Ch 40

BAD CHICK

"Please Tita Belle let me talk to her" 

 

Isang linggo na ang nakalipas nung idineklara ng tatay ko ang tungkol sa pagiging engaged ko kay Snow at isang linggo na rin ang nakakaraan nang huli kaming magkita at magkausap ni Jennie. Hindi siya pumapasok sa school kaya nagpasya ako na puntahan na siya. Si Tita Belle ang humarap sakin at nagsabing ayaw raw akong kausapin ni Jen. 

 

"I'm sorry, Lisa. Nasaktan si Jennie sa ginawa mo kaya naiintindihan ko kung bakit ayaw ka niyang makita at makausap sa ngayon. Sana naiintindihan mo rin yung sitwasyon niya. Give her time. Mahal ka ni Jen at pasasaan ba at kakausapin ka rin niya" sabi nito sabay tapik sa balikat ko. 

 

Sinubukan kong makiusap pero kahit na anong pilit ko, hindi niya pa rin ako pinagbigyan. 

 

"I'm sorry tita. Pakisabi na lang po na handa akong maghintay hanggang sa handa na siyang harapin ako. Pakisabi na rin po na mahal na mahal ko siya" 

 

"Makakarating" 

 

Isinara niya na ang pinto at dun hindi ko na napigilang mag breakdown. Napaupo na lang ako sa paanan ng kanilang pintuan habang pinapabayaang umagos ang aking mga luha. Matagal rin akong nanatili roon hanggang sa napagdesisyunan ko nang umalis. Ngunit bago ako tuluyang lumisan ay napatingin pa ako sa bintana ng kwarto ng mahal ko. 

 

"Babalik ako mahal at aayusin ko ang lahat" 

 

 

 

 

Jennie

Nadudurog ang puso kong makitang umiiyak siya pero hindi ko pa magawang harapin siya sa ngayon. Masyado pang masakit ang lahat para sa akin. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing iniisip kong nagbago ang tingin niya sa akin dahil lang madumi kong nakaraan. Hindi ko siya masisisi dahil kahit ako ay ikinahihiya ko kung ano ako dati. Dapat kasi sa simula pa lang nakinig na ko sa mga nagsasabing hindi kami bagay at masyadong mataas at malinis si Lisa para sa akin. Pero hindi ako nakinig at bagkus ay ipinilit ko pa rin ang gusto ko. Pinagmasdan ko mula sa bintana ng kwarto ko ang pag alis ni Lisa. Agad akong nagtago ng bigla siyang lumigon dito sa kwarto ko. Sinilip ko lamang siya at palihim na pinagmasdan. Sa isang linggong hindi ko siya nakita, sobrang laki ng pinagbago niya. Nangayayat agad siya at halatang hindi nakakatulog ng maayos. Sa totoo lang gustong gusto ko na siyang babain, halikan at yakapin pero sa ngayon mas nangingibabaw yung sakit sa katotohanang ikakasal na siya sa iba. Habang pinagmamasdan ko siya ay tuloy rin ang pagtulo ng aking mga luha. Isang linggo na pero tila hindi sila nauubos. Nang makaalis siya ay bumalik ako sa paghinga sa kama. Isinubsob ko ang ulo ko sa unan at saka muling umiyak ng tahimik nang maramdaman kong may mga kamay na humahagod sa likuran ko. Nang iangat ko ang aking ulo ay nakita ko si Tita Belle na malungkot na nakatingin sa akin. Agad akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit. 

 

"It's okay anak. Iiyak mo lang. Pasasaan ba at matatapos din ang lahat ng sakit" pang aalo nito sa akin. 

 

Mas lalong lumakas ang iyak ko at mas humigpit ang yakap sa mga sinabi ni Tita. Sana nga matapos na. Sana nga ganun na lang kabilis mawala ang sakit at kalimutan ang lahat.

 

 

Makalipas ang isang linggo...

 

"Sa wakas papasok ka na!" masayang sabi ni Chaeng. Nginitian ko lang siya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. Sa totoo lang ayoko pang pumasok dahil wala pa ako sa mood pero bukod sa pinilit ako ni Chaeng, nakokonsensya na rin ako para kay Tita Belle. Pera niya kasi ang ginagastos sa pag-aaral ko at pera niya ang masasayang kung babagsak lang ako dahil sa kapabayaan ko dahil broken hearted ako. Kaya kahit na labag sa loob ko ay pumayag na rin ako. Hindi pa rin ako handang harapin si Lisa pero kung hindi ko gagawin ngayon, kailan pa? 

 

Pagdating namin ng university, halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin. Ganito naman na sila noon pa pero iba yung tingin nila sa ngayon. Yung mga tingin na may halong awa. 

 

"Wag mo na silang pansinin Jen. Kalat na kalat na kasi dito sa campus yung tungkol sa engagement ni Lisa kay Snow" 

 

My heart aches at the mention of Lisa and Snow's engagement. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko dahil ayokong magmukhang mahina sa harap ng ibang tao. 

 

Kawawa naman siya no?

Serves her right. Lakas kasi ng loob niya na akitin si Lisa eh halatang halata namang hindi sila bagay. 

Yan talaga ang napapala ng mga ambisyosa.

Ilan lang yan sa mga narinig kong pagbubulungan ng mga estudyante patungkol sa akin. 

"Hindi kayo mananahimik?" nagulat ako nang biglang sugurin ni Chaeng yung mga nagkukumpulang mga tsismosang estudyante. 

 

Agad kong nilapitan si Chaeng at hinawakan sa braso para pigilan pero agad niya hinawi ang kamay ko. 

 

"Kung ayaw niyo dumugo yang mga bunganga niyo, manahimik kayo ha! Baka hindi ako makapagtimpi at mandilim ang paningin ko sa inyo" 

 

Iniangat ni Chaeng ang kamay niya na akmang sasapukin yung mga tsismosa kaya agad kong hinila ito. 

 

"Chaeng stop! Hayaan mo na sila" awat ko rito sabay hlila sa baywang nito. Ayokong mapaaway pa siya at mapatawag ng dean dahil sakin. 

 

Natakot naman sa kanya yung mga tsismosa at dali daling umalis sa harapan namin. 

 

"Nanggigigel talaga ako sa mga yun eh. Napaka chismosa kala mo naman alam nila lahat ng nangyayari!" asar nitong sabi. 

 

"Wag mo nang pansinin. Halika na pumasok na tayo"

 

Nagtungo kami sa classroom at agad na nagsitahimikan ang lahat pagpasok namin. Lahat sila nakatingin sa akin habang papasok ako ng classroom. Habang naglalakad ako patungo sa upuan ko ay agad na nahagip ng mga mata ko ang upuan ni Lisa. Wala siya roon. Tanging si Jisoo at Seulgi lamang ang naroroon. Ngumiti sila sa akin at pinilit kong ngitian rin sila hanggang sa makaupo na ako sa pwesto ko. 

 

"Jen you're back!" excited na bati sa akin ni Irene sabay yakap.

"Namiss ka namin Jen" sabi naman ni Joy. 

 

Napangiti ako nang makitang lahat sila ay masayang makita akong nakabalik nang eskwelahan ngunit mapuknat ang tingin ko sa bakanteng upuan ni Lisa. Sa tuwing may pumapasok rin sa pinto ay hindi ko maiwasang iangat ang ulo ko para icheck kung si Lisa na ba yung dumating. But to my dismay they're not her. 

 

Napansin ni Chaeng na kanina pa ko palinga linga sa pintuan kaya agad siyang lumapit at bumulong sa akin. 

 

"2 days na siyang absent. Pangatlo na ngayon kung hindi siya darating"

 

Napatingin ako sa kanya na mistulang nagtatanong gamit ang aking mga mata. Nagkibit balikat ito saka nagsalita.

 

"Hindi ko alam? Maski si Jisoo walang alam dahil hindi daw sila kinocontact ni Lisa" 

 

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Chaeng. Bakit hindi siya pumapasok at bakit maski sila Jisoo walang alam? Bigla akong nakaramdam ng kaba at pagkakonsensya dahil si Lisa yung tipo ng tao na hindi pababayaan ang pag aaral niya. These past few days paulit ulit kong nababalitaan sa mga kaibigan ko ang paglalasing ni Lisa sa mga clubs at bar. Jisoo even called me once asking me to pick her up dahil ayaw raw magpaawat pero I didn't come. Hindi ako pumunta hindi dahil wala akong pakialam kundi dahil kailangan ko pa ng time para sa sarili ko. After that call, wala na akong narinig na balita tungkol sa kanya. What are you up to Lisa? Kahit na gusto kong mawalan ng pakialam hindi ko magawa dahil ang totoo, sobrang nag aalala pa rin ako para sa kanya. Tumayo ako at dali daling umalis. 

 

"Jen wait! San ka pupunta mag uumpisa na ang class!" sigaw ni Chaeng but I ignored her and run.

 

After a couple of minutes, I found myself standing outside the the law building waiting for someone to arrive. Hindi naman nagtagal at dumating na rin yung taong hinintay ko. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para pumunta rito at kausapin siya pero ito lang ang alam kong paraan para malaman ko kung nasaan si Lisa. 

 

"Snow" tawag ko sa kanya at halata ang pagkabigla sa mukha niya ng makita niya ako. 

 

"Jennie. What are you doing here" tanong niya. 

 

Habang nagiisip ng isasagot ay nagawa ko pang pagmasdan ang ayos niya. Her mere presence shouts poise and elegance. No doubt kung bakit siya ang gusto ng tatay ni Lisa para sa kanya. Sobrang bagay nila para sa isa't isa. The way they present themselves, the way they talk and move, parehong pareho. They are both well mannered. 

 

"I'm here to ask you about Lisa. 2 days na daw siyang hindi pumapasok. Baka lang alam mo kung nasaan siya?" lakas loob kong tanong sa kanya. 

 

Pinagtaasan niya muna ako ng kanang kilay at saka siya sumagot. 

 

"Kahit na alam ko kung nasaan siya hindi ko sasabihin sa'yo. Lisa never gets drunk but because of you she did. Halos sirain niya ang buhay niya dahil lang sa'yo. At akala mo ba hindi ko alam na ilang beses ka niyang pinuntahan but you just ignored her. Ngayong nawawala siya, nag aalala ka? I'm sorry Jennie pero wala kang mahihita sa akin. Mas mabuti pa kung layuan mo na lang si Lisa dahil wala ka namang mabuting naidudulot sa kanya. Puro sakit lang ang binibigay mo sa kanya"

 

Kumunot ang noo ko at gustong kong sampalin siya. Wala siyang karapatang sabihan ako kung ano ang dapat kong gawin. 

 

"Wala kang alam sa nararamdaman ko kaya wala kang karapatang husgahan ako. Nasaktan rin ako at nasasaktan pa rin ako sa katotohanang iniliham niya sa akin ang tungkol sa engagement niyo. Hindi mo alam kung gaano kasakit yun kaya wala kang karapatang diktahan ako sa mga dapat at hindi ko dapat gawin tungkol sa relasyon namin at mas lalong wala kang karapatang utusan akong layuan siya. Lalayo lang ako sa kanya kung siya mismo ang magsasabi sa akin" tahasan kong sabi habang matalim na nakatingin sa mga mata niya. 

 

Nakita kong nagngalit ang mga panga niya ngunit wala akong pakialam. Mali na pumunta pa ako rito at umasang  may mahihita ako sa babaing yun. Tinalikuran ko siya at saka naglakad papalayo. I took my phone inside my bag and dialed her number.

 

The number you dial is currently unavailable. Please try again later.

Ilang beses ko pang inulit ang pagdial ng number ni Lisa pero pareho lang ang nakukuha ko hanggang  sa sumuko na ko at bumalik na sa classroom. 

 

Where ever you are, I hope you're fine.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Lumipas pa ang ilang araw at hindi pa rin nagpaparamdam si Lisa. Even Jisoo and Seul don't know where she is. Natapos na naman ang klase na wala kaming balita kung nasaan siya. Maski sa mga tawag at text ko hindi siya sumasagot. Sobrang nag aalala na ko pero wala akong magawa kundi ang hintayin ang pagbabalik niya. 

 

 

"Ano Jen tara!" aya ng mga kaibigan ko. Kanina pa nila ako kinukulit na sumama sa kanila sa bar. Sa totoo lang wala ako sa mood ngayon pero imbes na magmukmok ako at ubusin ko ang oras ko kakaisip sa kanya, bakit hindi na lang ako sumama para makalimot sa mga problema kahit sandali.

 

"Oo na! Sige na!" 

 

Nagpalakpakan silang lahat at agad naman akong hinila ni Chaeng papunta sa kotse niya. Ilang sandali pa ay narating na namin ang bar na madalas naming tambayan noon. Pagpasok pa lang ay bumungad na agad sa amin ang pinaghalong amoy ng usok ng sigarilyo at pawisang mga tao na nagsasayawan at nagkikiskisan sa dance floor. Ang tagal na rin palang panahon ng huli akong pumunta rito. Simula kasi nung naging kami ni Lisa hindi na ko sumama sa tuwing magbabar sila dahil ayaw niyang nag iinom ako at ginagabi sa ganitong klaseng lugar. Madalas nauuwi lang kami sa away kaya imbes na pag awayan pa namin ay ako na lang ang nag adjust. Handa naman akong sundin lahat ng gusto niya para sa akin eh.

 

Nagsimula kaming mag inuman at makalipas ang ilang oras ay nakaramdam na ako ng pagkahilo dahil sa dami ng nainom ko. Nagiging maingay na rin ako at madaldal. Pero ang di ko inaasahan ay yung bigla na lang akong umiyak sa balikat ni Chaeng. Kaming dalawa lang kasi yung nandito sa couch ngayon dahil yung ibang mga barkada namin ay nagsisimula nang makipagsayawan.

 

"I miss her Chaeng. I miss her so much!" sabi ko habang humihikbi sa balikat niya. Naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko para icomfort ako. Patuloy ako sa pag iyak nang bigla hawakan ni Chaeng ang mga pisngi ko. Namumungay na pareho ang mga mata namin habang nakatingin kami sa isa't isa. 

 

"Alam mo hindi ka namin dinala rito para magmukmok. Mabuti pa tara dun sa gitna, magsayaw tayo" aya niya sa akin saka niya binitawan ang mukha ko at hinila ako sa braso.

 

Wala na akong nagawa kundi ang magpahila na lang sa kanya. Nagsayaw kami na parang wala nang bukas. I swayed my hips and I felt someone grabbing my waist. Hindi ko pinansin dahil alam kong si Chaeng lang naman yun. Malamang lasing na rin ang loka. Iminulat ko ang mga mata ko at kumunot ang aking noo ng makita kong isang matangkad na lalaki ang nakahawak sa baywang ko. Inilinga ko ang ulo ko para hanapin si Chaeng pero hindi ko siya mahagilap. 

 

"Let me go" sinubukan kong alisin yung kamay ng lalaki sa baywang ko pero hindi ako nagtagumpay. Sa halip ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak roon saka niya ko hinila papalapit sa katawan niya. Wala nang space sa pagitan naming dalawa ngayon and I can already feel his crotch against my stomach. Pinilit ko pa ring makawala pero napakalakas niya. 

 

"Don't be hard to get baby. Hindi ka ba nag eenjoy?" bulong niya sa tenga ko. I used to love the word baby but only if Lisa is calling me that. Agad akong kinilabutan when the man kissed my neck. Nagpumiglas ako and I even punch his chest but he just laugh at me. Wala na rin kasi akong lakas dahil sa kalasingan ko. 

 

"Please let me go" I said while my was closed but the man never budge. 

 

"Please Lisa. Save me love" pagsusumamo ko hanggang sa naramdaman ko na lang na nawala na yung mga kamay na nakakapit sa baywang ko at humahalik sa leeg ko. When I opened my eyes I saw someone on top of the guy giving him hard punches on his face. 

 

 

 

 

 

 

 

"Li--Lisa?"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author