Fork

Ahedres
Please log in to read the full chapter

Fork – Ang fork ay ang pagatake ng isang chess piece sa dalawang chess piece ng kalaban. Madalas na ang king at isa pang official ang inaatake. Lahat naman ng chess piece ay kayang mag fork, pero mas ginagamit ang knight at queen sa pag-fork sa chess pieces ng kalaban. 

Seulgi’s POV

Good morning! Ang aga ko nagising, 5:30 am. Maaga kami natapos ni Irene kahapon kasi sabi ko ay may klase pa siya kinabukasan. Babawi nalang kami ngayon at bukas. Mag i-istay nga pala siya rito hanggang Monday ng umaga, tapos sabay na kaming papasok. We have plenty of time mamaya at bukas, tsaka I’ll probably go to their org room kapag bored ako. I just hope na malaki ang i-improve nila with some advice na pwede namin mabigay sa members.

 

Inuna muna namin yung mga may notes na nasimulan ko na. Halos 6 or 7 na rin kami nakauwi kahapon kasi dinaldal pa ako nang dinaldal ng mama niya. Sobrang nakakahiya kahapon pero hindi naman ako naging uncomfortable sa pamamahay nila, in fact, ang gaan pa ng loob ko sa mom niya pati na rin sa overall stay ko. Then I left her sa guest room ng 10 ata. Basta, mabilis lang kami kahapon. Wala talaga sa balak namin na magstay ng matagal sa kanila

 

“If only my mother acts like that too,” mahina kong bulong.

 

Hays, kaaga aga eh dinedepress ko sarili ko. Since maaga pa naman ay mag j-jogging muna ako pampatanggal ng negative thoughts. Tulog pa naman si Irene. Gigisingin ko nalang siya pagkadating ko. 30 minutes lang naman ako mag j-jogging at dalawang ikot lang naman ‘yon dito sa phase namin. Hindi naman siguro siya magrereklamo na 6:00 am or 6:15 am siya magigising diba?

 

Nakakahiya man kay Hwasa, eh nagpaalam muna ako this Saturday. Nagsabi naman ako sa kanya nung Wednesday at sakto raw dahil may mag f-fill in daw ng shift ko. Need daw kumita lalo kasi babayaran na raw yung tuition. May limitation kami ng shifts pero may special cases naman tulad ng ganito, una eh dapat emergency talaga yung pag-gain ng money and pangalawa ay hindi dapat nakakaabala sa shifts ng iba. Since binigay ko yung slot ko, okay lang na mapasakanya yung slot na ‘yon kahit na buo na yung hours niya this week. Ang ganda nga ng system nila Hwasa, halatang statistician and planner yung nanay. Yung tatay niya naman ay business major. May kamag-anak din silang IT at accountant kaya hindi naman na malalayo yung ganda ng system nila sa mga ideas na meron sila.

 

Though sa Sunday – bukas, papasok ako kahit until 1pm. Nasa shift naman si Hwasa dahil wala silang ROTC, pero sa lunch pa siya mag s-start kasi may tatapusin muna siya na school things. Hindi ko pa pala nababanggit kay Irene na balak kong mag work bukas, pero mamaya ay sasabihin ko sa kanya. Siguro okay lang na hintayin niya nalang ako habang nag-aaral siya ng chess. Aayusin ko nalang mamayang gabi yung mga natitirang notes para ayon ang pagkaabalahan niya habang wala pa ako.

 

Hindi na ako naghilamos or what, diretso palit ako ng damit ko pang jogging. Pero nag toothbrush ako at naghugas ng mukha. Ewan, bahala na. Maliligo nalang ako mamaya. Sana hindi ako antukin mamayang tanghali or what kasi nagpuyat ako ng slight kanina. Almost 12mn na ata ako natulog kasi nagbabasa ako ng para sa Phil Gov subject namin. May debate kasi kami, regarding sa case ng Phil and Ch sa West Phil Sea. So far, nasa pro side kasi ako. By group kasi yung topics at napunta yung topic ng territory dispute sa amin. Talagang usapang territory pa yung binigay sa amin, eh ayaw ko nga nito. Mas gusto kong idebate yung RH bill or yung same marriage. Ewan ko ba, ang malas bumunot nung kagrupo ko. Joke, sinisi eh ‘no?

 

Bumaba na ako para mag jogging. Siguro ayon nalang iisipin ko habang natakbo para naman masaya saya at exciting yung takbo ko.

 

*****

“Irene, gising na” mahina kong bigkas sa natutulog na Irene dito sa same guest room na tinulugan niya dati. Ip-prank ko sana eh kaso kaaga-aga pa at baka masapak ako nito.

 

Hindi man lang gumalaw eh. Ang sarap naman ata ng tulog mo?

 

“Irene,” tawag ko, pero sa pagkakataon na ito ay tinapik ko na ang balikat niya. Gumalaw na rin siya, sa wakas.

 

“Hm.. hmm.. hmm”

 

Alam niyo yung bagong gising ka lang tapos wala kang ibang sinasabi kung hindi hmm hmm, ayon siya ngayon. Kunwari naiintindihan ko yung sinasabi niya.

 

“Oo, Irene. Oras na para bumangon,” sabi ko in response sa kaka hmm hmm niya. Dag-anan ko kaya ‘to para magising? Charot.

 

Napaupo na siya at nag unat, bakit nagsisitunugan yung joints nito. Grabe, buti hindi nakakabali yung pag pop ng joints. Bakit ba para siyang antok na antok pa? Hindi naman ata ‘to natulog agad kagabi. Pero ang cute niya tignan, mukha siyang bagong gising na sanggol. Char.

 

“Nauuna ka bang maligo bago kumain, o kumakain ka muna bago maligo?” tanong ko. Kasi gusto ko muna maligo bago kami kumain. Although nakapag luto na si manang. Eh kaso nag jogging ako, kaya need ko muna maligo talaga.

 

Hindi siya sumagot pero minulat niya na mga mata niya at parang nakatingin lang sa harapan niya. Halatang nag b-buffer pa kasi bagong gising, hehe.

 

“Anong oras na?” tanong niya. Wala man lang good morning?

 

Tinignan ko yung phone ko, “6:13am na.”

 

“Ang aga pa,” sabi niya sabay humiga at nagtakip ng kumot. Hala ka ‘te? 7:30 kaya klase niya.

 

“Uy, 7:30 klase mo. Wala ka sa bahay niyo na 20mins lang ang layo sa school. 30 mins byahe natin mula rito sa amin, tapos medyo traffic pa ng slight kasi umaga.”

 

Bigla siyang napalingon sa akin at napaupo ulit. Ayan, gising na diwa niya. Sabog ka ata, Irene.

 

“, oo nga.”

 

“Ang aga-aga eh nagmumura ka. Bangon na, tapos maligo nalang muna siguro. Kita nalang tayo sa baba,” sabi ko sabay alis sa kwarto. Ang cute cute niya magulantang.

 

Bumalik na ako sa kwarto ko para maghanap ng isusuot. Isa lang naman klase niya kaya babalik lang din ulit kami, siguro ay mag t-tshirt nalang ako at jogging pants. Hindi nalang ako lalabas ng kotse at mag c-check nalang ako ng inaaral namin na org files nila para naman ay hindi sayang ang oras. Sigurado akong tulog si Byul kaya wala akong maaya na maglaro.

 

“Ay, hindi. Pwede pala akong gumawa ng output para sa debate thingy namin sa philgov,” sabi ko sa sarili ko. Next next week pa naman yung deadline, then sa group namin ay next Friday yung pasahan namin sa isa’t isa. Speaking of, ano nga ba yung subject nila Irene ngayon?

 

Pagkatapos ko kunin yung mga gamit ko, dumiretso na ako sa cr at naligo. Bibilisan ko lang naman at hindi ako bababa sa kotse, atsaka pwede akong maligo ulit mamaya kung sakaling mainitan ako. Tutulong din kasi ako sa paghain kaya kailangan ko talagang bilisan.

 

Nung natapos akong maligo, bumalik na muna ako sa kwarto ko para kunin yung naprint kong materials para sa debate namin. Kumuwa na rin ako ng extra paper para doon ako magd-draft. As for the chess thingy, dadalhin ko pa rin naman pero depende nalang mamaya kung ano ang maisipan kong gawin. Bahala na.

 

*knock knock*

 

Hmm? Si manang ba ‘to? Bababa na naman ako soon, no need na sana umakyat ni manang para sabihan na kumain na.

 

“Sandali po,” sabi ko habang inaayos yung papeles sa table ko.

 

Maya maya pa ay binuksan ko na yung pintuan at nakita ko si Irene. Luh, ang bilis naman maligo nito? Ako nga wisik wisik lang kanina, joke.

 

“Oh, ang bilis mo ata maligo?” tanong ko, pero... hindi naman basa yung buhok niya.

 

“Sino nagsabi sayong naligo ako?”

“Hindi ka naliligo para sa klase mo?”

 

She’s confused. Siya pa yung na confused. Alam niyo yung itsura ng tao na para bang gulat na gulat sa sinabi mo pero hindi niya ma comprehend yung nangyayari?

 

“I mean, why would I take a bath kung naligo ako kagabi? It’s just an hour and a half class too, so why waste time sa pagligo?”

 

Naligo pa siya kagabi? Pero sabagay, gawain ko rin kasi ‘yan. Yung kapag sobrang aga ng class ko, naliligo na ako sa gabi para iwas time consume. Tamang hilamos nalang sa umaga tapos bihis ng matino. Kaso taong dugyot muna minsan kapag hindi naligo sa gabi tapos nagpalit lang ng damit sa umaga at nagpaulan ng pabango HAHAHA.

 

“Oo nga naman. Ako lang pala dapat yung maliligo kasi nag jogging ako, hehe.”

“Anyway, can I borrow your perfume? Nakalimutan kong magdala.”

 

“Oh sure, pasok ka” sabi ko tapos tinuro ko yung loob ng kwarto ko. Papapiliin ko nalang siya kasi hindi ko alam kung ano ba ang type niya na scent.

 

Pumasok naman siya tapos tinuro ko yung shelf ko na may perfume and other stuffs. Inamoy niya ‘to isa-isa tapos nung nakapili na siya ay nag spray siya sa sa wrist niya at ikinalat ito sa likod ng tenga. Nag spray na rin sa damit. Medyo neutral yung pinili niyang pabango. Ito yung ginagamit ko minsan kapag naka uniform kami, pero madalas eh ibang pabango ginagamit ko. Minsan ko nalang ulit gamitin ‘to.

 

“Tara, kain na tayo?” tanong niya.

 

“Tara.”

 

*****

Halos kalahating oras na ang nakakalipas, nandito ako sa loob ng kotse. Buti nakapagdala ako ng rechargable electricfan para hindi nakabukas yung engine ng kotse ko. Ang init kasi kapag walang fan sa loob ng kotse. Buti eh heavy din ang tint ng kotse ko kaya hindi ko na kailangang maconcious sa paligid ko.

 

Nagbabasa ako ng materials and yung mga sinave ko na news links para sa debate thingy namin. Ang OA naman kasi ng China for claiming almost all part ng West Philippine Sea eh kulang nalang pati Pilipinas ay angkinin nila. Inside the 9-dash line ay yung Scarborough Shoal at Spratley’s Island na inilalaban ng gobyerno natin. We’re only claiming for some small parts kasi those said territory ay dumadapo sa EEZ natin, which is default na 200 nautical miles away from offshore. Ewan ko ba, territory arguments are by far the most chaotic one para sa akin kaya gusto ko sanang iwasan ‘to as topic. Kaso ito kami, napunta sa topic na ‘to. Good thing ay pro kami, kasi between the pros and cons when it comes to this topic eh pro ako syempre.

 

Ang nakakatuwa rito ay phil gov pala nila Irene mamaya kaya nabanggit ko na baka same finals kami. Itong debate na ‘to ay ang final exam namin, no more test and such. Nakadepende sa performance namin itong debate na ‘to kaya kailangan talagang paghandaan ng bongga kasi andami kong hinahabol sa subject na ‘yon. Swerte na siguro kung mas mataas sa dos yung makukuwa kong grade. Ayan kasi Seul, kakaabsent mo ‘yan sa kagustuhang mag rebelde.

 

Nag check pa ako ng information and it’s kind of frustrating na China kept on invalidating our win against them, saying na we don’t deserve the win at “ill-founded” o “undisputed sovereignity” daw yung results. But they’re the one who violated our country’s sovereign rights and they even caused hard damage to our coral reef environment by building artificial islands. It’s kind of funny, to be honest. The international arbitration court is in favor sa country natin, slapping the government of China in terms of legal basis. Not to invalidate their historical claims and such, pero all they have is yung 9-dash line na matagal na raw ginagamit ng ninuno nila. I don’t know what to think of it kasi it is said na unlawful ito in terms of the UNCLOS convention.

 

There’s also a tension between our fishermen and sa fishermen nila, saying that they were harrased many times. Since 2012 pa ito ah? Years ago pa ‘yon, and we’re not aware of it. China claims the said lands and building artificial properties since 2014.

 

Napabuntong hininga nalang ako kasi na s-stress ako sa mga nababasa ko.

 

Lumipas na naman ang 40 minutes kakabasa ko at kakanotes ko rito, malapit na ata matapos sila Irene. Less than 20 minutes nalang at nandito na ‘yon. Ano kayang topic nila? What if same kami ng topic pero nasa con side siya? Masaya siguro ‘yon kasi baka habang nagc-chess kami ay nagsasagutan kami. Cute naman ng bonding namin kapag ganon.

 

*knock*

 

Nagulat ako kasi may biglang may kumatok sa window ko at nakita ko si Irene sa labas ng kotse. Tapos na sila? Ang aga naman ng dismissal nila tapos nakikita ko rin yung mga kaklase niya, grabe ang pangit ng schedule nila. Saturday class with only 1 subject tapos umagang umaga pa, lol. Inunlock ko muna yung kotse para makapasok siya.

 

“Ang tagal mo naman buksan, akala ko tulog ka na” sabi niya habang pumapasok siya ng kotse.

 

“Sorry na,” sabi ko tapos binuksan ko na yung engine para mabuksan yung aircon.

 

“Diretso na tayo ng bahay?” tanong ko. Baka lang naman gusto niya muna pumunta sa kanila para may kunin na gamit or what. O kaya baka gusto niyang bumili ng pagkain sa supermarket.

 

“Oo. Wala namang gagawing iba rito” reply niya. Pero anyway, wala si Joy? Hindi ko ata nakita sa mga dumadaan. Tapos hindi rin niya kasama papunta. Si Wendy din, nasaan na?

 

“Btw, nasan sila Joy at Wendy?”

“Si Joy ay dumiretso na sa gymnasium. As for Wendy, hindi siya pumasok.”

“Weh?! Bakit daw?”

“Family outing and isang subject lang naman daw. Swerte niya kasi hindi nag attendance kanina, although hinahanap siya ng prof namin. Hindi na raw counted yung absent niya.”

“Sana all?!”

 

“Same reaction mo sa mga classmates ko. Tapos favorite daw si Wendy," sabi niya habang nakangisi.

 

Nagsimula na akong magdrive pero nung paikot na ako sa parking, biglang may sumulpot na sasakyan sa kanan at binusinahan kami. Heavy tinted din yung kotse at mukhang nagmamadali. Muntik na kaming magkabanggaan actually, pero alam kong nasa tama ako.

 

Tinignan ko si Irene na para bang gulat na gulat at medyo kinabahan ata.

 

“Irene?” tawag ko.

 

Itutuloy ko palang sanang itanong kung okay lang siya pero biglang bumaba yung window nung kabilang sasakyan. Nakitang nagsasalita yung babaeng driver pero hindi ko marinig kasi hindi ko pa binababa window ko.

 

“Anong problema nito eh siya naman yung mali?” inis na sabi ni Irene. Luh, badtrip ba ‘to today?  

 

Binaba ko na rin window ko.

 

“Hello? What the eff, sis! What are you doing? Can’t you see na paparating ako? What are you, blind?” sabi nung mataray na babaeng driver.

 

“Wow?” bulong ko. Ano ka, VIP?

 

Char. Babae pala ‘to. Pero kahit na, ang OA mo naman.

 

Bumaba kami parehas para mag-usap. Buti medyo tago yung place kaya ‘di masyadong matao.

 

“Sis, ikaw na nga lang mangaagaw ng linya tapos ako pa may kasalanan. Nagmamadali ka ba?” tanong ko. Mahinahon lang. Ayaw ko ng gulo.

 

“O-oh. Ikaw pala ‘yan, Seulgi. From Psych dept, right?”

 

Luh. Kilala ako.

 

“Yah. Pero anyway, miss. You’re at fault kasi supposed to be maingat ka kapag magcchange lines ka” sabi ko.

 

“Still… you know I’m in a hurry kasi ano…”

“Ano?”

“N-nag… Pupunta ako sa hospital dahil may appointment ako—este, yung lo…lola. Yup.”

 

She’s obviously lying. Pero anyway, goods naman na maganda yung break ng sasakyan ko kahit hindi ko masyadong nailalabas.

 

“Ah, gano’n ba? Sige, ingat.”

 

“You sure it’s okay?” tanong niya.

 

Well, marami pa kaming gagawin ni Irene. Studying chess is hindi basta-basta ano. Malapit na yung tournament nila and she still lacks judgement with her bishops.

 

“Oo. Basta ikaw” sabi ko nalang.

 

Naunang magdrive yung babae.

 

“Hay nako, mga tao ngayon basta nalang makakuwa ng lisensya e ‘no?” sabi ko habang nagddrive na palabas ng univ.

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello! 3 chapters are up. Thank you for visiting hehe. I appreciate you~

Comments

You must be logged in to comment
iana013
#1
Chapter 29: i feel like she got rejected sa sagot ni irene kay haneul. like "yes, she's my friend"
zjkdlin0121 #2
Chapter 29: Irene whats your answerrrr
eunxiaoxlove #3
Chapter 29: What was irene’s answerrrrr
Eybrelros #4
oolongteatania #5
Chapter 27: Kawawa si seulgi naiiyak ako ☹️☹️ tsaka sana hindi makiepal si haneul sa love story nila kung kailan nagiging close na sila. Sana maka alis na sila sa pader ng mother side nila at maipagtanggol naman siya ng tatay niya.
soshicat #6
Chapter 27: Sorry but I need Haneul to back off from Irene. Friends and si manang na nga lang yung nandhan para kay Seulgi tapos si Irene na unti-unti niyang nagugustuhan, aagawin pa ng kuya niya. And Irene needs to make it clear sa Kuya ni Seulgi na she likes girls if ever magmake siya ng move. Sobrang awang-awa na ako kay Seulgi dito, walang kasalanan kuya niya pero lahat inagaw na nito mula sakanya pati ba naman si Irene?
hotpinkMIMI #7
Chapter 26: ud po agad otorrr:>
hotpinkMIMI #8
Chapter 26: misshu
elaidya095 #9
Chapter 19: Itong si bogum na to dikit ng dikit 🙄 tsaka grabe ka na byul isa lang dapat 😆
eunxiaoxlove #10
Chapter 26: Love the update