Ch 38

BAD CHICK

"Baby, are you sure you're okay? Gusto mo puntahan na lang kita dyan para maalagaan kita?"
 

I feel so worried about Lisa. Tatlong araw na kasi siyang di pumapasok dahil sa trangkaso niya. Bukod dun wala siyang kasama sa bahay nila kundi mga maids dahil nabanggit niya na naka out of town ang dad niya. 

 

"Wag na babe. I have flu. Ayokong mahawa ka pa" 

 

"But I'm strong naman baby, for sure hindi ako mahahawa sa'yo. Please let me take care of you na lang kasi, mahal"

 

"Jen wag nang makulit. I'll be fine, okay?" 
 

She called me by my name na. Ibig sabihin seryoso siyang ayaw niya talagang mag paalaga. 
 

"But it's your birthday today, baby. I just want to be by your side on celebrating your special day" I said sadly hoping she will change her mind and allow me to be with her. Bakit naman kasi sa dinami rami ng araw ngayon pa siya nagkasakit. Hindi tuloy kami makapagcelebrate ng magkasama. 

 

"Babe, don't be sad na. We can celebrate naman my birthday some other time eh" 
 

I pouted my lips and looked at the gift I prepared for her inside my bag and suddenly felt so disappointed dahil mukhang di ko na talaga mababago ang isip niya. But being as stubborn as I am, hindi ako papapigil. I know Lisa will not like this idea but I'm sure hindi niya rin naman ako matitiis sa huli. Gusto ko lang talagang maging espesyal 'tong araw na 'to sa kanya. Gusto kong tumbasan yung effort na ginawa niya para sakin nung birthday ko. 












 

"Ano hindi pa ba sumasagot si Jisoo?" I asked Chaeng. 

 

Inutusan ko na si Chaeng na tawagan na si Jisoo para alamin yung address ni Lisa. Kanina ko pa kasi sila tinetext pero hanggang ngayon hindi sila nagrereply. Pareho kasi silang absent ni Seulgi kaya wala akong ibang mapagtanungan. Since kalandian naman ni Chaeng si Jisoo, baka sakaling sa kanya sumagot ang loka. 
 

"Wala pa eh. Sasakalin ko talaga 'tong si Jisoo pag nakita ko. Nakakapagtaka dahil ring lang ng ring ang phone niya. Usually, isang ring pa lang sinasagot niya na ang mga tawag ko eh. Si Seul ba, di mo pa rin macontact?" 
 

I shook my head. 
 

"Ring lang din ng ring eh" 

 

Napabuntong hininga na lang ako out of frustration. Pano ko siya susorpresahin kung di ko alam ang address niya. Never niya pa kasi akong dinala sa kanila kaya hindi ko alam. Hindi rin naman nakukwento ni Lisa kaya wala talaga akong ideya. Basta ang alam ko lang she live somewhere here in Makati but I don't exactly know where. 


 

"Oh Jen. Bat andito pa kayo? Hindi ba kayo pupunta sa birthday party ni Manoban?" tanong ng isang lalaking pamilyar pero di ko matandaan ang pangalan. 

 

Party?
 

Nagkatinginan kami ni Chaeng na parehong nakakunot ang noo. I know pareho kaming naguguluhan. Baka nagkakamali lang 'tong lalaking 'to sa sinasabi niya. I asked her if she knows this guy using my eyes. Binaling niya ang tingin niya sa lalaki at saka nagsimulang magtanong. 

 

"Actually Bam papunta na kami, may tinapos lang, ikaw ba?" nakangiting tanong ni Chaeng. 

 

"Ah papunta na rin ako. Gusto niyo convoy na lang tayo?" offer nung lalaki. 

 

Nagkatinginan kami ni Chaeng at sabay na tumango. 


 

"Tara!" aya nung lalaki. 

 

Sumunod kami sa parking lot. Sumakay siya sa kotse niya, kami naman ni Chaeng sa kotse ko. Binusinahan lang kami nung lalaki bilang signal na sundan namin siya. Chaeng insisted to drive my car instead ng mapansin niyang tahimik at medyo lumilipad ang isip ko. Hindi ko kasi maintindihan yung mga nangyayari. I thought Lisa is sick? Pero bakit may pabirthday party? 

 

I was lost in reverie when Chaeng speaks that brought me back to reality.

 

"Jen are you okay?" 

 

I turned my gaze at her and blink twice before I answered her question. 

 

"Hindi ko alam Chaeng. I thought Lisa is sick. Baka nagkakamali lang yung lalaking yun. Baka ibang party yung tinutukoy niya?" naguguluhang tanong ko.

 

"But Bambam specifically said Manoban. Wala namang ibang Manoban sa school but Lisa. I'm sure hindi lang naman ako ang nakarinig, ikaw rin" she countered giving me a quick glance before returning her eyes on the road.


 

I didn't answer and chose to remain silent. I'm sure there's just a misunderstanding but I'm also pretty sure what I heard from that man. He said 'Manoban'. But why would Lisa lie to me? May tinatago ba siya kaya di niya sinabi sakin? Kaya ba ni isa kina Jisoo at Seulgi hindi namin macontact? Kaya ba ayaw niyang pumunta ako sa kanila para alagaan siya? What's going on Lisa? Are you hiding something from me? 


 

Ilang sandali lang and we saw the car we are following stopped in front of a big open gate kaya huminto na rin kami. 

 

"Sige na Jen, baba ka na. Mauna ka na sa loob hanap lang ako ng parking" I nodded my head and get outside the car.

 

Naglakad ako papalapit sa napakalaking gate habang pinagmamasdan ang paligid. Napakaraming nakaparadang mamahaling sasakyan sa labas. Bukas na bukas ang gate kaya naman agad akong pumasok sa loob. Pagpasok mo ay isang napakalaking hardin ang sasalubong sa iyo. Harding siguradong alagang alaga sa kamay ng mga hardinero dahil sa ganda nito. Sa di kalayuan, sa gitna ng hardin ay matatanaw mo na ang napakagandang ayos ng mga lamesa, naggagandahang mga ilaw, at mukhang mamahaling mga pagkain ang nakahain. Sa gawing kanan ng mga pagkain ay may isang nakabukod na mahabang lamesa na puno ng mga naglalakihang mamahaling mga regalo. Chanel, Gucci, Celine, Dior, Balenciaga lang naman ang ilan sa nakapilang mga regalo sa lamesa. Napatingin na lang tuloy ako sa regalong nasa kamay ko. Walang wala to kumpara sa mga regalong nakapila para sa kanya ngayon. Makikita mo rin sa kasuotan ng mga bisita kung gaano kagarbo at kadisente ang pagdiriwang na ito. Kung ako ang tatanungin, this kind of party shouts Lisa. Everybody seems to be educated and well mannered kagaya niya. Sobrang sophisticated and intimidating. 
 

I was busy looking around searching for a certain person when I bumped into someone. 

 

"I'm sorry I..." I stopped when I saw who it is. 

 

"Jennie? You're here" 
 

Halata sa mukha niya ang pagkagulat sa presensya ko. I fixed myself and stand straight before I speak to her. 

 

"Snow"  I muttered. 

 

She straightened herself and talk.

 

"Buti nakarating ka" nakangising sabi niya. 

 

Anong nginingisi ngisi nitong babaitang to?


 

"I'm Lisa's girlfriend remember? Of course she would invite me to her party" taas noong tugon ko pero nginitian niya lang ako ng nakakaloko and I swear gusto ko siyang burahin sa mundo ngayon din. Kung hindi lang nakakahiya sa mga bisita ng mahal ko. Ayaw kong mag umpisa ng gulo.


 

"Is that so? Well then, I hope you enjoy the party. Alam ko naman kasing hindi ka sanay sa mga ganitong klase ng party eh" 

 

I scoffed. 

 

"And what do you mean by that?" I clenched my jaw and so ready to fight. God! Give me more patience now please. 

 

"Nothing. Basta wag kang aalis agad ah. I don't want you to miss the main event" she raised her glass and disappeared from the crowd.


 

Isang malalim na buntong hininga na lang ang nabitawan ko habang pinapanood kong mawala ang bruhang yun sa paningin ko. I drink some champagne offered by the waiter to lessen my anxiety and stress caused by that . Nilibot ko na lang ulit ang mga mata ko sa paligid para hanapin si Lisa. 

 

Asan ka na ba baby? At ano yung main event na sinasabi ng bruhang yun? 
 

Naglalakad lakad ako sa paligid ng may biglang tumapik sa balikat ko. I was so excited coz it might be Lisa but I was wrong. 

 

"Chaeng" bukambibig ko. 


 

"Ano nakita mo na si Lisa?"

 

I shook my head. 

 

"But I saw someone" 

 

Kinuwento ko kay Chaeng yung naging interaksyon ko with Snow at halos parehong pareho kami ng reaksyon. 


 

"Naku wag talaga magpapakita sakin yang babaeng yan kung ayaw niyang gumising isang araw na wala na siyang buhok" nanggigigil na sabi nito. Natawa na lang rin ako dahil pareho kami ng naiisip na gawin sa bruhang yun. 


 

"Teka nga kakain muna ko. Sayang naman yung mga foods kung di ko titikman. Ikaw Jen anong gusto mo?"
 

"Mamaya na lang ako. Sige na mauna ka na" 
 

She nods and happily went to the direction of the food. 

 

"Ouch! Watch were you goi--- Jisoo?" I heard Chaeng said. 

 

Napatingin ako sa direksyon nila at kitang kita nang mga mata ko yung pagkagulat nilang dalawa sa isa't isa. 
 

"Chaeng a-anong ginagawa mo di-dito? K-kasama mo ba si Jennie?" nauutal na tanong ni Jisoo. 


 

Lumapit ako sa kinaroroonan nila. 

 

"Yes I'm with her"
 

Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ko. Hindi ko alam but she doesn't look happy to us. Parang may takot o kaba akong nakikita sa mukha niya. Maya maya pa ay dumating na rin si Seulgi. 

 

"Jisoo andyan ka lang pala ba't antagal mo? Hinahanap ka na ni Li--- oh ! Jennie... You're... you're here" gulat niyang sabi. I watched him swallowed the lump in while looking at me. 


 

"Teka nga. Bakit ba parang gulat na gulat kayong andito kami? At Jisoo bakit di ka sumasagot sa mga tawag ko?" singit ni Chaeng. 

 

Nagkatinginan si Jisoo at Seulgi at waring naghihintayan kung sino ang sasagot sa tanong. 

 

"Ano kasi Chaeng... ahm..." 
 

"Where's Lisa? Akala ko ba may sakit siya? What's this? Bakit may ganito? Bakit hindi ko alam? Ano bang nangyayari? Seulgi? Jisoo?" naguguluhang tanong ko na may halo na ring pagkainis habang salitan ko silang tinitingnan. 


 

I waited for them to answer but they seemed really bothered. Ni hindi nila magawang tumingin sakin. I know something is going on here and I want to know what. 
 

"WHAT? WHY DON'T YOU TWO TALK? ANO BANG NAGYAYARI DI----" 

 

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may biglang nagsalita. It was a man, not so old, holding a mic in his left hand and a glass of champagne on his right, getting everybody's attention. Pinagmasdan ko at tindig pa lang ng lalaking yun ay napaka intimidating na. I studied his face and he's somewhat looks familiar. His eyes, it resembles my favorite brown orbs and then I realized he looks like my Lisa. Maybe he's Mr. Manoban. 

 

"Good evening everyone. Can I get you're attention please?" 


 

Everybody including us stopped what we're doing and focus our attention to the man who's speaking.


 

"First of all, I want to thank everyone who came here to celebrate the birthday of my unica hija, Lalisa. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, this party is not just about her birthday. I invited all of you here coz I have a very important announcement to make" 


 

I was right. He's Lisa's dad. 


 

The man paused for a while to roam his eyes around and when his eyes landed on me, a smirked formed into his lips. Hindi ko alam but I suddenly felt nervous under his gaze. Kakaiba yung pakiramdam ko sa mga ngiti niyang yun. Sobra yung kaba ng dibdib ko sa hindi ko malamang kadahilanan. After a couple of seconds of intense stares, he went back to speaking at ilang sandali pa ay natagpuan na rin ng mga mata ang kaisa isang taong nais kong makita ngayong gabing ito. Parang napawi lahat ng gulo sa isip ko ng makita ko siyang naglalakad papalapit sa kung nasaan ang tatay niya. Napangiti ako dahil sa napakaganda ng mahal ko sa magara niyang kasuotan ngunit agad na napawi ang mga ngiting yun ng makita kong kasabay niyang naglalakad si Snow sa tabi niya. Nakakapit ang mga kamay nito sa braso niya habang may malapad na ngiti sa mga labi. 


 

"As I've said, I have a very important announcement to make. And it is my pleasure to announce  my daughter's engagement with her childhood best friend, Snow Kong. I am very happy for the both you. Congratulations mga anak" he lift his right hand that's holding a glass of champagne asking for a toast. 


 

I felt my heart broke the moment I heard his announcement. My eyes were fixed on Lisa and Snow who's smiling at each other. Everybody lifted their glasses except for me. I can't seem to move in my place. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko. I felt numb and the tears started flowing down my cheeks. My hands are also shaking causing for my grip on the glass to loose. The glass I am holding fell on the ground that caught the attention of everybody including the newly engaged couple of the night. I saw how shocked Lisa is when she saw me. 


 

"Jen..." she called. 


 

Inalis niya ang mga kamay ni Snow na nakapulupot sa braso niya saka siya nagmamadaling pumunta sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano pero nagawa kong gumalaw at dali daling tumakbo papalayo sa kanya. 


















 

😭💔

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author