Ch 12

BAD CHICK

"Jennie and Lisa, I want you to prepare now coz you guys are next" professor Song informed us. 

"Yes ma'am" sabay na sagot naming dalawa.

Nasa labas kami ngayon ng dance studio dahil yung magkakagroup lang ang pinapapasok ni ma'am sa loob. Sabi niya magusap usap na muna daw kami dito sa labas kung anong gusto naming gawin sa magiging performance namin, tapos maghanda na rin daw ng mangilan ngilang steps para pagpasok sa loob ipapakita namin sa kanya. At this point, nasa loob na yung grupo na nakabunot ng hiphop. Since Jisoo and Seulgi are part of that group, si Lisa lang ang naiwan dito sa labas. Yung iba naman naming classmates kasama na yung mga ka- groupmates nila. Naguusap uusap na sila kung ano ang magiging concept nila sa performance nila. Yung iba naman may nabubuo nang dance steps. Samantalang kami, eto, magkaharap nga kami ngayon but she never even looked at me. Medyo naiinis na nga ako eh. Kanina pa ko nagpapapansin sa kanya, kanina ko pa sinusubukang magstart ng conversation pero pinuputol niya naman agad. Halatang halata na she doesn't want to talk to me. 

I can't take this silent treatment anymore. I heave a deep sigh and spoke.

"May nagawa na naman ba ko sayo Lisa?" seryosong sabi ko. 

Iniangat niya ang ulo niya at nagtama ang mga mata namin. 

"Ha? Wa-wala" sagot niya na may pag iling pang kasama. 

"Wala? So, why are you like that? Bakit hindi ka na naman namamansin? Okay pa tayo kanina sa parking lot diba? May pakape ka pa nga tapos ganito?" inis na sabi ko ng bigla namang bumukas ang pinto ng dance studio at lumabas ang bestfriend kong si Chaeng kasunod si Irene, Jisoo, at Seulgi. 

Chaeng looked at me then to Lisa then back at me. 

"Anong nangyayari dito?" kunot noong tanong niya habang salitan pa ring tumitingin samin ni Lisa. 

Wala sa amin ang nagsalita hanggang sa narinig na lang namin si Prof. Song na tinatawag na kami sa loob. 

"Jisoo, please tell Kim and Manoban na pumasok na dito" dinig kong utos ni ma'am kay Jisoo. 

Oh great! Ngayon tawag na kami sa loob. So, ano nang sasabihin namin dun? Na ma'am sorry kasi wala pa po kaming napag uusapan. Ang galing! Ang galing galing Manoban! Okay na sana yung araw ko eh, pero lagi niya na lang sinisira. 

"Lis, Jen, pasok na daw kayo" tawag ni Jisoo samin. 

I glared at Lisa. Napatingin din naman siya sakin but she instantly looked away. Sa sobrang inis ko, I gritted my teeth at padabog na pumasok sa loob ng dance studio, leaving my friends confused of what is happening. 

 

 


.

 

 

------
Lisa's POV

Great Lisa! Now her mood was ruined! Kababati niyo lang yet here you are making her mad again. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagagalit eh. I know she wants an explanation kung bakit ako nagkakaganito, pero pano ko ipapaliwanag sa kanya kung ako mismo eh hindi ko alam kung bakit? Should I tell her that I hate it when guys are checking her out and commenting how y and beautiful she is? I can't! Kasi I don't have the right to do that. I am not her girlfriend nor her friend para pagbawalan siyang magsuot ng seksing damit na nakasanayan niya na. 

Sumunod ako sa kanya sa loob ng dance studio, ignoring the questioning looks of her friends and mine.

"Okay, now tell me kung anong napag usapan niyo. How are you going to perform the song Perfect by Ed Sheeran?" nakangiting tanong ni ma'am. 

So, eto pala yung kantang napunta samin. Napatingin ako kay Jennie but she's not showing any reaction at all. Nakatingin lang siya kay ma'am habang naka cross arms. Oo nga pala, alam niya na nung isang araw pa kung ano yung kantang napili ni ma'am kaya hindi na siya nagulat. Pero naman, sa dami naman ng kanta bakit ito pa?

How will I perform this now with her knowing na badtrip siya sakin? Ni wala pa nga kaming napag uusapan tungkol sa gagawin namin eh. Isa pa this song speaks of childhood romance. Will we be able to pull this off? 

Aish! Bahala na! 

"Bakit walang nagsasalita sa inyo? Ano na? Sayang ang oras natin dito Manoban, Kim?" striktong sabi ni Professor song.

I looked at Prof. Song at mukhang naiinis na siya dahil wala pa rin samin ang nasagot. Kaya naman naglakas loob na ko. Magpi- freestyle na lang muna ko dito mairaos lang to, wag lang magalit si ma'am. I walked in front of her and started to dance.

I played the song and positioned myself. I was looking down pero nung nagsimula nang tumugtog yung kanta...

I found a love for me

I looked straight to Jennie's eyes pero inirapan niya lang ako which I expected na rin naman. Pero hindi ko alam, but I find it fascinating sa tuwing magtatama ang mga mata namin. Sobrang ganda kasi ng mga mata niya. 

I continue the freestyle dancing habang tumutugtog ang kanta. 

Darling, just dive right in
And follow my lead
Well, I found a girl, 

I looked at her again sabay turo sa kanya na may kasama pang ngiti at pagkindat. Hindi ko alam kung imagination ko lang but I think I saw her smile a little. That simple smile makes my heart thump a little faster.  Si ma'am naman mukhang natutuwa sa ginagawa ko dahil ngiting ngiti siya eh. 

beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me

I continued dancing in front of them, feeling the emotion within every lyrics of this song. Sobrang damang dama ko yung kanta habang diretsong nakatingin ako sa kanya. Mas lalo tuloy akong ginaganahang sumayaw. 

'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
Darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes, you're holding mine

Kahit di sigurado sa magiging reaksyon niya, lumapit ako sa kanya, hinawakan ko ang mga kamay niya and I pulled her towards my chest and started dancing with her. 

(Isipin  niyo na lang ganito yung naging sample nila kay Prof. Song 😁!! Pasensya na, kinilig kasi ako sa vid na to.. hehe)

Hindi pa rin maipinta ang mukha niya. She's not showing any emotions at all. Dun na sumeryoso ang mukha ni ma'am but I tried to ignore that and continue  dancing. 

Baby, I'm dancing in the dark 

I stared at her beautiful feline eyes with a smile on my face. Yung genuine na ngiti, dahil kahit na di kami okay ngayon, di ko maiwasang mapangiti habang isinasayaw ko siya. Mas lalong lumapad naman ang ngiti ko ng nag umpisang ngumiti na rin siya. Gosh! She's gorgeous! Tao ba talaga to? Totoo ba talaga siya?

I swayed our bodies left and right nang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. 

with you between my arms

I made her spin then hold her within my arms na para bang naka- backhug ako sa kanya, then I buried my face in the crook of her neck still swaying our bodies along with the music. 

Barefoot on the grass, we're listenin' to our favorite song

Though I was backhugging her, kita ko mula sa salamin na nakangiti siya. Our eyes met and she smiled at me. 

When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight

I can smell her sweet perfume which makes me want to stole a quick simple light kiss on her neck but I was taken aback when I heard whistles that brought me back to reality. I stopped nung makita kong nakabukas ang pinto at halos lahat ng mga classmates namin ay pinapanood kami. Smiles are plastered on their faces habang nagpapalakpakan at naghihiyawan. Agad akong bumitaw kay Jennie at bahagyang iniyuko ang aking ulo. I am flustered at nagiinit na ang mukha ko dahil sa hiya and I don't want her to see that. 

"Pssshhh!" saway ni ma'am sa mga pasaway kong classmates. Sinabi nang bawal pumasok pero ang kakukulit.

"That's it?" tanong niya samin. 

"Ye-yes ma'am yun lang po muna sa ngayon" nauutal ko pang sabi. 

Tumango naman si ma'am at nagsimulang magsulat sa papel na hawak hawak niya. Habang hinihintay ang komento ni ma'am, ay sinilip ko naman si Jennie. Kita ko sa gilid ng mata ko na nakangiti pa rin siya which made me happy. Nagulat naman ako ng bigla siyang lumingon sakin kaya bigla akong sumeryoso. But I was caught off guard when she smiled beautifully at me. My heart started beating wild again. Hindi ko alam kung paano magrereact, buti na lang at nagsalita na ulit si ma'am. 

"Well, actually nagustuhan ko naman yung ginawa niyo, I like the steps too pero medyo nakukulangan lang ako sa emosyon. This is a song about love and that's where you two were lacking. I need to see more feelings, I want to see two people who are inlove. I know this isn't easy since hindi naman kayo magkasintahan, but that is actually the challenge here. Dancing is not just about how good you move or how complicated the dance steps are, coz dancing is also a way to express an emotion. Feel the music, feel every lyrics of the song. Remember that in contemporary dance, you should express your inner emotions to the audience. You guys should tell us a story. Do you get what I mean?" 

Jennie and I nodded our heads. 

"Good. Don't worry, I believe we can work on that sa mga susunod nating practice. But for now, good job guys! You may go outside now but please tell the next group to come in" masayang sabi niya sa amin. 

"Yes ma'am" sabay na sagot namin ni Jennie. Nagkatinginan pa kami at nagngitian. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil mukhang okay na kami. 

Thank you dance class!

Lumabas na kami ng dance studio at sinalubong naman kami ng nakakalokong ngiti ng mga kaibigan namin except for Jackson. As usual, he's glaring at me na naman pero wala akong pakialam sa kanya. I ignored his presence at diretsong lumapit kung saan nakatayo sina Jisoo. 

Habang papalapit ako mas lalong palaki ng palaki yung mga ngiti nila. Hindi ko tuloy maiwasang matawa na lang.

"That was hot Lis!" sabi ni Seulgi na may kasama pang pagbatok. 

"Hayop ka Lisa! Para paraan ka ah!" banat naman ni Jisoo. 

"Pinagsasasabi niyo dyan?" pigil tawang sagot ko. 

"Wag kami uy! May pag backhug? Ano sarap ba? Bango ba?" tatawa tawang tanong ni Seul habang tinataas baba pa ang mga kilay niya. 

I shook my head but managed to smile and nodded my head. Sa sobrang saya naman nung dalawa hindi na nakapagpigil kiligin. 

"Ayiii!!!!" sigaw nila na parang nakita si crush na dumaan.

Agad ko naman silang pinandilatan dahil sa kaingayan nila, tapos ay napatingin ako sa direksyon nila Jennie, at di ko inaasahang nakatingin din sila samin. Her friends are also squealing like this two idiots here. Even Jennie is smiling widely. Malamang inaasar din siya ng mga kaibigan niya about our performance. Nagtama ang mga mata namin kaya agad din akong napangiti. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


------
SORRY GUYS NGAYON LANG NAKAPAG UPDATE SOBRANG BUSY KO MAG STREAM EH.. HEHE. BTW HOW YOU LIKE THAT?! BUKAS INKIGAYO DON'T FORGET TO WATCH. THE QUEENS WILL PERFORM. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author