Ch 23

BAD CHICK

"We're here" sabi ko matapos naming marating yung bakasyunan na pag mamay ari ng ex boyfriend ni Tita Belle dito sa Baguio. 


Yes, I managed to drive my car for this long. Ni hindi man lang nag offer tong si Lisa na makipagpalit sakin at siya ang mag drive. Pasalamat talaga siya mahal ko siya, kung hindi, baka hinulog ko na to sa bangin ng Kennon Road. Buong biyahe niya lang naman kasi akong tinulugan. Hinayaan ko na lang kasi kasalanan ko rin naman. Alam ko nagalit siya sakin nung nalaman niyang pinatanggalan ko ng gulong yung kotse niya. Eh kasi naman eh, pinilit niya kong gawin yun. Hindi ko naman yun gagawin kung hindi niya ko sinagad. Tama lang naman na sumunod siya sa napag usapan diba? Natalo ko siya kaya dapat gawin niya yung consequences ko. 


Iminulat niya ang mga mata niya at agad na lumabas ng kotse ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Hmp! Nagtatampo talaga ang baby ko, pero grabe ang cute niya pa rin kahit palaging nakakunot ang noo niya. 


Sinundan ko siya paglabas ng kotse. Nakita kong nakatayo siya sa harap ng pinto habang inililibot ang mga mata at pinagmamasdan ang paligid. 


"Ang ganda dito no?" sabi ko ng nakangiti. 

Hindi niya ko sinagot pero tumingin siya sakin ng may blangkong ekspresyon. Pinagkibit balikat ko na lang at inaya na siya para pumasok sa loob. Sa lahat ng naging ex ni tita Belle yung may ari ng bakasyunan na to yung naging pinaka close ko, kaya naman kahit wala  na sila ni Tita eh pwede ko pa ring hiramin tong bahay at magbakasyon dito. Hindi to kalayuan sa Burnham Park kaya napaka accessible nung lugar. Isa pa, malaki, maayos at presentable rin ito kaya hindi nakakahiyang isama si Lisa dito na isang anak mayaman. 


"Tara sunod ka sakin" pag aya ko sa kanya. 


Lumakad kami papalpit sa pinto at agad naman akong kumatok. Hindi naman nagtagal at may nagbukas na rin ng pinto.


"Jennie, hija!" bati sakin ng caretaker. 


"Nanay Nora!" sagot ko naman sabay yakap sa matanda. 


"Buti naman at napadalaw ka ulit dito. Ang tagal mong di nagpunta dito ah. Naaalala ko nung huling punta mo dito nun kasama mo pa yung nobyo mong si Hanbin. Kamusta na pala kayo nun?" usisa ng matanda sakin. 


Bago pa ko makasagot at may narinig akong umubo sa likuran ko. 


"Ehem" 


Pareho naman kaming napatingin ni Aling Nora. Medyo nanlaki ang mata ng matanda ng mapatingin siya sa nakasimangot na namang si Lisa. Ewan ko ba dito, parang laging pasan ang mundo eh. 


"Ay naku sorry Jennie. May kasama ka pala, hindi ko napansin" paumanhin ni Nanay. 


"Okay lang nay" sagot ko naman at pagtapos ay agad akong lumapit kay Lisa para ipakilala siya kay Nanay Nora. 


"Nay this is Lisa... jowa ko" sabi ko ng may napakalapad na ngiti. 


Nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano  nagulat si Lisa at napatingin sakin habang nanlalaki ang mga mata. Tumingin naman ako sa kanya at nginitian lang siya ng napakatamis.


"Ay ganun ba? Naku pasensya na anak, hindi ko alam. Nabanggit ko pa tuloy si Han---" 


"Okay lang nay. Di naman selosa tong si Lisa eh. Diba love?" 


Tumingin ako sa kanya habang nagpapacute at nagbubeautiful eyes pa pero syempre as usual dineadma niya na naman ako. 


"Where's the bedroom? I'm tired, I want to sleep" sabi niya na hindi man lang ako sinagot. 


"Ah, diretso ka lang dyan anak tapos yung dulong pinto sa kanan" turo ni nanay Nora. 


"Thanks" sabi niya at pagtapos ay lumakad na siya papunta roon. 


Nagkatinginan naman kami ni Nanay Nora and she gave me an apologetic smile.


"Sorry anak, hindi ko alam na may bago ka na. Mukhang nagalit ata at nabanggit ko si Hanbin" 


Inakbayan ko si Nanay Nora at nginitian.


"Wag mo na pansinin yun nay, napagod lang yun sa biyahe. Saka mabait naman yun" 


Tumango naman siya at ngumiti na rin. 

"Ngapala, namalengke na ako at puno na ang ref. Pwede mong lutuin ang kahit na anong laman diyan. Kung may kailangan ka naman, alam mo na kung saan mo ko hahanapin. Magpahinga ka na lang din muna. Sundan mo na yung jowa mo at baka nagtatampo talaga" 

"Sige nay, salamat po ah. Pasabi na rin kay Tito Mike thank you" 


"Sige" 

 

 


Sinundan ko naman si Lisa sa kwarto kung saan siya itinuro ni Nanay Nora. Hindi na ko kumatok kasi baka mamaya natutulog pala siya at baka maistorbo ko pa at lalong maging dragon. Dahan dahan kong ibinukas ang pinto, buti na lang din at hindi niya inilock. Kaya lang nagulat ako ng makita kong gising siya. Nakaupo siya at nakasandal sa headboard habang nagcecellphone. 


Napatingin naman siya sa direksyon ko at automatic na kumunot ang kanyang noo. 


"Why are you here? This is my room" seryosong tanong niya. 


"Excuse me. THIS. IS. OUR. ROOM" sagot ko naman, emphasizing each words. 


"What?!" gulat na tanong niya. 


"You heard me right. This is our room. Share tayo sa ayaw at sa gusto mo" 


"NO!" 


"Well, I'm sorry to say Ms. Manoban pero this is my usual room sa bahay na to" 

"Then, I'll leave. Kung ayaw mong lumipat ng kwarto, ako na lang lilipat" sabi niya sabay tayo papunta sa pinto. 

"Eh nakalock lahat ng kwarto rito. Binubuksan lang to kapag nandito yung may ari at kapag nandito ako. So, you have no other choice but to share a room with me. Saka, ano bang kinakatakot mo? Wala naman akong balak gapangin ka no! Unless gusto mo rin" nakangising sabi ko. 


Tinignan niya na naman ako ng masama. Ito talagang babaeng to, hindi mabiro. 


"Joke lang. Alam mo, napakaseryoso mo, tatanda ka agad niyan. Loosen up!" 


Hindi niya naman ako pinansin at bagkus ay naupo na lang siya sa couch dito sa kwarto kung saan ako nakaupo kanina. 


Her eyes were closed while she's pinching the bridge of her nose. Maybe because of irritation she's feeling towards me. 


I stared at her at naguilty ako ng kaunti kaya naman lumapit ako at umupo sa kabilang dulo ng couch na kinauupuan niya ngayon. 


Tinitigan ko muna siya bago ako nagsalita. God! Why do you have to be so pretty sa kabila ng pagkamasungit mo? 

Huminga ako ng malalim. 


"I'm sorry" 

Napalingon siya sakin. Nakasimangot pa rin siya pero di ko na pinansin pa. 


"Sorry na. Nainis lang naman kasi ako sayo kaya ko nagawa yun. Kaya ko pinatanggalan ng gulong yung kotse mo. Pero promise, ibabalik naman nila yun. In fact, tinext nga ko no Chaeng na okay na daw yung car mo" paliwanag ko. 


Hindi pa rin niya ko kinikibo pero ang maganda naman, hindi na siya nakasimangot pero, wala pa ring ekspresyon yung mukha niya kaya nagsalita ulit ako. 


"Sorry na talaga" sabi ko sabay pout. 

"Bakit mo ba kasi talaga ako dinala dito? Saka bakit ba gustong gusto mo kong makasama? Hindi ka ba naiinis sakin dahil lagi kitang sinusungitan?" dire diretsong tanong niya. 


Umiling ako. Should I tell her? Maybe I should para lumuwag na rin tong dibdib ko. Antag ko na rin kasing dinadala nito eh. Besides, this might be my last shot. Pag di ko pa to ginawa ngayon, baka mawalan na ko ng pagkakataon ng tuluyan. 


Naglakas loob akong tignan siya ng diretso sa mata bago ako nagsalita. 


"I would never be mad at you kahit gano ka pa kasungit, Lisa. Hindi ko nga rin alam kung bakit eh. Pero imbes na mainis ako sayo dahil dyan sa mood swings mo, eh kabaligtaran yung nangyayari. Mas lalo pa kitang nagugustuhan" 


Finally! Finally, I got tp tell her na rin. Sobrang kinakabahan ako dahil wala akong makitang reaksyon sa mukha niya, tanging pagkagulat lamang. 


"You... You like me? Why? Bakit ako?" tanong niya. Kitang kita ko yung confusion sa mukha niya. 

 

"Alam mo hindi ko nga rin alam eh. Sa dami ng nanliligaw at nagkakagusto sakin, hindi ko alam kung bakit sayo pa, na pagkasungit sungit ako nagkagusto. Pinilit ko namang burahin yung feelings ko para sayo pero hindi pala talaga ganun yun eh. Hindi mo basta basta maalis yung feelings mo para sa isang tao. Kahit na anong inis ko sayo, isang ngiti mo lang, lumalambot ako eh" pag amin ko. 


I can see her face soften after I said that, pero kita ko pa rin na parang di pa rin siya makapaniwala sa sinasabi ko. Tahimik lang siya. Ilang sandaling nabalot ng katahimikan ang paligid namin kaya naman nagdesisyon akong basagin yun. 


"But don't worry Lisa. Hindi naman ako nag eexpect ng kahit na ano mula sayo eh. Sinama kita dito kasi gusto kong ipakilala yung sarili ko sayo. Gusto kong ipakita sayo na hindi ako katulad nang babaeng nasa isip mo, na hindi ako katulad ng kung anong kumakalat na tsismis sa campus tungkol sakin" I said then smiled weakly. 


"Jennie, I'm so-- so--" 


"Okay lang. Hindi naman kita masisisi, kasi kahit sino namang makakita sakin ganun din ang iisipin. Lalo na yung mga di ako kilala. Kaya nga gusto kong ipakilala yung sarili ko sayo. Kasi okay lang sakin kahit na anong isipin nilang masama sakin, wag lang ikaw Lisa. Kaya sana bigyan mo ko ng chance na makilala mo ko, please?" nahihiyang sabi ko. 


Hindi ako mahiyaing tao pero kapag talaga siya ang kaharap ko, handa akong magbago. 


Kinakabahan ako habang nakatingin kami sa mata ng isa't isa pero nung nginitian niya ko at nung tumango siya hindi ko na naiwasang mapangiti ng napakalapad. Napakasaya ko. 


"Thank you" 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author