Ch 10

BAD CHICK

Palabas na kami ng university ngayon galing sa grandstand. Nagdesisyon kaming dalawa na wag na munang pumasok sa mga sumunod naming klase. Nag stay lang kami dun at nagkwentuhan. Andami kong nalaman tungkol sa kanya. Like, mahilig pala siya sa photography katulad ko, mahilig den siya sa pasta at  fries. Tapos favorite niya ang chocolates at chocolate milk. Then mahilig pala talaga siyang sumayaw. Sabi niya sumasali siya sa mga contest nung highschool kaya sobrang naeexcite tuloy lalo ako sa magiging dance performance namin. 

 

Hinatid niya ko sa parking lot at nagulat ako ng makita ko sila Chaeng at ang buong tropa na nag aabang sakin kung saan nakaparada yung kotse ko. 

 

"Hi guys" nakangiting bati pa ni Lisa sa kanila. 

 

Lahat sila hindi maipinta ang mukha. Mga mukhang takang taka kung bakit kami magkasama ni Lisa ngayon. Gusto kong tumawa dahil sa mga nakakatawang itsura nila pero pinigilan ko ang sarili ko. 

 

"Thank you ulit, Jen. See you tomorrow" nakangiting sabi ni Lisa before she bid her goodbye. 

 

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango, "See you" 

 

Pagtapos nun ay pinanood ko na siyang lumakad palayo sa amin. Humarap ako sa mga kaibigan ko na ang sasama ng tingin sakin but I just choose to ignore how they looked at me. 

 

"Tara na. Uwi na tayo" sabi ko sabay lakad papunta sa driver seat ng kotse ko pero bago pa ko makasakay ay biglang nagsalita si Jackson. 

 

Napahinto ako at napatingin sa kanya.

 

"Ano yun? Ba't kayo magkasama ng kumag na yun?" 

 

Looking at him, I can see that he's mad but I don't care. This is what I hate about this guys. Feeling boyfriend kasi palagi ang peg where in fact I don't give a on what he feels towards me. He's a good friend but it irritates me when he's acting like this.

 

"She said sorry so I forgave her" walang ganang sabi ko. 

 

"At pinatawad mo naman agad? And what? You're befriending her now? Jen baka nakakalimutan mo na yung sinabi nung babaeng yun sayo? Dapat dun binabanatan para magtino eh" sigaw niya. 

 

Nagpanting ang tenga ko. Ayoko na sanang patulan kaso masyado na siyang madada. 

 

"Pwede ba Jackson! Stop acting like a sick boyfriend coz you're not. You're just my friend kaya wala kang karapatang diktahan ako kung sino ang papatawarin ko at kung sino ang kakaibiganin ko. Naintindihan mo? Walang kang pakialam kung gustuhin ko mang kaibiganin si Lisa!" 

 

Tinalikuran ko siya pero agad din akong humarap dahil may gusto pa pala kong idagdag sa mga sinabi ko. I walked towards him and I leaned closer to his right ear. 

 

"And don't you dare hurt her Jackson. I'm warning you" I whispered. 

 

Tuluyan ko na siyang tinalikuran. Nagpaalam na rin ako sa tropa. Chaeng and I went home together. 

 

 

 

 

 

 

 

 

"So, care to explain why are you with her?" tanong ni Chaeng habang nasa loob kami ng sasakyan pauwi. 

 

"Hinanap niya ko. Tas nagsorry siya" sabi ko without looking at her. 

 

I bit my lower lip para pigilan ang sarili ko sa pagngiti but I failed dahil kilalang kilala ako nitong kasama ko. 

 

"Hay naku Jennie Kim wag mo nang pigilan yang ngiti mo! Tayong dalawa lang naman yung nandito!" she sarcastically said before she rolled her eyes on me. 

 

Hindi ko na pinigilan at ngumiti na ko ng napakalapad. Sobrang saya ko kasi. 

 

"Halata ba?" tanong ko.

 

"Na kilig na kilig ka? Oo! Halatang halata! Kulang na lang sumabog na yang fluffy cheeks mo sa sobrang pula oh! Ano ba kasing nangyari? Saka san ka niya nahanap at pano?" usisa niya pa sakin. 

 

Ikwinento ko kay Chaeng yung mga nangyari at pati siya kilig na kilig din.

 

"So, di ka na galit sa kanya?" 

 

I shook my head nang nakangiti pa rin. Ewan ko ba. Pero mukhang walang makakapag alis ng ngiting to sa mga labi ko. 

 

"Hindi naman ako nagalit sa kanya eh. Alam mo namang hindi ko kayang magalit dun. Mahal ko kaya yun kahit na napaka manhid nun. Nahurt lang naman kasi talaga ko sa sinabi niya" 

 

Huminga naman siya ng malalim at tumango. Oo, matagal na kong may gusto kay Lisa pero hindi ko magawang umamin sa kanya. Feeling ko kasi hindi ako magugustuhan nun. Ni hindi nga ko napapansin nun eh. Siya lang yung katangi tanging estudyante sa university na walang epek ang charisma ko. Pag kaharap ko siya feeling ko ang pangit pangit ko. Wala kasing epek yung pagpapapansin ko at pagpapaganda ko sa harapan niya. Siguro ang mga tipo niya eh yung parang siya. Prim and proper. Hindi yung katulad ko na wild and loud. Sobrang opposites kami kaya nakakawalang pag asa. Pero siyempre hindi pa rin ako susuko. Diba nga sabi ko, what Jennie wants, Jennie gets. Kaya sisiguraduhin kong mahuhulog din siya sa bitag ko at pag nangyari yun, sigurado namang sasaluhin ko siya at di na pakakawalan pa. 

 

"Pano niya naman kasi manonotice yang feelings mo eh lagi mo siyang kinokontra at inaasar. Eh imbes na isipin niyang may gusto ka sa kanya, malamang ang iisipin nun pinagtitripan mo siya" 

 

Napasulyap naman ako kay Chaeng pero agad ko ring ibinalik sa daan ang tingin ko. 

 

"Alam mo Chaeng kung di ko gagawin yung mga pang aasar sa kanya eh di hindi niya ko mapapansin at wala  kaming mapag uusapan. Pero kapag naasar siya sa akin, atleast may reason ako para magsorry sa kanya. By that, malalapitan ko siya at makakausap" dahilan ko. 

 

Chaeng smirked and shook her head. 

 

"Ewan ko sayo Jen! Bahala ka na nga sa gusto mong gawin. Malaki ka naman na eh" 

 

"Basta Chaeng just trust me. Sigurado akong magwowork tong diskarte ko. Magiging akin din yang si Manoban. Pakipot lang yan eh" nakangiting sabi ko while wiggling my brows. 

 

 

 

 

 


Nang maihatid ko na si Chaeng sa kanila ay dumiretso na ko sa pag uwi. Pagpasok ko pa lang bahay ay amoy na amoy ko na agad ang masarap na niluluto ni Tita. Agad akong pumunta sa kusina at doon ko siya nakitang masayang nagluluto habang pasayaw pasayaw at pakanta kanta pa. Niyakap ko siya mula sa likuran. 

 

"Ambango naman niyan ta!" 

 

Tumawa muna siya at humarap sakin bago siya nagsalita. She pulled out from the hug and she looked at me. 

 

"Aba! Ang aga mo ata? At tama ba tong nakikita ko? Hindi ka lasing Jennie? Teka nga, may lagnat ka ba?" OA na sabi ni tita. Ipinatong niya pa ang palad niya sa noo ko as if checking my temperature kung nilalagnat ba talaga ko. 

 

"Wala ka namang lagnat" nakangiting sabi niya. 

 

"Tita ang OA ah. Para namang lagi akong umuuwing lasing?" sabi ko ng nakapout pa. 

 

"Eh bakit hindi ba?" sabi niya sabay angat ng mga kilay niya. 

 

Natawa naman ako. Totoo naman kasing palaging lasing akong umuuwi sa bahay. Palagi kasi kaming nagkakaayaan na magbar kaya ayun laging wasted pag umuuwi ako. Sa totoo lang ngayon lang ako umuwi ng matino at ganito kaaga. 

 

Hinahayaan lang ako ni tita at never niya kong pinagalitan kahit na palagi akong lasing umuuwi. Ang katwiran niya, malaki naman na daw ako at alam ko na kung anong ginagawa ko. 

 

"Oo na nga, sabi ko nga po" nakangiting sabi ko. 

 

"Eh bakit mukhang masayang masaya ka?" biglang tanong ni Tita sakin. 

 

Ganun ba kahalatadong masaya ko at napansin niya agad yun?

 

"Wala naman tita" nakangiting sagot. 

 

Tinaasan niya naman ako ng kilay. 

 

"Wag ako Jennie. Papunta ka pa lang pabalik na ko. So, may kinalaman ba to dun sa cutie pie na palagi mong dinodrawing?"

 

Nagulat ako sa tanong ni Tita. Pano niya nalaman yung tungkol sa mga drawings ko? 

 

"Ano ngang pangalan nun? Lisa? Ah oo Lisa nga!" dugtong  niya pa. 

 

Aba! At pati pangalan alam? Mahilig kasi akong magdrawing at pag inspired ako palagi ko siyang dinodrawing at nilalagyan ko ng pangalan niya yung bawat drawing ko. 

 

"Tita! Pano mo nalaman yan?" tanong ko. 

 

"Nakita ko kasi yung sketchpad mo na pakalat kalat nung naglinis ako ng kwarto mo. Nacurious ako kaya tinignan ko. Ayun. Puro mukha niya ang laman. Kala ko nga nung una imagination mo lang siya eh. Pero nakita ko yung picture niya na nakadikit sa laptop mo. In fairness, maganda. Ang galing mo talagang pumili, mana ka talaga sakin!" kinikilig na sabi pa niya.

 

I shut my eyes closed and just heave a deep sigh. Natawa na lang ako sa reaksyon ni tita. 

 

"So, ano? Siya yung rason kung bat ka masaya?" 

 

I nodded my head. Tita Belle squealed na parang teenager na kilig na kilig. 

 

"Jowain mo na yan! Naku jackpot yan! Maganda magiging mga apo ko pag yan ang naging jowa mo!" tatawa tawang sabi niya. 

 

"Tita!" saway ko sa kanya. 

 

"What? Gusto mo rin naman diba?" tanong niya. 

 

"Opo, kaso di naman ata ako gusto" nakapout na sabi ko. 

 

"Alam mo hija, walang hindi nadadaan sa lande" sabi nito sabay tawa ng malakas.

 

"Tita!" saway ko ulit. Mapapailing ka na lang talaga sa mga kasabihan nito eh. 

 

"Biro lang. Kung talagang gusto mo, ipaglaban mo. Subukan mo. Wag kang susuko ng hindi mo pa sinusubukan. Sa ganda mong yan! Walang hindi luluhod sayong bata ka" sabi niya while tapping my cheeks. 

 

I smiled. Tama si Tita, walang sukuan. Sa ayaw at sa gusto mo, sa kin ka din babagsak Manoban. 

 

 

 

 

 

 

 

 

HAPPY JENLISA DAY!!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author