Bishop

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Bishop – Ang bishop ay isa sa mga officials. Sa simula ng laro, may dalawang bishop ang bawat maglalaro, at mahahati ito sa black tile bishop at white tile bishop. Ang galaw nito ay pa-diagonal, at kahit ilan ang pwedeng hakbang.

 

 

Moonbyul's POV

Walanghiya naman si Seul, hindi na naman pumasok kahapon. Ako nalang laging tinatanong ng mga prof tungkol sa kanya. Kung hindi niya raw mapperfect yung exams and quizzes, tuluyan siyang ibabagsak. Hindi ko naman machismis sa iba yung nawitness ko nung Wednesday. Humupa na rin agad yung usapin kay Seul kasi may ibang chismis sa dept ng HRM. May bagong jowa na naman daw si ate ghorl na hindi ko naman kilala, at nakita raw sa isang private resort kasama ang tropahan nila. Bahala sila mag chismisan pero feeling ko eh spotlight itong si Seul sa Monday.

 

Pero para sigurdo na papasok si Seul, sa kanila ako tutulog. Hehehe, bawal mag reklamo Seul. Nakakapagod maging spokesperson mo beh.

 

"Manong para po!"

 

Nandito ako sa kanto nila. Pero bago ako pumunta sa kanila, hahanapin ko muna kung saan siya nag ttrabaho. Hindi niya sinabi kung saan eh pero sabi niya na usually this term ay lagi siyang weekend shift. Kaya pala late lagi mag-aya ng badminton. Usually sa convenient stores nagt-trabaho mga tulad naming college students eh, if not sa mga small restaurants or carinderia na sosyalin. Swerte na kung bigatin yung shops. Pero imposible sa companies, unless may backup ka or strong connections.

 

*****

Ang init! Hayup na 'yan, almost 15mins na ako paikot ikot sa area nila pero wala sa convenient stores or samgyupsalan na malapit sa gas station sa harapan ng subd nila. Pati yung gym sa taas ng 7/11 eh napuntahan ko na, pero wala pa rin. May iilan nalang akong hindi naiikot dito, yung coffee shop na paloob sa kanto ng 7/11, yung parang milkteahan na malayo-layo ng onti, tapos yung small korean grocery store na malapit sa milkteahan.

 

Walangya, kapag hindi ko nakita yung pinag ttrabahuhan ni Seul, eh talaga namang magdedemand ako na magsswimming kami hanggang bukas. Oo, dito ako until Monday morning para sabay kami papasok. Nagpaalam naman na ako kanila mama, so free ako. Kilala naman nila si Seul. Pero hmm, unahin ko na 'tong coffee shop at mas malapit 'to kesa sa dalawa pang pupuntahan ko. Kapag talaga wala si Seulgi sa mga 'to kasi nasa bahay lang, nako, pipitikin ko noo non.

 

Pumasok na ako sa coffee shop, and wala. Wala si Seul. Parang gusto ko magpahinga nalang dito at dumiretso kanila Seul. May bajaj tric naman sa labas. Ang taray nga dahil hindi normal tricycle.

 

"Hays," napabuntong hininga nalang ako. Ang aga ko rin kasi pumunta rito, bored ako sa amin kahit may pinapagawa sa amin na reflection paper. Maaga ako nagising kasi excited ako. Swimming pool talaga pinunta ko kanila Seul. Joke joke. Slight. Anyway, lalapit na muna ako sa counter para icheck yung menu nila.

 

*Door opens*

 

Napalingon ako sa entrance at nakita ko yung babae na pinagtanungan namin sa loob ng subdivision. Uniform 'yon ng Hana University ah? Doon pala siya nag-aaral?

 

Lumapit siya sa counter at nagorder agad. Regular customer ata 'to. Pero jusko, ang creepy ko ata tignan ngayon kasi para kong sinusundan yung galaw niya.

 

"One green eye, pa-add ng sugar. Usual lang na dami."

 

Pansin ko sa boses niyo, ang raspy na parang nang-aakit. Pero feeling ko mas bata 'to sa akin. Tsaka, ano yung green eye? Luh.

 

"Dito ka na naman umorder ng kape, Hwasa. Diba may coffee naman sa shop niyo?" tanong ni ate cashier kay ate na expensive yung voice—este kay Hwasa.

 

Hwasa pangalan niya, ‘no? Ang unique naman.

 

"Wala naman kaming matapang na kape, tsaka mas gusto ko coffee beans niyo. Milktea and frappes lang talaga specialty don," sabi niya. Wait, milkteahan? Sa kanila ba yung malapit dito or iba?

 

"Hinay hinay sa caffeine though, 'wag ka masyadong mag order nito. Anyway, bigay ko contact ng supplier namin at baka gusto niyo sa shop niyo.”

“’Wag na po muna, partner ng father ko yung nagpapadala ng ibang supplies sa amin including coffee beans.”

 

“Sayang,” sabi ni ate cashier.

 

Hindi ko namalayan na mukha talaga akong tanga rito sa gilid habang nakikinig sa kanila.

 

“Ahm,” panimula ni ateng taga subd. “May kailangan po kayo?”

 

Gagi, nakakahiya. Pero kailangan ko magpakilala para hindi creepy ang datingan.

 

“Hello, nagtataka lang ako kung ikaw ba yung napagtanungan namin sa subdivision na malapit dito. Ako yung nagtanong sa’yo na naka ertiga nung Wednesday, kung tanda mo pa.”

 

Syet naman pri, baka makulong ako ng wala sa oras kapag ito binangga ko. Mukhang bigatin. 

 

“Ah, I remember now. Is my instruction correct? I did give you the direction to ate Seul’s house.”

 

Wait, so kilala niya nga talaga si Seul?! Oh my god, small world!

 

“Wait, so you really know Seul?” tanong ko. This is my chance, baka alam niya kung saan nagt-trabaho si Seul.

 

“I’m looking for her kasi, I mean yung pinagt-trabahuhan niya. Surprise visit, ganon” sabi ko pero excite na excite ako. Matitigil na ang paghihirap ko sa paghahanap ko sa pinagt-trabahuhan ni Seul.

 

“Oh?” sambit ni ate ghorl. Ay, ang FC ko pala masyado.

 

“This is the first time na magkakabisita si ate Seul. I can give you directions po ulit. Unfortunately, I can’t go there with you kasi I need to go soon. May klase na po ako in 45 minutes.”

“No worries, I really owe you a lot now. Grabe, ang swerte ko ata sa tuwing nakakasalubong kita.”

 

Hulog ng langit itong si ateng.

 

“Pagkalabas niyo po rito, balik kayo sa kanto. Tapos hanapin niyo po yung milkteahan doon, malapit sa bukohan” sabi niya habang may gestures gestures.

 

Gusto ko sana itanong kung sa kanila ba ‘yon kaso ang FC ko na masyado. Si Seul nalang tatanungin ko.

 

“Thank you, ahm... Hwasa? Btw, I’m Moonbyul. Seulgi’s friend hehe.”

 

Tumango naman siya at nagpakilala rin. Maya maya pa ay nakuwa niya na yung order niya at nagmadali siyang umalis. Male-late na raw siya.

 

Umorder lang ako ng 2 cookies para naman hindi nakakahiya na pumasok lang ako para makipagchikahan. Mukhang masarap yung cookies nila rito, dadayuhin ko ‘to soon. Tapos ayon, lumabas na ako kasi pupuntahan ko na si Seul. Nagjacket ako, yung jacket na hindi ko pa nasusuot kasama si Seul para disguise kuno. Ano kaya magiging reaction niya pagkapasok ko sa shop?

 

Habang naglalakad ako, muntik pa akong matapilok kasi pinagmamasdan ko yung mga shops and small stores dito sa labas ng subdivision nila Seulgi. Bilihan lang ng fresh meats and vegetable ang kinulang dito, pero maraming shops na nakakalat dito. Nakakaubos naman ng allowance kapag dito ako nakatira.

 

 

Seulgi’s POV

Hay nako, halos kakabukas lang ng shop pero parang gusto ko na umuwi. Char. Pero ilang araw na rin ako walang ginagawa masyado tapos puro gastos pa. Dalawa lang din kami dito sa shift ulit, at parang pagod na pagod din yung shift partner ko. Pero wala eh, we are broke and broken college students lmao.

 

*door chimes*

 

Ayan na may customer na. Nakakatakot naman ‘to, naka face mask pa. May sakit ba ‘to? Charot, ‘wag tayo jduger. Pero parang bago ko lang ‘to nakita.

 

“Good morning po, take your time po sa pagtingin ng menu.”

 

“Ahm, what can you recommend?” ang peke naman ng boses nito, ipit na ipit? Pero teka, ako ay kinakabahan dito.

 

Sinusubukan kong sumilip sa mukha niya kaso naka sumbrero kasi naka face mask pa. Feeling ko si Byul ‘to.

 

“Byul?”

 

Bigla siyang napatingin sa akin na parang gulat na gulat. Siya pa talaga nagulat ah? Pangit naman ng trippings mo pre. Kaaga-aga eh.

 

“Ang gaga mo. Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. Ito ba yung surprise visit niya? Magugulat sana ako kaso nakapag prepare na ako. Knowing her, agad-agad ‘to pupunta.

 

“Sinong Byul? Walang Byul dito.”

“Byul, meron. Heh, ‘wag mo ko lokohin. Tanggalin mo na ‘yang cap mo at face mask.”

“Ebarg ka naman sa byul. Cute ko kaya tapos tatawagin mo ko niyan? Pangit mo kabonding. Sana man lang nag pretend ka na gulat ka.”

“Ay sige, labas ka ulit tapos kunwari magugulat ako.”

“Hindi na. Tampo na ako. Wala na.”

 

“Byul, hindi bagay. Please lang,” sabi ko. Tumawa naman siya.

 

“Anyway, magoorder ako. Ano ba masarap diyan?”

“Orderin mo lahat, bilis na. Tapos bigyan mo kami tip, mga 1k each ganon.”

“Gagu, kala mo naman talaga napakayaman ko.”

 

*****

At dahil surprise

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update