Ch 22

BAD CHICK

"Ano ba Lisa kanina ka pa pabalik balik dyan! Pumirme ka nga! Ako yung nahihilo sa ginagawa mo eh!" saway ni Jisoo sakin. 


Andito kami sa bahay niya ngayon. Dito kami dumiretso pagka- galing namin dun sa arcade kung saan ako napasubo ng pustahan kay Jennie. 


I sat down beside the pool while Jisoo and Suelgi were swimming. Kanina pa nila ko inaaya to join them but I am not in the mood. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang Jennie beat me. Now, yung bagay na iniiwasan kong mangyari ay mangyayari na at wala akong magawa. Bakit kasi nagpadala pa ko at pumayag na makipagpustahan sa kanya. Mali eh. Maling mali and now I am trapped. 


Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga pagkaupo ko sa gilid ng pool.


"Ano ba kasing problema mo Lisa? Hindi mo pa rin ba matanggap na natalo ka ni Jennie?" tanong niya habang papalapit siya sa kinauupuan ko. 


"Dapat kasi hindi na lang ako nakipagpustahan eh" 


"Lis bakit ba ang big deal nun sayo? You'll just spend a weekend with her lang naman. Why don't you just do it para matapos na? Kung ako yun, I will do it whole heartedly. Si Jennie Kim na yun oh, nag iinarte ka pa! Come on dude! That's a blessing but you're treating it like a curse! Swerte mo nga eh!" sabi naman ni Seulgi after she drank the glass of ice tea. 


"Then do it instead of me!" pikong sagot ko. 


Agad namang umahon si Jisoo at tumabi sakin. She tapped my shoulder that made me look at her. 


"Tell me Lis. Ano ba talagang problema? Nagkakaganyan ka ba dahil ayaw mo lang talaga siyang makasama o nagkakaganyan ka dahil natatakot ka na baka if you stay a weekend with her eh marealize mong gusto mo na pala siya? That you are just afraid of falling in love with a bad chick?" 


Hindi agad ako nakasagot sa mga tanong ni Jisoo dahil alam kong tama siya pero ayokong aminin sa sarili ko coz I know that falling in love with Jennie is a bad idea. Sa sobrang magkaiba namin natatakot ako na baka we won't get along well. Isa pa, hindi ko alam kung ano ba talagang gusto ni Jennie sakin. Jennie is a well known palygirl and I am afraid to fall in deep and get hurt in the end. Kaya hangga't maaga pa, hangga't kaya ko pa, I am doing my best to avoid her. But she's too stubborn and keeps coming at me. 


"I don't know Chu. Alam mo kung anong pwedeng maging reaksyon ni Dad kapag nalaman niya ang tungkol dito"


"Well, he doesn't need to know. Isa pa malaki ka na Lisa. Dapat matuto ka nang magdesisyon para sa sarili mo. Hindi pwedeng palagi mo na lang iisipin yung magiging reaksyon ni tito. Enough na yung sinunod mo siya na mag engineering kahit hindi naman talaga ito yung gusto mo" payo niya. 

 

 

 

 

 


------

Jennie's POV


Saturday finally came and I am very excited coz this is the day that Lisa will going to spend her time with me. Sa sobrang excited ko maaga akong gumising at nagempake. May naisip na akong lugar kung saan kami pwedeng pumunta and I texted her to come here early dahil medyo malayo layo yung pupuntahan namin. 


"Jennie bangon na andito na si Lisa" Chaeng shouted downstairs. 


By the way dito ko pinatulog si Chaeng kasi she insisted that we have to finish our assignment first bago daw ako lumandi buong weekend. 


"I'm coming!" I shouted back. 


Nagmadali naman ako pababa dahil ayokong paghintayin ang bisita ko. Sa totoo lang, kinakabahan talaga ko kung darating ba siya dahil alam ko namang labag to sa loob niya at hindi rin siya nagreply sa text ko, but nevermind that now coz I am happy coz she's here now at mas maaga pa siya sa sinabi kong oras. Siguro excited den siyang makasama ako, nagpapakipot lang. I smirked at that thought.


Pababa na ko ng hagdan when I saw her back sitting on the sofa. Di ko naman maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ko siya. I just really can't believe that I'll be spending my weekend with my long time crush. Gosh! For sure this will going to be the most exciting and memorable weekend of my life!


"Kanina ka pa? Sorry, I didn't know you'll come this early" sabi ko nung makalapit na ko sa kanya. 


She quickly stood up when she heard me talking at agad akong hinarap. 


"No, it's okay I just came here to say---" hindi ko siya pinatapos dahil naisip ko na baka di pa siya nagbebreakfast. Better siguro kung ipaghanda ko muna siya ng makakain para naman hindi nakakahiya sa kanya. 


"Nag almusal ka na ba? Teka lang ipaghahanda kita ha. And by the way, anong gusto mo pag morning, coffee, tea, or milk?" 


"Ahm Jennie, you don't really have to do this. I just came here to tell you na hindi ako makakasama sayo. I have a very important thing to do right now and andito lang ako to give you this. This is a five star hotel accomodation I booked. Good for two yan, kung gusto mo isama mo na lang si Chaeng. I'm sorry" dire diretsong sabi niya.


Napakunot noo naman ako matapos niyang sabihin yun. I looked at her eyes and she looks so apologetic saka niya iniabot sakin ang isang envelopna kung hindi ako nagkakamali ay yung confirmation ng pinareserve niyang hotel accomadation. 


I took that envelop from her and she smiled weakly at me. 


"Well, please atleast let me prepare some breakfast for you. Nakakahiya naman at pumunta ka pa dito ng napakaaga"


"No need Jen I'm fi---" 


"I insist. Sit down" pagputol ko sa sasabihin niya. Agad naman siyang naupo at hindi na nakipagtalo pa sakin. 


I went to the kitchen at agad naman akong sinalubong ng bestfriend kong si Chaeng. 


"So what happened? Aren't you supposed to be happy? Ba't nakasambakol yang mukha mo?" tanong niya habang humihigop ng kape sa baso niya.


"Hindi daw siya pwede" I muttered before giving her the envelop na binigay sakin ni Lisa. 


Chaeng opened it and like me, I saw her brows furrowed after reading what's inside it. 


"Seriously? The audacity of her to come here and bring you this instead of doing the consequences of the bet? Gosh! Inuubos niya talaga ang pasensya ko ah!" sabi nito sabay tayo mula sa kitchen stool na kinauupuan niya. 


"Where are you going?" I asked. 


"Let me knock some sense out of that girl!" tiim bagang niyang sagot sakin. 


Dali dali ko naman siyang tinakbo bago pa siya makalabas ng kitchen. I held her arm and made her face me. 


"What?" tanong niya. 


"Don't. Let me handle this" 


"Anong balak mo?" 


"Basta. Can you make her a coffee instead?" 


"Seriously Jen? You want me to make a coffee for that ? Baka lasunin ko pa yan!" sabi niya sabay irap.


"Please?" 


"Fine. Gusto mo lagyan ko na to ng pampahilo para mawalan na yan ng malay tas pagsamantalahan mo na para wala nang kawala" tatawa tawang sabi niya. 


"Gaga. Basta just do it okay"


"Ano ba kasing pinaplano mo?" tanong niya na naman. 


Lumapit ako sa kanya at ibinulong ang plano ko. After doing that, nagkatinginan kami ang we both smiled after. 

 

 

 

 

 

 


-----

Lisa POV


"Si Jennie?" tanong ko when Chaeng came out from the kitchen carrying a tray of food with her. 


Inilapag niya sa maliit na table yung tray bago siya umupo sa single seater sofa na kaharap ko. 


"Nasa kusina pa. Kumain ka na dyan" sagot niya. 


I felt a little intimidated on how she looked at me sternly. Parang gusto niya kong balatan ng buhay the way siyang tumingin sakin eh. Now alam ko na kung bakit magbestfriend sila ni Jennie. Pareho silang nakakatakot eh. 


"Kain tayo" pag aaya ko sa kanya just to ease the tension.


"I'm good. Kumain ka lang dyan" 


I nodded my head and started eating. Mauubos ko na yung pagkain ko when Jennie show herself to us. 


Finally! bulong ko sa sarili ko. She's smiling at me and I just did the same then umupo na rin siya sa sofa na katabi nung kay Chaeng. They are both watching me as I eat my food. Nang maubos ko na yung inihanda nilang pagkain para sakin ay nagpaalam na ko. I stood up at ganun din naman sila. 


"I'll go now Jen. Thank you sa food and I'm sorry ulit" 


Once again she smiled at me. Hindi ko alam pero naninibago ako. Hindi ata siya nakipagtalo sakin at bakit parang hindi siya galit na hindi ako tumupad sa napagkasunduan? Kinurap ko ang mga mata ko at bahagyang iniling na lang ang aking ulo. Hindi ko alam kung anong nakain niya at mukhang okay lang sa kanya pero ang mas mahalaga ngayon eh yung pumayag siya at hindi nagalit. Siguro pagod na rin siyang makipagtalo pa sakin.


Naglakad na ako palabas ng bahay nila. Kasunod ko sa likuran si Jennie at Chaeng. Bago ako tuluyang lumabas ng gate ay hinarap ko ulit sila.


"Thank you ulit. Bye" 


"Bye"


Pagtapos nun ay lumabas na ko ng gate. 

 

 

 

 

 

 


"Hoy!" sigaw ko the moment I got outside. 


Nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong dalawang lalaki na tinatanggalan ng gulong ang sasakyan ko. Natanggal na nila yung isang gulong nung mapatingin sila sakin. Dali dali nilang isinakay sa tricycle yung gulong ng kotse ko at saka yun pinatakbo. 


"Hoy! Ibalik niyo yang gulong ng kotse ko!" sigaw ko habang sinusubukan ko pang habulin yung sinasakyan nila. 


I stopped nung tuluyan na silang makalayo. Bumalik ako sa kung saan nakaparada ang kotse ko at sa sobrang inis ko napakamot na lang ako sa ulo ko at napatadyak sa isang gulong just to release my anger. Pano na ko uuwi nito ngayon? Wala pa naman akong spare tire.


"Anong nangyari?" Jennie's voice caught my attention. 


"Ninakaw yung gulong ng kotse ko" inis na sabi ko ng hindi siya tinitignan. Nakatingan lang ako sa sasakyan ko. 


"Mabuti pa ihahatid na lang kita" sabi niya. 


Napatingin ako sa kanya at umiling. 


"Wag na. Magtataxi na lang ako" 


"No I insist" sabi niya saka niya ko hinila pasakay sa kotse niya. 


Sapilitan niya kong pinaupo sa shotgun seat at sinuotan ng seatbelt. 


"Pero teka pano yung kotse ko? Hindi ko pwedeng iwan yan dito. Baka mamaya hindi lang gulong ang mawala dun. Baka wala na kong kotseng balikan" sabi ko sa kanya pag upo niya sa driver's seat.


Hindi niya naman ako sinagot at nagsimula nang magmaneho. 


"Jennie can't you hear me yung kot---" I stopped when she stopped in front of their gate. Binuksan niya yung bintana and she talked to Chaeng. 


"Chaengie, ikaw nang bahala sa kotse ni Lisa ha" sabi nito sa bestfriend niya. 


"Yes Jen. Enjoy!" sagot naman ni Chaeng. 


Pagtapos nilang magusap ay isinara niya na ulit ang bintana at hinarap ako. 


"Okay na? Chaeng will take care of your car kaya chill ka na lang dyan" sabi niya while smiling widely at me. 


I bob my head and said, 


"Thank you" 


Nilingon niya ulit ako at nginitian. 


"Welcome" 

 

 

 

 

 

 

 


Nagpatuloy lang si Jennie sa pagmamaneho habang ako naman ay kanina pa nakapikit ang mga mata avoiding a conversation with her. Naninibago rin ako kasi ang tahimik niya, hindi ako sanay kaya naman iminulat ko ang mga mata ko at pasimpleng sinilip siya. I saw her smiling and I don't know why. Why is she so happy? Tinitigan ko siya and I smiled a little coz I realized how beautiful she is kapag nakangiti siya. Maganda na siya pero mas lalong siyang gumaganda kapag nakangiti siya.  Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sakin. Sa takot na mahuli niya kong nakatingin sa kanya ay agad kong iniwas ang tingin  ko sa kanya at tumingin sa daan ng diretso.


I heard her chuckle. Grabe! Kinabahan ako dun ah. Pinakalma ko ang sarili ko by just looking at the streets when I realized something. This road doesn't seem familiar to me. Napalayo ako sa sandalan at napalingon sa likod, sa harapan, at sa gilid pero hindi talaga ito ang daan pauwi sa bahay namin. 


"Wait, where are we going? This is not my way home" kunot noong tanong ko sa kanya. 


"Hindi nga. Diba may usapan tayo? Do you really think I would just accept your five star hotel accommodation and forget about our bet? You owe me your weekend Lisa. Sa ayaw at sa gusto mo"


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I thought okay lang sa kanya. Sabi ko na nga ba parang may iba eh. I knew it! She will never give up that easy. 


"Jennie didn't I tell you that I have a very important thing to do. Ibalik mo na to ngayon na!" 


"No!" 


"Jennie!" 


"No Lisa! You owe me this! Natalo kita remember? Hindi ako papayag na hindi ka tutupad sa usapan! Akala mo ba talaga masusuhulan mo ko? Well, dyan ka nagkakamali! Didn't I tell you too that what Jennie wants, Jennie gets! And by the way, don't worry too much about your car. Ibabalik nila yung gulong ng kotse mo" naka smirk niyang sabi sakin. 


Mas lalo akong napasimangot sa sinabi niya. 


"Ikaw?" kunot noong tanong ko sa kanya. 


"Yes. Inutusan ko ang mga yun na tanggalan ng gulong yung kotse mo. I'm sorry about that but you left me no choice Lisa"


Napakagat labi na lang ako sa sobrang inis. Gusto kong sumigaw but I'm trying to keep my cool. I can't believe she can do that. 


I shook my head and said, 


"You're crazy" I muttered. 


She smirked and looked at me. 


"Yes Lisa, crazy for you" 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author