Ch 43

BAD CHICK

One week had passed since the incident between Lisa and Hanbin happened. Sa loob ng isang linggong yun wala kaming ginawa ni Lisa kundi ang mag iwasan. Ang sakit sa puso sa tuwing magtatama ang mga mata namin at siya ang unang mag aalis ng tingin. Aaminin ko, sobrang miss na miss ko na siya. Sa tuwing magkakasalubong kami sa classroom, sa cafeteria, o sa parking lot ng school, wala akong ibang gustong gawin kundi ang yakapin at halikan siya. Gusto kong bawiin lahat ng mga nasabi ko sa kanya. Gusto kong sabihing bumalik na siya sa'kin pero hindi ko magawa dahil sa tuwing nakikita ko siya, bumabalik sa isip ko lahat ng sinabi niya sa'kin ng gabing yun pati na rin lahat ng sakit na dulot nun. Alam ko at kita ko rin naman sa mga mata niya kung gaano siya nasasaktan sa sitwasyon namin ngayon. At alam ko ring nirerespeto niya lang naman kung anong gusto ko. At dahil ginusto ko 'to, kailangang panindigan ko 'to. Masakit oo, pero kailangan ko 'to hindi para sa kanya kundi para sa sarili ko. Masyado ko kasing ibinigay ang buong sarili ko sa kanya hanggang sa puntong hindi ko na kilala yung tunay na ako. Sa halip na magmukmok at isipin ko siya sa linggong nagdaan, itinuon ko ang atensyon ko sa ibang bagay. I've made myself busy sa academics. Lumalabas rin ako paminsan minsan kasama ng mga kaibigan ko. Sobrang thankful ko dahil andyan sila para suportahan ako. At araw araw, dumadalaw ako kay Hanbin sa ospital para kamustahin ang kalagayan niya. 

 

"Kamusta ka na?" tanong ko habang isinasalin ko sa paper plate ang pasalubong kong pansit na paborito niya. 

 

"Okay na ko. Sabi ng doktor pwede na kong lumabas bukas" nakangiting sagot niya habang pinagmamasdan ako sa ginagawa ko. 

 

"Mabuti naman" nakangiti kong sabi. Iniabot ko sa kanya ang plato ng pansit at agad niyang nilantakan iyon.

 


"Ang sarap talaga nitong pansit ni Aling Marya. Kahit araw araw ko talaga 'tong kainin di ako magsasawa" banggit niya kahit na puno ng pansit ang bibig niya.

 

"Don't talk when you're mouth is full" tatawa tawa kong sabi. Tumawa lang siya at nagpatuloy sa pagkain. 

 

Pinagmasdan ko lang siya habang busy siya sa pag ubos nung pansit na dala ko. Kumpara nung mga nakaraang araw, mas okay na yung itsura niya ngayon. May mga pasa pa rin siya sa mukha lalo na dun sa na cut na parte sa may kilay niya pero nawala na yung pamamaga. Naimumulat niya na rin ng maayos ang mga mata niya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa kayang gawin ni Lisa kapag nagagalit siya. Di maikakailang black belter nga siya sa Taekwondo. Biruin mo ba namang magawa niyang bangasan ang mukha ni Hanbin ng ganito. 

 


"Alam ko na Jen" bigla siyang nagsalita kaya napakurap ako at napakunot ng noo. 

 


"Alam ko namang gwapo pa rin ako kahit basag ang mukha ko pero wag ka namang masyadong pahalata. Titig na titig eh" mapang asar na banat nito. 

 

"Kapal ng mukha mo!" sabi ko sabay irap dito. 

 

Nagtawanan lang kaming dalawa hanggang sa bigla na lang siyang sumeryoso kaya ganun rin ako. 

 

"What?" maldita kong tanong sa kanya dahil siya naman ang nakatitig sa'kin ngayon. 

 

Ngumiti siya bago nagsalita. 

 

"Kamusta ka?" 

 

"Ayos lang" sagot ko na may pilit na ngiti sa mga labi. 

 

"Jen kahit wala na tayo kilalang kilala pa rin kita. Yung totoo?" 

 


Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya, only to find him looking at me seriously with worried eyes. 

 

"Still trying to move on. Mahirap pero sinusubukan ko"

 

He nods his head. 

 

"Do you really have to do this?"

 

I furrowed my brows and asked, "What do you mean?"

 

"Do you really have to broke up with her?"

 

Niyuko ko ang ulo ko para itago ang emosyon ko at yung nagbabadyang luha sa mga mata ko. 

 

"I have to. Kasi kung hindi, mauubos ako"

 

I was taken a back when he suddenly hold my chin and lifted my head. 

 

"Do you still love her?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. 

 

I didn't hesitate to nod my head. Kahit naman anong pilit ko sa sarili kong wag na siyang mahalin, hindi ko kaya. Sa tuwing nakikita ko siya, sa tuwing naririnig ko siya, God knows how much I wanted her back. Pero anong gagawin ko kung universe na mismo ang pilit na naghihiwalay sa aming dalawa. 

 

"Then why?" 

 

I creased my forehead contemplating on his question. 

 

"What do you mean why?"

 

"Why are you choosing to hurt yourself kung pwede mo namang piliing maging masaya?"

 

"Kung ganun lang sana kadali, kaso hindi eh. She lied to me. She hurt you. And she's getting married to someone that's not me"

 

Masakit man pero sa tuwing gugustuhin kong bumalik kay Lisa, ang mga yan ang pumapasok sa isip ko. 

 

"I get your point Jen. Sobrang sakit mapagsinungalingan. Pero hindi mo ba naisip na baka kaya niya lang nagawa yun dahil ayaw niyang masaktan ka? Dahil sobrang mahal ka niya. At kung iniisip mo yung pananakit niya sa'kin, deserved ko 'to Jen. Kulang pa nga 'to kumpara sa lahat ng sakit na naidulot ko sa'yo nung niloko kita. Naiintindihan ko na nasaktan ka dahil pakiramdam mo wala siyang tiwala sa'yo pero alam kong pinagsisisihan niya na yun. Kahit sino naman magwawala kapag nakita mo yung girlfriend mo na hinahalikan ng ex niya, diba? Kung ako yun, baka nakapatay pa ko" tatawa tawang sabi niya.

 

"Sobrang mahal ka niya, Jen. At kung ako yung tatanungin, I would give you up to someone like her. Just give her another chance" dagdag niya pa. 

 

Iniangat ko ang ulo ko nang walang pakialam sa mga luhang patuloy na umaagos mula sa mga mata ko. Hanbin smiled at me. I saw different emotions in his eyes. He was smiling but I can still see that he's hurting.  

 

"Why are you saying these things to me?" tanong ko habang nanginginig pa aking boses dahil sa sobrang pag iyak. 

 

"Coz I hate seeing you like this. You were smiling but you couldn't hide the fact to me that you're hurting inside. Nagrereflect yun sa mga mata mo, Jen. Only her could make you smile genuinely" he's smiling but I can see tears on the corner of his eyes. 

 

I hugged him coz I can't help it and he welcomed me instantly. He hugged me tight and start caressing my back to soothe me. His words pierced right through my heart pero hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sundin. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip niya at nasabi niya ang mga bagay na yun. Nung mga nakakaraan lang gusto niyang makipagbalikan sakin and now he's pushing me to get back to Lisa. 

 

Hanbin nakakainis ka. Bakit kailangan mong guluhin yung isip ko ng ganito?

 

 

 

----

Isang malalim na buntong hininga na lamang ang nagawa ko ng magpaalam na si Jennie na umuwi matapos niyang dumalaw sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para kumbinsihin siyang makipagbalikan kay Lisa. I would lie kung sasabihin kong hindi masakit, kasi ang totoo sobrang sakit na ipagtulakan ko siya papunta sa iba. Pero anong magagawa ko kung hindi na ako ang mahal diba? At aminin ko man o hindi, talagang deserve nila ang isa't isa. I sat on my hospital bed thinking about the things happened yesterday.

 

Flashback

"Ano ba namang klaseng mga palabas 'to puro kacornyhan" bulong ko sa sarili ko, hawak ang remote control at hindi mapakali sa paglilipat ng channel ng tv. 

 

Knock... knock... knock

 

I looked at the door of my hospital room with creased brows. Sino namang pontio pilato ang dadalaw sakin ng ganitong gabi na. 

 

"Come in" 

 

Dahan dahang bumukas ang pintuan at isang hindi inaasahang bisita ang pumasok. 

 

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko. 

 

Lumapit siya sa kinaroroonan ko bago siya nagsalita. Pinagmasdan ko pa siya habang humuhugot nang isang malalim na paghinga. 

 

"I came here to apologize" mahinang sabi niya. 

 

Apologize? Seriously? The great and mighty Lisa Manoban, nagsosorry? 

 

Hindi ako nagsalita bagkus ay tinignan ko lamang siya ng tahimik. 

 

"Jennie broke up with me because of what I did" mahinang sabi niya na ikinagulat ko pero hindi ko ipinahalata. I know how much Jennie loves her kaya hindi ako makapaniwalang hiniwalayan siya nito. 

 

"So you came here to apologize so Jennie would forgive you?" 

 

She shook her head. 

 

"Alam kong hindi mababawi ng sorry ko yung mga nangyari at hindi na mababago nito yung isip ni Jen but still, I want to do it. I am sorry coz I know what I did was wrong. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko pero alam kong naiintindihan mo rin kung ba't ko nagawa yun. Maski naman ikaw yung nasa posisyon ko, I know you would do the same"

 

Hindi pa rin ako nagsalita hanggang sa nagpaalam na siyang umalis. 

 

"Naiintindihan ko kung hindi mo matatanggap yung sorry ko. Sapat na sakin na nagawa ko 'to at pinakinggan mo ko. Mauna na ko. Pasensya na sa istorbo" she turn her back on me but I stopped her. 

 

"Lisa sandali" tawag ko sa kanya. 

 

Muli siyang humarap sa akin at naghintay sa aking sasabihin. 

 

"Mahal mo ba talaga si Jennie?"

 

I know she was caught off guard sa tanong ko. Malamang ay hindi niya inaasahang itatanong ko ito sa kanya. 


"I do. So much" 

 

"Then why? Why is it hard for you to trust her?" 

 

I saw how her expression changed. Her earlier poker face was gone and sadness is now evident on it. I watch as she swallowed the lump in before she speak. 

 

"Coz I am so dumb. Jennie gave me all of her but I was too blinded by her past that I refused to believe her, trust her. She loves me so much pero hindi ko nagawang makita yun. Napakatanga ko. Tama lang na nakipaghiwalay siya sakin coz I don't deserve her. She deserve someone na kayang suklian yung all out niyang pagmamahal. Not someone na wala nang ginawa kundi ang saktan siya" 

 

I saw tears escaped her eyes but she's too quick to wipe those tears away. I looked away so she won't feel embarassed of herself crying in front of me. 

 

"!" I heard her say kaya napalingon ako sa kanya. 

 

She chuckled and said, "I'm sorry. You're not suppose to see me crying but these tears. I can't help it"  iniyuko niya ang mukha niya para itago ito sa akin. 

 

"Do you really love her?" I asked. 

 

Iniangat niya ang ulo niya at saka ngumiti. 

 

"Sobra! Sobrang mahal na mahal ko siya" tugon niya nang nanginginig pa ang boses dahil sa pagpipigil ng iyak. 

 


Sandali kaming natahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung may dapat ba akong sabihin. 

 


"! It hurts so much! If I could only get her back, I will. Gagawin ko ang lahat para lang iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kaya lang wala na. Wala na siya eh. She broke up with me coz I'm a mess and I hurt her" muli siyang yumuko habang malakas na  humihikbi. 

 


Nakaramdam ako ng awa habang pinagmamasda ko siyang umiiyak. Hindi dapat ganito yung nararamdaman ko eh. Dapat masaya ako that Jennie broke up with her pero bat ganun? I feel otherwise. Naawa ako kay Lisa at nakokonsensya dahil ako ang dahilan kung ba't siya hiniwalayan ni Jen. Pinanood ko lang siya habang pinapahid ang mga luha niya gamit ang kanyang kanang braso. Ni minsan hindi ko naimagine na ang isa sa pinakamatalino at pinakamaimpluwensyang estudyante ng university ay iiyak sa harapan ko dahil lang sa isang babae. She really love her that much para magkaganito siya.  Hindi na ko nagsalita pa dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kaya hinintay ko na lang siya na kumalma. Nang humupa na ang pag iyak niya ay saka na siya nagpaaalam para umuwi. 

 

"Pasensya ka na. Hindi ko na kasi napigilan yung nararamdaman ko. Ilang araw na rin akong umiiyak, akala ko nga ubos na pero hindi pa rin pala. At dito pa talaga. Nakakahiya. Pa'no Hanbin una na ko. I'm sorry ulit" paalam niya. 

 

Tumango ako at saka niya ako tinalikuran. Hawak niya na ang doorknob ng pinto hospital room ko nang muli ko siyang tawagin. Lumingon siya sa akin. 

 

"Lisa, if you truly love her, hindi mo siya hahayaang mawala" 

 

 

 

 

 

 

 


----
Sorry na ngayon lang ulit nakapag update. Sobrang busy ko lang talaga. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author