pamilya namin, parang mas lalo ko silang na-appreciate.

 

May kapabilidad naman si Irene, sa napansin ko. Kasi parang grabe na yung improvement niya sa isang buwan palang? Siguro noon ay wala lang talagang nag p-push sa kanya kasi siya lang nagbubuhat ng kaalaman niya.

 

Sabagay, galing ko rin kasi magturo. Wow, yabang!?

 

Pwera biro. Sa isang buwan na naglalaro kami ay ang laki na ng improvement niya. Pero kulang pa rin eh. Kulang pa. Hirap pa siya kay Daniel. 50-50 siya kay Bogum. Hindi niya pa ako natatalo.

 

What she needs is…

 

Ah. Alam ko na. Defense. She needs to improve her defense. Kasi I don’t have that kind of knowledge pa.

 

Onti pa.  

 

The only person I know na pwede siyang tulungan, ay ang kapatid ko.

 

Is this really their fate to meet before the competition? Papayag ba ako na turuan ni kuya si Irene?

 

Gusto ko si Irene. Gusto ko siya. Kaso…

 

“Ate Seulgi?”

 

Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Aria. Nasa cr ako ngayon, nag-iisip. Baka kasi matawag na naman ako sa klase. Anong ginagawa niya rito?

 

 

“Uy, hello. Ano ginagawa mo sa med building?”

“Ah, hinahanap ko po kasi kayo. Eh tatanungin ko lang po sana kayo kung tuloy po kayo sa org mamaya, may tanong po kasi kami sa mga notes niyo. Hindi raw po kasi makakapunta si ate Irene.”

“Talagang nagpunta ka pa rito ah? Hehe. Yep, until 8:30 kayo ‘no? May klase pa kasi me hanggang 7pm, lab namin. Habol ako. Sana maaga kami palabasin.”

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update