Ch 11

BAD CHICK

"Good morning" 

 

Nagulat ako ng may biglang bumati sakin pagbaba ko ng kotse ko. Paglingon ko, I saw Lisa smiling widely at me habang nakasandal siya sa pinto ng driver seat niya. Sinagot ko naman siya ng isa ring matamis na ngiti. 

 

"Good morning den sayo. Kanina ka pa dyan?" 

 

"Oo" nakangiting sagot niya.

 

Puchang ngiti yan nakakapanghina ng tuhod. Kinikilig na naman ako. Jennie relax! Cool ka lang wag ka masyadong pahalatang kinikilig ka. 

 

I composed myself and smiled a little. Yung pabebeng ngiti lang. 

 

"Ba't sobrang aga mo naman ata?" tanong ko ulit. 

 

"Hinihintay kita eh" sabi niya ng nakangiti while staring straight into my eyes. 

 

My eyes widened and my heart started beating so loud. Putek to pafall! Pag ako nahulog at di ako sinalo nito sinasabi ko talaga makakapanakit talaga ko. 

 

I cleared my throat. 

 

"Bakit naman?" sagot ko habang sobrang pilit na wag mautal sa pagsasalita sa harapan niya. 

 

"May ibibigay kasi ako sayo" sabi niya at pagtapos ay binuksan niya ang pinto ng kotse niya at may kinuha sa loob. Pagharap niya sakin ay inabutan niya ko ng Starbucks. 

 

"White Chocolate Mocha for you" nakangiting sabi niya.

 

Teka pano niya nalaman?

 

"Pano mo nalaman yung favorite flavor ko?" nagtatakang tanong ko. 

 

Don't tell me inistalk niya ulit ako. Pero wala naman akong tweet na patungkol sa paborito kong kape kaya imposible. 

 

"Gut feelings?" 

 

Gut feelings huh! Mukha mo! Sinong niloko mo? Alam kong may ginawa ka kaya mo nalaman. Pero kahit ano pa yun di na mahalaga. Ang mahalaga sobrang saya ko at sobrang kinikilig ako!

 

I smiled and nod bago ko yun tinanggap. 

 

"Thank you" 

 

"I'm glad you liked it" 

 

Pagtapos nun ay sabay na kaming naglakad papasok sa university at sa klase.

 

Nasa gate pa lang kami ay nakaagaw na agad kami ng atensyon. Pano ba namang hindi eh magkasabay na pumasok ang isa sa pinaka kilalang mortal enemies nang university na ito. The University Student council President and the University's Bad walking together in peace. Alam kasi ng lahat ng estudyante rito na my group of friends including me don't get along with her. Pano nga kasi mga pasaway kami at kadalasang taga break ng rules ng eskwelahang to. Nagkataon lang na walang magawa ang mga professors and even board of directors ng school dahil mayayaman lahat ng mga kabarkada ko, kaya hindi nila magalaw. Pero kung may isa mang hindi natatakot samin, walang iba kundi si Lisa lang. Lisa came from the family of Doctors and Engineers. Isa sa pinakamayamang pamilya sa university nato. Her parents are alumni here as well kaya nirerespeto talaga ang apelyidong Manoban dito. Well, bukod naman den kasi sa yaman nila, maipagmamalaki rin nila ang sobrang katalinuhang nananalaytay sa dugo at pangalan nila. All Manobans who studied here brought pride to this school kaya sobrang tinitingala at hinahangaan talaga sila. Even Lisa, she represented and won a lot of  scholastic contest in and out of the country. Kaya nga nung tumakbo yan para sa student council, walang naglakas loob na lumaban sa kanya pagkapresidente. 

 

Students make way for us at nung marating na namin ang college of Enginering ay agad na nagsipulan na ang mga estudyanteng nakatambay roon. This scenario was just normal to me but to Lisa, it isn't. 

 

"Hi Jennie!"

 

"Wow! Buo na araw ko nakit ko na si crush!"

 

"Jennie ang y mo naman!"

 

"Jennie notice me senpai" 

 

I can see on my peripheral view that she's not loving the attention we're getting. Well technically, para sa kin lang naman yung mga sipol at komento na yun pero dahil kasama ko siya alam kong rinig niya yung mga pagbati at komento sakin ng mga estudyanteng nakaabang sa pagdating ko. And based on what I see, she looks mad. I even saw her jaw clenched while she's glaring at the guys na sumisipol at tumitingin sa legs ko. She looks like she wants to strangle each one of them. Gusto kong kiligin pero ayokong mag assume. Iaapproach ko sana siya kaso bigla siyang naglakad ng mabilis. I fastened my pace as well kaso dahil sa haba ng mga biyas niya nahirapan akong habulin siya kaya ayun napag iwanan ako.

 

 

 

 

 

 

-----

Lisa's POV

 

Pagpasok pa lang namin ng gate, agaw eksena na agad yung presensya ni Jennie. Yung iba alam kong nagulat dahil nakita nila kaming magkasama, pero yung iba alam kong inaabangan talaga siya para pagpiyestahan na naman yung nakalantad niyang legs. Pati si Manong guard na imbes na magbag check sa mga pumapasok na estudyante, eh sa legs niya rin nakatingin. Ito naman kasing babaeng to, lagi na lang kapos sa telang damit at palda ang suot. Kaya yung mga manyakis na estudyante di mapa- ire. 

 

I glared at that guard at mabuti naman at mukhang natauhan at inalis niya ang tingin sa hita ni Jennie. Pero siyempre hindi umubra yung tingin ko sa mga estudyanteng pasaway. Habang naglalakad kami, I heard different comments na para sakin nakakabastos pero para kay Jennie parang wala lang. Nagngalit ang panga ko sa inis. Parang biglang gusto kong manapak kaso alam kong hindi pwede. I am the student council president at may pangalan akong pinangangalagaan dito kaya hindi pwede. Diretso lang ang tingin ko at pilit na iniignore yung mga komento nila. Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko nakatingin si Jennie sakin. Alam kong napapansin niya na yung pagbabago sa mood ko pero hindi ko siya magawang tignan. Kakabati lang namin at ayokong pagsabihan siya sa the way niyang magsuot ng damit dahil sigurado akong pagmumulan lang yun ng panibagong away. Wala naman din kasi akong karapatang pakialaman siya tungkol dun. Pero hindi ko talaga maiwasang magalit. Imbes na sumabog ako sa galit sa mga naririnig ko, naglakad na lang ako ng diretso leaving her behind. I can hear her called my name pero hindi ako lumingon at nagtuloy tuloy lang sa pagpasok sa room. 

 

Agad akong umupo sa pagitan ni Jisoo at Seulgi at pagtapos ay saka ako naglabas ng isang malalim na buntong hininga. 

 

"Oh anong nangyari sayo?" tanong ni Seul.

 

"Wala" sagot ko habang umiiling. 

 

Napagawi naman sa may pinto ang mga mata ko and I saw Jennie. Medyo hinihingal pa siya. Malamang dahil yun sa paghabol niya sakin. Her eyes landed on me at mukhang naguguluhan siya kung bat ko siya biglang iniwan. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Ayokong kasing mabasa niya ang nararamdaman ko. Hindi ko din kasi alam kung bakit ganun na lang yung inis na naramdaman ko kanina habang pinagpipiyestahan nung mga estudyante sa labas yung katawan niya. 

 

Kahit na hindi ako nakatingin, pansin kong sakin siya nakatingin habang naglalakad siya paupo sa upuan niya. 

 

I shut my eyes closed. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Naiinis ako sa mga nakatingin sa kanya at naiinis din ako sa kanya dahil ang ganda ganda niya at napaka agaw eksena niya. Now, pano ko magpapaliwanag sa kanya? Anong sasabihin ko kapag tinanong niya ko kung bat ko siya biglang iniwan? Kahit na gustuhin ko mang iwasan siya, hindi naman pwede dahil mamaya may PE class kami at siya pa ang partner ko. Hindi pwedeng ganito kami. Kasalanan ko to eh! So, pano na? 

 

Aish! Padalos dalos ka kasi Lisa! Well, bahala na. Bahala na lang mamaya. 

 

 

 

 

 

 

 

--------


Jennie's POV

 

Kanina pa ko tahimik habang nakatitig lang ako kay Lisa. Sa tuwing magtatama ang mga paningin namin, bigla na lang siyang umiiwas. Hindi ko alam kung bakit bigla na naman siyang naging snob samantalang kanina ang saya saya pa namin sa may parking lot. Nagkaganyan lang naman siya nung nagsimulang magcomment yung mga estudyante sa labas eh. Teka nagseselos ba siya? 

 

Gusto kong matuwa at isiping oo nagseselos siya kaya lang ayokong mag assume dahil masama yun. Masama sa puso ang pag aassume. Kasi pag mali yung inassume mo masasaktan ka lang.

 

Pero ano pa nga bang ibang dahilan para magkaganyan siya? Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kaya mas mabuti pa itanong ko na lang sa kanya ng personal tutal may PE class naman kami mamaya at doon siguradong hindi niya na ko pwedeng iignore. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

------

Comeback na bukas putek!! Handa na ba kayo??? Can't wait for tomorrow! Power stream blinks ha!!! Let's not fail our Queens!! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author