Ch 44

BAD CHICK

"Jen" 

Agad kong iniangat ang ulo ko ng banggitin ni Chaeng ang pangalan ko. Tumingin ako sa kanya at napansing may inginunguso siya sa akin sa may bandang entrance ng cafeteria. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa di ko maipaliwanag na dahilan. Andito na ba siya? Yung taong kanina ko pa hinahanap. Sa totoo lang hindi ako mapalagay dahil kanina wala siya sa klase namin. Hindi naman siya pala absent pero ilang araw na rin siyang hindi pumapasok. Sabi nila she was chosen daw as a representative to attend a seminar sa ibang university. Actually, simula nung magkausap kami ni Hanbin hindi ko pa ulit siya nakikita. Dahil nga pinadala na siya ng school sa ibang lugar. Sa totoo lang, miss na miss ko na siya and what Hanbin told me made me realize some things. Tama siya eh. Bakit ko ba pinipiling masaktan kung pwede naman akong sumaya sa kanya. Sobrang miss na miss ko na siya sa totoo lang. Going back, huminga ako ng malalim at marahang lumingon sa direksyong itinuturo ni Chaeng. Mixed emotions actually. May kaba, may excitement, may saya. But to my disappointment hindi pala siya yung dumating. It was Hanbin. His face lit up when he saw me and smiled. He waved his hand so I did the same.

 

"Welcome back!" 

 

I greeted Hanbin when I saw him walking towards us. Andito ako ngayon sa cafeteria kasama sila Chaeng to grab some lunch. Nakalabas na siya sa ospital at balik eskwela na rin. Yung mga pasa sa mukha niya ay hindi na rin gaanong halata. 

 

"Thanks. Can I join you guys?" tanong niya sa barkadang masayang nagkukwentuhan. 

 


"Sure" it was Chaeng who answered him. 

 

Hanbin sat beside me with a smile on his face. Nilapag niya yung tray na hawak niya at inalok pa ako ng pagkain na binili niya. 

 

"No thanks. I'm good" 

 

He nods his head and started munching his food. 

 

"How are you?" bulong niya sa akin habang yung iba ay busy sa pagkukulitan habang kumakain. 

 

"I'm fine" pinilit kong ngumiti para hindi niya mahalata yung disappointment sa mukha ko. 

 

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan habang kumakain hanggang sa dumating na yung oras na dapat na kaming magpaalam kay Hanbin coz we have to go to our next subject na. 

 

"Pano? Mauna na kami sa'yo ha" paalam ko sa kanya. 

 

Tumango naman siya at ngumiti. Maatapos nun ay lumabas na kami ng cafeteria. Habang nauunang naglalakad ang ibang barkada namin ay biglang may ibinulong sa akin si Chaeng. 

 

"Disappointed ka no?" mapang usisang tanong nito. 

 

I creased mh brows and asked her what does she mean using my eyes. 

 

"Akala mo si Lisa no? Nag expect ka diba? Aminin mo na!" 

 

I rolled my eyes on her and she just chuckled. 

 

"Kasi naman ba't hindi mo na lang tawagan?" 

 

Pinagtaasan ko siya nang kilay sabay sabing, "And why would I do that?" 

 

I hate myself! Napaka indenial ko! Pero yung totoo naisip ko nang gawin yun kaso everytime na idadial ko na yung number niya naduduwag ako. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong sabihin eh. Nahihiya ako dahil unang una, ako yung nakipaghiwalay. 

 

"Coz you miss her? Halatang halata naman Jen! Three days na siyang wala sa klase at three days ka na ring wala sa sarili mo. Palagi ka na lang nakaabang sa pinto ng mga classroom natin. Aminin mo, you're waiting for her to come diba?" pangungulit ni Chaeng. 

 

I want to say yes, oo miss na miss ko na siya at inaantay ko talaga yung pagbabalik niya pero dahil napaka stubborn ko, hindi ko kayang sabihin yung totoo. 

 

"Wala akong alam sa sinasabi mo Chaeng" malditang sagot ko saka ko siya inirapan. Nauna na kong maglakad sa kanya dahil kung hindi, hindi niya ko tatantanan hanggang sa mapaamin niya ko sa tunay kong nararamdaman. 

 

"Hay naku! Bahala ka! Pag yun talaga nagpakasal wag kang iiyak iyak sakin ha!" pahabol na sabi pa nito sa likuran ko. 

 

I felt a pang in my chest hearing the possibility of Lisa getting married to someone else. Kakayanin ko bang makita siyang ikasal sa iba? Kaya ko ba? 

 

 

 

 

 


"Class dismiss" 


Sa wakas nagpadismiss na rin si Mr. Park. Usually, naeenjoy ko naman yung subject niya kaya lang hindi ko nagawa yun ngayon dahil lumilipad yung isip ko sa malayo. Salamat sa madaldal kong bestfriend. Dahil sa mga sinabi niya kanina hindi tuloy ako mapakali. Paano nga kung tuluyang magpakasal si Lisa sa babaeng yon? Hindi malabong mangyari yun lalo na ngayong wala na kami. Hindi niya na kailangang isipin yung nararamdaman ko. But a part of me is still hoping na hindi niya itutuloy ang kasal, na sakin pa rin siya babalik. Pero pano mangyayari yun kung ako mismo ang nagtulak sa kanya papalayo. Ako mismo ang nanakit sa kanya dahil sa pakikipaghiwalay ko. Oh my god! Mababaliw na ata ako kakaisip!

 

"JEN!"

 

Napabalik ako sa ulirat ng biglang isigaw ni Chaeng ang pangalan ko. 

 

"Ano ba Chaengi bat ka ba sumisigaw?" asar talong tanong ko. 

 

"Panong hindi ako sisigaw eh kanina pa kita tinatawag. Tulala ka na naman dyan!" depensa nito. 

 

"Bakit ba?" 

 

"Tara na! Uwi na tayo! Tayo na lang ang nandito oh!" inis na sabi nito. 

 

Napatingin ako sa paligid at napasimangot ng mapagtanto kong kami na nga lang ang naiwan dito sa classroom. Tumayo ako at saka isinukbit ang bag ko sa balikat ko. Lumabas kami ni Chaeng at dumiretso sa may parking lot. Naglalakad na kami papunta sa kotse ko nang may bigla akong naalala. Nagpapasama nga pala si Tita Belle mag grocery. Tatawagan ko na lang muna siya para sabihing dun na lang kami sa supermarket magkita. Hinalungkat ko ang bag ko habang naglalakad para hanapin ang phone ko. 

 

"Asan na ba yun? Alam ko dito ko lang nilag--- what the !" banggit ko nang may biglang bumangga sa aking estudyante. 

 

Nalaglag ang bag ko at nagkalat ang mga gamit ko sa lapag. Dali dali akong yumuko para likumin yung mga gamit ko nang hindi tinitignan yung nakabangga sa akin. Bakit ba wala nang magandang nangyari sa araw na to?


"I'm sorry miss. Di ko sinasadya" 

 

Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang malalim at  pamilyar na boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko lalo na nung hinawakan niya ang kamay ko para iabot sa akin yung mga gamit ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko at para akong napako at di makagalaw sa kinaroroonan ko. 

 

"Miss okay ka..." napahinto siya sa pagsasalita nang iangat ko ang ulo ko at nagtama ang mga mata namin. 

 

Totoo nga. Hindi ako nag iimagine at mas lalong hindi ako nananaginip. Si Lisa nga ito. Yung taong ilang araw ko nang hinihintay. Yung taong sobrang miss na miss ko na. 

 

"Jen" bulong niya. Halata kong nagulat rin siya nang makita niya ko dahil bahagyang nanlaki ang mga mata niya. 

 

Napatitig ako sa mga mata niya at ilang sandali pa ay bumaba na ang tingin ko sa mga labi niya. Those plump lips that I missed so much! Gusto ko siyang yakapin at halikan pero hindi ko magawa. Gustong pumatak ng mga luha ko pero pinipigilan ko. Napansin ko rin sumulyap siya sa mga labi ko pero agad niya ring inalis ang tingin niya roon at saka ako inalalayang tumayo. Inaabot niya sa mga kamay ko ang mga gamit ko at agad na bumitiw sa pagkakahawak sa akin. Gusto kong sabihing wag siyang bumitaw pero parang sobrang natuyuan ako ng laway at walang salitang lumalabas sa bibig ko. 

 

"You okay?" she asked and I just nod my head. 

 

This is awkward. Sobra!

 

"Kamusta ka na?" tanong niya. 

 

I was about to answer her question nang biglang may tumawag sa akin. Lumingon ako and I saw Hanbin running towards us. 

 

"Jen you forgot your phone buti na lang naabutan pa kita" he said habang humihingal pa dahil sa pagtakbo niya. 

 

Nagulat rin siya nang makita si Lisa. 


"Lisa" bulong niya. 

 

Lalo akong kinabahan dahil baka mamaya magbugbugan na naman tong dalawang to. Nag aalala lang ako para kay Hanbin dahil kalalabas niya lang galing ospital. Ayokong maconfine na naman siya. But to my surprise, Lisa smiled at him and nod her head. Ganun din naman ang ginawa ni Hanbin. Parang kelan lang parang gustong magpatayan nitong dalawa tas ngayon may tanguan nang nagaganap? 

 

Hanbin hand me my phone and I thanked him in return. 


"Sabay ka na sa'kin umuwi?" tanong niya. 

 

Hindi ko alam pero bigla akong lumingon sa direksyon ni Lisa. I was hoping to see something on her face, maybe jealousy or something or maybe I am waiting for her to say na wag akong pumayag pero wala. Her face was no expression at all. Yung mukha nung dating Lisa na walang pakialam sa akin. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko na pilit kong tinatago. Baka nagsasawa na siya? Baka napagod na siya sakin? Baka tanggap niya na, na wala na kami? Baka naka move on na siya? Baka hindi niya na ko mahal? Sobrang dami nang umiikot sa isip na mas lalong nagpapabigat ng dibdib ko hanggang sa nagpaalam na siya para umalis. 

 

"Una na ko sa inyo ha. May kailangan pa kong gawin sa SC office" paalam niya na tinugon lamang ni Hanbin ng pagtango. Samantalang ako, ako eto tulala at walang masabi habang pinagmamasdan ko ang likuran ni Lisa na naglalakad papalayo sa amin hanggang sa mawala na siya ng tuluyan sa paningin ko. 

 

Doon na bumuhos ang lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilang umagos. I cried so hard kasi sobrang sakit. Ganito siguro yung naramdaman niya nung mga panahong sinusubukan niya kong suyuin pero iniignore at pinagtatabuyan ko lang siya. You don't have the rights to cry Jennie. Kasalanan mo yan. Paninisi ko sa sarili ko. 


"Ano, tutunganga ka na lang dyan?" banggit ni Hanbin na naging dahilan para bumalik ako sa katinuan. I looked at him with creased brows. 


"Wala ka bang gagawin? Hahayaan mo na lang siyang mawala sa'yo? Ikaw ba talaga si Jennie? Kasi parang hindi eh. Dahil yung Jennie na kilala ko, matapang at hindi natatakot ipaglaban kung ano yung gusto niya" dagdag niya pa. 


"He's right! Yung Jennie na bestfriend ko palaban at hindi nagpapatalo! Diba nga, what Jennie wants Jennie gets!" napatingin ako sa bandang likuran ni Hanbin and there I saw my bestfriend Chaeng smiling at me. 

 

"Go Jen! Kunin mo kung ano yung dapat para sa'yo!" utos ng bestfriend ko. 

 

Habang humihikbi napaisip ako sa mga sinabi nila. Tama sila eh. This is not me. Wala sa bokabularyo ko ang sumuko. I've been through a lot in life and this is nothing compared to those. Huminga ako ng malalim at saka pinahid ang mga luhang ayaw pumapatak mula sa mga mata ko. Ngumiti ako nang malapad at saka tumango sa kanila. 

 

"What Jennie wants, Jennie gets" I said and they both smiled at me proudly nodding their heads. 


"Thank you guys!" sabi ko pa saka tumungo sa direksyong pinuntahan ni Lisa. 

 

"I will get you back Lisa!" 

 

 

 

 

 

 

 

 

-------

LAST CHAPTER NA NEXT!!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author