Ch 39

BAD CHICK

"As I've said, I have a very important announcement to make. And it is my pleasure to announce my daughter's engagement with her childhood best friend, Snow Kong. I am very happy for the both you. Congratulations mga anak"

 

I roamed my eyes around and saw everybody's attention on us. Lahat ng bisita nakangiti at nakatingin sa amin. Snow looks at me with a smile on her face while she's clinging on to my arm so I did the same. Ayoko naman kasing mapahiya siya sa harap ng mga tao. After all, she's still my bestfriend. Habang bumabati sa amin ang mga bisita para icongratulate kami, isang ingay mula sa nabasag na baso ang pumukaw ng atensyon naming lahat. 

 

 

"Jen" bukambibig ko. Lalapitan ko na sana siya pero hinigpitan ni Snow ang pagkakahawak niya sa braso ko. 

 

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Jennie. I was speechless and frozen on my place. Bakit nandito siya? Narinig niya ba ang lahat? But my question was answered when I saw a tear escaped her eyes. Jennie's tears keep falling  down her cheeks and I want to wipe those tears away coz it breaks my heart seeing her like this. Ilang sandali pa at tumakbo na siya papalayo.

 

 

I heard Chaeng also calling her but she didn't look back. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ng kamay ni Snow sa mga braso ko kaya napilitan akong tahasang kumawala mula roon. 

 

 

"Lisa please" she pleaded. 

 

 

"I'm sorry, Snow" mga salitang binitawan ko bago ako magsimulang umalis para habulin si Jennie. 

 

 

Naririnig ko pa ang pagtawag  sa akin ng tatay ko ngunit hindi ko yun pinansin. Ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay puntahan si Jennie at pahirin ang mga luha sa kanyang mga mata. I need to explain everything to her. Dumiretso ako palabas ng mansyon dahil dito ko nakitang patungo ang mahal ko. Mas binilisan ko pa ang takbo ko sa gayon ay maabutan ko siya. Hindi naman ako nabigo nang makita ko siyang nakaupo sa gilid ng kalsada. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at agad na nadurog ang puso ko ng marinig ko ang malakas niyang paghikbi. Nakaupo siya yakap ang kanyang mga tuhod habang nakayukong umiiyak roon. 

 

 

"Jen..." 

 

 

Iniangat niya ang ulo niya at halos hindi ako makahinga ng makita ko ang mugto niyang mga mata na ako ang dahilan. Lumuhod ako para yakapin siya ngunit pinagtulukan niya lamang ako.

 

 

"Jen let me explain" pakiusap ko. Tumayo ako at ganun rin siya.

 

 

"Explain what Lisa? Na ikakasal ka na sa iba? Kaya ba ayaw mo kong papuntahin dito para alagaan ka? Kaya ba nagsinungaling ka na may sakit ka? Ano 'to Lisa? Ginagantihan mo ba ko dahil sa pakikipag usap ko kay Hanbin nung isang araw? O talagang syinota mo lang ako para paglaruan mo ko ng ganito? Bakit? Dahil alam mong patay na patay ako sa'yo?" 

 

 

Nakatitig siya sa mga mata ko habang tinatanong niya ang mga yun. Ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. 

 

 

"Hindi Jen. Hindi kita ginagantihan at mas lalong hindi kita pinaglalaruan. Hindi ko rin alam ang tungkol dito. Tulad mo nagulat rin ako"

 

She laughed sarcastically.

 

"Nagulat? That's not what I saw back there. You were smiling. It seems like you agreed to it"

 

 

"NO! I did not! Ayoko lang mapahiya si Snow. She's my bestfriend and I'm just concerned about what she might feel an---" 

 

 

"You're concern about her feelings? pa'no naman ako Lisa? Girlfriend mo ko! Hindi mo ba naisip kung anong pwede kong maramdaman? Sobrang sakit na kailangan ko pang malaman sa ganitong paraan. Tell me, may balak ka bang sabihin sakin ang tungkol dito?"

 

 

Natahimik ako dahil ang totoo ay wala sana akong balak sabihin sa kanya ang tungkol dito dahil ang plano ko ay ayusin na muna ang lahat bago ko ipaalam sa kanya. Plano kong kumbinsihin si dad na tanggapin na si Jen ang mahal ko at siya lang ang gusto kong makasama.

 

 

"See? You can't even answer me. You're silence speaks for yourself. Bakit Lisa? Dahil ba hindi ako katulad ni Snow na matalino, mayaman, mahinhin, at maipagmamalaki mo sa kahit na sino?" 

 

 

Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa at ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya sa bawat matatalim na salitang binibitawan niya. I shook my head. 

 

 

"Jen hindi ganun" 

 

 

"Hindi ganun? Eh bakit hindi mo man lang nagawang ipakilala ako sa tatay mo?"

 

 

Once again natahimik na naman ako sa tanong niya. I can't find the words to say.

 

 

"Ah I think I know why. Dahil alam mong hindi niya ko magugustuhan para sa'yo diba?"

 

 

I bit my lower lip habang nakayuko ang ulo ko. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya dahil alam kong tama yung hinala niya. 

 

 

"ANO LISA? TAMA AKO DIBA? ANO! SUMAGOT KA!" sigaw niya. 

 

 

"OO!" sigaw ko pabalik at saka na pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

 

 

I run my hands through my hair before I speak again. 

 

 

"I'm sorry but you were right. Wala akong lakas ng loob ipakilala ka kay Dad dahil natatakot ako. Natatako ako sa pwedeng maging reaksyon niya at sa pwede niyang gawin sa'yo, sa relasyon natin. Kayang kaya niya tayong paghiwalayin Jen lalo na pagkatapos niyang malaman yung tungkol sa'yo"

 

 

Kumunot ang noo niya sa mga sinabi ko. 

 

 

"Tungkol sakin? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya. 

 

 

I took my phone out of my pocket and show her pictures kissing the politician. She was shocked to see it and went agape. 

 

 

"Where did you get this?" she seriously asked. 

 

 

This is it. Ang tagal kong iniwasan ang diskusyong ito but I guess it's time for us to talk things out.

 

 

" From my dad. Pinaimbestigahan ka niya nung malaman niyang may relasyon tayo. Ayokong maniwala until he showed me those pictures. I don't know what to feel back then. Hindi ko rin magawang tanungin ka dahil natatakot akong baka totoo ang lahat ng yan. And until now I was still hoping na hindi, na hindi totoong naging kabit ka ng politikong yan, na gawa gawa lang ng tatay ko lahat. Tell me Jen... hindi naman totoo ang lahat ng yan diba?"

 

 

She gritted her teeth and heave a deep sigh while she's still looking at the picture on my phone.

 

 

"Paano kung sabihin ko sa'yong totoo ang lahat ng nandito. Magbabago na  ba ang tingin mo sa'kin Lisa?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. 

 

 

Silence. 

 

 

She shook her head and smiled sadly. Patuloy pa rin ang pag agos ng luha mula sa mga mata niya. 

 

 

"I knew it. Alam kong hindi mo matatanggap ang katotohanan tungkol sa nakaraan ko kapag nalaman mo. Kaya nga hindi ko magawa gawang sabihin sa'yo ang tungkol dito dahil alam kong ganyan ang magiging reaksyon mo. Gustuhin ko mang sabihing hindi totoo ang lahat ng 'to, ayokong magsinungaling sa'yo. Lahat ng litratong 'to, lahat to totoo. Yes, I was a mistress back then. Alam kong mali pero ginawa ko pa rin kasi mahal ko siya eh. Huli na nang nalaman kong pamilyado siya at nung mga panahong yun, hulog na hulog na ko sa kanya to the point na hindi ko na kayang kumawala kaya pumayag akong maging kabit niya. But when I saw him with his family, especially his children, narealize kong may pamilya akong masisira kapag pinagpatuloy ko ang relasyon ko sa kanya. Bumalik sa akin kung paano nasira ng isang kabit ang pamilya ko at kung paano ako naging miserable dahil dun. Natauhan ako kaya nakipaghiwalay ako sa kanya. Kahit masakit kinaya ko. I've been to many relationships before pero karamihan dun fling lang until Hanbin came. Akala ko siya na pero nabigo ulit ako ng lokohin niya ko. Hanggang sa makita kita sa library. I was so mesmerized by your beauty. Tapos nung tumakbo ka sa student council mas lalo akong nagkagusto sa'yo. Hindi ka lang pala maganda, kundi matalino ka rin. Simula noon inalam ko na ang lahat ng tungkol sa'yo. Nagsimula akong magpapansin pero kahit anong gawin ko deadma ka parin. Kaya nga dinadaan ko na lang sa pambubwiset sayo para lang mapansin mo ko. Sabi nila you were out of my league but I still tried kasi gusto kita eh. Gustong gusto kita and I was the happiest when you also fell in love with me. Nagpakatino ako para sa'yo. Para naman kahit papano bumagay ako sa'yo. Sinadya kong ilihim sa'yo ang lahat dahil ayokong layuan mo ko. Somehow, naramdaman ko na ganito ang magiging reaksyon mo pag nalaman mo and I was right. Kaya pala these past few weeks hindi mo ko magawang tignan sa mga mata ko. That hurts me a lot pero hindi ako nagsalita dahil inisip ko na baka pagod ka lang sa trabaho. Pero tinanong kita eh. Tinanong kita, Lisa. Sasabihin ko naman sa'yo yung totoo kung tinanong mo lang ako pero mas pinili mong magsinungaling. Tapos ito yung madadatnan ko sa party ng taong mahal ko? Malalaman kong ikakasal ka na pala sa iba. Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Para mo na rin akong pinatay"

 

 

"I'm sorry Jen. I'm sorry" I was about to hug her but she refused. Lumayo siya sa akin until Chaeng came. She hugged Jennie and pulled her away from me. Hindi ko magawang pigilan sila dahil sa sobra ring sakit na nararamdaman ko. Napaupo na lang ako sa kalsada nang umiiyak habang pinagmamasdan ko ang pagkawala ng taong mahal ko mula sa panigin ko. 

 

 

 

"Lisa" I lift my head up when I felt someone caressing my back. I look up then saw Jisoo and Seulgi wearing a sad expression.

 

 

"Get up" sabi ni Jisoo saka hinawakan ang braso ko para tulungan akong tumayo. Sobrang nanghihina ako at nanlalambot ang mga tuhod ko. Muntikan pa kong matumba. Mabuti na lang at agad nila akong nasalo. 

 

 

I rested my head on Jisoo's shoulder and cried my heart out. 

 

 

"She's gone Jisoo. She's gone"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

---------------------------

Few chapters left.  💔💔💔 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author