Fianchetto

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Fianchetto – Ang fianchetto ay isang chess position na kung saan ay idinedevelop natin ang bishop sa tiles g2/b2 or g7/b7. Kapag nagfianchetto ang isang manlalaro, nagbibigay ito ng advantage sa sa dalawang bagay; pagprotekta sa king or sa pag atake sa rook ng kalaban kung sakaling naisipan nitong mag castle. Ang term na ito ay nanggaling sa salitang "fianco", isang italian word na ang ibig sabihin ay flank.

 

 

Seulgi’s POV

Alam ko na ngayon kung saan nakatira si Irene, kasi hinatid namin siya kanina. Halos kakauwi lang namin ni Byul at naghahanda si manang ng dinner namin kahit na almost 10 pm na. Nakakahiya kasi gising pa si manang. Sinabi ko naman na kahit ‘wag na siya maghanda ng kakainin namin at magdadala nalang kami pauwi. Pero nagluto pala talaga siya kanina nung sinabi kong may makikiovernight ulit.

 

“Manang, kahit kami na po ang maghahain.”

“Bunso, okay lang at kayo’y pagod maghapon.”

“Sige po, tulong nalang po ako. Sorry at late po kami nakauwi.”

“Kala mo naman ay hindi ka nauwi ng alas onse dati.”

 

A-ay foul si manang. Nagbagong buhay na po ako. Napatawa naman si manang kasi wala akong nasabi kaya napatawa nalang din ako.

 

“O siya, sandali. Pagkatapos ko maghain eh kayo na bahala maghugas.”

“Opo naman. Salamat po ng marami manang.”

 

Niyakap ako ni manang, hehe yumakap naman ako pabalik syempre. Ang sweet sweet naman talaga eh. Si Byul naman ay nasa cr para maghilamos. Kinakabahan ako bukas kasi 9 am klase namin tapos hanggang alas syete pa. Pagod pagod kami nito panigurado. Dalawang lab lang naman kaya sana ay idismiss kami ng mas maaga.

 

Anyway, hindi na nasagot ng host yung joke niya, kaya panigurado ay mag-iisip ako mamaya. Kanina rin pala eh vinideohan ni Byul yung buong performance nung band nung new crush niya. Niloloko nga namin ni Irene nung pauwi kasi sabi niya pa nung una eh doon siya sa drummer kasi astig daw, kaso nung nakita niya yung nag gigitara and nakanta eh nalito siya. Lalo na nung nagstart kumanta si ate girl, grabe ang galing bumirit. Pero sabi niya ay bokalista lang talaga siya at yung drummer nila yung gitarista #1 talaga. Hindi raw makakaattend yung drummer nila kaya nagpractice pa raw sila kanina. Nag change roles sila kanina kaya pasensya na raw kung magkakamali, pero so far naman ay nag enjoy kami at wala namang maling chords kanina sa gitara. Ang galing nga eh, kapag ako siguro yung nasa posisyon niya ay either pipiyok ako o makakalimutan kong mag strum. 

 

Ah basta, ang gulo gulo pero ang kwela kanina kasi hindi lang sila basta lang natugtog. Talagang mapapasunod ka sa kinakanta nila pati matatawa kasi napaka galing manghakot ni ateng bokaslita ng atensyon.  Though, kulang daw yung instrumentals nila kasi nakakalimutan niyang mag gitara minsan. Okay lang ‘yon, hindi naman nahalata kasi bawi naman ng boses niya eh.

 

“Bunso, paano ba ‘yan... kayo na muna bahala ha? Pahinga na ako.”

“Sige po, manang. Good night po, sweet dreams hehe.”

 

At umalis na nga si manang. Hintayin ko nalang si Byul dito at mamaya na ako maghihilamos, nakapagpalit naman ako ng pang taas kanina.

 

*****

“Hoi, Seul. Panoorin natin yung video kanina. Natutuwa ako eh.”

“Ang hina mo nga eh, sabi ko sa’yo puntahan mo na sa stage eh.”

“Gagu, ayaw ko magkalat. Next time nalang ulit, kailan visit natin ulit?”

 

Patapos na kami kumain at naguusap kami tungkol sa nangyari kanina. Hindi namin nakuwa yung names nung nasa band kanina, pero may idea ako kung paano kukunin. Siguro naman eh kilala ni Hwasa o ni Daniel yung members nung band na ‘yon kasi parang sikat ata sa univ nila, tanungin ko nalang sila bukas or sa Sabado. Hindi naman hinahanap ni Byul kasi hiya raw siya.

 

"Secret, no clue. Bahala na kung naisipan ko ulit." 

 

"Pangit mo naman talaga," reklamo ni Byul. 

 

"Mana sayo," dumila naman ako pabalik. Gusto ko lang mangasar eh.

 

“Anyway, ito na nga” sabi ni Byul sabay kuha ng phone niya. Ilang segundo pa ang lumipas kasi hinahanap niya pa yung video, inubos ko muna yung natitirang kanin sa plato ko.

 

*video noises*

 

“Ehem. Mic test, mic test. Good evening, Hana University!”

 

*crowd noises*

 

“Handa na ba kayo!?”

 

Nanlaki mata kasi may narealize ako. Pinatigil ko kay Byul yung video.

 

“Hoi, gagu. May narealize ako!” sabi ko habang naeexcite. Natatawa na rin ako kasi ang funny pala nung joke ni kuyang host.

 

“Ano ‘yon? Grabe ka naman, nakakagulat eh.”

“Tanda mo yung joke dapat ni kuyang host kanina na hindi natuloy?”

“Bakit mo naman pinaalala, beh? Kinalimutan ko na nga kasi hindi naman tinuloy. Ayaw ko mag-isip.”

 

“Gaga, alam ko na ata yung sagot” sabay natawa ako kasi naiimagine ko na.

 

“Ano ba ‘yon?” tanong ni Byul.

 

“Diba ang tanong ay kung sino yung dalawang tao na laging hinahanap kapag nasa stage ka at hawak mo yung microphone diba?”

“Oo?”

 

Kinuwa ko yung cellphone niya at binalik ng ilang segundo yung video na pinapanood namin.

 

*play video*

 

“Ehem. Mic test, mic test. Good evening, Hana University!”

 

*pause video*

 

Pagkapause ko ng video, natawa ako kasi ayon lang pala yung sagot.

 

“Ha?” takang sabi ni Byul.

 

“Gaga, hindi mo ba gets?” patawa kong tanong sa kanya.

 

“Hindi...”

“Sira ulo, si Mike tsaka si Tess kasi. Mic test, mic test daw eh.”

 

Ilang sandali pa ay nagets na ni Byul yung joke. Kingina kasi, ang witty.

 

“Mic test, mic test... gagu oo nga, si Mike tsaka si Tess!”

 

Nagtawanan kami ni Byul.

 

“Mandatory na ‘tong joke na ‘to kapag ako ang mag e-emcee. Sa debut mo, Seul ako mag h-host. I j-joke ko ‘yan.”

“Gaga, tapos na birthday ko.”

“Sa 21st b-day mo nalang ulit. Bading ka naman kaya okay lang na dalawa yung debut year mo.”

 

Ang gagi lang eh no? Anyway, after nito ay magccheck lang kami ng gawain at matutulog na. Buti at may kasabay ako bukas, kaya kahit na umalis kami ng 8:30 eh hindi kami malelate sa klase. Late kami magigising panigurado, kapagod kasi eh.

 

 

Irene’s POV

Thursday na ngayon at wala kaming pasok, pero nasa school ako para mag asikaso ng mga kailangang papeles sa susunod na competition. Ilang linggo nalang at mag s-start na ang competition, kaya medyo kinakabahan ako. Napadaan din pala ako sa room nila Seulgi kanina. Hindi ko naman sinasadyang mapunta sa building nila, pero need ko dahil may kakausapin sa faculty ng department nila. Hiwalay kasi yung faculties per department.

 

Mukhang okay naman na siya, hindi na sira ulo tulad ng bali-balita. May onti pa rin akong naririnig dito sa department namin tungkol sa kanya, pero mostly about sa personality niya. Usap usapan pa rin kasi na babaero siya or what, pero at the same time ay may nilalandi raw siyang guy from different school. Siguro yung tinutukoy nila ay si Bogum? Kasi nga ay nag interact sila rito sa loob ng school. Ewan ko ba, ang c-chismosa ng mga tao rito. Kung ano nalang ang mapag-usapan eh.

 

Pero hindi ko pa rin gets kung ano bang meron sa kanila ni Joy. Joke joke lang ba yung narinig ko nung nasa pool sila dati? Na c-curious ako kasi nung nagikot kami last time eh parang ganon pa rin naman siya. Yung makulit at masiyahin. Walang bahid ng hiya or pagka awkward. Sabi kasi nila na kapag may nag confess sa’yo at nakakasama mo pa rin eh... mahihiya ka or magiging awkward yung atmosphere, though, pwede rin na mas maging sweet sa isa’t-isa. Neither sa dalawang ‘to yung meron sa kanila ni Joy. Siguro nga ay joke lang ‘yon.

 

“Irene, sigurado ka ba na wala ka talagang gagawin today? I mean, you’re here so sayang yung oras mo if dito mo ibubuhos.”

“I won’t be long, coach. May pupuntahan din po ako pagkatapos, kaya it’s okay to stay here as long as it’s about the org po.”

 

“Okay, hija. Anyway, here’s the copy of the compiled moves from Hana University." sabi ni coach sabay inabot yung folder na galing sa table. "Nag take down notes din mga members natin at hindi naman tayo pinagbawalan nung kabilang team, sila rin naman ay nagsulat ng moves.”

 

“Ah, thank you po. Aaralin ko po then if I have some discoveries, I’ll send compile it then put some explanations if needed” sabi ko nalang. Pero I’m pretty sure that I’ll be needing Seulgi’s help with these. May natitira pa siyang promise nung Monday, and we’ll work on that soon.

 

“Ang hardworking mo naman talaga this month bigla, is it because of your new friend?”

 

Ngumiti nalang ako kay coach, although I know for a fact na Seulgi did influence my current outlook sa chess. I found myself longing for chess sooner than before at parang gusto ko ngang makipaglaro lagi sa kanya. She's annoying sometimes, pero that's what makes things exciting. I learn new things every time.

 

Oo nga pala, mamaya ay pupunta pala ako kanila Wendy kasi magpapaturo ako sa lessons na namiss ko kahapon. Also, to thank her para sa cookies na binigay niya sa Hana U chess team. I’m really thankful for having a friend like her, yung supportive and tutulungan ka talaga. Ang swerte lang ng magiging partner niya for life, kasi she’s warm and thoughful.

 

We only need to get this signature from our director, pero ako na bahala rito. Mamaya pa ata pupunta yung ibang member kaya since you’re done with paper work at wala kang kalaro, then you can go. Ikaw na bahala kung ano gusto mong gawin. I have classes soon too,” sabi ni coach. I guess it’s time for me to go to Wendy’s, wala na naman kasi akong makakalaro rito.

 

“Sige po, baka umalis na rin po ako maya-maya.”

“Sige hija, ingat ka.”

“Kayo rin po.”

 

Umalis na ako sa building at sinimulan ko na ang pag text kay Wendy. Hindi naman ako magtatagal sa kanila siguro. Maghahanda pa rin kasi ako ng dadalhin ko bukas. Ang napagusapan kasi namin ni Seulgi ay magpapaturo ako sa kanya ng Friday at mag overnight nalang siya sa amin hanggang Sabado, kaso nareject yung idea kasi nga naman ay mag-isa lang si manang kaya hindi talaga siya nag oovernight dati pa. Ito yung condition na binigay ko sa kanya, pero since hindi naman kaya eh siya nalang yung nag propose na sa bahay nalang nila kahit hanggang Sunday daw.

 

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update