Ch 25

BAD CHICK

"Sige na kuya, 80 pesos na lang isa, tig dalawa naman bibilin namin eh. Saka kung nandito lang si kuya Gilbert panigurado papayag yun! Tropa kami nun eh!" pamimilit ni Jennie dun sa tindero ng damit. 

"Kaso nga wala siya dito kaya hindi talaga pwede miss. Magandang klase kasi yang tshirt at jacket na hawak mo kaya di pwede. Saka hindi mo ko madadaan sa patropa tropa mo. Malamang kilala mo si Boss Gilbert, kagawad yun dito eh!"  iritableng sagot naman nung mama sa kanya.

Napatingin ako kay Jennie at kitang kita ko kung paano kumunot ang noo niya dahil hindi siya pinagbigyan at pinaniwalaan nung tindero. Mukhang napipikon na rin siya dahil hindi na siya pinapansin nung manong. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakakunot ang noo niya at nakapout. Ang cute niya kasi eh. Para siyang pusang naiinis. Di ko tuloy maiwasang mapangiti. Kaya lang napawi ang ngiti ko ng muling magsalita si manong. 

"Pero totoo nga kasi manong, tropa nga kami nun ni Kuya Gilbert!" pagpupumilit niya pa rin. 

"Hindi nga sabi ako naniniwala sayo! Tigilan niyo na nga yang mga modus niyo. Alam na alam ko na yan! Di mo ko maloloko miss. Sayang maganda ka pa naman! Akin na nga yan at sinasayang niyo lang ang oras ko! Umalis na nga kayo dito!" pagsusungit ni manong sabay agaw ng damit sa kamay ni Jen. 

Nakita ko kung paano nagngalit ang mga bagang niya dahil sa naging aksyon ni manong. Naku! masamang pangitain to. Kilala ko pa naman tong babaeng to. Siguradong hindi rin to papatalo eh. Nakita ko ring pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya naman umaksyon na rin ako. Hinawakan ko yung braso niya para sana ayain na siyang umalis dahil nakakahiya na kaso agad niyang naalis yung kamay ko. 

"So, sinasabi mo bang manloloko ako? Wow manong ha! Sa ganda kong to mukha ba kong manloloko? Eh sa ating dalawa ikaw tong mukhang snatcher eh!"

Laglag ang panga ni manong habang nagtawanan yung mga tao sa sinabi ni Jen at kitang kita ko kung gaano nanlaki yung mata ni manong sa mga binitiwang salita ni Jen sa kanya. Maski ako di ko napigil na mapatawa dahil totoo naman din kasi yung sinasabi niya. 

"Aba't---" sasagot pa sana si manong pero di niya na nagawang matuloy yung sinasabi niya nang muling nagsalita si Jen. 

"Bakit totoo naman ah! Alam mo manong bawas bawasan mo yang pagiging masungit mo, kaya ka napapanot eh! Bleh!" sambit ni Jennie sabay ng pambebelat niya sa masungit na matanda. 

Mas lalong lumakas ang tawanan ng mga tao at sa sobrang galit, umamba na si manong na lalabas ng tindahan at susugurin si Jennie. Pero bago pa siya makalapit ay agad nang hinila ni Jen ang kamay ko saka kami tumakbo palayo sa masungit na tindero. 

"Hoy! Bumalik kayo rito!" sigaw ng masungit na matanda na pinipilit kaming habulin. 

"Sungit! Panot! Panot!" sigaw niya pa habang tawa ng tawa. 

Napapailing na lang ako habang tinitignan ko siya habang tumatakbo kami papalayo. Kakaiba talaga tong babaeng to. Walang filter. Kung ano yung naisip niya yun talaga yung sasabihin niya kahit na mapaaway pa siya. Walang sinisino, mapa bata man o matanda. 

Nang mapansin naming sumuko na ang masungit na matanda sa paghabol sa amin ay huminto na kami sa pagtakbo dahil malayo layo na rin yung narating namin. Nagkatinginan kami at sabay na napatawa. Napatigil ako sa pagtawa ng mapansin kong magkahawak pa rin pala kami ng mga kamay. 

"Okay ka lang?" tanong niya sakin habang hinahabol ang kanyang paghinga. Nabaling ang mga mata niya kung saan ako nakatingin at nung marealize niyang magkadaupang palad pa rin kami ay agad niyang binitawan ang kamay ko. Hindi ko alam kung tama yung nakita ko pero parang namula bigla yung mga pisngi niya. Di ko na lang pinansin dahil baka mamaya mali lang ako ng nakita. Isa pa medyo madilim rin kaya baka namamalikmata lang rin ako. 

"O-okay lang" sagot ko naman habang hinihingal pa. 

Tumango naman siya at ngumiti. Di ko naman naiwasang mapailing habang tinititigan ko yung nakakalokong ngiti niya. 

"What?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. 

"You're unbelievable. Pati matanda pinatulan mo" iiling iling kong sabi. 

"Why not? Siya naman tong nauna ah! The audacity to call me MANLOLOKO! He doesn't know me kaya wala siyang karapatan! Besides, nagsabi lang naman ako ng totoo. Sa aming dalawa mas di katitiwala itsura niya no!" sagot niya na may kasama pang pag irap. 

I chuckled at her cute reaction and shook my head. 

"Di ka talaga marunong magpatalo no?" 

Sinagot niya naman ako ng pag iling. 

"Hindi talaga! Lalo kung may katwiran naman ako. Hindi ko hahayaan ang kahit na sinoman na tapakan yung pagkatao ko. Lalaban at lalaban ako lalo kung hindi naman totoo yung binibintang sakin" taas noo niyang sagot. 

Tumango ako sabay sabing, "Made sense".

"Walang kahit sino ang pwedeng manapak ng pagkatao ng iba lalo na kung hindi mo naman kilala yung taong yun. Everybody deserves to be respected, to be treated right kahit ano pang estado nila sa buhay. Pero syempre, depende pa rin naman yun kung karespe- respeto yung tao. Once again, respect should be earned"

Nakatitig lang ako sa mukha niya habang sinasabi niya yun. Seryoso siya. I never imagined her being so serious like this. Akala ko noon puro lang siya kalokohan pero may sense din naman pala minsan yung mga lumalabas sa bibig ng babaeng to. 

"Hoy Lisa! Okay ka lang? Ano na? Tulala ka na dyan?" napakurap ako ng ilang ulit ng marealize kong ikinakaway niya na sa mukha ko yung kamay niya. Di ko napansin na kanina pa pala siya nagsasalita.

"Y-you were saying?" nauutal kong sabi. 

Nginitian niya ko ng nakakaloko saka niya dahan dahang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Di ko maiwasang mapatingin sa chinita niyang mga mata pababa sa mapupula niyang labi. Napapalunok na lang ako habang pinagmamasdan siyang palapit ng palapit sakin. Her eyes also travelled from my eyes down to my lips. Gusto kong lumayo pero hindi ako makagalaw. Sumabay pa tong mabilis na pagkabog ng puso ko na halos dinig na dinig ko na. Kinakabahan ako at mas lalong lumala yung kaba ko when she her lower lip. Hindi na naalis ang tingin niya mula sa mga labi ko. Gosh! Is she going to kiss me? Parang hindi na ko makahinga at parang gusto nang sumabog ng puso ko sa sobrang kaba. Napapikit na lang ako at hinihintay ang paglapat ng labi niya sa mga labi ko ngunit segundo ang lumipas at hindi yun dumating. Hanggang sa nakarinig ako ng isang malakas na hagalpak. Napakunot ang noo ko at agad na dumilat. There I saw Jennie holding her tummy while laughing so hard. 

"You should've seen your face Lisa! Hahaha! Akala mo talaga ikikiss kita?" pang aasar niya sakin habang pinagtatawanan. 

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang inis. I can't believe I waited for her to kiss me. Nakakahiya ka Lisa! Nakakahiya! Now she's dying laughing at me. I can't believe she made fun of me. 

Sa sobrang inis ko iniwanan ko siya at naglakad papalayo. Hindi ako pamilyar sa mga lugar dito sa Baguio but I really need to get away from that . 

 

 

 

 

 

 

"Hoy Lisa sorry na! 'To naman, binibiro ka lang eh!" dinig kong sigaw niya habang sinusundan ako. 

"It's not funny!" sigaw ko pabalik sa kanya ng hindi siya tinitignan. Dirediretso lang ako sa mabilis na paglalakad. 

Narinig ko pa yung mahinang paghagikgik niya habang patuloy akong hinahabol. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nahawakan niya na yung braso ko. Pinilit niyang pahintuin ako. Nang makahinto ako ay saka niya ko binitawan. Nilingon ko siya at nakitang bahagya na siyang nakayuko habang nakapatong sa dalawang tuhod ang mga kamay ay humihingal. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Nung lumingon siya sa akin ay agad kong inalis ang ngiti sa mga labi ko at muling ikinunot ang noo ko. 


"Ang bilis mo maglakad. Palibhasa ang haba ng mga biyas mo!" hinihingal niyang reklamo. 


Hindi ako kumibo. Tinalikuran ko siya at hinintay lang na magsalita siya ulit. 


"Sorry na. Wag ka na magalit. Joke lang naman eh" sabi niya habang tinatapik ang braso ko. 


"Why do you---" hinarap ko siya para sagutin pero bigla akong napahinto ng pagharap ko ay halos mahalikan ko na siya dahil sa sobrang lapit naming dalawa. 

Nakitang kong nagulat din siya kagaya ko dahil biglang nanlaki yung chinita niyang mga mata. Napasinghap ako at agad na lumayo. 


"Why d-do y-you love to annoy me?" 


! Why do I stutter?


"Coz I love seeing you annoyed. Ang cute mo kasi lalo kapag naiinis ka eh. Wag ka na magalit. Libre na lang kita ice cream para bati na tayo" nakangiting sabi niya sabay ng pagpout. 


I heave a deep sigh and just nod my head and rolled my eyes on her. Naiinis ako kasi napaka mapang asar niya pero hindi ko naman magawang tanggihan siya kapag ganyang nagpapacute na siya. Pasalamat talaga tong babaeng to cute siya. 


"Yey! Tara sa Burnham park!" Aya niya sabay hila sakin na parang bata. 


"Crazy!" bulong ko habang nakangiti at hinahayaan siyang kaladkarin ako kung saanman. 


"Crazy for you!" sagot niya paglingon niya sakin sabay kindat. 


Jennie Kim you're gonna be the death of me.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Masarap diba?" 


She asked while smiling widely and I nodded my head. I watched her hopping like a kid whilst eating her ice cream. Hindi ko alam kung anong trip niya at kahit na malamig ay nagawa niya p ring mag aya na kumain ng ice cream. Pero hindi na rin masama dahil masarap naman talaga. 


"I can't believe na ang yaman yaman mo pero hindi mo pa natitikman tong strawberry ice cream dito sa Baguio?" sabi niya habang naglalakad kami para maghanap ng mauupuan.


Medyo maraming tao kaya halos lahat ng bench occupied kaya naman napagpasyahan namin na sa damuhan na lang umupo katulad ng iba. 


"I haven't... coz I haven't had a chance to explore this city. Everytime na pumunta kami dito ay para lang sa business at hindi para mamasyal. So, I spend most of the time sa hotel lang" paliwanag ko habang ineenjoy ang pagkain ng strawberry ice cream na nilibre sakin ni Jennie kapalit ng pang aasar niya sakin kanina. 


"Boring" 


Napalingon ako sa kanya na busy sa pagkain ng ice cream habang nakatingin sa manmade lake dito sa Burnham Park. 


"What did you say?" tanong ko.

 

"I said boring. You know, there's a lot fun things to do here in Baguio and it's a pity that you haven't tried exploring it yet. Tell me, gaano na karaming bansa ang napuntahan mo?" she said while pouting her lips. 


"I don't know? A lot?" 


Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong pero yun ang sagot ko. Maraming bansa na rin kasi akong napuntahan. Halos lagpas na sa daliri kaya di ko na matandaan kung ilan exactly. 


"Let me guess, lahat ng yun ay para sa business meetings?" tanong niya ulit na sinagot ko lang nang maikling pagtango.


"And like what you do in Baguio, palagi ka lang rin sa hotel after, right?" tanong niya ulit and again I nodded my head.


"Have you enjoyed?" 


Sandali akong napatahimik. 


"Maybe?" 


"Okay tell me, ano yung most memorable and happiest moment mo sa pagtravel mo sa iba't ibang lugar?" 


Napaisip ako. Inisa isa ko sa isipan ko ang lahat ng bansang napuntahan ko na habang sinusubukang alalahanin yung happiest and most memorable pero bakit ganun? Bakit wala akong maalala ni isa? I was cut off sa pag iisip when Jennie spoke. 


"See? You can't even state one. That's why I said it's boring. Now it made sense kung bakit ka ganyan" she said while smirking. 


Napakunot noo ako sa sinabi niya. 


"And what's that supposed to mean? Anong ganyan?" 


"Kung bakit ka ganyan. Ganyan kaseryoso. Kasi pala puro ka trabaho. You don't know how to relax. You don't know how to enjoy life!" 


I laughed sarcastically but then I realized what she said. Oo nga no? Kelan ba ko huling nag enjoy? Kelan ba ko huling sumaya? I can't even tell. 


"Sobrang seryoso mo sa buhay to the point na nakakalimutan mo nang maging masaya. You should loosen up sometimes, Lisa. Wag puro trabaho. Learn to have sometime for yourself too. Magenjoy ka rin minsan. Magpakasaya ka.  Ikaw rin, baka nagsisimula ka pa lang sa career mo, pagod ka na agad" 


"I guess you're right" mahinang sagot ko. 


"Don't worry. I'll make sure na mag eenjoy ka sa trip na to!" masiglang sabi niya naman.


"Dapat lang! Matapos mo kong pwersahing sumama sa'yo dito" 


"Wow! Parang kasalanan ko pa ha! Baka nakakalimutan mo Ms. Manoban that I won the bet, kaya wala kang karapatang tumanggi!"  She said as she rolled her eyes on me. 


Muli niyang ibinaling ang tingin niya sa lake habang ako naman ay pinagmamasdan ang mukha niyang nakangiti na paminsan minsan ay nagliliwanag dahil sa makukulay na ilaw dito sa park na tumatama sa maganda niyang mukha. I smiled while watching her.


"Do you know that staring is rude?" she said without batting an eye on me. 


I chuckled and turned my gaze away from her. Tulad niya, sa lake na lang rin ako tumingin. 


"Sorry. I just can't help but be amazed sa mga lumalabas sa bibig mo ngayon. I don't know na may lalim ka rin pala, Kim. Hindi ako sanay" tatawa tawang sabi ko. 


Sandali siyang lumingon sakin kaya napatingin rin ako sa kanya. She's smirked and rolled her eyes on me na nagpatawa lang sa akin. 


"You haven't seen the best of me yet, Manoban" she smirked.


"Then let me see it?" I answered with the same kind of smirk on my face.


"Sure you will"


She smiled at me and leaned closer to my face katulad ng ginawa niya kanina. But poor her kasi hindi niya na ko maloloko ulit. Bahagya akong lumayo but I was taken aback when she suddenly cupped my right cheeks with her right hand. Napalunok ako when she look straight into my eyes then down to my lips. I can now also feel how my cheeks heated under her touch. Thankful na lang rin ako at medyo madilim kaya malaki ang possibility na hindi niya mapansin ang pagbablush ng mukha ko. Her eyes lingered on my lips and I felt so hot when she her lips while looking at it. Pero hindi mo na ko maloloko Kim. 


"What are you doing?" I asked. 


She turned her gaze from my lips up to my eyes and smiled. Saka ko naramdaman yung thumb niya sa mga labi ko. 


"You have ice cream on your lips" she said after wiping the ice cream on it and before her thumb while looking at me seductively. 


"Sweet" she said with the smirk on her face before standing up from her seat.


What the ! That's so hot!

 

 

 

 

 

 


-------

I'm back guys!!! I'm so sorry that I've been MIA for a long time. Nagpahinga lang ako but I'm now back and I promise to update as much as I can. Sana may nagbabasa pa rin nito. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author