Ch 15

BAD CHICK

Agad kong tinype sa waze yung address nila Jennie. Mabuti na lang hindi naman pala kalayuan sa bar na to kung saan siya nakatira. Tahimik akong nagmamaneho pero paminsan minsan nagnanakaw ako ng tingin sa babaeng nakaupo at mahimbing na natutulog sa shotgun seat. 


Napakunot noo naman ako ng marinig kong nagsalita siya. Napatingin ako pero tahimik na siya ulit. 


"Lisa" bulong niya ulit at this time malinaw na malinaw na yun sa pandinig ko. Mas nakasigurado pa kong pangalan ko ang tinatawag niya ng ulitin niya ulit yun. 


She's really calling me. Di ko alam pero bigla akong nakaramdam ng saya. Is she dreaming about me? Well, if she is, sana masaya yung napapanaginipan niya. 


Nagtuloy tuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa subdivision nila. Yung mga bahay dito walang matataas na gate unlike sa village namin pero mukhang safe and secured naman yung lugar. I stopped in front of a cozy house nung makita ko yung number ng bahay na nasa may gilid ng pader. Ito na siguro yung bahay nila. Their house is not so big like ours pero presentable naman. I double checked the address on my phone at nung makasigurado na ko na ito na yung bahay nila Jennie ay mabilis akong bumaba sa kotse ko. I pressed the door bell then waited for a response. Ilang minuto ang lumipas at wala pa ring nagpaparamdam so I decided to pressed in once again. After a couple of minutes at may nagbukas na nang pinto revealing a middle aged woman. Ito na siguro yung mom niya but they don't look a like. Ah, baka nagmana siya sa Dad niya.   The woman looked at me from head to toe while her brow was raised. Hindi man sila magkamukha ni Jennie pero pareho silang intimidating. Maybe sa kanya namana ni Jennie yung attitude niya. 


"Sino ka?" taas kilay niyang tanong sakin. 


I cleared my throat first before answering her. 


"Good evening po. I'm Lisa, classmate po ako ni Jennie. Hinatid ko lang po siya dahil sobrang lasing na lasing na po" paliwanag ko. 


Nakatitig lang siya sa mukha ko at hindi ako sigurado but I think I saw her smiling a little, pero baka imagination ko lang yun. Ah bahala na!


Pagkasabi ko nun ay agad kong binuksan ang pinto ng kotse ko revealing ang tulog na tulog pa ring si Jennie. Her mom just shook her head after seeing her daughter wasted. Lumapit siya kay Jen at tinapik tapik yung braso at pisngi niya, trying to wake her up but she failed. Kaya naman hinarap niya ulit ako at tinignan na naman ako mula ulo hanggang paa. Napalunok na lang ako. I don't know kung manerism niya ba yun pero sobrang nakakatakot siyang tumingin, parang anak niya. 


"Kaya mo ba siyang buhatin? Pwede bang ihatid mo siya sa kwarto niya?" 


"Ah si-sige po" nauutal ko namang sagot. 


Agad naman siyang tumabi to give me way to carry her daughter. Once again, I carried Jennie in a bridal style habang sinusundan ko naman yung mom niya. Her room was located on the second floor. Buti na lang hindi siya ganun kabigat. Habang naglalakad di ko maiwasang ilibot ang mga mata ko sa bahay nila. Their house looks nice. Hindi siya yung modern type na bahay. The house was welcoming from the open door to the wide hallway. The floor was an old-fashioned parquet with a blend of deep homely browns and the walls were the greens of summer gardens meeting a bold white baseboard. This house is simple yet beautiful. Di naman nagtagal at narating na namin ang kwarto niya. Her mom opened the door for me. Agad akong pumasok at inilapag si Jennie sa kama niya. 


"Pwede bang bantayan mo muna siya saglit habang naghahanda ako ng pamunas sa baba. Malikot kasi yan baka malaglag sa kama" pakiusap ng nanay niya. 


Agad naman akong tumango. 


"Sige po" 


With that ay agad nang umalis ang nanay niya. She even closed the door when she left habang ako nakatayo lang sa gilid ng kama niya at pinagmamasdan siyang mahimbing paring natutulog. At first, I was just looking at her beautiful face until my eyes traveled from her body. My eyes went down to her collarbone down to her bust, down to her exposed smooth and y legs. Napalunok naman ako nang mapansin kong masyadong nakataas yung dress niya exposing her legs even more. I suddenly felt hot by just looking at that. Control Lisa. Control. 


I let out a deep sigh bago ako dahan dahang yumuko para ayusin yung damit niya. I moved carefully wishing na sana hindi siya magising at pag isipan ako ng masama or worst sampalin na lang ako bigla. Nang nakayuko na ko ng maayos ay dahan dahan kong inabot yung dulo ng dress niya at hinila yun pababa habang nakatingin ako sa mukha niya. I got startled and nervous naman when she suddenly scrunched her nose. Akala ko magigising na siya eh pero nakahinga ako ng maluwag nung nagtuloy tuloy naman yung tulog niya. 


Nung maiayos ko na ang damit niya ay tumayo na ulit ako ng diretso at naglakad lakad ng kaunti sa loob ng kwarto niya habang hinihintay yung pagbabalik ng mom niya. I saw a picture frame on the side table. Lumapit ako to look at it and I automatically smiled when I saw a picture of a very happy and young Jennie in it. Malayong malayo sa Jennie who's always wearing a face sa school. Paalis na sana ako when I saw another picture na nakadikit sa nakasarang laptop. Bakit parang kamukha ko yung nasa picture. Kunot noo akong lumapit at yumuko nang bahagya para tignan yun at nagulat ako when I confirmed that the person in the picture was really me. 


Napabalik ulit ang tingin ko sa wala pa ring kamalay malay na si Jennie.


"Why do you have a picture of me on your laptop?" bulong ko sa kanya nang nakangiti nang bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang mom niya dala dala ang palangganang may lamang bimpo at maligamgam na tubig. 

 

 

 

 

 

 


------


Jennie's POV


Nagising ako sa napaka ingay na alarm ng phone ko na lalong nag- pasakit ng ulo ko. I passed out again at hindi ko na naman alam kung paano at kung sino ang nag uwi sakin dito sa bahay. Hindi ko na muna inisip pa dahil malamang si Chaeng lang naman yun. Bumangon na ko at naghanda para sa pagpasok sa eskwela. Pagtapos ko namang magbihis ay bumaba na ko para mag almusal. I  don't usually eat breakfast, madalas kape lang ako but I think I need one today coz I'm really starving. 


"Tita?" tawag ko pero walang sumasagot. 


Baka nasa kusina si Tita Belle kaya dun na ko dumiretso. 


"Tita?" tawag ko ulit pero wala parin. 


"San naman kaya nagpunta yun?" bulong ko sa sarili. 


Pinagkibit balikat ko na lang muna ang paghahanap kay tita at dumiretso patungong ref para kumuha ng fresh milk. May napansin naman akong note na nakadikit sa ref.


Lumabas lang ako to meet your tita Jackie. Nagluto ako ng almusal nasa lamesa if in case mag almusal ka 

-Tita Belle


Napangiti ako. Tita Belle is always the sweetest.  Palagi niya pa rin akong inaalala though malaki na ko. I walked towards the table and started eating the breakfast she cooked for me then after eating ay pumasok na ko sa school.

 

 

 

 


"Morning es!" bati ko sa kanila the moment I reached the place na palagi naming tinatambayan. Naabutan ko silang mga nakayupyop sa mesa at walang kaenergy energy but they still lifted their head up to greet me.


"Morning" matamlay na bati nila.


Ang mga bruha balik sa pagyupyop sa lamesa maliban lang kay Chaeng. Malamang may hang over  pa rin ang mga to. 

"Thank you for bringing me home again last night" sabi ko pagkaupo ko sa tabi ng bestfriend ko na busy sa binabasa niyang libro. 

Always such a bookworm!


Tumingin siya sakin and she spoke. 


"I wasn't the one who brought you home last night" seryosong sabi niya.


Napakunot noo naman ako. What does she mean that she's not the one? ! Did some goon brought me home last night?


"If it's not you then who?" taas kilay kong tanong sa kanya. 


Then I saw a smile crept into her lips and she pointed on someone using it. I followed the direction she's pointing at and I suddenly felt my heart beating so fast when I saw that she's referring to Lisa. I stared at her and I was caught off guard nang biglang napalingon din siya sa pwesto namin. Our eyes met and she smiled  at me. Jeez! Is this for real? I smiled at her in return din naman. I can't believe that she brought me home and now she's smiling widely at me? 


Oh gosh! I can't breathe! I'm so kilig but wait... May nangyari ba samin kaya ngiting ngiti siya sakin ngayon? Oh no! Please tell me I didn't embarrassed myself in front of her. 


Please no!

 

 

 

 

 

------ 
Sa mga di pa nakakapanood ng BLACKPINK Twitter Blue Room here's the link guys. With subs na yan. By the way, I'm so happy for our girls! 

http://youtu.be/OHTS--jN8xo 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author