Opening

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Opening – Ang opening ay ang inisyal na yugto ng isang laro bago pa makarating sa panggitna at katapusan. Sa panimulang ito, nag aattempt ang bawat manlalaro na buksan ang espasyo sa buong board para maiikot ang mga chess piece.

 

 

Seulgi’s POV

Magandang araw sa inyo! Naglalakad ako ngayon papuntang university kasi naubusan ng tricycle sa kanto. Medyo malapit lang naman kaya hindi na ako naghintay pa. Mainit nga lang. Panigurado, pawisan na naman ako pagpasok ko sa room.

 

“Hoi, Seul!” may tumawag sa’kin. Pamilyar ‘yon ah?

 

Lumingon ako at nakita ko si Byul. “Hoi!” sigaw ko.

 

“Sumakay ka na rito. Mamaya, kung saan-saan ka na naman tumambay tapos malelate ka. Lagot ka na talaga sa prof natin.”

 

Ayown! Free ride. Sakto, hindi ko suot ID ko. Mukhang nakalimutan ko na naman sa kwarto. Hindi naman nila chinecheck kung may ID kapag nasa loob ka ng kotse, unless nalang kung ikaw driver.

 

Hehe.

 

Pagkasakay ko, sabay batok sa akin ni Yeri. Aba, bastos ‘tong batang ito. Nandito pala ‘to?

 

“Hoi bubwet, anong ginagawa mo rito?”

 

Dumila lamang siya, sabay irap. Aba?

 

“Ah Byul, ‘di ako informed na may ihahatid ka pa palang kindergarten. Kawawa ka naman, napagutusan pa ng nanay. Sana kayanin mo,” sabay tawa si Byul.

 

“Luh? Kindergarten amp.”

“Oh, bakit? Mukha ka namang tyanak ah?”

“Sumbong kita kay ate Joy.”

 

Edi, go. Ano bang magagawa sa akin ng ate Joy mo? Tsaka magkaiba kami ng course no.

 

“Edi sumbong mo,” tapos nilabas ko rin dila ko. Ang saya mang-asar.

 

“Ate Byul oh. Binatukan ko lang, nasiraan na agad siya ng ulo. Ang rupok, manang-mana sa may-ari ng ulo.”

 

Namemersonal ka naman masyado bubwet. Nakaka-hurt ka na.

 

“Parang last year, napaka-bait mo pang bata ka. Ang bilis naman magbago ng panahon,” sabi ko habang pakunwaring naiiyak.

 

“Luh, si ate Seul. Mukhang tanga.”

 

Aba, ‘di man lang ako sinakyan. “Hoi Byul, samahan mo naman ako. Inaaway na ako ng alaga mo oh,” sabi ko kay Byul na naghahanap ng parkingan.

 

“Ewan ko sa inyo, para kayong mga sira-ulo.”

“Wow ha, coming from you.”

“Nagbagong buhay na ako.”

“Talaga lang ah. Sabi mo ‘yan.”

“Oo, nakashift yung kabaitan ko. Mamaya on break na.”

 

Sabi na eh. Sa’yo ata natuto ng kagaguhan ‘tong pinsan ni Joy.

 

“Sana nakashift din yung kabaitan ni Yeri. Miss ko na yung mga panahon na nilalambing niya ako.”

“Nilalambing kasi may libre—”

“Aba, hayup. Libre lang pala habol.”

“Ganon talaga ate. Being practical nowadays is ano… is what we need. Ganern.”

“Lulu mu practical. ‘Wag ka na mag english, hindi bagay.”

“Palibhasa, hindi marunong mag english si ate Seul.”

 

Hanuh bah, ayaw ko na makipag-away sa bata. Pinepersonal ako masyado.

 

“Oh, siya. Tama na bangayan. Bumaba na tayo. Kanina pa kayo daldal nang daldal eh.”

“Yes po, boss Byul.” 

 

“Ano, Yeri? Kapag sa akin “mukhang tanga si ate” pero kapag kay Byul, “boss?” patanong ko kay Yeri. It’s unfair naman mga lods. Paano naman ako?

 

“Ganon talaga Seul, kapag cute.”

“Ulol.”

 

“Hatid ko muna ‘tong bata. Baka maligaw eh, tsaka bakasakaling tawagin din ako nitong boss,” sabi ko pa. Kahit ganito si Yeri, mahal ko ‘tong bubwit na ito. Para ko na rin kasing nakababatang kapatid.

 

“Sino kayang madalas naliligaw?” sabi niya. Hindi na pala. Hindi ko na pala mahal. Inaaway ako eh.

 

“Grabe sa madalas, minsan lang.”

 

“Mamaya, may kalandian ka na naman sa tabi-tabi Seul. Hayaan mo na si Yeri, matanda na ‘yan. Tara na,” sabi ni Byul. Tumawa naman si Yeri at nagpaalam na sa amin.

 

“Luh, wow ah. Kala mo naman talaga eh may nilalandi ako. Kausap lang. Landi agad eh.”

 

Paakyat na kami sa room habang nag-uusap.

 

“May kausap bang nginingitian mo tapos maya-maya may kasama ng kindat?”

“Friendly kasi ako. Syempre, we need to look friendly.”

 

“Beh, hindi friends ang turing nila sa’yo kapag ganyan ka. ‘Wag kami,” pilit ni Byul. Sorry na, ganito lang ako. Maya maya pa’y may dumating na classmate namin.

 

“Hi Seul, hi Moonbyul” bati niya sa amin. Ano meron? Ano nga ulit pangalan nito? Ito yung nagpahiram sa akin ng ballpen eh.

 

“Nakagawa ba kayo ng assignment?” oh , anong assignment? Omg.

 

“May assignment?” tanong ni Byul. Oo nga, may assignment?

 

“Meron, binigay last Wednesday ah?” hindi ako nakikinig sa klase. Jusko, hello singko na ba ako?

 

“Kopya nalang kayo. ‘Wag nga lang kayo maingay na pinakopya ko kayo,” sabi niya. Ang bait mo naman, pero sorry talaga… hindi ko maalala name mo. Kinalabit ko si Byul para itanong kung kilala niya si ate girl, pero hindi niya rin alam. Mukhang gagamitin ko na naman ang pinagbabawal na technique.

 

“Picturan nalang namin para hindi na namin kailangan hawakan papel mo. Baka makita pa nila,” sabi ni Byul. Tumango naman si ate. Sabay naming inilabas ni Byul ang mga cellphone para picturan yung paper niya. Pagkatapos ay ibinalik na namin sa kanya.

 

“Salamat, cutie” sabay kindat. Sorry na agad. Hindi ko alam pangalan mo eh.

 

“Maka cutie ka naman Seul. Pangalan ko nalang sana,” pakipot amp. Hindi nalang tinanggap. Sana binanggit mo na rin pangalan mo. Byul, help.

 

“Ano nalang nickname mo?” tanong ni Byul. Isa pang pinagbabawal na technique. Bakit naman gumamit ka agad ng nickname?

 

“Dana nalang,” sabi niya. Ayan, Dana lang pala ang pangalan. Nagkatinginan kami ni Byul at nagpasalamat ulit sa kanya. Pagkatapos naman ay nagmadali kaming tumakbo sa loob ng classroom para kopyahin yung assignment. Buti nalang talaga ambilis ko magsulat, pero bahala na si prof intindihin yung sulat ko.

 

 

*****

“Gagi ka talaga Seul, bakit naman may pag iyak-iyak ka pa kanina?” tanong ni Byul. May ginawa na naman kasi akong kagaguhan.

 

“Eh bakit? Nakakaproud naman kasi talaga yung sinabi ko kaya ako naiyak,” sabi ko. Nakakaproud naman kasi talaga kasi ang cute ako.

 

“Kaya ka tinatawag na class clown eh,” eh bakit ba?

 

Nasa apartment kami ngayon ni Joy. Malapit lang ‘to sa university at si Yeri lang ang kasama niya rito. Kaya may extra keys kami kung sakaling gusto namin ng matatambayan. Bumili kami ng mga chichirya at kung anu-ano pa. Pati nga prutas ay bumili kami, para lang may malalantakan. Nakakahiya naman kung pati pagkain ay makikihingi kami kay Joy. Free accommodation na nga eh. Pero ewan ko ba, ang tanga lang namin kasi hindi pa namin dinala rito sa salas. Nag bato bato pick kami kung sino kukuwa sa table nung iba naming pinamili.

 

“Ay Byul, pakisabay na rin pala ng prutas” sigaw ko kay Byul. Gusto ko ng healthy, para maiba naman.

 

“Yung binili mo kanina?” tanong niya. Alangan?

 

“Ay hindi, yung ninakaw ko. Pakicheck kung meron pa. Pero kung wala na, yung binili ko nalang.”

 

“Kingina mo Seul, ang pilosopo mo talaga

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update