Ch 3

BAD CHICK

Maaga akong nagising dahil sa maingay na tunog ng alarm ko. Agad akong bumangon katulad ng nakasanayan ko para maghanda na sa pagpasok sa eskwela. Ayoko kasi ng nalelate ako kaya maaga talaga akong bumabanagon araw araw. 

 

Pagtapos kong maligo, I walked towards my walk in closet at pumili ng disenteng damit na maisusuot.  I always wear formal attire dahil every after class ko sa hapon diretso na ako sa kompanya namin. Tinetrain na rin kaso ako ni Dad on how to run our business para daw pagkagraduate ko eh hindi na ko mahihirapan mag adjust. 

 

Habang nag aayos ay narinig kong may kumatok sa may pinto. 

 

"Ma'am Lisa?" tawag ng isang kasambahay namin. 

 

"Ma'am Lisa gising na po ba kayo?" 

 

"Yes manang bakit ho?" tanong ko habang inaayos ko yung sleeves ng polo ko sa harap ng salamin.

 

"Pinapatawag na po kasi kayo ni Sir. Sabayan niyo na daw po siya magbreakfast. Saka pinapasabi niya po na bilisan niyo daw kasi may nagiintay sa inyo sa baba" 

 

"Ah sige po manang, pasabi po pababa na ko" 

 

"Okay po"

 

After one last look on myself, bumaba na ko para puntahan si Dad. Himala ata na nandito pa siya. Hindi yata siya pumasok ng maaga sa opisina. Ba't kaya? tanong ko sa sarili ko. Then biglang naalala ko na may nag aantay daw sakin sa baba. Sino naman kaya yun at ang aga aga para pumunta dito?

 

Nagmadali na ko papuntang dining area dahil baka mainip yung naghinintay sakin. Pagpasok ko roon ay agad kong nakita si Dad. May kasama siyang isa pang lalaki at babae. Hindi ko madistinguish kung sino dahil nakatalikod sila sakin. Hindi naman nagtagal at napansin na ni Dad ang presensya ko. 

 

"Oh eto na pala si Lisa eh!" nakangiting sabi ng ama ko.

 

Agad akong lumapit at hinalikan si Dad sa pisngi. 

 

"Morning Dad" bati ko bago ako umupo sa upuan sa kanan ni Dad. 

 

Napatingin ako sa mga bisita niya. They look really familiar to me. Yung lalaki na parang kasing edad lang ng tatay ko ay nakatingin sakin tapos ngiting ngiti at ganun din yung babaeng kasama niya na kasing edad ko naman. 

 

Tinitigan ko sila ng mabuti at nanlaki ang mga mata ko when I realized who they are. 

 

"Uncle Max? Snow?" gulat na sabi ko at natawa naman sila.

 

Nakikita ko naman sila sa picture pero iba pa rin sa personal. Anlaki na kasi ng pinagbago ng itsura nila eh, lalo na tong si Snow.

 

"Kala ko di mo na ko makikilala eh. Muntik na ko magtampo!" nakapout na sabi nito. 

 

"Sorry. Medyo naghang yung utak ko. Grabe laki nang pinagbago mo!" nakangiting sabi ko.

 

Uncle Max is my Dad's bestfriend at kababata ko naman si Snow. Actually, bestfriend ko siya at siya rin yung first crush and first kiss ko pero mga bata pa kami nun. Sobrang payatot at lampa tong si Snow noon kaya palagi ko siyang sinasamahan sa playground kasi palagi siyang binubully nung ibang mga batang naglalaro dun. Maliit pa kami nung mag migrate sila sa US at simula nun madalang ko na lang siyang makausap. Minsan nakakachat ko siya sa messenger pero ilang months na rin ang nakalipas simula nung huling beses kaming nagusap kaya wala na kong balita sa kanya. Hindi niya naman nabanggit sakin nun na uuwi sila dito. 

 

"Kelan pa kayo dumating?" 

 

"Kahapon lang. Nagpahinga muna kami nitong si Dad sa bahay bago kami nagpunta dito. Hindi ko talaga pinasabi kay Uncle Marco kasi I want to surprise you" 

 

Napangiti naman ako. 

 

"Well, I'm surprised. So, hanggang kelan kayo dito?"

 

She looked at me and smile widely. 

 

"Actually, I have another surprise for you" 

 

"What is it?" 

 

"Dito na ulit kami for good and I enrolled in your school, Lis. So, madalas na tayong magkikita"

 

Lumapad naman yung ngiti ko sa sinabi niya. Siyempre masaya ko na may bestfriend is back. Namiss ko rin yung mga kakulitan namin noon. 

 

"Wow that's great! Okay, yun para palagi na tayong magkikita" nakangiting sabi ko. 

 

"That's basically the reason why I enrolled her in your school Lis. Siyempre matagal kaming nawala dito sa Pinas at baka mahirapang mag adjust tong si Snow pero dahil nandun ka alam kong hindi mo pababayaan ang anak ko" sabi naman ni Uncle Max. 

 

"Oo naman Uncle! Makakaasa kayo sakin. Akong bahala sa kanya. Sisiguraduhin kong makakapagadjust agad siya" I said while nodding my head and smiling at her. 

 

 

 

 

 

 

 

"So, ano palang course ang kinuha mo?" tanong ko kay Snow na ngayon ay kasabay ko sa kotse ko papasok ng university. 

 

Pinasabay ko na siya sakin nung nalaman kong hindi pa pala nakakabili si Uncle Max ng kotse para sa kanya. So, I offered my car na lang para di naman nakakahiya. Besides, sa iisang university lang den naman ang tungo namin eh. 

 

Tumingin naman siya sakin bago siya sumagot. 

 

"Pre Law" nakangiting sagot niya. 

 

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Last time I knew hindi niya gustong mag law eh. 

 

"What happened to Culinary? Diba yun yung gusto mo? Diba pangarap mong magkaroon ng chain of restaurants na sarili mo tas culinary school? Bat nag law ka?" usisa ko. 

 

Kahit na matagal kaming di nagkita at nagkausap hindi naman yun naging dahilan para ma- awkward kami sa isa't isa. Parang katulad pa rin ng dati, we can say whatever we want sa isa't isa, parang walang pinagbago kaya nakakatuwa. 

 

Huminga naman siya ng malalim bago nagsalita. Parang alam ko na kung anong sasabihin niya. 

 

"Well, obviously Dad wants me to took up Law para ako yung magmamanage ng law firm namin pagka graduate ko, I mean pag nakapasa ko ng bar" she said then chuckled. 

 

Tumatawa siya pero halata ko namang hindi ito yung gusto niya. Halata ko namang hindi siya masaya. 

 

"Why didn't you tell Uncle Max, malay mo maintindihan ka naman niya na wala kang interes sa law at law firm niyo" sabi ko while taking a quick glance at her bago ako muling tumingin sa daan.

 

I heard her chuckle once again. Nakatingin lang den siya sa daan habang nagsasalita. 

 

"Sa tingin mo hindi ko ginawa yan? Of course I tried telling him that Lisa pero walang nangyari. I'm an only child kaya wala akong ibang aasahan na magmanage ng firm kundi ako. Pero okay lang. Tanggap ko naman na" nakangiti niyang sabi. 

 

"Well that !" 

 

Tumingin siya sakin at tumawa. 

 

"Ikaw, anong course ba kinuha mo?" 

 

"Engineering" 

 

"So, I assumed kaya ka nag engineering dahil ikaw den magmamanage ng firm niyo when you graduate? Tama ba ko?" tanong niya ng may nakakalokong ngiti. 

 

"Hey hey don't judge me. Gusto ko talaga ang engineering, okay?" depensa ko sa sarili ko dahil alam kong iniisip niya na pareho lang kami ng tadhana. 

 

"Pft! Gusto your face! Wag nga ako Lisa! So, what happened to your ultimate dream of being a photographer? Yun ang totoong gusto mo diba? Naalala ko pa nga nung mga bata pa tayo na lagi kang may dalang camera tas lagi mo kong kinukuhanan ng stolen shots" 

 

Napangiti ako ng maalala ko yung mga pinaggagagawa namin nung mga bata pa kami. Natatandaan niya pa pala yun. 

 

"Well, siguro what happened is nag matured ako?" seryosong sabi ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. 

 

She looked at me as if telling me to stop fooling around  kaya natawa naman ako. 

 

"Seryoso nga kasi. Narealized ko na pwede ko namang gawing hobby yung photography habang minamanage ko yung firm namin. So, ayun. Saka nagustuhan ko na rin talaga yung engineering. Masaya naman den sa office kaya naeenjoy ko siya" 

 

She looked at me and smiled pero alam kong hindi pa rin siya convince pero pinagkibit balikat ko na lang at idinaan sa ngiti. Totoo naman kasi na mahal ko na rin naman ang accountancy. Besides, like her, only child den ako kaya walang ibang aasahan si Dad na magmamanage nung kompanya namin kundi ako. Well, I guess ito lang naman yung magiging sukli ko sa magandang buhay na binigay niya sakin. Nagiging mabuting anak lang naman ako. 

 

Hindi naman nagtagal at narating na namin 
ang university. 

 

"We're here" nakangiting sabi ko kay Snow. 

 

She looked outside at halata ko naman sa mukha niya na excited na rin siyang pumasok. For sure mageenjoy naman siya sa eskwelahang to basta wag niya lang makakabangga yung grupo nina Jennie. I parked my car sa usual na pinagpaparkingan ko. Kinuha ko yung bag ko sa back seat at saka ko yun sinukbit sa balikat ko at lumabas ng kotse. Tumakbo naman ako papunta sa shotgun seat para pagbuksan si Snow ng pinto. I laid my hand on her at masaya niya namang inabot yun. Inalalayan ko siya sa pagbaba sa kotse. 

 

"Thanks" 

 

Nginitian ko siya and said, 

 

"Let's go inside" 

 

Tumango naman siya but before we could enter nakarinig na kami ng mga pito at hiyawan. Hindi na naman magkanda ugaga yung mga lalaki dito at alam ko na kung bakit. Ay hindi pala ano, kundi sino ang may kagagawan ng komosyon dito ngayon. Nakakairita yung ingay nila. Parang ngayon lang nakakita ng tao. 

 

Napalingon ako kung saan nagmumula ang sipol at ingay ng mga kalalakihan at hindi ako nagkamali. It's Jennie. 

 

Jennie Kim. Andito na siya and as usual kaya di na naman mapaihe ang mga lalaking to dahil suot niya na naman ang signature look niya na mini skirt, cropped top, and high heels. Napakunot noo na lang ako at huminga ako ng malalim dahil ako yung naistress sa suot niya. Bagay naman sa kanya yung damit niya kaya lang kasi this is a school, not a ing fashion show. She should've wear something appropriate, yung kagalang galang. Kung pwede ko lang siyang kaladkarin sa cr at pagbihisin gagawin ko dahil naiirita ko sa mga matang nakatingin sa kanya na kung makatingin  kala mo inuulam na siya, kaso wala naman akong karapatan. Wala naman kaming batas regarding sa dress code ng mga estudyante at lalong hindi naman kami close para gawin ko yun at pakialaman siya. 

 

"Who is she?" tanong ni Snow na nakatingin kaya Jennie ngayon. 

 

"Jennie Kim" 

 

She nodded her head. 

 

"She seems famous, especially to boys" seryosong sabi niya. 

 

"Well, she is coz she's pretty and hot that's why" sagot ko na ikinagulat ko rin. Hindi ko alam kung saan nanggaling yun. 

 

Napatingin naman sakin si Snow pero walang ekspresyon yung mukha niya at nagulat na lang ako sa tinanong niya. 

 

"You find her pretty and hot? So, do you like her? Should I befriend her para makilala ko siya and check if she's suitable for you?" 

 

I was taken aback by her question and I was dumbfounded for a few seconds bago ko tuluyang nabawi ang sarili ko. 

 

"You better stay away from her, she's a bad news Snow" sabi ko bago ko siya inakbayan para kuhanin ang atensyon niya na nakay Jennie. 

 

Hindi naman siya umalma. We walked towards the entrance but before we could get inside the campus ay muli kong nilingon si Jennie only to find her looking at me as well. Seryoso siyang nakatingin sakin. Wala na yung ngiti sa mga labi niya na nandun kanina nung dumating siya. Baka nawala sa mood nung makita ako. Hinayaan ko na lang. I averted my gaze at her at saka dumiretso na papasok sa loob. 

 

 

 

 

 

 


-----
What do you think about LiSnow? Ewan ko, pero feeling ko bagay sila. 🤔
By the way, maagang update dahil sobrang good ng morning ko dahil sa sobrang good ng news na ito!!! 

Finally! The Queens will be back!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author