Ch 6

BAD CHICK

"Sige na kasi Jisoo, Seul! Ako na kakausap kay ma'am" pagmamakaawa ko sa dalawang mokong kong kaibigan. 

 

"Hindi mo ba narinig si Ma'am Lisa? Changing of groupmates or partners are not allowed. Gusto mo ba talagang mabengbeng tayo nun?" sagot naman ni Seulgi. 

 

"Ano ba kasing problema mo? Si Jennie lang naman yun" tanong naman ni Jisoo. 

 

"Hindi niyo kasi ako---" I wasn't able to continue kung anong sasabihin ko when someone cuts me off. 

 

"Jisoo is right. Ako lang to Lisa. So, what's with the fuss?" Jennie said while raising her one brow up.

 

Napalingon kaming tatlo when she suddenly spoke behind us. Di man lang namin naramdaman na nasa likod na pala namin sila. 

 

Hindi ko nagawang sumagot. Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung anong idadahilan ko. Hanggang sa unti unti siyang lumapit sakin to the point na ramdam ko na yung pagtama ng hininga niya mukha ko. Her eyes never left mine. Of course hindi din ako papatalo. Nakipagtagisan lang ako ng titig sa kanya. Her eyes traveled from my eyes down to my lips then she smirked. 

 


"Are you afraid of me Manoban?" 

 

I looked around and I saw that her friends are looking at us ng may mga nakakalokong ngiti. Yung ngiting parang naghahamon. So, with creased brows I answered,

 

" And why would I be afraid of you?" 

 

Pinagtaasan niya ulit ako ng kilay. 

 

"Eh, bakit mo kailangang makipagpalit sa kanila kung hindi ka natatakot sakin?" sabi niya bago niya mas inilapit ang mukha niya sakin. Now the tip of our nose are almost touching each other. 

 

"Coz I know kung gaano ka kapasaway, Kim. I just don't want to fail this class just because I got partnered with a spoiled brat like you" I said giving her a knowing look. I even look at her from head to toe. 

 

I saw how her expression changed. I don't know if it just my imagination that I saw her being hurt with what I've said. ! Am I too harsh? Now I felt guilty.

 

Sinamaan niya naman ako ng tingin. Her jaw was now clenched. Okay maybe I didn't hurt her feelings, maybe I made her mad. 

 

"Don't worry Manoban, I won't stain your good reputation" she said, leaving me dumbfounded.

 

Napantingin ako kina Jisoo at Seulgi and they are both shaking their heads.

 

"What?" I asked them. 

 

"For a student council president like you, I'm disappointed. That's foul dude. Sobra naman ata yung sinabi mo kay Jennie. You don't know her that much para sabihan mo siya ng ganun" Jisoo said before both of them left me there.

 

I heave a deep sigh. They are right. Bilang student council president ako dapat ang unang umiintindi sa mga estudyante. What I did is really disappointing. I guess I owe her an apology. 

 

 

 

 


-----

Chaeng's POV


"Napaka yabang talaga ng Manoban na yun! Porke ba student council President siya? Dapat dun tinuturuan ng leksyon eh. Gusto mo Jen paabangan ko sa mga tropa ko sa kanto, para matuto?" 

 

"Can you just shut up Jackson! Alam mo hindi ka nakakatulong. Pag ginawa mo yun mas lalo lang lalala ang sitwasyon. Mas lalo lang iisipin ng mga estudyante dito that Jen is what they think she is. A bad and a spoiled brat. Hindi ka ba nag iisip?" galit kong sabi kay Jackson. Naririndi na rin kasi ako sa bunganga niya. Kalalaking tao pa naman at napakadaldal! Wala namang sinasabing matino. 

 

Jennie stood up from her seat and walked out of the room. Sinundan ko naman siya ng mag isa. Sinabi ko sa tropa na ako na lang muna ang kakausap kay Jennie. Hindi naman sila umalma coz they know that I am the only one who can talk to her kapag ganitong bad mood or galit siya. Well, that's what they thought. They thought she's mad but I know her better. I know kahit hindi ipakita ni Jen, I know she's hurt. 

 

I walked towards the grandstand and there I found her sitting on the corner habang nakatingin sa kawalan. When Jennie is hurt, she's just silent. She didn't cry kasi ayaw niyang makita ng iba na umiiyak siya. Ayaw niyang isipin nila na mahina siya. Kaya nga she's always wearing her face on kahit na nasasaktan na siya. But that is just her facade. I know her more than that dahil sa tagal na rin naming magkaibigan. Kaya alam kong nasaktan siya sa sinabi ni Lisa. 

 

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Naramdaman ko na lang yung pagpatong ng ulo niya sa balikat ko then I heard her sniffed. She's now crying. I kept silent kasi that's what Jennie wants. Ayaw niya ng madaldal kapag malungkot siya. Gusto niya lang ng balikat na maiiyakan at masasandalan niya sa mga ganitong pagkakataon. I let her cry habang hinahagod ko ng kamay ko ang likod niya. Makalipas ang halos kalahating oras tumigil na rin siya sa pag iyak. She lifted her head up and she looked at me.

 

"Thanks Chaeng" she said which I just responded with a smile. 

 

 

 

 

"Chaeng sandali naman! Sige na please... kausapin mo na ko sandali lang naman" sabi ni Lisa habang sinusundan ako palabas ng university para imeet sila Jennie. 

 

Naiwan kasi ako sa room dahil kinausap pa ko ng prof namin kaya pinauna ko na sila Jen sa bar. Nag aya kasi ang loka at sabi ko susunod na lang ako. Tas paglabas ko ng room andun pala si Lisa. Hindi ko siya pinansin dahil galit pa rin ako sa pang iinsulto niya sa bestfriend ko pero pilit niya kong kinakausap. Kesyo hinintay niya daw ako kasi kailangan niya daw ng tulong ko. Diba the audacity! Kanina niya pa ko sinusundan kahit na ayoko siyang kausapin. Nagmadali pa nga ako sa paglabas ng university para lang maiwasan ko siya pero di umubra dahil nasundan niya pa rin ako. 

 

"Lisa pwede ba! Hindi ba halatang iniiwasan kita? Bat ba ang kulit mo? Saka wala ka bang ibang kaibigan na pwedeng tumulong sayo at ako tong pineperwisyo mo?" inis na sabi ko sa kanya.

 

She kept silent for a moment. Mukhang nahihiya siya but I don't care. Pasakay na sana ko ng kotse ko pero napahinto ako ng magsalita ulit siya. 

 

"I have other friends but I don't think they could help me. Ikaw lang talaga ang makakatulong sakin eh" nahihiyang sabi niya habang nakatingin sakin. 

 

Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. 

 

"And what made you think na tutulungin kita? After what you did to my bestfriend?" pagtataray ko. 

 

"Yun na nga eh. Ikaw lang makakatulong sakin kasi ikaw yung bestfriend ni Jennie. Kaya I'm sorry if I'm bugging you but I really need your help Chaeng" 

 

I looked at her from head to toe. Ano kayang kailangan niya? 

 

"Talk" utos ko sa kanya. 

 

I think I want to hear what she's going to say. 

 

"I know I been harsh to her---" 

 

"Buti alam mo! You judged her, do you know that?" sabi ko while cutting her off sabay irap ko sa kanya. 

 

"I know. Kaya nga gusto ko sanang magsorry. Gusto ko lang bumawi coz I know I hurt her feelings" nahihiyang sabi niya.

 

I looked at her in the eyes and asked, 

 

"Sincere ka ba?" taas kilay kong tanong sa kanya.

 

"Oo naman" mabilis na sagot niya habang tumatango.

 

Tinitigan ko ulit siya at sinubukang basahin ang mata niya. Well, mukha naman siyang sincere. Then an idea came into my mind. Napangiti naman ako sa naisip ko. 

 

"Well then, sige tutulungan kita" nakangiting sabi ko.

 

"Talaga? Thank you!" tuwang tuwang sabi niya naman. 

 

"Don't thank me yet dahil hindi ko pa alam kung mapapatawad ka agad ni Jen. Just to give you a heads up, hindi siya ganun kadaling suyuin" seryosong sabi ko. 

 

Natahimik siya ng sandali. I just looked at her, hinihintay kung ano ang magiging reaksyon niya.

 

"I'll do whatever it is para lang mapatawad niya ko" desididong sagot niya. 

 

"Sure ka?" tanong ko ulit sa kanya. 

 

"Oo Chaeng.  Just tell me what I need to do at gagawin ko" sabi niya direct to my eyes. 

 

I smiled. 

 

"Okay then. Meet me here tomorrow at exactly 7am, okay?" 

 

"Okay. Thanks Chaeng. I appreciate it" 

 

Nginitian ko naman siya bago ako pumasok sa kotse ko at nagpaalam sa kanya para sumunod kina Jennie sa bar. 

 

This is going to be fun!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author